KABANATA 26
“Oh, ano? Nakapag-usap na ba kayo ng maayos? Mukhang hindi na natotorpe itong tropa natin, oh.”
Natawa ako nang maalala ang pangangantyaw ng mga kaibigan ni Bellisimo sa kaniya kasama na si Kuya nang makabalik kami sa loob ng club. It was really proven to me na matagal na nga siyang may gusto sa akin at natorpe lang kaya hindi kaagad naparating. Honestly, hanggang ngayon ay mahirap pa rin sa akin na paniwalaan iyon lalo na at kahit noon pa man ay nakikita ko na siyang paiba-iba ng mga babae. Like there was no hint that he’s been crushing at me. His explanation was, his pride wouldn’t accept his own feelings. Na magkagusto siya sa iisang babae at sa akin pa na mahirap magbigay ng pansin, lalo na sa mga kagaya niyang lalaki. But later-on, Bellisimo became afraid na baka raw makuha o magkagusto na ako sa iba at wala manlang siyang nagawa sa nararamdaman niya para sa akin.
“Ang cute no’n,” natatawa kong bulong sa aking sarili.
“Oh, if it isn’t Jamila.”
Natigil kaagad ako sa paglalakad ko nang marinig ang sarkastikong boses na iyon. Nang matignan ay hindi na ako nagulat nang makita ang nakangising si Sammy sa akin, ngunit ang mga mata niya’y may bahid ng labis na inis. Alam ko kung ano ang kinagagalit niya lalo na at sariwa pa rin sa alaala ko ang pagtulak at pagsigaw sa kaniya ni Bellisimo noong gabi na iyon. Napatingin ako sa tabi niya at naroon ang ilan niyang kaibigan, isa na roon ang pinsan ni Bellisimo na nakahalukipkip at tila inuusisa ako.
Bumuntonghininga ako at lalagpasan na lamang sana sila. Umagang-umaga at wala akong enerhiya na makipagbangayan sa kanila. Isa pa, nasa entrance kami ng campus, ayaw kong makakuha ng atensiyon dito mismo. Kaso mariin akong nahawakan ni Sammy para pigilan sa tangka kong pag-iwas. Hinila niya ako para mapabalik sa pwesto ko. Inis ko siyang tinignan nang mapaatras ako ng ilang hakbang sa ginawa niya.
“Ano bang kailangan niyo?” mahinahon kong tanong at sinulyapan ang pinsan ni Bellisimo na noo’y tila nag-alala nang tumingin kay Sammy at sa akin.
“Ha! Don’t act as if you’re a big shot now! Do you think Bellisimo really have feelings for you, huh? Hindi lang ako, kahit ni isa rito sa paligid ay walang naniniwala na gusto ka niya!” nanggagalaiti niyang sigaw at kaagad na namula ang mukha niya sa labis na inis. “Now tell me, paano mo siya inakit, huh? You fucking outcast! You don’t belong here! Kahit apelyido na dala mo ay hiram lang! That’s why you don’t belong even to Bellisimo!”
“S-Sammy…” ang pinsan ni Bellisimo sabay hawak sa braso ni Sammy, bahagyang pinipigilan ito.
Napatingin ako sa paligid nang bahagya nang nakakukuha kami ng atensiyon. Lihim akong napapikit. May iba na umiwas ng tingin nang tignan ko. May iba rin, lalo na ang mga babae na nakangisi, tila sinusuportahan ang mga sinasabi ni Sammy.
“Bakit ba ako ang tinatanong at kinokompronta niyo tungkol riyan? Bakit hindi si Bellisimo ang tanungin niyo kung talagang kyuryoso kayo?” sagot ko at mariing tinignan si Sammy. “Wala akong inaakit dahil siya mismo ang kusang lumapit sa akin.”
Totoo naman. Parang unfair kasi sa side ko kahit kita naman nila na landakan nang si Bellisimo ang lumalapit sa akin, kaya bakit nasasabi pa rin nila iyan? Hindi ba dapat at mainis din sila kay Bellisimo dahil una sa lahat, siya ang unang dahilan kung bakit sila nasasaktan? At sa alam ko’y pormal na rin namang pinahiwatig sa kanila ni Bellisimo na hindi na siya makikipaglaro pa sa kanila. He already made it clear that he’s done with playing around. Kaya kahit man hindi sa akin o kung kanino man siyang babae nagkagusto, dapat mayroon silang pagtanggap na hindi kailanman ay para sa lahat si Bellisimo. Darating at darating talaga ang araw na para na lang siya sa iisang babae.
Nagkataon na ako iyon. Bilang babae naiintindihan ko naman sila, si Sammy. Pero hindi ko lang din maiwasang makaramdam ng pagka-unfair sa side ko.
“Ang yabang mo! Walang nagtatangka na saktan ka noon ng pisikilan dahil dala mo ang apelyidong Aldivar, pwes, ibahin mo ako!” Buong pwersa na tinulak ni Sammy ang pinsan ni Bellisimo at hindi ko napaghandaan ang paglapit niya sa akin!
Mabilis niyang nahablot ang buhok ko. Napapikit ako at kaagad na nanuot sa anit ko ang sakit ng ginawa niya. Nahawakan ko siya sa magkabila niyang balikat at pilit siyang tinulak, kaso siya ang mas galit sa aming dalawa kaya mas maraming pwersa siyang nailalabas. Dinig ko ang sigawan sa paligid. May pumipigil, mayroon din namang chini-cheer pa si Sammy.
“Hoy! Bitawan mo si Jamila na pangit ka!” dinig ko ang sigaw ni Bon!
Maya-maya pa ay nahiwalay na si Sammy sa akin. Gulo-gulo ang buhok ko at napakabilis ng hininga ko. Nakita ko na lamang na nasa lupa na si Bonita at nakapatong kay Sammy habang pinagsasabunot ito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat! Pumigil ang mga kaibigan ni Sammy kay Bonita at ang pinsan naman ni Bellisimo ay nasa tabi at mukhang may tinatawagan, tila takot na takot sa nasasaksihan.
“B-Bonita!” sigaw ko sa pangalan ng kaibigan ko at lumapit na para na rin pigilan siya. “Bon, tama na!”
“Will you guys promise na hindi na mauulit ito para hindi ko na ipatawag pa ang mga magulang niyo?” ani ng guidance sa parehong panig namin ni Sammy.
Nakaupo kami sa magkaharap na upuan. Katabi ko si Bonita na masama pa rin ang tingin kina Sammy habang sila Sammy ay nakaiwas ng tingin. Ang pinsan naman ni Bellisimo ang nagpaiwan sa labas dahil hindi naman siya nakisali sa gulo although she’s with Sammy earlier.
“Pinapangako ko po, huwag niyo lang po tawagan sina Tito Elton,” kaagad kong sabi dahil iyon ang pinapangamba ko kanina pa.
Tumango ang guidance sa akin bago naman siya bumaling kay Sammy at sa mga kaibigan niya.
“How about you, Ms. Fuentez? I heard ikaw ang pasimuno ng gulo na ito at hindi na rin maganda ang record mo rito,” ani ng Guidance at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Sammy. “I think I should call your parents afterall.”
Suminghap si Sammy at kaagad na napatingin sa Guidance namin, ngunit wala ring sinabi. Umirap lang siya at nang madaanan ako ng tingin ay suplada na suminghal. Sa kalooban ko ay huminga ako nang maluwag. Mukhang hindi naman na siya tutol. Sana magtino na siya. College na kami at hindi na dapat napupunta sa ganito.
Nauna kaming nakalabas ni Bonita roon habang naiwan sina Sammy dahil tatawagan na raw ang mga magulang niya. Napaka-warfreak naman kasi talaga ng babae na iyon. Nagulat lang ako nang makita si Bellisimo sa labas kasama si Red. Nang mamataan ako ay taranta siyang lumapit sa akin. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo.
“Ayos ka lang ba?” he asked, worried was evident all over his face.
Tipid akong napangiti at tumango sa kaniya. Natanto ko na baka siya ang tinawagan ng pinsan niya kanina sa gitna ng kaguluhan.
“Ayos lang ako.”
“Anong ayos?” dinig ko ang agarang kontra ni Bonita. “Hoy, Bellisimo! Iyang mga babae mo –hmp!”
Kaagad na tinakpan ni Red ang bunganga ng kaibigan ko. He had his usual blank expression on his face. Tumango siya kay Bellisimo bago hinila si Bonita na nagpupumiglas pa papalayo sa amin. Natitigilan ko naman silang tinignan na paalis.
“I’m sorry, Mila…”
Bumalik ang atensiyon ko kay Bellisimo nang marinig ang pagpapasensiya niya. He’s frowning at ang mga kilay niya’y sunggab. Natatawa kong hinawakan iyon sa gitna para paghiwalayin kaso mas lalo lang siyang sumimangot.
“Ayan kasi, masyado mong pinaglaruan ang mga puso ng mga babaeng iyon. Ayan tuloy…”
He groaned and hugged me kaya wala akong nagawa kung hindi yakapin din siya pabalik. I am very used of him being touchy like this kaya hindi na ako naiilang. Label na nga lang talaga siguro ang kulang sa aming dalawa dahil para na rin kaming magsyota.
“Do you hate me now?” parang bata niyang tanong.
Napanganga ako at amused sa narinig. Hala, si Bellisimo ba talaga ito?
“Hindi naman ganoon kakitid ang utak ko, Bellisimo. Expected ko rin naman.” Bahagya akong bumuntonghininga at hinaplos nang marahan ang malambot niyang buhok. “Totoo na ito ang dahilan kaya iniiwasan kita noon at natatakot akong mapalapit sa iyo, pero pinapatunayan mo naman ng mabuti sa akin ngayon ang damdamin mo kaya…”
Naramdaman ko ang ang pag-ungot niya at paghigpit ng yakap sa akin. Sa kalooban ko ay natatawa ako dahil parang bata talaga siya kapag nagmamaktol. Hindi ko maiwasang isipin kung ako lang ba ang may alam ng side niya na ito? Kung ako nga, ayaw kong ipakita ito sa iba. For my eyes only.
“I’ll treasure you so much..” bulong niya sa balikat ko.
Napangiti ako sa narinig. Ah, I think I’m really inlove with him.