CHAPTER 74

"Kam ideš (saan kayo pupunta)?" sabi nito sabay hawak sa braso ko. Masama ang tingin nito sa akin.

"Uzavreli sme dohodu, takže musíme ísť (we closed the deal, so we have to go)," sagot ko naman na gamit ang kanilang wika. Mabuti na lang at bilang negosyante ay halos aralin ko na ang lahat ng wika.

"Did you understand our language? And yet you can speak to." Napangiti at hindi makapaniwala ang lalaking kanina lang ay tila naghihinala sa amin.

"Okay, I'm just impressed. You know what ? I'm just believe that you are a true investor," sabi pa nito na sa wikang ingles na nagsalita.

"O! Thanks, so we can go now, we have a lot of experience here, and I'm just enjoying my time with here," sabi kong muli na hindi pa rin nagpahalata.

Makalipas ang ilang sandali at lulan na kami ng aming Van. Lahat kami ay kapawa mga nakahinga. Agad akong nagradyo sa mga team ko na, ng mga oras na iyon ay nasa isang sasakyan din. Isang track ang binili ko upang gawing lalagyan ng mga gamit ng I. T team ko. Na siyang nagmo-monitor ng lahat ng ginagawa namin. Magaling din silang hacker at alam kong mapapasok kaagad nila ang mga computer system ng buong casino.

"O kayo i-check niyo kung nadikitan kayo ng kung anomang bagay. Alam naman nating napaka hi-tech na rin ng technology nila rito," sabi ko na puno ng ingat.

"Yes sir!" sabay-sabay nilang sagot.

Tumango na lamang ako. Habang nasa byahe na kami ay muling bumalik sa isipan ko ang mukha ni Annie. Matagal na 'yon huli kong balita sa kanya. Gusto ko mang tawagan si Marvin ay hindi ko magawa. Ayaw ko nang madamay pa siya at masangkot sa gulong ito. Mas mabuting hindi na niya alam ang buong ditalye para sa ikabubuti ng lahat. Ang isang kuta na inaalam namin ay kung saan dinala ni Don. Fabian si Edmon.

"Hello, nakita niyo na ba?" tanong ko sa kausap ko sa cellphone.

"Oo Sir, nakita napo namin ang pinagtataguan nila kay Edmond. Sa isang liblib na probinsiya, malapit sa isa sa mga forest ng Amerika," sabi ng kausap ko sa cellphone.

"Mabuti naman, alamin mo ang exact location at ako na ang bahala." Binaba ko ang cellphone at nakita kong nakatingin si Charls sa ‘kin

"Bakit Churles? May problema ba?" 'taka kong tanong sa kanya.

"Bakit Sir Dave? Bakit kailangang hanapin at iligtas mo pa siya? Nasira ang buhay mo nang dahil sa kanya. Ang laki ng kasalanan niya sa inyo," sabi ni Charls na halatang masama ang loob sa mga nalaman niya.

"Churles dapat mong maunawaan na malaki rin ang naitulong niya para mapalaya si Annie, sa masamang sitwasyon. Para sa akin matagal na niyang piangdusahan ang mga nagawa niya. Marahil ngayon ay naghihintay na lang siya ng kamatayan." Paliwanag ko pa kay Charls. Tumango lamang siya at hindi na muling nagsalita pa. Alam kong hindi ko ganoon kabilis mababago ang paniniwala nito sa bagay na iyon.

Isang linggo ang lumipas, mula sa Europe ay dalidali kaming lumipad sakay ng private airplane ko at sa loob ng madaling panahon ay nasa kontinente na kami ng America. Mabuti na lang at may sarili akong eroplano. Pagkarating nga namin ay agad na naming ginalugad ang mga kagubatan. Sabi ng team ay nasa Washington ang forest na pinaglagayan kay Edmond. Ngunit ng makarating kami roon ay napag-alaman naming nakuha na ito ng mga tauhan ni Don. Fabian.

Malakas kong naibalibag ang hawak kong mga gamit sa sopa, nang makauwi na kami sa hotel kung saan kami naka- check in.

"Paanong nangyari 'yon na naunahan tayo!" malakas kong sambit.

"Hindi rin namin alam Sir," sagot naman ni Charls.

"Sir ang natangap kong balita, kada linggo nililipat nila ng taguan si Edmond," sabi naman ni Alvin.

"Ano! Wala pa namang isang linggo! May pumependeho naba sa 'kin? Sabihin niyo na lang!" galit kong sabi.

"Sir, iilang po tayo sa team, bakit naman po namin gagawin iyon sa inyo?" sabat naman ni Simon.

"Dahil alam kong hindi lahat kayo sang-ayon na iligtas ko si Edmond! Hindi niyo ako naiintindiha sa desisyon ko. Ayokong may magbuwis pa ng buhay, kaya nga ako na ang nagsasakripisyo," sabi ko pa kanila.

"Sir, alam naman namin 'yon, kaya nga kami sumama sa'yo kasi naniniwala kami sa adhikain mo. Bakit ka namin ilalaglag?" sagot na naman ni Alvin.

Tumayo so Churles, " Ako ba ang sinasabi mo pumependeho sa'yo? Oo inaamin ko nagpadala ako ng clue. Dahil hindi ako naniniwala na matapos kang ipahamak ni Edmond, ililigtas mo pa siya." Tumayo rin ako at nahablot ko ang suot niyang t-shirt nakwelyuhan ko siya at nanggigigil na tinanong siya.

"Bakit mo ginawa to? Hindi mo ba alam na sa ginawa mo, mapapahamak pati tayo! Dahil sa ginawa mo, alam na ni Don Fabian na buhay pa ako. Hindi ko akalaing ta-traydorin mo kami?" Binalibag ko si Churles at tumilapon ito sa sahig.

"Sir!" sigaw nila Alvin at Simon.

"Huwag kayong makialam!" baling ko sa dalawa.

"Ano Charles lumaban ka! Dahil sa ginawa mo alam mo bang pati buhay ng mag-ina ko pinahamak mo! Ngayon maaring pati sila hanapin ni Don. Fabian, at gawing bihag! Ano? Ano pang sinumbong mo sa mga sindikatong iyon? O baka naman matagal mo na itong ginagawa sa akin?" galit na galit kong tanong sa kanya.

"Wala akong ibang ginawa kundi ang magpadala llang nang mensahe. Hindi ko hinangad na mapahamak pati ang pamilya mo Sir. Dave," sabi pa nito na pinapahid ang dugo sa mga labi. Tiningnan ko lamang siya at umiiling na tinalikuran ito. Tumungo ako sa kwarto ko at nagsimulang kumontak kay Marvin.

"Hello! Marvin!" tawag ko sa kausap ko sa kabilang linya.

"Hello Uncle!" masaya nitong bati sa akin.

"May I know about Annie, and Daniel?"

"They're still okay, but I don't know about Annie, the last time I saw her, I thinks she's in seek. Pero nang tanongin ko, okay lang daw siya," sabi pa ni Marvin.

"Can you give them special task force, from our security company. Give them special guard, yung marami. Magpadala ka doon pero yong hindi nila mahahalata, para hindi sila matakot."

"Okay, but why? May problema ba?" ngunit hindi ko na sinagot pa ang tanong niya pinatay ko ang cellphone at pahagis na ibinaba ito sa tabi ko. Napayuko ako at napahilamos ng mga kamay ko sa aking mukha.

Isang malaking problema ang nagawa ni Charls, hindi ko naman siya masisi na hindi sang-ayunan ang desisyon kong iligtas si Edmon. Ngunit hindi ko akalaing magpapadalos-dalos siya sa mga gagawin niya. Hindi niya na rin naisip ang sarili niyang kaligtasan.