KABANATA 24
“Bakit naandito ‘yan?” may kalakasang bulong sa akin ni Bonita dahil sa ingay ng tugtugin sa loob ng club.
Marami akong nakitang pamilyar na mukha sa ibaba kanina na nagsasayaw. Ang ilan ay pumapasok din yata sa campus namin. Halatang halos lahat din ng pumupunta rito ay kabilang sa mga bigating pamilya. Mga lalaking walang ibang iniisip kung hindi makahanap ng babaeng makalalampungan sa gitna ng gabi o hindi kaya magpakalango sa alak. Mga babaeng halos lumuwa na ang mga katawan sa maiikling suot at naghahanap din ng lalaking makakasamang magpalipas ng gabi o hindi kaya girls’ night-out. Bagay na hindi ko hilig at ngayong narito na ako’y gusto ko na kaagad umuwi. Iyon lang, nakahihiya naman kung narito na ako tapos kaagad ring mag-aayang umuwi. Ayaw ko namang mapahiya si Kuya Eli. Hindi ko lang alam at hindi nagugustuhan na narito rin pala sina Sammy.
“Hindi ko rin alam,” nakasimangot kong tugon kay Bon.
Mukhang nakuha niya kaagad ang mood ko kaya hindi na siya nagsalita pa. Nang mas lalo kaming makalapit kung saan sila, si Kuya Eli ang unang bumati dahilan para mapansin na nila ang presensiya namin. Hindi ko inalis ang paningin kay Bellisimo na kaagad naghanap sa likod ni Kuya ng presensiya ko. Nang magtagpo ang paningin nami’y mabilis siyang tumayo, iniwan na nakasimangot si Sammy.
“Yo, buti naman at naandito na kayo,” ani ng isang barkada nina Kuya.
Nakita ko ulit ang mga babae nilang barkada na matagal ko nang hindi nakikita na lumalagi sa mansiyon kapag nag-aayaan silang mag-inuman. Ngayong nakita ko ulit sila ay mukhang may mga kasama na silang syota nila kaya naintindihan ko kaagad kung bakit hindi na sila minsan nakasasama sa gala nilang magbarkada.
“Pasensiya na, medyo na-traffic. Um-order na kayo, ako na bahala.”
Naghiyawan sila nang marinig ang sinabi ni Kuya. Siyempre, dahil tungkol sa akin ang okasiyon, isa-isa nila akong binati pati si Bonita na hindi na nakagugulat na kilala nila. Bellisimo swiftly glided at my side at nang makapirme ay hindi na humiwalay pa. Their friends teasingly looked at us kaya ngumiti na lang ako para itago ang hiya at ilang.
“Mukhang may un-invited guest tayo?” puna ni Kuya Eli, tinutukoy sina Sammy.
Nang marinig ang sinabi ni Kuya ay napahihiya silang yumuko. Si Kuya talaga. Alam ko naman na kilala niya si Sammy dahil kaibigan sila ng pinsan ni Bellisimo.
“Aba malay rin namin. Hindi pa rin yata maka-move-on itong si Sammy kay Bal,” kumento ng isa nilang kaibigan saba’y sila ay nagtawanan.
Tila nainis naman si Sammy sa narinig at padabog na tumayo. Siyempre, hindi ako nakaligtas sa masama niyang tingin bago sila umalis sa kinaruruonan namin. Sabay silang napailing sa inasal niya. Mukhang hindi rin nila siya gusto.
“Ikaw naman kasi, Bal. Masyado mong pinaasa iyong kaibigan ng pinsan mo.”
Nakita kong pinandilatan ni Bellisimo ng mga mata ang nagsalita pero tinawanan lang nila siya. Nailing na lang din ako at bahagyang natawa. Para hindi lalong mapahiya sa akin ay bigla niya akong hinawakan sa bewang para igiya sa pag-upo. Noon ko lang din napansin na nakaupo na pala si Bon sa tabi ng tahimik na si Red at kaagad na silang nag-usap. Medyo close na pala ang dalawa na ito.
“Pero grabe, mukhang sa hinaba-haba ng pambabae nitong kaibigan natin, si Jamila lang pala ang katapat. Pa-share naman Jam kung paano mo napaamo itong babaero na ito. Hindi ito natitigang noon pero ngayon retired na raw dahil goodboy na para sa’yo,” kaagad na tukso ng kaibigan nila.
Kauupo ko pa lang sa upuan pero na-hotseat kaagad ako. Binatukan ni Kuya ang nagsalita kaya tinawanan ko na lang imbes na magsalita.
“Shut-up, dude,” suway ni Bellisimo sa tabi ko.
Noon ko lang napagtuonan ang kabuoan niya. Gwapong-gwapo sa suot na simpleng puti na plain v-neck shirt, black fitted pants, tapos pares ng itim na combat shoes. Napakabango rin kaya napabuntonghininga na lang ako dahil nangingibabaw siya ngayon sa mga mata ko. Pakiramdam ko tuloy hindi ako nababagay ngayon sa tabi niya lalo na at palingon-lingon ang ibang mga tao sa gawi namin, lalo na ang mga babae. Hindi na ako magtataka kung isa sa kanila ay naging babae na ni Bellisimo dati.
“Buti nakapasa sa iyo ‘to, bro?” ani muli ng kaibigan nila, ngayon ay para naman kay Kuya Eli ang tanong.
“Magdamag kaming nag-usap niyan. Huwag lang niya paiyakin kapatid ko kung ayaw niyang ilayo ko si Jamila sa kaniya,” si Kuya at nakangising tumingin kay Bellisimo na nailing lang.
Hindi na sila pinansin ni Bellismo at naramdaman ko ang buong pagbaling ng katawan niya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kaniya. He’s on guarding stance. Ang isang braso ay nasa likod ng kinasasandalan ko. His strong legs was almost cornering mine na tila ba nilalayo niya rin ako sa mga mapanukso niyang barkada.
“What do you want to drink? It’s fine if you want to try drinking alcohol, dito naman ako para bantayan ka,” he assuringly said.
Napangiti ako sa sinabi niya. Umiling ako dahil noon pa man ay ayaw ko kahit makakita pa lang ng mga alak. I’m not really friendly with those drinks na kahit sumimsim ay hindi ko naiisip gawin.
“Okay na ako sa smoothies,” sagot ko sa kaniya.
He gently touched my hair bringing them at the back of my ear. It looked like he’s enjoying himself. Halatang-halata ko sa kinang na nakikita ko sa singkit niyang mga mata. Malayo sa buryong expresiyon na nakita ko sa kaniya kanina pagdating namin. I didn’t want to think that he’s that smitten with me though.
Tumango siya and his eyes became gentle. “Okay. Dito ka lang, ikukuha kita.”
Nang tumayo si Bellisimo ay sinundan ko pa siya ng paningin. I dreamingly heaved a sigh kung paanong ang lalaking parang kahapon lang ay parang damit kung magpalit ng babae, ngayon ay halos hindi na humiwalay sa aking tabi. To be honest, ilang gabi ko na rin pinag-iisipan bago matulog kung kailan ko ibibigay ang oo ko kay Bellismo. I’m still afraid to make everything about us official, kaso may nag-uudyok na rin sa aking huwag nang patagalin pa at baka magising na lang siya isang araw na pagod na siyang maghintay sa akin.
“Eli, alam ba ni Jam?” narinig kong bulong ng isang barkada nilang babae kay Kuya dahilan para makuha ulit nila ang atensiyon ko.
Napatingin din sila sa akin nang maramdaman yata nilang nakatingin din ako. Awkward na ngumiti ang babae sa akin habang si Kuya Eli nama’y kumunot ang noo at umiling sa akin. I instantly became confused. Ano iyon?
“Mas mabuti nang si Bellisimo ang magsabi sa kaniya.”
Napasimangot ako. Ano na naman iyang tsinitsismis patungkol sa akin?
“Ano iyon, Kuya?” kyuryoso kong tanong.
Nakita kong pasimple niyang sinulyapan ang mga barkada niya bago ngumiti sa akin. There’s a hint of hesitancy in his eyes and that made me nervous. Pagkatapos kong pag-isipan ng mabuti ang plano ko kay Bellisimo, tapos bigla na lang akong may maririnig na ganito?
“Wala iyon, sis,” he assured me but I have my doubts.
I squinted my eyes at him ngunit nang makita na walang senyales na magsasalita siya ay tumango na lang ako. Alright, I guess I have to ask the man himself. Tumayo ako at hindi na sila nagtanong kung saan ako pupunta. Nakita ko naman kanina kung saan um-o-order ng mga inumin kaya hindi rin ako mahihirapan na hanapin si Bellisimo.
Iyon lang, nang makarating ako’y walang senyales ni Bellisimo akong nakita. Natigilan ako at kaagad naglikot ang mga mata. Nakuha ng atensiyon ko ang isang madilim na pasilyo sa gilid. May nakita ako sa sahig at nanliit ang mga mata ko. Nang makalapit ay nakita kong natapon na smoothie iyon. My heart skipped a bit.
“Bellisimo –”
My words got stuck behind my throat when I saw two figures kissing in the dark hallway. Natuod ako sa kinatatayuan ko at tila natuyuan ng laway. Nanatili ako, hindi umalis. Nakita ko kung paano galit na tinulak ni Bellisimo si Sammy. Desperadang humabol si Sammy kay Bellisimo, pero binulyawan siya ni Bellisimo dahilan para maiyak ang babae. I stood there seeing everything until Bellisimo’s eyes locked to mine. I saw how his eyes turned from anger to shock. His face instantly paled seeing me.
“Shit, Mila!” panic niyang ani at nagmamadaling lumapit sa akin. “It’s now what you think. I can explain.”
Oo, alam ko. Nakita ko naman lahat. Kaso hindi ko alam kung bakit tila dinidikdik ang puso ko. Tumingin ako sa kaniya pero tila ba tumatagos ang paningin ko. He looked so worried. Hindi naman ako umiiyak pero siguro nga, ang blangko kong expresiyon ang labis na nagpapatakot sa kaniya.
“Ayos lang. Nakita ko naman na pinilit niya ang halik sa iyo.”
Bellisimo stared at me, his jaw clenching. Nakita kong pumikit siya nang mariin at hinawakan ako sa braso. His cold palm’s against my feverish skin. I could feel him trembling a bit. Bahagya akong nakahinga nang maluwag sa loob-loob ko. Alam kong wala siyang ginawang kasalanan. Si Sammy lang ang mayroon.
“No. Hindi ako mapapanatag hanggang alam kong wala kang iniisip na iba. We’ll talk outside,” aniya at hindi na ako kumontra pa dahil may isa pang katanungan akong nais itanong sa kaniya.