KABANATA 40
“Sunding mo ang kasiyahan mo, anak. Huwag mong ipagkait iyan sa iyong sarili.”
Napamulat ako ng aking mga mata at napangiti nang marinig muli sa aking utak ang sinabi na iyon ni Nanay. Napatingin ako sa labas ng bintana ng bus kung saan ako ngayon. Mataas na ang sikat ng araw sa labas at mula sa mga tahanang makikita sa mga daan ay napalitan iyon ng mga puno at palayan hudyat na oras na lamang ay nasa tamang lugar na ako. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit na nangingibabaw sa akin ngayon ang kagustuhan na makarating na sa lugar kung nasaan siya.
Pagkatapos ngang bigyang linaw ni Kuya Jamile ang aking utak ay napagdesisyunan kong bumalik sa lugar na ayaw ko na sanang ni apakan pang muli. Kapag bumalik ako roon ngayon ng mag-isa ay wala akong masasabing akin, wala kahit tahanan. Ngunit alam kong mayroon akong kakampi. Alam na nina Kuya Eli at Bonita ang pagbabalik ko at sila ang maghihintay sa akin sa bukana ng Esperanza. Suportado rin ni Nanay itong desisyon ko kaya mas lalong lumakas ang aking loob.
“Ilang oras na lang, Bellisimo,” bulong ko habang nakatanaw pa rin sa labas.
Hawak ko sa aking mga kamay ang aking cellphone. Nagtipa ako ng mensahe para sa kaniya kanina na ngayon ko lang ulit nagawa pagkatapos naming lisanin ang Esperanza. Alam kong galit siya sa akin ngayon. Alam kong nabigo ko siya. Hindi ko man alam kung nabasa niya ang mensahe o papansinin niya, ngunit ilalaban ko ang pagmamahal ko sa kaniya ngayon. Nagawa na niya, ngayon ako naman.
Nakatulog ako sa ganoong posisyon at nang muli kong imulat ang aking mga mata ay muli akong sinalubong ng pamilyar na silaw ng araw. Nang maayos ko nang nakikita ang paligid ay nakita kong muli ang lugar na minahal ng bata kong puso noon. It was still the same as how I first saw the place. Parang de ja vu noong unang araw akong nakaapak dito.
I’m back at Esperanza.
“Jam!”
Napalingon ako sa kanan ko at agarang napangiti nang makita ang tumatakbong si Bonita. Sa likod niya ay ang nakapamulsa at ang nakangiti rin sa akin na si Kuya Eli. Binuka ko ang mga braso ko at sinalubong ang yakap ng kaibigan. Buti na lang ay back pack lang ang dala ko at walang sagabal sa aming yakapan.
“Bon!” masaya kong tawag sa kaniya. “Na-miss kita!”
“Na-miss din kita, gaga ka!”
Natawa ako nang makita kong maluha siya sa aming yakapan. Mukhang nagiging emosiyonal na ang siga, ah. Epekto yata ng pagiging nobya ni Eleazar Beau Aldivar.
“Hi, sis. How was your trip coming here?”
Lumapit si Kuya Eli sa akin at marahan akong hinalikan sa noo.
“Kuya! Maayos naman. Salamat pala.” Mabilis akong sumeryoso ng tingin sa kanilang dalawa. “Nais ko pa sanang makipagkumustahan sa inyo, ngunit nais ko na siyang makita. Dalhin niyo sana kaagad ako sa kaniya ngayon.”
Nakita kong napawi ang mga ngiti sa mga labi nila dahilan para kaagad akong kabahan. Nagkatinginan sina Bonita at Kuya Eli bago muli akong tinignan na kapwa may nag-aalalang expresiyon.
“Jam, tungkol diyan…” Bonita trailed-off.
“Bakit? M-May nangyari ba kay Bellisimo?” nag-aaalala kong tanong.
Kuya Eli heaved a sigh. “You have to see it for yourself.”
Kinakabahan man, buong tapang akong sumama at umapak muli papasok ng Esperanza. Nakita ko kaagad ang mga tao na minamata ako at nagsimula sa kanilang bulong-bulungan. Suminghap ako at mas lalong tinatagan ang aking sarili. It was now or never.
“Si Bellisimo… lagi nang nakikitang kasama ang anak ng mga Chua, si Lesly.”
Natulala ako sa tinatanaw namin ngayon. Dito ako dinala nina Kuya sa park kung saan una kaming lumabas na magkasama ni Bellisimo. I recalled our times here together at tila biglang dinaganan ang puso ko sa bigat.
“Kailangan ko siyang makausap,” namamaos kong ani.
Nais man akong pigilan nina Kuya ay wala na silang nasabi noong nagsimula na akong maglakad patungo sa direksyon ng dalawang tao na masayang nagkukwentuhan sa gitna ng parke. Unang nakamata sa akin ang babae na natigilan at mahinang hinila ang laylayan ng damit ni Bellisimo para imuwestra ako.
“Bellisimo…” I called out his name.
Napawi ang masaya niyang tawa nang makita ako at kaagad na napalitan ng pandidilim ang kaniyang expresiyon. I saw how he protectively covered the girl beside him and my heart shrunk seeing that. I wanted to ask if what was that girl to him now. Bago na ba niyang kasintahan? Alam kong nasaktan ko siya, pero ang bilis naman yata niya akong palitan.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tila walang kabuhay-buhay niyang sabi sa akin.
Sumakit ang puso ko at tila halos ayaw ko nang tagalan pa ang mga titig niya. Mariin akong lumunok at pinilit na patilihin ang tuwid kong pagtayo.
“I…” Nanginig ang boses ko. “I’m sorry…”
Hindi ko napigilan ang agarang pagdaloy ng aking mga luha mula sa aking mga mata. Lahat ng sakit na tiniis at inipon ko’y tila umapaw na palabas ngayon. Walang tigil, ayaw paawat.
“You’re sorry for what? For breaking my heart?”
Hindi makapaniwala akong tumingin sa kaniya habang tumatangis. I took a step forward. I wanted to touch him, to feel him, to hug him. I still wanted him. I pursed my lips sabay nailing.
“Alam ko na malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo, pero ginawa ko lang iyon dahil ayaw kong masira ka sa pamilya mo. Ayaw kong mas lalo pang magulo lalo ang mga buhay natin.” Nanginig ang mga labi ko sa labis na emosiyon. “Pero na-realize ko na sa’yo pa rin pala ako sasaya. Mahal na mahal kita, Bellisimo.”
Mas lalong umingay ang pag-iyak ko at wala na akong pakialam kung tignan ako ng mga tao sa paligid. I bawled my heart out all for this man in front of me. Siya lang ang labis na nakapagpasaya at nakapagpaiyak sa akin ng ganito. Siya lang ang tanging may hawak ng puso ko.
Narinig kong bumuntonghininga siya.
“Umalis ka na.”
I frozed. I looked back at him as I heard how he mimicked my words before. I saw a small grin on his lips and a glint of mockery in his eyes. Natigil bigla ako sa pag-iyak dahil tila natigil din sa pagtibok ang puso ko.
That’s it?
“Bellisimo –”
“I said leave!”
Nahila ko ang sarili kong hininga at sa intensidad ng utos niya ay mabilis akong napahakbang paatras. My tears fell again as I turned my back to him at nagsimula nang tumakbo palayo. Ang sakit. Sobrang sakit. I never knew the heaviness of those words not until I experienced it now. Ganitong-ganito siguro ang sakit na nadama niya noon nang ako ang nagsabi sa kaniya ng mga salitang iyon. Mas lalo akong nainis sa sarili ko. I’ve really scarred him.
“God, damn it!”
Halos matumba ako nang sa gitna ng pagtatakbo ko ay may marahas na kamay na humila sa akin at ang kasunod na nangyari ay ang pagtama ko sa isang matigas na dibdib. Kaagad na nanuot sa aking pang-amoy ang pamilyar niyang bango na kailanman ay hinding-hindi nalilimot ng aking sistema. Umurong ang luha ko at nanlalaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang higpit nang yakap niya.
“Bellisimo…”
“I really couldn’t do it to you,” he said with a raspy voice. “Seeing you walking away from me, I really couldn’t take it, Mila. I just love you so much.”
Naramdaman kong muli ang dahan-dahan na pagtibok ng aking puso hanggang sa naging napakabilis noon. I couldn’t believe it! Hinabol niya ako!
“Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya na saktan ka.”
“I know.”
He gently cupped my face and I almost melted when I saw his familiar smile and those familiar loving eyes that was looking down at me. Akala ko hindi ko na ulit makikita pa ang mga iyon! Oh, god. Pero napasimangot ako.
“Pero may syota ka na yatang bago, eh,” maktol ko sabay singhot.
Bellisimo chuckled and wiped my tears away. Mukha talagang ang saya-saya na niya. He lost some weight pero tila nabuhay muli ang mukha niya hindi kagaya noong huli ko siyang nakita. And knowing I am the reason of that made me happy as well.
“Silly, these was all planned.”
My jaw dropped on what I heard. Planned? Ibig sabihin kasabwat niya rito sina Bonita, Kuya Eli, at iyong Lesly?
“What –”
My word was cutted off when his lips crashed on mine. Hindi pa ako nakababawi sa gulat ay muli niya akong ginulat. Nang makabawi, hindi ko napigilan na mangiti sa gitna ng halik. Pumikit ako at mabilis na tumugon.
Oh, well. Mamaya na siguro ako magagalit.
“Don’t dare quit on me again, Mila, because I would’t let you go now. Take note of that.”
I chuckled when I heard that.
Finally, I’m home.