Chapter 23: Getting Much Closer

Tumikhim muna si Lucian bago sumagot. “Yeah! I’ll be right there,” sabi niya sa dalaga at ipinatong muli ang picture frame sa ibabaw ng TV.

“Huwag. Diyan ka lang sa sala,” tanggi nito. “Maupo ka lang diyan at manood ng palabas sa cable. Baka mako-conscious na naman ako sa ‘yo at hindi ako makakapag-concentrate sa pagluluto. Baka magka-epic fail pa ang lulutuin ko dahil sa ‘yo.”

Umunat ang sulok ng kaniyang mga labi. Gusto niya ang pakiramdam na ito na maghihintay habang nagluluto ang dalaga. It was like playing house with her. It may sound silly, but he liked the very idea.

Pork adobo ang niluto ng dalaga. Sa hitsura pa lang ay napatakam na siya.

“Warning. Hindi kasing-sarap sa luto ni Lini na cook mo ang luto ko,” biro pa nito nang nasa hapag na sila.

Tinikman niya ang luto nito. “Hmm. It’s good! You’re not a bad cook yourself,” puri niya sa dalaga.

Tumaas ang kilay nito at napangiti sa kaniya nang maluwag. “Talaga? Hindi ba kulang sa asin o ano? Okay lang ba talaga ang timpla para sa ‘yo? Huwag kang magsinungaling.”

Umiling pa siya. “No. Really, it’s good! Kahit na may mas masarap pa sa luto mo, kakainin ko pa rin ang luto mo.”

Nag-blush ulit ang dalaga. Napatungo ito sa pagkain nito at sumabay na rin lang sa kaniya na kumain. In-enjoy na niya ang pagkaing inihain nito sa kaniya. Mas pinasarap iyon dahil kasama niya ito. He wished it would be like this for always. Hindi na niya nakikita ang sarili na kumain nang mag-isa.

***

Nakikinig si Lucian sa report ni Rhenn sa kaniya nang bumalik siya sa opisina isang araw. Nakasandal siya sa kaniyang swivel chair.

“The progress is faster than anticipated. Magagaling ang mga tauhan ng Organic Gardens, sir. And they’re professional, kahit sa initial presumption kong mga tambay lang sa kanto ang magtatrabaho.”

Napatawa siya sa PA. “Just check on them now and then, Rhenn. Salamat.”

Tinawagan niya si Rowan sa cell phone pagkatapos niyon. Dalawang linggo na mula nang kasama niya nang maghapon ang dalaga sa opisina nito at sasapit na ang Halloween.

“Hi.” Nakangiti siya nang sinagot ng dalaga ang tawag niya sa unang ring pa lang.

“Napatawag ka,” anito.

“Um… What do you usually do during Halloween?” tanong niya.

“Ano lang… binibisita ang mga magulang ko sa sementeryo, nagpapamisa, gano’n. Bakit?”

Napatango siya. “I see. Busy ka siguro.”

“Hindi naman masyado. Bakit? Ikaw, ano’ng ginagawa mo kapag Halloween?” tanong din nito.

“Katulad mo rin pero may Halloween Party sa kompanya ko at kailangang mag-costume. Gusto sana kitang ayain kung okay lang sa ‘yo. It doesn’t really fall on November 1 or 2. It’s on the day before the first of November.”

“Ha? Okay, pero kailangang mag-costume?” alunignig nito. Nakikinita niya ang pagkunot nito ng noo ngayon sa kabilang linya.

“Para sa mga bata ng empleyado kong bisita namin sa araw na ‘yon. You don’t have to dress up scary. You can just be a fairy tale princess or whatever you like. Magugustuhan ng mga bata iyon,” suhestiyon niya.

“Uh… Sige, pag-iisipan ko muna.”

Napangiti siya sa sagot nito. Kahit papaano ay hindi naman ito tumanggi kaya may malaking tsansa na pupunta ito.

***

Halos malaglag ang panga ni Lucian nang makitang pumasok ng lobby ang hinihintay niyang dalaga. Nakasuot ito ng Tinker Bell na costume na pang-Halloween version. Itim ang kulay niyon pero may pakpak itong kulay-ginto at may suot na witchy hat. May bitbit itong Halloween pumpkin na ginawang basket at may laman na kung anu-anong pang-treat para sa mga bata⸺kendi, biskuwit, lollipop, at iba pa.

Napalinga-linga ito sa paligid, hinahanap siya. May maraming tao at maraming nagko-costume, pati na ang mga bata na anak ng mga empleyado ng kaniyang kompanya, kaya hindi siya agad nito nakitang nakatayo sa isang sulok. Isa pa, naka-costume siya ng Batman kaya lalong hindi siya nito agad na makikilala dahil sa maskara.

“Sir, pumasok na po siya,” bulong ng PA niyang naka-costume ng Hawkeye ng Avengers. Kumpleto pa ito sa props kaya marami ring mga batang nagpapa-picture dito nang makilala ito.

Napatingin sa kaniyang direksyon ang dalaga.

Akma niyang itataas ang kamay nang may isang maliit na kamay na pumigil sa kaniya kaya napadungaw siya.

“Batman! I’m Robin!” bulalas ng bata na excited na makita siya. “Mama! Picturan mo kami ni Batman, please!” baling pa nito sa ina.

Pamilyar sa kaniya ang empleyadong ito na ngayon ay mukhang zombie. Napangiti ito sa anak. Mukhang kilala rin siya nito kahit sa suot niyang maskara.

“Okay lang po ba, Sir Lucian?”

Napabuntong-hininga siya. Tumango siya at tumayo sa tabi ng bata na pumormang sumisipa. Napangiti na lang siya pagkatapos silang kunan ng larawan ng ina nito at pinasalamatan siya.

Kitang-kita niya ang tuwa sa nakangiti nang malapad na bata. Kahit paano ay nasiyahan siya dahil magkakaroon ng magagandang alaala ang bawat pamilya na nagtatrabaho sa kaniyang kompanya.

“Hmm. Gusto ko ring magpa-picture kasama si Batman. Okay lang ba?”

Napalingon siya sa babaeng nasa kaniyang tabi. Nakita niyang nakatayo na ngayon doon si Rowan. She looked even more desirable in her costume at this close proximity. Nalanghap pa niya ang pabango nitong tila umuudyok sa kaniyang yakapin at halikan ito.