KABANATA 25
The cold night breeze made me shiver. Napayakap ako sa sarili ko at naging maagap naman si Bellisimo sa pagbigay ng jacket niya sa akin. I smiled at him but he’s still wary. Marahan niya akong pinaupo sa hood ng kotse niya. Kami lang ang tao noon sa tahimik na parking lot. He stood in front of me at nakatingala naman ako sa kaniya.
“I’m sorry. I know you’re bothered with what you saw but it’s not really like that. She said may sasabihin lang siya sa akin, pero hindi ko nahandaan ang pagtulak at paghalik niya sa akin,” he desperately explained at sapat na sa akin iyon. They said that being honest all the time could save a relationship.
I gently smiled at him at marahan siyang hinaplos sa braso niya. I saw him sighed at tila bahagya siyang nakahinga nang maluwag. He’s really worried. Tila ba may humaplos sa puso ko dahil senyales iyon na takot siyang makaramdam ako ng galit o disappointment sa kaniya. Seeing the once playboy like this, only with me, gave a bit confidence to me na may control na ako kahit papaano sa kaniya.
“Sabi ko ayos lang. Nakita ko naman lahat, Bellisimo. Kung siguro ay umalis kaagad ako, baka galit na ako sa iyo ngayon,” natatawa kong saad.
His brows and lips frowned at the same time. Bahagya siyang yumuko, locking both his arms at my side. His face was now only inches away from me and I felt my body shivered. Sana hindi niya marinig ang biglang pagkabog nang malakas ng puso ko. Nahugot ko ang aking hininga, ang mga mata’y naglilikot habang siya ay mariing nakatitig sa akin.
“I don’t want you getting angry at me, Mila. Iniisip ko pa lang, masakit na,” halos pabulong at nahihirapan niyang saad.
Nanghina ako sa sinabi niyang iyon. That just mean he’s that afraid to lose me. Ano ba ang ginawa ko para magustuhan niya ako ng ganito? Bellisimo always had girls around him. He had many choices and they’re not simple girls unlike me na halos walang presensiya at hindi pa tanggap sa lugar na ito. Bumaba ang esteem ko sasarili dahil doon ngunit nang magsimulang iparamdam sa akin ni Bellisimo ang damdamin niya, I gradually redeemed that lost esteem.
“You really like me that much, huh?” pabiro kong ani.
Tila nanghihina ay marahan niyang pinatong ang noo niya sa balikat ko. I saw the dark sky filled with nothing but stars at kumislap-kislap iyon sa mga mata ko na tila ba natutuwa rin sila sa kanilang nakikita ngayon sa ibaba.
“More than you could ever know,” he breathed in my neck.
My lips parted. I felt a tingling sensation somewhere in my body nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. I unconsciously moved my legs closer at alam kong naramdaman ni Bellisimo iyon. He flinched a bit pero hindi gumalaw paalis sa pwesto niya.
“M-May narinig pala ako kina Kuya…” pag-iiba ko sa usapan dahil bigla akong nailang.
“What is it?” he hoarsely asked at napapikit ako ng bahagya nang muli ay tumama ang hininga niya sa leeg ko, tila ba sinadya niya iyon.
My trembling hands touched his arms pero dahil sa biglaang panghihina ay hindi ko rin siya maitulak. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin bigla. Naramdaman ko lang ang init ng hininga niya sa balat ko, pakiramdam ko ay nagkasinat na ako. I could feel myself became feverish.
“Sabi nila… kung alam ko na raw ba ang tungkol sa iyo.”
“Tungkol sa akin?” namamaos niyang tanong at buong pilit pa yata na inalis ang ulo niya sa pagkapapatong sa balikat ko.
Sinalubong ako ng namumungay na mga mata ni Bellisimo. Tila inaantok o lango sa kung ano. Nagtaka naman ako. Anong nangyari bigla sa kaniya? Hindi pa naman siya nakainom at hindi pa siya ganiyan kanina.
Tumango ako. “Oo. May hindi ka ba sinasabi sa akin? Sabi ni Kuya Eli sa’yo na raw ako magtanong, eh.”
Noong una ay kunot pa ang noo niya, tila may malalim na iniisip bigla. Kalaunan ay unti-unti kong nakita na manlaki ang mga mata niya tila may natanto na kung ano. I even saw a shade of red on his cheeks and I was amused when I realized what was it.
“Shit ka, Eleazar!” naiinis niyang mura sa panglan ni Kuya.
“Hoy, bakit? Nagsisinungaling ka ba sa akin? Ano ‘yang kailangan kong malaman?” may bahid nang inis kong ani.
My brows furrowed as I intensely stared back at him. He licked his lower lip and shyly scratched his nape.
“A-Ano kasi…” he stuttered like a shy boy! “Kainis, sabi ko sasabihin ko lang sa’yo kapag tayo na, eh.”
“Bakit? Masama ba iyan at hindi ko maaaring malaman kahit hindi pa tayo?” nang-uusisa kong tanong. “Hindi ba kita sasagutin kapag sakaling malaman ko, ganoon ba?”
“It’s not like that,” kaagad niyang pigil, he groaned. “It’s about my feelings for you, okay?”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Feelings mo sa akin? Bakit? Hindi ba totoo?” sunod-sunod kong tanong.
Ibig sabihin totoo talaga ang hinala ni Bonita na tini-test niya lang ako? Pero alam ito ni Kuya Eli kaya malabo rin. So what about his feelings for me?
Pinitik niya ako sa noo kaya kaagad sumama ang tingin ko sa kaniya.
“Silly. It’s because I’ve been crushing on you for a long time now,” he confessed that almost made me choke in my own saliva.
“What?” hindi makapaniwala kong usal. “M-Matagal na?”
He pursed his lips, looking amused seeing my bewildered face. Tumango siya.
“Yeah… matagal na.”
Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.
“Pinagloloko mo ba ako?”
Sumabog ang baritonong tawa niya sa paligid kaya mas lalong nagsunggaban ang mga kilay ko. Paano ako maniniwala na matagal na niya akong gusto kung nitong nililigawan niya lang ako siya tumigil sa pambababae? Sige nga, paano ko siya paniniwalaan?
“Totoo nga! Remember that night we first saw each other sa garden niyo? Roon nagsimula.”
What? We were still highschool back then! Ibig sabihin ilang taon na niya akong gusto?
“Bakit hindi halata?”
He smirked at piningot ang ilong ko. “Kasi hindi ko naman pinahalata. Isa pa, naisip ko noong una na baka masapak lang ako ng kuya mo kapag gumawa ako ng move sa iyo. But you really matured so much, Mila. More beautiful than the first time I saw you kaya naisip ko na kailangan ko nang bumakod.”
His smirk didn’t leave his lips nang mag-init ang buo kong mukha sa narinig. What a confession! So he really did like me way back, huh?
“Wow…” ang tangi kong nasabi.
“Naniniwala ka na?”
I pursed my lips. Hindi ako tumango o sumang-ayon, pero panigurado na nahalata niya ang pinipigilan kong ngiti at pamumula ng mukha kaya nakuha na niya ang sagot na nais marinig mula sa akin. He then hugged me that caught me off-guard. A minute passed before I hugged him back. He smelled so good.
“Pasok na tayo…” ani ko sa dibdib niya. “Baka hanapin na tayo nina Kuya.”
“Okay,” he immediately obliged.
Now my decision’s final. I’m giving Bellisimo my ‘yes’ soon.