CHAPTER 72
Mahigpit at madiin ang bawat galaw na pinapakawalan ni Dave sa akin. At iyon ay lalong nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal. Alam kong ibinubuhos niya ang lahat ng kanyang lakas upang mapaligaya namin ang aming mga sarili sa isang tila nakaw na sandali. Alam naming maaring bukas ay hindi na naman namin makasama ang isa't isa.
"Dave! I love you! Please don't leave me!" sabi ko habang mahigpit paring nakakapit ang aking mga braso sa kanyang leeg.
"Oh! Annie, I love you more!" sabi ni Dave na punong puno ng emosyon. Habang patuloy na binabayo ang aking pagkababae. Mabilis! At pabilis nang pabilis!
Binura ng mga sandaling iyon ang lahat ng takot ko, pag-aalala, kalungkutan at sama ng loob sa dalawang taong pagkawala niya. At ang katotohanang siya lamang ang minamahal ko at wala nang iba ang muling nagbabalik ang aming mga nawalang oras na magkasama.
Nabawi ng mga oras na iyon ang aming matagal na paghihiwalay. Ang pag-ibig namin sa isa't isa ay aming muling binuhay sa loob ng isang gabing pagsasama. Ilang sandali pa at kapwa kami nakatapos sa aming ginawa. Muli niya akong binuhat at dinala sa kama. Tanging bathrobe na lamang ang aming suot. Marahan niya akong nilapag doon at siya naman ay umupo sa gilid ng kama. Tahimik siyang nakamasid sa akin.
"Annie, I love you so much," sabi niya sa ‘kin.
"Dave, please don't leave me again!" napalakas kong sabi sabay hawak sa kamay niya. Bumangon ako at yumakap muli kay Dave, mula sa kanyang likuran. Mahigpit at puno nang lakas. Yakap na nagsasabing huwag siyang umalis.
"I'm sorry Annie, pero kailangan kong gawin ito." Hinawakan niya nga mga kamay kong nakayakap sa kanya at hinarap niya akong muli. Tinitigan at walang sawang pinagmasdan. Tumutulo naman ang luha ko na nakatingin sa kanya.
"Dave bakit!? Bakit kailangan mo pa kaming iwan! Hindi ba pwedeng mga pulis ang gumawa ng mga ginagawa mo?"
"Annie, unawain mo 'ko! Para 'to sa magandang kinabukasa ng anak natin!" paliwanag pa ni Dave sa akin.
"Anak! Para sa kanya! E, hindi ka na nga niya nakilala dahil sa paglayu mo! Hanggang kailan kami maghihintay?" sabi ko sa kanya at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko.
"Hindi rin tayo magkakaroon ng magandang buhay kung hindi ko matatapos ang problemang ito! Maaari pa kayong lalong manganib," patuloy pa ni Dave, na pilit ipinapaunawa sa akin ang lahat.
"Alam mo ba? Si Edmond ay hawak nila. Walang nagawa ang limang milyong pera na nakuha niya kay Don. Fabian, pinahihirapan nila si Edmond, gaya ng ginawa nito sa kuya mo." Kinuha niya ang kamay ko at hinimas-himas iyon. Inilapit pa niya sa kanyang pisngi upang madama ang init ng aking palad.
"Annie, please understand," sabi pa nito sa akin na nakikiusap.
"Tama lang sa kanya 'yon, sa lahat ng mga kasalanan na ginawa niya. Sa lahat ng mga dinanas nating hirap. At nang dahil sa kanya namatay si Papa." Binawi ko ang isang kamay ko na hawak niya. Tumalikod ako at sa bintana ibinaling ang aking mga mata.
"Annie, don't change your self dahil lang sa mga masasakit na pangayayari,"
"Ayan ka nanaman! Napaka bait mo! Handa ka nanamang patawarin siya! Ano kaba? Dapat nga matuwa ka dahil pinarusahan na siya ng Diyos! Ewan ko na lang kung hindi pa niya mapag-isip-isip ang mga kasalanang ginawa niya sa atin at sa pamilya ko! Sa pamilyang tumanggap sa kanya!" Bumuhos na namang muli ang mga luha ko. Dahil naalala ko na naman ang lahat ng mga masakit na pinagdaanan ko.
"Okay, okay, calm down," wika pa niyang tila nag-alala sa akin.
--------------
Nakaidlip ako sandali, napabalikwas ako ng bangon ng mapansin kong tila mag-isa na lang ako. Luminga-linga akong mabuti ngunit wala si Dave sa buong silid. Kinabahan akong baka panaginip lamang ang lahat ng nangyari sa amin.
Ngunit napawi ang pag-aalala ko nang maamoy ko ang mabangon amoy ng ulam mula sa kusina. Agad akong tumayo at marahang lumakad palapit sa pintuan ng silid ko. Mula sa maliit na siwang ng pintuang hindi gaanong naka sara ay sumilip ako. Nakita ko ro’n si Dave. Ang nakatalikod na si Dave. Lumabas ako at dahang dahang lumapit sa kanya.
"Dave, anong niluluto mo?" tanong ko sa kanya.
"O gising ka na," parang nagulat pa nitong sabi.
"Bakit? Ayaw mo pa bang magising ako ngayon?"
"Hindi a, inantay ko ngang magising ka kasi alam kong magugutom ka paggising mo," at tinapunan ako nito ng makahulugang tingin.
"He! Pilyo ka talaga!" kinikilig ko namang sabi sa kanya. Kapag ganoon ang mga tingin niya sa akin ay para na naman akong nalulusaw. Para bang magkasintahan pa lang kami at hindi mag-asawa. Pero bigla na naman akong naiyak, bigla ko na namang naalala na aalis din siya pagkatapos.
"I want to say thank God, dahil nakita kita ngayon, at hindi lang nakita nakasama pa." Pinahid ko ang pumatak na luha sa pisngi ko.
"Annie, I promise, babalik ako, babalikan ko kayo," Hinawakan din niya ang mukha ko.
"Okay let's eat! And we have undone business," sabi niya sa akin sabay kindat. Pahiwatig na may nais pa siyang gawin naming dalawa. Kumain kami ng gabing iyon na magkasabay. Pagakatapos ay nanood ng T. v na magkatabi sa upuan. Pinalipas ang oras na magkahawak ang mga kamay. Ako naman ay hindi na namilit pa sa nais kong manatili siya dahil alam kong hindi niya iyon gagawin.
"Dave, ipangako mo sa akin na babalik ka nang ligtas, na magtatagumpay ang mga plano mo," naluluha kong sabi sa kanya.
"Thank you for your permission, Annie; I love you; all of this is for you and to my son; please tell him everything about, why I had to leave him." Tumango lamang ako sa mga sinabi niya. Kahit na ang puso ko ay puno nang kaba at pag-aalala sa kanya. Paano nga ba ang umasa at maghintay sa walang kasiguraduhang pangako ni Dave, dahil sa napaka delikadong operasyon nila, kasama ang ilang sanggunian ng NBI at police officer. Isang operasyong dinadalangin kong malampasan namin ng magkasama.