CHAPTER 73

Umaga na nang magising ako. Hinanap ng mga mata ko si Dave. Ngunit isang sulat sa ibabaw ng lamesita ang nakita ko at binasa. "Mahal kong Annie, patawarin mo sana ako dahil umalis ako ng hindi na naman nagpapaalam, sana ’y maunawaan mo ako. Mahal na mahal ko kayo sana ay mahintay mo ako, at magakasama-sama tayo. Mahal ko kayo mag-iingat ka. Love, Dave."

Mabilis na tumulo ang mga luha ko. Nailagay ko ang liham niya sa dibdib ko dahil sa labis na pag-aalala. Si Dave, mas pinili niyang magsakripisyo na hindi kami makasama para sa ikabubuti ng lahat. Mas pinili niyang iwan ako, at sumuong sa isang problemang hindi niya alam kung makakaligtas pa siy, a o papapahamak sa huli. Ang kabutihan ng puso ni Dave, ang nagiging dahilan ng kapahamakan niya, pero ito rin ang dahilan kung bakit mas lalo ko pa siyang minahal. At ang karanasan ko sa kanya kagabi ay isa nanaman sa mga alaala na pang hahawakan ko sa puso ko.

"I love you Dave, at wala na akong iba pang mamahalin kundi ikaw lang," sabi ko sa aking sarili. Tumayo ako at naghanda na sa aking pag-alis.

--------------------

One month later: 2019

Sa health center:

"Tingnan mo si Annie, kanina pa 'yun tulala." Nginuso ako ni Joy na noo'y nasa table ako at nag-aayos ng medicine kit. Hinihiwalay ko ang mga hindi na maari pang gamitin sa mga magagamit pa. Kailangan kasi iyon para sa inventory ng mga supply na manggaling sa city hall. Hindi ko namalayang napatulala na pala ako sa lalim ng matinding pag-iisip ko. Hindi ko na rin namalayan na kanina pa pala nasa harap ko sina Joy at Mica.

"Hi Mis. Annie," wika ni Mica. Ngunit hindi ko pa rin siya napansin. Wala akong kibo at patuloy lang sa pagbubukod ng mga cotton at ibang supply.

"Hoy! Annie!" Sigaw sa akin ni Joy. Doon lang ako napatingin sa kanila.

"Ayos ka lang ba? Alam mo simula nang makabalik tayo galing sa conference ay ganyan ka na," sabi ni Mica.

"Ha! H-hindi okay lang ako. Pagod lang siguro kasi kagabi duty ko rin sa hospital," pagdadahilan ko sa Kanila.

"Ah oo nga pala, pumaparaan lang 'yun si Sir Adrian." Pumameywang pang sabi ni Joy habang nakabusangot ang muka.

"Ano naman ang ibig mong sabihin?" tanong ni Mica. Samantalang tumayo ako upang kunin ang iba pang bagay sa medicine shelf nang magdilim bigla ang paningin ko at alam kong nawalan ako ng malay.

"Ay! Si Annie hinimatay!" sigaw ni Joy nang makita akong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

-------------

Dave's pov:

Slovakia country in Europe.

One of the highest Casino's in this country.

Bigla na lamang akong kinabahan at pumasok sa aking alaala si Annie. Matapos ko siyang iwan ng umagang iyon ay hindi ko na nalaman ang mga nangyari sa kanya. Ang alam ko lang ay bumalik siya sa Santivaniez Hotel, para sa medical conference na dinaluhan niya. Ngunit wala na bukod doon. Hindi ko alam pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang maganda niyang mukha ngunit malulungkot na mga mata. Parang nadudurog ang puso ko nang magkita kami. Ang malungkot niyang mukha. Nawalan ng sigla ang kanyang pigura. Halatang dumaranas ng matinding kalungkutan sa pagkawala ko. At hindi ko mapatawad ang sarili ko sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. Kung maari lang sana na hindi na ako lumayo at magtago sa kanya.

Malalim na buntong hininga ang pinawalan ko na napansin naman ng mga kasama ko sa loob ng isang malaking meeting room. Ang pagpapanggap kong investor sa isa sa mga tiwaling negosyo ni Don. Fabian. Ngunit lahat iyon para lang makuha ang nag-iisang kulang na lang na detalye sa mga ibedensiyang nakalap namin. At ang video footage na inipon namin ay isa-isa nang hinahanda ng I. T team ko. At iyon malapit na naming magamit.

"Pañero... Mukhang may mabigat kang dinadala ha.…" sabi nito na dinutdot ang upos ng sigarilyo sa ashtray na nasa tabi nito. Iyon ang lugar ng kanilang lihim na pagmi-meeting. Habang ginagawa ang meeting ay sinasabayan ng pagsusugal at pag-iinuman. Naroon na rin nakahanda ang droga at iba pang ipinagbabawal na gamot. Si Don. Fabian ay nagbabalak na magpakalat ng Isang klase ng droga. Isang klase ng gamot na maaring kumitil ng buhay ng napakaraming tao. Alam na namin ang kuta ng kanilang laboratory na sa pilipinas nila mismo ginagawa upang hindi malaman ng marami. May mga tao silang ginagamit upang gumawa at mag manufacture ng lahat ng mga ipinagbabawal na gamot. Ang gamot na ito nagmula sa mga halamang natuklasan nila na, maaring maging sanhi ng hallucinations at maaring ikamatay ng mga taong makakain nito. At iyon ang bagay na hindi ko mapapayagan. Ayon sa source na nakuha namin gumagawa sila ng bawal na gamot at hinahaluan nila ng katas o sangkap ng halamang ito. Sinabi rin na maliit lamang ang magiging tama ng gamot dahil sa kaunti lang daw ang inilalagay sa bawat kapsula. Ngunit napag alaman ko na ang patuloy na paggamit nito ay mayroong malaking epekto sa daloy ng dugo, nakapapanuyo ng bibig at mga mata na siyang dahilan ng maaring pagkamatay ng isang tao. Bukod pa d'yan ang halusinasyon at adiksyon. Kaya naman pilit kong inaalam pa ang mga masasamang plano ng sindikatong ito.

"Ah, wala alam niyo namang tumatanda na tayo," sabi ko na sinabayan ng malakas na tawa. Ginagampanan ko ang malaking pagbabalatkayo sa harap ng mga ito upang makakuha ng lead kung saan ang eksaktong lokasyon ng laboratoryo nila at napakalaking pataniman sa nasabing halaman. Ang mga tauhan kong sina Alvin, Simon, at Charls ay kasama kong nagbabalat kayo rin. Ngunit habang nagkakasarapan ang lahat dito sa lihim na meeting area at nagawa na nilang mailagay ang hidden cam. Na aming gagamitin upang marinig at mamonitor ang mga usapan nila. Pagkatapos noon ay tinapos na namin ang aming pakikipagtalakayan sa kanila at nagpaalam na aalis na. Ngunit sa kasamaang palad ay tila nakatunog ang mga ito.