Chapter 32

Javi's POV

4 days since we met Ate Alice and Lance. Kinabukasan nun nakuha na din namin yung result ng MRI ni Lance and hindi nga ako nagkamali, may parehong kondisyon si Lance at Kuya.

"Javielle, are you the one who will do the surgery?" tanong ni Kuya habang nandito sila nila Ate sa clinic ko. Kasama naman ng asawa ko yung tatlong bata.

"Yes, Kuya. Kaya naman sa hospital na to," saad ko. "Don't worry, Kuya. I'll do everything to make Lance safe," nakangiting usal ko. "Ayokong may mawala na naman sa pamilya ko."

"I know, Thank you," tugon naman ni Kuya sa akin. Hinawakan naman ni Ate Alice yung kamay ko.

"Javi, please save my son.." naluluhang usal n'ya kaya hinawakan ko yung kamay n'ya.

"Gagawin ko ang lahat, Ate." Nakangiting usal ko.

Sabay sabay naman kaming napatingin sa pinto ng bumukas yun at pagod na mukha ng asawa ko ang bumungad samin kasama ang tatlo na nakangiti.

"Kaya pa?" tanong ko sa kanya. Umiling naman s'ya.

"Ang dami nilang gustong gawing tatlo. Iba iba pa!" saad n'ya na parang nagkukwento talaga.

"Okay lang yan. Praktis mo na yan," saad naman ni Kuya. Tumaas naman ang kilay ni Louie sa kanya habang naglalakad.

"Bakit ko kailangan magpraktis?" tanong n'ya sabay tingin sa akin. "Buntis ka?" gulat na tanong n'ya sa akin. Nagulat din naman ako.

"Ako?" turo ko pa sa sarili ko. "Hindi ah! Naniwala ka dyan kay Kuya," saad ko at binato ng papel si Kuya na ikinatawa n'ya lang.

"Sayang! Akala ko pa naman magkakababy girl na ko," lungkot na usal ni Louie sabay halik sa ulo ko.

"Baliw!" saad ko at hinampas lang s'ya. "Anyway! Ate, Lance surgery will be on friday at oo nga pala bago ko malimutan, sa bahay kayo mag new year ah! Sama kayo, we're family now kaya dapat nandoon kayo. Susunduin naman kayo n'yan ni Kuya Gelo," nakangiting usal ko.

"Talaga po, Tita Javi? Mag ne-new year po kami kasama kayo?" tanong ni Lance na mukhang narinig yung usapan namin.

"Oo, anak. Sama sama tayo," tugon sa kan'ya ni Kuya.

"Yehey! Hindi lang kami ni Mommy ngayon," masayang sigaw ni Lance tapos lumapit kay Jash. "Jashua! Do'n daw kami mag nenew year sa in'yo, usal ni Tita Javi." Masiglang usal n'ya kaya tumingin samin si Jash.

"Really Mama and Papa? Kuya Lance and Tita Alice will celebrate with us?" excited naman na usal nung isa kaya si Papa na n'ya ang sumagot.

"Yep! Kaya magclean ka ng room mo para do'n si Kuya Lance matulog sa new year," saad ni Louie naikinasimangot ni Jash habang kami natawa.

"I always clean my room naman po Papa," saad ni Jash habang nakanguso.

"Weh? Okay," biro ni Louie. Sira ulo to! Lagi na lang inaasar yung panganay n'ya!

Umalis na din naman agad sila Kuya dahil may pupuntahan daw sila. Hmm. Ewan ko kung okay na sila ni Ate Alice, pero I know, Kuya can handle that situation. Hihingi ng tulong yun kung hindi na n'ya kaya.

Sila Louie naman, umuwi na din dahil nagpacheck up lang naman si Levin kaya sila pumunta dito. Walang sakit si Levin. Nakasanayan ko lang na hangga't hindi pa 3 years old yung anak ko, hindi ko ihihinto makapacheck up. Ganun kasi yung ginawa namin kay Jash nung nasa Korea, to check if his healthy while growing.

--------------

Friday. Lance Operation Day.

Javi's POV

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa kwarto ni Lance. Kinakabahan ako kahit pamilya ko naman yung mga andito.

"Hi," bati ko sa kanila ng nabaling ang tingin nila sa akin.

"Hi Doc!" sabay naman na bati nila Kuya Liam, Kuya Van at Kuya Kiefer. Tinignan ko lang naman sila nang nakangiwi.

Epal talaga tong tatlong to!

"Jav," tawag sa akin ni Kuya kaya napatingin ako sa kan'ya. Wala sila Louie dahil may site visit yung isa kaya mamaya na daw s'ya pupunta.

"Kuya! Kinakabahan ako sa tingin mo! Relax lang," saad ko pero totoo na kinakabahan ako. Lagi naman tuwing gagawa ako ng surgery dahil iniisip ko yung pamilya ng pasyente ko.

Nagpaalala lang ako ng mga gagawin at kung anong oras ang surgery. Kinumusta ko na din si Lance tapos umalis na dahil mag hahanda na ko. Kailangan kong ikondisyon yung sarili ko. Kailangan kong tawagan yung asawa ko.

I dialed Louie's phone number to relax. Ilang ring lang naman at sinagot na n'ya.

"Love..." bati ko at alam kong alam na n'ya pagganto ako.

[Hey! Nervous? Relax lang, love] usal n'ya at nakarinig pa ko ng parang nagpaalam s'ya sa kasama n'ya. [I'll be back, I just need to talk to my wife.]

"You know that I'm always nervous every time I do a surgery," saad ko at tumingala.

[I know, but I also know that you can do that. Kaya mo yan, Doctor ng buhay ko] usal n'ya kaya napangiti ako. [Pilitin kong makahabol dyan para may power hug ka.] Dagdag n'ya pa.

"Salamat, Louie" nakangiting usal ko.

[I love you, Lorraine.] usal n'ya at pumasok siguro ng office n'ya dahil nakarinig ako ng pagsara ng pinto.

"I love you too, Louie," saad ko at nagpaalam na dahil mukhang busy s'ya at pinakalma lang ako.

Kinalma ko na lang ang sarili ko at ilang oras na lang surgery na ni Lance. Nakinig ako ng music, ito talaga ang ginagawa ko pagwala yung mag aama ko dito sa clinic ko. Pag nandito kasi sila nakikipag kulitan at kwentuhan lang ako kaya kumakalma ako.

Oras ang lumipas bago ko tinigilan ang pakikinig ng music. Nagdasal at huminga ako nang malalim tapos nag ayos na. Nagpalit ng damit at nang kung ano ano pa.

Nando'n na si Lance sa operating room at nag aantay na. Naglakad na ko papunta do'n, nung nakita ko sa labas sila Kuya at yung iba pa hinanap agad ng mata ko si Louie pero mukhang wala pa s'ya.

"Javi, please take care of my son," saad ni Kuya kaya ngumiti lang ako sa kan'ya.

"I will, Kuya," saad ko at naglakad na. Nakarinig pa ko ng goodluck do'n sa mga kuyang iba na nginitian ko lang.

Sa totoo lang, kinakabahan ako dahil pamangkin ko yung ooperahan ko, I don't like the what if's in my mind, alam yun ni Louie dahil na kwento ko sa kan'ya 'to kaya hinahanap ko s'ya ngayon. Sakto naman na papasok na ko, nang biglang may tumawag sa akin.

"Love!"

Kaya lumingon ako, doon ko nakita yung asawa ko na nakatingin sa akin. Kaya hindi ko napigilang hindi yumakap na malugod naman akong sinalubong. "Goodluck! Kaya mo yan. I love you," bulong n'ya kaya tumango lang ako dahil gumagaan ang pakiramdam ko.

Pagbitaw n'ya, huminga ako nang malalim ulit bago ngumiti kila Kuya at naglakad na papasok ng operating area. Ginawa ang routine bago magsagawa ng surgery.

"Lance, Tita Javi is here. I won't allow anything bad happen. We will celebrate Christmas and New Year together," saad ko, nakangiting tumango s'ya sa akin kaya tinurukan na s'ya ng pampatulog.

When I saw that he was already asleep. Tumingin ako sa Team ko..

"Let's start. Help me to save my nephew," saad ko at do'n na kami nag umpisa.

----------------------

2 days before the operation

Louie's POV

I was sitting on our couch while waiting for my wife. It's 11pm kaya tulog na din ang mga bata. Nakauwi naman na kasi yun kanina pero bumalik ng hospital dahil nagkaroon ng emergency. Simula nung nagtrabaho s'ya sa ospital, may ganto kaming mga set up lalo na nung naging general surgeon/emergency doctor s'ya. Minsan magugulat na lang ako dahil gigisingin n'ya ko nang alanganin para sabihing pupunta s'ya ng ospital.

May pagkakataon pa nga na, while we're having OUR time. May tatawag sa kan'ya, minsan humihinto kami pero minsan hindi, lalo na pag malapit na kami pareho pero habang ginagawa naman namin yun, hindi namam tumitigil kakatunog yung phone n'ya.

Nababahala na nga ako do'n. Kasi nitong nakaraan tahimik s'ya at parang malalim ang iniisip. Pero alam ko naman kung bakit. Everytime na may schedule surgery s'ya kabado talaga s'ya at alam kong mas lalo na ngayon dahil si Lance yun.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ko, nagising na lang ako nang may humalik na sa pisngi ko, pagmulat ko, mukha ng asawa kong pagod ang bumungad sa akin.

"Sorry, ngayon lang ako nakauwi," saad n'ya at alam kong pagod na pagod s'ya dahil sa boses n'ya.

"It's okay. Anong oras na ba?" tanong ko at tumingin sa wall clock namin. It's already 2:17am. Kakauwi n'ya lang. Nakita n'ya ata yung pagbabago ng mukha ko nang makita ko yung oras kaya yumuko s'ya.

"Sorry," She said. We always like this kaya nasanay na lang din ako.

"Love, it's okay. It's your work, so you don't have to say sorry. Wala ka namang pasok bukas 'di ba? So we can bond and you can rest also. Lika na sa taas," pagpapagaan ko ng loob n'ya dahil alam kong malungkot siya talaga. Tumango na lang s'ya at sumabay sa akin mag lakad kaya inakbayan ko na lang s'ya.

Kinabukasan we do are family time. Malling, arcade, kumain sa labas at manuod ng sine na minsan lang namin magawa dahil minsan may tumatawag pa din kay Loe kahit wala s'yang pasok.

"Louie, kinakabahan ako. There's so many what if's flashing to my mind," saad n'ya habang nakayakap s'ya sa akin, gabi na at nandito kami sa kwarto naming mag asawa, si Jash may kwarto ng sarili pero minsan dito s'ya natutulog. Si Levin naman kasama pa namin sa kwarto pero may sarili s'yang baby bed. Hindi pa kaya na hindi kasama ang Mama n'ya dahil nadede pa naman s'ya.

"It's normal but I know you're much more nervous right now because he's your nephew, but you can do that. You became a surgeon because of us. Kami ang inspirasyon mo kaya alam kong kaya mo at ganun din si Gelo," pagpapagaan ko ng loob n'ya sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

Hindi naman s'ya sumagot at yumakap lang. Minsan talaga ganto s'ya, everytime she has surgery, she always call to me, pag nando'n naman kami sa clinic n'ya yayakap s'ya para mawala yung kaba n'ya. I understand that, kasi parang nakasalalay yung buhay ng taong yun sa kanila. Once na may mangyaring masama do'n. They are the one to blame.

Minsan nakita ko na s'yang sinampal ng kamag anak ng isang pasyente dahil during operation the patient died, because of complications. Pero bago pa man yun they remind them of a risky yung operation nung pasyente but the family still pushes that operation. Sinabi sa akin yun ni Loe, nung nasa clinic na kami nu'n. Hindi niya alam na nakita ko yun, ayokong malaman n'ya na nakita ko. Ilang araw iniyakan ni Loe yun dahil unang beses na may namatay during operation.

----------------

Lance's Operation Day

Louie's POV

"What time ang operation ni Lance?" tanong ko sa asawa ko.

"10pm. Pupunta ka?" tanong n'ya sa akin. Tumango lang ako at ngumiti.

"Yes pero hindi ko na isasama yung mga bata, after na lang ng surgery n'ya bukod do'n, dederetso na ko do'n after ng site visit ko sa Bulacan," saad ko naman habang kinukuha yung gamit ko.

"Hm, okay," tugon n'ya lang at tumayo na din nang maayos at kinuha yung gamit n'ya.

"Love, relax, okay? Call me anytime," paalala ko sa kan'ya.

"I will. I want my brother to be happy," saad n'ya at ngumiti.

"I want that too," tugon ko at niyakap s'ya nang mahigpit.

After ng pag uusap naming mag asawa, lumabas na kami at nagpaalam sa dalawa naming anak, they just hug their mom so tight tapos umalis na.

Hinatid ko si Loe sa hospital tapos pumunta na ng Taguig for my 1st site visit.

I did my routine to our site and do some inspection. Para masiguro kung tama at nasusunod ba yung nasa plano. Sumunod na pumunta ako sa Ortigas for another site visit, I'm not the engineer here but I still need to check lalo na at head ako sa firm namin. Saglit lang akong dumaan do'n bago ako pumunta ng Bulacan.

I also keep on checking my phone if my wife's messages me. Mukha busy s'ya kaya wala pa namang text. I also call my boys and ask them kung kumain na sila, since it's already lunch time, alam ko naman na hindi sila papabayaan ng taga alaga nila. Kumain na lang din muna ako, yung asawa ko kaya kain na? Hindi ko s'ya pwedeng tawagan dahil baka mamaya makaabala ako, kaya I message her and asked if kumain na s'ya.

Katulad ng kanina I did my routine and inspection, kausap ko yung foreman when suddenly my phone ring, nung tinignan ko nakita kong pangalan ng asawa ko yung natawag.

Nag usap lang kami at pinagaan ko lang ung loob n'ya. Dahil may meeting pa ako, nag paalam na ako at magpaalam na din s'ya.

Humarap ako sa mga kameeting ko at mga nakangiti sa akin. Ngumiti na lang din ako.

"Sorry. Husband's duty," saad ko at umupo na.

"Okay lang, Engineer. Ang sweet n'yo nga sa asawa n'yo. Sana gan'yan din makuha ng anak kong babae," saad nung foreman namin. Napangiti lang naman ako sa kan'ya. "Ano pong trabaho ng Asawa n'yo, Sir?"

"She's a Doctor. Surgeon," nakangiting usal ko na sobrang proud na proud. Napa wow naman sila pero bago pa humaba ang usapan namin about sa asawa ko. Inumpisahan ko na yung meeting namin dahil kailangan kong makarating ng Makati bago mag start ang operation.

Tumagal yung meeting namin ng halos dalawang oras dahil madaming suggestions and others. Paalis na sana ako ng tumawag yung may ari na papunta sila for visit at sakto naman na nando'n ako, kaya hindi pa ako nakaalis agad. I just message Loe to goodluck her baka kasi hindi ako makaabot, I also message Gelo.

It's already 8pm pero nasa byahe pa din ako at stack sa trapik. Hay naku! Holiday season na kasi kaya eto at madaming mga nagsisiluwas at nagsisibili ng mga regalo.

Almost 10pm na ko nakarating sa ospital kaya nagmadali akong pumasok at do'n ko nakita na papasok na si Loe kaya tinawag ko. Hindi halata pero alam kong kabado s'ya. She still composes herself in her surgical uniform but I know behind that.

"Love," tawag ko, lumingon naman s'ya at lumakad para yumakap sa akin na sinalubong ko naman. "Goodluck! Kaya mo yan. I love you," bulong ko sa kan'ya. Tumingin naman ako kila Gelo na ngumiti sa akin and mouthed 'Thank you'

Bumitaw na din si Loe at ngumiti tapos huminga ng malalim at pumasok na sa operating room, nakaupo lang kami sa waiting chair at inaantay yung result. Sa mga oras na to paniguradong nag uumpisa na si Loe sa surgery n'ya.

"Kinakabahan yung isang un," saad ko ng tabi si Gelo sa akin.

"Alam ko. Nakikita ko naman. Buti nakaabot ka, hindi n'ya sinasabi pero hinahanap ka ng mata nun kanina," tugon n'ya sa akin. Natawa lang ako. "But alam ko kahit kinakabahan s'ya, she can do that. Kapatid ko un e," saad n'ya.

"Tama! Asawa ko yun ih!" saad ko at napatingin bigla kay Alice na nakapikit. "Kumusta kayo?" tanong ko kay Gelo

"We're good but we didn't have time to talk because of Lance. Inuuna muna namin s'ya bago namin pag usapan yung mga nangyari noon," saad n'ya at tumingin din kay Alice. Tumango lang naman ako. Ayun talaga muna ang dapat atang gawin.

"Pag nakapag usap kayo. Tell her immediately what she need to know," saad ko at tinapik s'ya sa balikat bago tumayo. Tatawag muna ko sa bahay namin.

Halos tumagal ng dalawang oras bago lumabas si Lorraine na nagtatanggal ng mask nya at yumakap kay Gelo. What happen?

"Jav, anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Gelo. Umiiyak lang naman si Loe kaya lumapit na din ako para pakalmanhin s'ya.

"Love," tawag ko.

Bumitaw s'ya sa yakap n'ya sa kuya n'ya. Huminga s'ya nang malalim at ngumiti.

"Sorry! I didn't want to scare you all but Lance is okay. Successful na natanggal yung tumor n'ya. Ililipat na s'ya sa room n'ya." naiiyak na usal n'ya kaya natawa kami pare pareho habang si Alice napayakap bigla kay Loe.

"Hala! Ate! Amoy dugo ako. Hindi pa ko nagpapalit," saad ni Loe.

"It's okay, Javi. Thank you so much," saad naman nito kaya napangiti si Loe.

Napatingin naman kami do'n sa hospital bed na nilalabas sa operating room at nando'n si Lance na may bonet sa ulo at may oxygen.

"Dr. Fernandez, dadalhin na po namin si Lance sa room n'ya." nakangiting usal nung nurse na tinanguan lang naman ni Loe.

Ganda talaga sa tenga ng tawag sa kanya. Dr. Fernandez! Proud ako! She was smiling from ear to ear to her brother because she finally fulfill the last wishes Gelo asked to her.

And I know now that Lorraine only pray for one thing.

That is to save Gelo's Life.

----------------------