Chapter 24: Plans
Nagpigil lang si Lucian sa kaniyang sarili. He tried to ignore those beautiful breasts and those porcelain-smooth legs. Ang iksi kaya ng damit ni Tinker Bell.
Napalinga-linga pa siya at napunang marami-rami palang mga matang sumusunod sa bawat kilos ni Rowan. Mapalalaki man o mapababae. Pero karamihan ay lalaki. Para tuloy gusto niyang hubarin ang kapa ni Batman at italukbong iyon sa dalaga. Ayaw niyang may ibang nakakakita sa alindog nito. Gusto niyang siya lang ang makakakita noon at wala nang iba pa. Pero ano nga ba ngayon ang magagawa niya? Ito ang napiling costume ng babae.
“I thought I said a fairy tale princess, not Fairy Tinker Bell,” timping bungad niya sa dalaga at hinawakan ito sa kamay.
“Teka, saan tayo pupunta?” tanong nito nang kinaladkad niya ito sa hindi mataong parte ng lobby. “Picture muna tayo.”
Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ito. Mabilis pa sa alas-kuwatro nang kinuha nito ang dalang cell phone at nag-selfie. Napangiti pa ito sa kaniya.
“Mukha kang tunay na Batman, ah. Hindi nakangiti,” sambit nito nang tiningnan ang resulta ng selfie.
Siya naman ay hinubad naman ang kaniyang suot na kapa at ginawa iyong saya ng dalaga. Napamaang pa ito. “A-ano’ng ginagawa mo?”
“Ginagawa kitang witch,” ngisi na aniya sa dalaga.
Nakita niya ang pagkabagot sa hitsura ni Rowan sa sinabi niya. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kaniya.
“Talaga? Paano ang gold kong pakpak?”
Hinubad niya ang pakpak na iyon at ipinasok sa malapit na malaking trash bin.
“There. You look witchy!” ngising tugon niya. He then surveyed his handiwork, eyes moving up and down her body. She looked like a perfect witch. A witch who cast a spell on him.
Lalo pa siyang napangisi sa dalaga nang sumimangot ito.
***
Ang ganda ng costume ni Rowan pero nauwi lang sa pagka-witch sa halip na Tinker Bell Halloween version. Hindi niya maintindihan kung bakit ito ginawa ni Lucian.
‘Ayaw niya ba kay Tinker Bell?’
Subalit nawala ang lahat ng pagkainis niya nang mag-enjoy siya sa party. Binigyan niya ng treats ang mga batang nandoon. May pa-contest pa na Best in Costume para sa mga bata.
Si Lucian naman ay nagbihis na mula sa pagka-Batman nito. Naging casual na lang ang suot nito ngayon lalo na at may speech itong ibinigay sa mga empleyado at sa mga bata.
“Enjoy the food and drinks, kids!” huling sabi ng binata.
Lumulundag sa tuwa ang mga bata nang may mga clown na dumating at nagbigay ng pagkain at inumin para sa mga ito. Samantalang ang mga empleyado at mga magulang ay kumuha ng kani-kaniyang pagkain sa buffet table na nasa isang banda ng malaking lobby. Nagpa-cater kasi para sa okasyong iyon. Meron doong tatlong lechon, tocino, tinuhog na marshmallows, dalawang chocolate fountain, mga cookies, at soft drinks.
“And now, I want to be alone with my witch,” sabay hawak ni Lucian sa kaniyang kamay.
Pumasok sila sa elevator at pinindot nito ang penthouse.
“May party ba sa itaas?” medyo nahihiya na tanong niya.
Ang lakas kasi ng pagrigudon ng puso niya dahil sa sinabi nitong gusto nitong mapag-isa silang dalawa. She was filled with anticipation and excitement. Pero hindi niya mawari sa kung ano. Basta natutuwa lang siyang makapagsolo silang dalawa ni Lucian.
“You’ll see,” pamisteryosong tugon ng binata na ngumiti sa kaniya.
Nang dumating nga sila roon ay nakita niyang may nakahanda nang pagkain at inumin sa mesa. “Dito rin ang office mo?” tanong niya nang mapasulyap sa kabuuan ng silid na iyon. Masinop, malinis, elegante, mabango, at brusko iyon. It reflected Lucian himself.
“You’re very perceptive. But I usually use the one on the second floor, especially on weekdays.”
Nginitian niya ang lalaki. Hindi naman niya napansin na nakasayad na sa sahig ang kapa ni Batman na suot niya at nang maapakan niya iyon ay madadapa sana siya kung hindi mabilis na nakaalalay sa kaniya ang binata. Naghinang ang kanilang paningin at sobrang lapit ng kanilang mukha. Nakayakap ito sa kaniyang baywang at damang-dama niya ang matigas at mainit nitong katawang nakadikit sa kaniya.
Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ni Rowan. Nasamyo niya ang mabangong hininga ng binata at tila bumalot sa kaniya ang pabango nitong kay sarap amuyin.
Dahan-dahan ay inalalayan siya nitong makatayo nang maayos.
“I think I don’t need this anymore,” ang kabadong sabi niya na hinubad ang kapang bigay nito sa kaniya.
She could still feel the strength of his arm around her waist, and how his perfume did raise a lot of things… erotic things in her mind to be specific. Her heart wanted her to reach out and touch his face. His handsome face.
But she held back.
Napatingin ito sa kaniyang kabuuan nang isinampay niya sa likod ng isang visitor’s chair ang kapang iyon na muntik nang magpadapa sa kaniya sa sahig. Agad namang nagbawi ang binata na napatingin sa mesa.
“I think you’re already starving. It’s now dinner time,” wika nito.
Ngumiti siya. Gusto niyang titigan siyang muli ni Lucian. Gusto niyang madamang muli ang katawan nitong nakadaiti sa kaniya pero batid niyang nag-iwas na ito. Siguro sa tukso?
Napatingin siya sa sarili. She never thought she would look seductive in this costume. Wala sa kaniyang isipan iyon. O wala nga ba?
Hinila na nito ang isang upuan sa isang round table kung saan nakahanda na ang kanilang pagkain. Hindi niya akalaing nagpahanda na ito ng pagkain para sa kanila.
Umupo naman siya at pinasalamatan ito. Umupo rin ito sa tapat niya saka kumain na sila. Parang pinilit ng binatang huwag banggitin ang tungkol ulit sa kaniyang costume o kaya ay ang tungkol sa nararamdaman nito para sa kaniya.
‘Bakit kaya? Wala na ba ‘yon sa kaniya? Ayaw ba niyang marinig kung ano ang gusto kong sabihin?’
“A-are you free the day after tomorrow?” tanong niya sa lalaki.
Tumigil ito sandali sa pagkain. “Well, I actually have some family plans. As I’ve mentioned before, bumibisita kami sa sementeryo nang sabay tuwing All Souls’ Day, and we eat out together.”
Napatango siya. Buti pa ito at may kasamang bumisita sa sementeryo samantalang siya ay mag-isa lang. Palaging ang ina niya lang ang binibisita niya at hindi ang ama simula nang mailibing ito. Hindi kasi magkatabi ang puntod ng mga magulang niya kahit na parehong araw namatay at inilibing.
Unang dahilan ay walang bakante na lote at pangalawa ay gusto niyang hindi makasama ng kaniyang ina ang kaniyang mapabayang ama sa kabilang buhay o sa himlayan man lang. She thought it would be better for her mother to be away from him. Lalo na’t napaghiwalay na ang mga ito sa kamatayan. Tapos na ang pangako noon ng kaniyang ina sa araw ng kasal ng mga ito nang mamatay na ang mga ito. They parted in death.
“I see. I have my own plans, too,” nasabi rin niya.