KABANATA 22
Bellisimo gently held my hand habang ginigiya ako pabalik sa aking lamesa. As my escort for the night, it’s his duty to assist and serve me for the rest of the night. Hindi ko na lamang pinapansin ang matatalim na mga matang nakatuon sa akin, lalo na kay Sammy. Si Bonita nama’y umalis na at tumabi sa stylist ko para ibigay ang pwesto sa aming dalawa ni Bellisimo.
“Ang duga mo rin, ano? Baka mamaya kinontiyaba mo ang DJ para lang maging magpartner tayo?” bulong ko sa kaniya nang makaupo kami sa upuan.
Bellisimo chuckled, amused on what he heard.
“Silly. I wouldn’t play dirty tricks like that. Tadhana na ang gumawa no’n kanina.”
Nalukot ang mukha ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi makapaniwala na tumingin ako sa kaniya.
“Naniniwala ka pala riyan? Sa babaero mong ‘yan? Naku, kung maririnig ka lang ngayon ng mga babae mo, baka ma-turn-off ang mga ‘yun,” natatawa kong saad.
“Well, I don’t mind. Sa’yo lang naman ako ganito.”
Umirap ako at umiwas ng tingin. Gayunpaman, hindi ko napigilan ang mangiti. Delikado na talaga ako.
Nagsimula na ang mga performance sa harap habang nag-se-serve sila ng hapunan. Ang ibang officers din ay nagsimula nang bilangin ang mga pera sa bawat kandidata para mamaya ay ma-aanounce na kung sino ang mag-uuwi ng korona ngayong gabi. As I was staring at the front, napansin kong tumayo ang dalawang matandang Ferrer na sa tingin ko ay mga magulang ni Bellisimo. Kumabog ang dibdib ko nang makita na patungo sila sa amin. Kaagad kong siniko si Bellisimo.
“P-Papunta yata rito ang mga magulang mo,” bulong ko sa kaniya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa as if telling me to calm down. Napatingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng isang ngiti.
“Calm down, Mila. Gusto ka lang nila niyang batiin,” aniya kaya bahagya naman akong kumalma.
Nang makarating ang dalawang matanda sa pwesto namin ay kaagad kaming tumayo. Ngumiti ako sa dalawang Ferrer na ngayon ko lang nakalapitan ng ganito at makauusap. The air around them was very intimidating kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon dati na lapitan sila kapag may okasiyon na magkakasama ang mga Aldivar at Ferrer.
“Magandang gabi po,” ako ang unang bumati.
Tumango ang ama ni Bellisimo habang ang ina niyang nakaangkla ang braso rito ay ngumiti sa akin. Kahawig na kahawig ni Bellisimo ang ama, pero ang singkit niyang mga mata ay nakuha sa ina na half-Chinese.
“Good evening, ija. You look stunning tonight,” si Mr. Ferrer.
“S-Salamat po,” nahihiya kong tugon sabay sulyap kay Bellisimo na kaswal lang na nakatayo sa gilid ko.
“No wonder our Bal here did all he can just to be your partner for tonight, you’re very worth it. You matured a lot unlike the last time I saw you,” ani naman ni Mrs. Ferrer.
I pursed my lips as I feel my cheeks heating-up. Hindi ko alam, pero sa paraan ng pagkasasabi niya ay tila may malisya, o ako lang? Nakita ko pang sumulyap ang ina sa anak na katabi ko at ang ngiti na hindi nawala sa mga labi ay tila biglang may pinapahiwatig.
“Ma, don’t make Mila uncomfortable,” sa wakas ay biglang sabi ni Bellisimo.
“What?” depensa kaagad ni Mrs. Ferrer. “Everything was so amusing earlier. Mas gusto ko ang nakita ko kanina Bellisimo kaysa sa kung kani-kaninong babae ka papalit-palit na pumupunta. This year’s pasayaw is my favorite now.”
“Ma…”
Napayuko ako at hindi na kinakaya ang mga naririnig. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko na tila malalaglag na iyon sa dibdib ko. Hindi ko alam pero kung hindi pa mapuputol ang usapan na ito ay baka magtanong na sila kung ano ang mayroon sa amin ni Bellisimo. Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko kung sakali!
“Good evening, Leo and Bea.”
Nangibabaw ang boses ni Tito Elton at nang makita na narito na rin sila ni Nanay ay nagpahinga sa akin nang maluwag. Iyon lang, nang matanto ulit na magkaharap na ang mga magulang namin ni Bellisimo ay bigla ulit akong nag-alala. Naramdaman ko na lamang ang kamay ni Bellisimo sa bewang ko at nang tingalain siya’y nakita ko ang multo ng ngiti sa mga labi niya. Sumimangot ako, hindi alam kung ano na naman ang pumapasok sa mapaglaro niyang isip.
“Elton, Janice! Good evening,” si Mr. Ferrer ang sumagot kay Tito Elton.
Kaagad na nag-umpisa ang usapan ng matatanda habang kami ni Bellisimo ay nanatiling nakatayo sa tabi nila. Nahuli ko pang tignan kami ni Nanay bago siya ngumiti sa akin na halos kumislap ang mga mata niya. Bahagya ko siyang pinandilatan ng mga mata dahil alam ko kaagad ang tumatakbo sa isip niya.
“Eleazar grew up as fine as you. Balita ko’y maganda ang pagpapatakbo niya sa negosyo niyo ngayon,” puna ni Mr. Ferrer kay Kuya Eli na nasa stage pa rin at masayang kausap si Kendall na tila may sarili na silang mundo.
“He is. I’m very proud of him,” taas-noong sagot ni Tito Elton at napangiti rin ako roon.
“He and Kendall looks good, hindi na ako magugulat kung isang araw ay maririnig na natin ang wedding bells sa kanilang dalawa.”
Natawa si Tito Elton sa sinabi ni Mr. Ferrer. Napakagat ako sa ibaba ng labi ko at wala sa sariling napatingin sa pwesto ni Bonita. My heart ached seeing her lonely gazes at the stage pagkatapos ay nakasimangot ang mukha na iiwas. I felt bad for her.
“That aside, me and Janice were very surprise to this unico ijo of yours. Bellisimo was it?” Mabilis akong napatingin ulit sa matatanda nang sa amin na ang atensiyon nila.
Alam kong hindi lang sa aming mga kabataan landakan ang reputasiyon nitong si Bellisimo. For sure, Tito Elton knew, too. Knowing he’s friends with Mr. Ferrer for a long time now. Kaya nang tignan niya si Bellisimo ay hindi ko maiwasang nerbyusin para sa kaniya. Although sinsero naman ang ngiti ni Tito sa kaniya, ang mga mata niya nama’y nanunuri.
“Magandang gabi po,” magalang na bati ni Bellisimo kay Tito.
“Good evening, too, young man. You were really persistent with our Jamila here earlier,” kumento ni Tito Elton kaya napalunok ako.
Tumawa si Mr. Ferrer habang sina Nanay at Mrs. Ferrer ay kapwa humagikhik.
“Ah…” Tumawa si Bellisimo sabay tingin sa akin. “It is really an honor of mine to be Jamila’s escort for tonight. I don’t want to let such beauty down.”
“My, you’re really good with flattering, ijo. Maybe the reason why women would want to date you.”
Nakaramdam na ako ng ilang sa punto na iyon. Itong lalaki na ‘to, sinusubukan pa yatang hilutin ang loob ni Tito Elton sa mga baduy niyang banat. Akala ko ba sa akin lang siya ganiyan?
“They look good together, don’t you think, Janice?” biglang tanong ni Mrs. Ferrer kay Nanay dahilan para tumalon bahagya ang puso ko.
Tumango kaagad si Nanay. “Tama. Sana alagaan mo ng mabuti ngayong gabi itong unija ija ko, ijo.”
“Nay!” I pouted. Si Nanay talaga.
“Makaasa ka po.”
Palihim kong kinurot si Bellisimo sa kaniyang tagiliran. He sweetly groaned at nang magpaalam na ang matatanda para bumalik sa stage ay sinamaan ko kaagad siya ng tingin.
“Nagpapabango ka?” pabiro kong turan at kaagad na dumagundong ang barito niyang tawa.
“Hm. Hindi ba dapat lang na kuhain ko ang loob ng future in-laws ko?” bulong niya na kinatikhim ko.
Hindi na ako sumagot dahil oras na para i-announce ang queen for the night. Tapos na ang bilangan ng perang nalikom sa sayaw at maya-maya pa ay bumalik na ang emcee sa stage dala ang announcement sheet. Napaayos ako nang upo.
“Ayos pa ba ang lahat?” tanong ng emcee na sabay-sabay sinagot ng lahat. “Alive na alive pa, iba naman talaga. Oh, sino ang napupusuan niyong reyna para ngayong gabi?”
“Sammy!”
“Ella!”
“JAMILA!”
Nagulat ako sa halos magkasabay at malakas na sigaw na iyon nina Bonita at Bellisimo.
“Naks naman, mukhang malalakas lahat ng kandidata ngayong taon. Pero iisa lang po ang uuwi ng korona. Oh siya, hindi ko na patatagalin pa.”
Kagaya ng sabi ng host ay hindi na nga niya pinatagal pa. Tinawag niya kaagad ang 3rd runner up, sumunod ang 2nd runner up, at nang 1st runner up at queen na lamang ay kami na lamang tatlo ang natitira. Ako, si Ella, at Sammy. Nagtilian sa side ni Sammy at mukhang kumpiyansiya na silang siya ang mananalo ngayong gabi.
I felt Bellisimo squeezed my hand kaya napatingin ako sa kaniya.
“Are you ready to get your crown, my queen?”
Kumunot ang noo ko at bumuka ang bibig para sana magsalita, pero nalunod na kaagad ang boses ko sa sinabi ng emcee at maya-maya pa ay ang malalakas na tili kung saan pinakamalakas ang kay Bonita. Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin pa rin kay Bellisimo na noo’y halos mawala na ang singkit na mga mata sa pagkangingiti sa akin.
“Garnering an amount of 2, 500 pesos, Sammy Enriquez is our 1st runner up while our queen for tonight, garnering an amount of 5, 000 pesos is no other than, Jamila Elize Aldivar!”
Five thousand? How far’s that amount compared to Sammy? Really?
“See? The crown’s meant for you,” si Bellisimo sabay tayo at lahad ng kamay niya sa akin. “Shall we?”
Wow, I really did win. And this guy in front of me did that much to make that happen.