KABANATA 28

Kumalat kaagad sa maliit na barrio ng Esperanza na ang tagapagmana ng lugar sa henerasiyon na iyon ay nawawala. Dalawang araw na ang lumipas at napakaingay pa rin noon na halos araw-araw sa campus namin ay iyon pa rin ang usapan. Nawala kaagad ang issue tungkol sa amin nina Sammy na kinatuwa ko naman ng bahagya. Naawa lang ako kay Kuya Eli dahil stress na stress na rin siya sa pagtulong sa paghahanap kay Kendall. Labis-labis siyang nag-aalala sa kababata niya lalo pa at si Kendall din ang babaeng napupusuan niya.

“Sa tingin mo kaya Bon dinukot iyong si Kendall?” pabulong kong tanong kay Bonita kahit napakaingay ng paligid namin dito sa cafeteria.

Nakita ko na tila hindi niya ako narinig at nakatitig pa rin siya sa cellphone niya. Natigilan ako at napatitig kay Bonita. Dalawang araw na rin ang lumipas at napapansin kong balisa siya. Laging nakaabang sa cellphone niya na tila may hinihintay na mensahe. Kung wala, bubuntonghininga nang malalim. Kung mayroon naman, mabilis lang na ngingiti at kaagad ring sisimangot. Nag-aalala na rin ako rito sa kaibigan ko. Nalulungkot na rin ako dahil halos lahat ng mga tao sa paligid ko ay may mga pinagdaraanan.

Siniko ko si Bonita at kaagad na nakuha noon ang atensiyon niya. Guilt crossed her eyes nang makita na hindi niya ako napansin.

“P-Pasensiya na, Jam. May sinabi ka?”

Tumitig pa ako sa kaniya bago bumuntonghininga. Ni hindi pa niya ginagalaw ang pagkain niya. Halata ko rin ang stress sa kaniya at ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya tanda na wala siyang halos na tulog. Binaba ko nang marahan ang hawak kong mga kubyertos at nag-aalala siyang tinignan.

“May problema ka ba, Bon? Ayaw kong pilitin ka kung ayaw mong magsabi, pero nag-aalala na rin ako sa iyo. Noong nakaraan tila ang saya-saya mo pa, ngayon naman tila bigla ka na lang nawalan ng buhay,” ani ko ng may pag-iingat. “Alam mong dito lang din ako palagi para sa iyo at handang makinig, hindi ba? Lagi kang nandiyan para sa akin Bon, kaya sana makita mo na ganoon din ako.”

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula sa akin. Naglikot ang mga mata ni Bonita bago siya kumurap-kurap. Nakita ko na mamasa ng kaunti ang mga mata niya, pero kaagad niyang tinakpan iyon ng mababaw na tawa.

“Pasensiya na at pinag-alala kita, Jam. Gusto ko ring sabihin sa iyo, kaso hindi pa ako handa. Mahihintay mo ba ako?”

Ngumiti ako sa kaniya at marahang hinaplos ang likod niya. Ayos na sa akin iyon. Feeling ko kasi kung ang kaibigan ay hindi nagsasabi sa iyo ng pinagdaraanan niya, your friend don’t trust you enough. Iyong feeling na handa kang dumamay, pero hindi mo alam kung paano dahil wala namang sinasabi sa iyo. I don’t want to fail as a friend kung sakali man. It’s like when a parent felt like they failed as a parent when their kids were sad.

“Oo naman.”

Ngumiti siya sa akin na kinahinga ko nang maluwag.

“Salamat, Jam,” aniya sabay tingin sa paligid. “Grabe, hindi pa rin sila napapagod na pag-usapan si Kendall. Tahimik din ang buong Esperanza tungkol sa pagkawala niya, pero alam mo ba na may nakapagsabing katiwala nila na umalis daw mismo si Kendall at hindi dinukot o kung ano man?”

Nagulat ako sa narinig mula kay Bonita.

“Talaga? Bakit naman siya aalis? Tsaka kung totoo man, saan naman siya pupunta? Parang wala naman siyang ibang kakilala bukod kay Kuya Eli para may mapuntahan siya. Tsaka siya rin ang tipo na mawawala na lang sa isang lugar dahil hindi alam ang direksiyon na pupuntahan niya. Halos nakakulong ba naman siya sa mansiyon nila buong buhay niya.”

“Ewan.” Bonita shrugged her shoulders. “Baka iyon nga ang dahilan na umalis siya kung sakali man. Kung ako rin naman sa lagay niya, masasakal na ako sa ganoong klase ng buhay. Nasa akin nga ang lahat, para naman akong preso.”

Bahagya akong nalungkot sa sinabi niya. Tama nga naman. Kagaya nga ng sabi ko dati, mas nagpapasalamat na ako sa buhay na mayroon ako kaysa sa buhay na mayroon si Kendall. Walang kalayaan. Ano pa at nasa iyo lahat ng yaman kung hindi ka naman masaya sa ganoong pamumuhay, hindi ba?

“Kawawa naman siya…”

“Grabe na siguro ang alala ng kuya mo, ano?” Rinig na rinig ko ang kakaibang sakrasmo sa boses ni Bonita nang sabihin niya iyon.

Alam kong inis siya kay Kuya, pero parang hindi naman tama na magbiro siya sa ganitong sitwasiyon.

“Bon, alam mo naman na importante si Kendall kay Kuya Eli.”

I saw her smirked. Kumurap-kurap siya ulit at ang kamay niyang nakahawak sa kutsara niya ay halos manginig na sa higpit ng hawak niya roon. Tumalon ang puso ko at bubuka na sana ang bibig para magtanong nang may kamay na pumatong sa balikat ko dahilan para bahagya akong mapatalon sa gulat. Nang tignan ko kung sino ay ang nakangiting si Bellisimo kaagad ang nakita ko. Sa likod niya ay nakasunod ang nakapamulsa na si Red. Nakita ko kaagad ang pagdirekta ng mga paningin niya sa katabi kong si Bonita.

“Bellisimo…” marahan kong sambit sa pangalan niya.

Naupo silang dalawa sa harap namin. Si Bellisimo ang kaharap ko at si Red naman ay kaharap si Bonita. Palihim akong sumulyap sa paligid. May iilang tumingin sa amin na kaagad ring umiwas, may iba naman na lunod pa rin sa usapan tungkol kay Kendall.

“Grabe, ang ingay pa rin ng pagkawala ni Kendall. Kahit sina Mom at Dad iyan ang pinag-uuspan sa bahay. Narinig ko na humingi na rin ng tulong ang mga Esperanza sa amin kasama ng mga Aldivar na pinangungunahan ni Eli,” ani Bellisimo pagkaupo.

Tumango ako sa sinabi niya.

“Stress na stress nga si Kuya.”

“Alam mo naman kung gaano palaging inuuna si Kendall no’n. Kahit nasa gitna kami ng tagayan niyan noon o party, isang tawag lang ni Kendall iiwan na kami,” wala sa sariling ani pa ni Bellisimo.

I stiffened and glance at Bonita. Nakita kong napayuko siya. Shit. How careless of me.

“Samahan mo akong um-order,” biglang salita ni Red at nakita ko na si Bonita ang kausap niya.

Napatingin kaagad ako sa kaibigan ko. They’re quite close lately. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Ha? Bakit ako? Hindi ka ba maka-o-order ng walang kasama?” mataray na sagot ni Bonita kay Red.

Tumayo si Red at mabilis na hinaklit si Bonita sa balikat dahilan para mapatayo siya. Bonita groaned, ngunit hindi na umangal pa.

“Pasabay na lang din ng order ko, bro. Set A,” ani Bellisimo kay Red na tinanguan naman ng huli.

Sinundan ko sila ng tingin ni Bonita. Nakita kong sinapak ni Bonita si Red sa balikat sabay tawa. Habang si Red ay may tipid na ngiting sumilay sa mga labi habang nakatingin kay Bon. Hala, medyo bagay sila.

“Magtatampo na ako, Mila. Narito ako sa harap mo pero sa iba ang paningin mo,” dinig kong pagpaparinig ni Bellisimo.

Kumurap-kurap ako at nang natanto ang sinabi niya ay natawa. Parang bata talaga kung magtampo ang isang ‘to.

“Akala ko hindi kayo makasasabay sa amin ngayong lunch?” taas ang isang kilay kong tanong sa kaniya.

Bellisimo smirked and leaned forward para liitan ang pagitan namin sa isa’t isa. I pursed my lips to hide my smile. Pakiramdam ko ay matutunaw ako ng singkit niyang mga mata, eh.

“That’s the plan dahil may group project kaming kailangan tapusin. Kaso hindi ko kayang ma-miss ka kaya isang mabilis lang kami rito,” paliwanag niya sabay kibit-balikat.

My eyes widened when I heard what he said. Natawa siya noong pinitik ko siya sa noo. Alam niya na nananakit ako kapag bigla akong nahiya kaya tuwang-tuwa talaga siyang asarin ako ng mga ganiyang banat.

“Magtigil ka nga.”

“You’re so cute,” kumento pa niya. “Well, that aside. Free ka ba ng Friday night?”

Bigla niyang tanong na kinakunot ng noo ko.

“Bakit?”

Inabot niya ang kamay ko sa itaas ng mesa. Napunta ang paningin ko roon nang paglaruan ng mga daliri niya ang akin. He made ticklish gestures there that made me chuckle.

“I want to take you out for dinner,” namamaos niyang ani. “Will you spend a night with me?”

My body froze on what he said. He wanted us to spend a night together. A dinner date perhaps. I stared at him at kaagad na may pumasok sa isip ko.

Tumango ako sa kaniya bago ngumiti. “Sure.”

A perfect time to give Bellisimo my ‘yes’.