CHAPTER 1

"Hon, Aalis muna ako, Teka.. A-ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kan'ya.

Kanina pa kasi siya tuliro at hindi makausap ng maayos.

Nag-aalala ako seryoso.

"H-Hon.. H-hindi mo naman ako iiwan kahit anong mangyari, di ba?" Hinawakan niya ako sa kamay at hinila paupo sa kandungan niya.

Kunot noo ko siyang tinignan at bakit parang may mali sa mga kinikilos niya?

Dalawang buwan ko na itong nahahalata pero binabalewala ko lang kasi baka may problema lang siya sa opisina nila.

"Hon? May problema ba? Mag-asawa tayo kaya dapat alam ko kung anong problema ng asawa ko," mahinahon kong sambit sa kanya pero mahigpit lang niya akong niyakap.

"Mangako ka, please? Mangako ka na hindi mo'ko iiwan," Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tumayo.

Gulong gulo na'ko sa mga pinagsasabi niya.

Lahat hindi ko maintindihan!

Ano ba kasing nangyayari sa kaniya?

"Anong problema, Dominic?" Naiinis na tanong ko sa kan'ya.

Umiling lang siya sa'kin at nagpatuloy sa iniinom.

"Mahal na Mahal kita Scarlett."

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kaniya saka ko siya niyakap.

"Mahal na Mahal din kita, hindi kita iiwan.."

Yun ang akala ko pero tila bumaliktad yata ang mundo.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba na maniwala pa sa kan'ya.

"You are one month pregnant, Mrs. Stone."

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko.

Dahil hindi ko akalain na dumating na ang matagal nanaming hinihintay.

I am Scarlett Venice Knight Stone ang babaeng hindi susuko kahit na kailan.

Pero minsan dadating at dadating talaga sa punto na kailangan mong magdesisyon para sa ikakatahimik ng lahat.

Para wala ng masaktan pang iba.

Walang against sa pamilya namin sa relasyon naming dalawa pero nilihim namin ito dahil hindi pa ako pwedeng mag-asawa o mag-nobyo.

Dahil isa yun sa mga batas ng aming pamilya dahil kailangan ko munang gawin ang mga responsibilidad ko sa aming angkan.

Pero yun nga ba ang nais ko?

Ang sumunod sa mga yapak nila?

Ang maging sunud-sunuran sa kanila?

Anim na taon na kaming nagsasama ni Dominic na walang nakakaalam na kahit na sino maliban sa ate ko, at sa mga pinsan ko miski ang mga magulang ko hindi ko sinabihan dahil alam kong makakarating ito kay lolo.

Ayokong mamili sa dalawa, dahil parehas silang importante sa buhay ko kaya inilihim namin ni Dominic ang relasyon naming dalawa.

Isang taon kami bilang magkasintahan at dumating nga sa punto na nagpakasal kaming dalawa.

Dominic was 20 years old at the time, and I was 18.

Sa murang edad namin nauwi kami sa kasalan.

Dahil sabi nga ng iba, doon rin naman mapupunta 'yon at dahil sa pera nagawa ni Dominic lahat para maging legal kaming mag-asawa na hindi nakakarating sa aming pamilya.

Dahil nga may sariling bahay si Dominic, doon na kami nanirahan na dalawa na malayo sa lahat na malaya kaming magsasama.

Anim na taon kaming magkasama at dumating na ang blessing sa'ming dalawa na mas lalong magpapatibay ng aming relasyon bilang mag-asawa.

Matagal nanaming hinintay ito dahil alam kong ito na rin ang oras para ipaalam na sa pamilya ko na mag-asawa na kami na magkakaroon na kami ng sarili naming pamilya.

Gagampanan ko pa rin naman ang tungkulin ko sa mga Knight ang mga responsibilidad ko pero kasama na doon ang magiging anak namin ni Dom.

I'm so happy and I'm so blessed! Kuntento na'ko sa buhay na meron ako pero sa hindi inaasahang pangyayari.

Everything will be destroyed.

Lahat ng saya at ngiti ko biglang naglaho sa isang iglap.

-

Pagkauwi ko dahil masaya akong ibabalita sa asawa ko ang bunga ng aming pagsasama, pero napakunot ang noo ko ng mapansin ang pamilyar na sasakyan na alam kung sino ang nagmamay-ari.

Ang ate ko.

Si Sophia Vivian Knight.

Ang supportive na ate ko.

Wait.. She's here?!

Napangiti ako lalo dahil ibabalita ko rin sa kan'ya ang pagdadalang tao ko.

I'm sure matutuwa siya na magkakaroon na siya ng pamangkin.

Masaya akong pumasok sa loob ng bahay namin ni Dom pero napatigil ako ng mapansing walang tao sa buong bahay.

Akala ko ba nandito si ate?

Pero nasaan siya?

Kunot noo akong luminga sa paligid ko at nahagip ko ang iilang bote na nasa lamesa kahit alam ko namang si Dominic ang uminom no'n.

Napatingin pa'ko sa labas ng garahe ng bahay at tama naman ako na kay ate ang sasakyang naka-park roon.

Kasi kapag nagtatalo sila ni lolo dito siya dumidiretso para maiwasan ang pagsasagutan nilang dalawa maluwag naman sa'kin dahil ate ko siya, at alam kong kailangan din niya ng makakaramay.

Nag-away nanaman siguro sila ni lolo kaya nandito siya ngayon, but.. where is she?

Tumingala pa ako sa may itaas at napangiti na lang.

Baka nagpapahinga na 'yon si ate at si Dominic kaya dali akong umakyat para tawagin sila dahil may maganda akong ibabalita sa kanila pero sa bawat hakbang ko kaakibat noon ang kaba sa puso ko.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaba ko, wala namang mangyayari, di ba?

Palapit ako ng palapit sa kwarto namin ni Dom at medyo may awang ang pinto.

Napahinga pa ako ng malalim para mawala ang tensyong bumabalot sa buong pagkatao ko, huminto pa ako saglit at napansin kong bukas ng kaunti ang pinto ng kwarto namin ni Dominic.

Calm down, Scarlett! Calm down!

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napahinto rin ako ng makarinig ako ng kakaibang tunog na nanggagaling sa kwarto namin ni Dominic.

Napapikit ako at bumuntong hininga.

"H'wag kang mag-isip ng iba Scarlett, may sasabihin ka pa sa asawa mo." bulong ko sa sarili bago ko inayos ang damit at buhok ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan may nagtutulak sa'kin na buksan ko na agad at meron din namang 'wag na akong tumuloy.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Kung magpapatuloy pa ba ako, o aatras na lang ako.

Fuck! Bakit ba ako natatakot?

Asawa ko naman ang pupuntahan ko at hindi ibang tao.

Napansin ko ang panginginig ng kamay ko habang nakahawak sa door knob pero kinalma ko ang sarili ko bago ako nakangiting binuksan ang pinto.

"Hon--" napatigil ako bigla at hindi nakapag salita.

Isang pangyayaring hindi ko inaasahan.

Ang asawa ko at ang ate ko na nasa iisang kama.

Walang lumabas na kahit anong salita mula sa bibig ko.

Nanghihina akong napaatras at napasandal sa pader kung saan naririnig ko ang halinghing nilang dalawa.

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman kong sumikip ito at napahagulgol ako ng tahimik.

Bakit, Dominic?

Bakit nagawa niyo sa'kin 'to?

Hindi pa ba ako kuntento para sa'yo?

Kulang pa ba ang pagiging asawa ko sa'yo?

"D-Dom, I-I'm p-pregnant.."

Natigilan ako sa paghagulgol ng marinig ko ang sinabi ni ate sophia.

B-Buntis siya?

Napahawak ako sa bibig ko at nagpatuloy ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.

Napahigpit ang hawak sa parihabang hawak ko.

Wala ng saysay pa ang balita ko kung magkakaroon na rin sila ng anak.

Nanghihina akong napalabas ng bahay at nanginginig din akong binuksan ang sasakyan ko at napasandal ako sa backseat.

"Akala ko nagbago ka na, akala ko ako lang ang babaeng nagpabago sa buhay mo, pero nagkamali ako. Hindi ko aakalain na magagawa mo akong gaguhin sa loob ng anim na taon." Humigpit ang hawak ko sa manobela at pinunasan ko ang mga luha ko.

Napatingin ako sa buong bahay at napangisi na lang ng mapait.

Dito tayo bumuo ng sarili nating pamilya pero dito na rin tayo mismo magtatapos.

"Paalam.."

Malungkot akong umalis ng bahay namin dala-dala ang pighati sa puso ko.

Mahal ko si Dominic pero alam kong may mga oras talagang hindi sapat ang pagmamahal para maging masaya.

Hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko.

**