Chapter 23

Cloude Thower

It's already eight in the evening pero hindi parin umuuwi ang babaeng yon. Don't get me wrong, hindi ako nag-a-alala sa kanya dahil naiinis ako. Dahil hindi na sya nahiya sakin dahil ako itong mismong maraming ginawa maghapon at pagod na ako ay nakauwi ng maaga samantalang sya, hindi ko man lang malaman kung anong ginawa nya sa maghapon nya tapos alas otso na ng gabi ay wala pa sya.

Gigising pa ako ng maaga bukas dahil maaga ang taping pero itong babaeng ito. Ugh! Lalo lang kukulo ang isipan ko kapag iisipin ko pa sya.

Lumabas na ako ng kwarto ko at sa hindi ko inaasahan ay nakasalubong ko sya. Medyo gusot na rin ang business attire nya. Blangko ko lang syang tiningnan at nilagpasan ko lang sya. Ano bang pakialam ko sa kanya diba? Mangagamit sya!

Ginamit nya lang ang pangalan ko para makuha nya ang magandang posisyon nya sa trabaho nya. Ginamit nya lang ako at alam ko ay nasa plano na nya lahat, simula pa lang.

Dire-diretso na lang ako sa paglalakad ko papuntang kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay ibabalik ko na sana ang pithel sa ref ng mag ring ang phone ko dahilan para kunin ko ito mula sa bulsa ko.

Yamie Calling ...

Wala sa mood ko itong sinagot at pabalang akong nagsalita. "What do you want?"

"Oh! Someone's mad! Oh well, may ibabalita pa ako sayong lalong magpapaganda ng gabi mo .." tumigil sya sandali at narinig ko na ang pagtawa nya. Ang pagtawa nyang nakakairita sa tenga. At ibabato ko na sana ang phone ko ng tumigil na sya sa kanyang pagtawa.

"Calvin and Autumn have their date. Napaka-sweet nga nila e, mukhang masayang masaya sila sa isa-is--" hindi ko na tinapos ang tawag at basta ko na lang binato ang phone ko at nag martsa ako papunta ng kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na ako. Nilock ko ang pinto at pagkatapos ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko papunta sa isang bar na lagi kong pinupuntahan.

---

Autumn Monique

Naalipungatan ako at nagising ako ng pasado as dos na ng umaga. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at napansin kong naka-business attire pa ako. Oo nga pala, nakatulog na pala ako dahil sa pag-iyak. Lalo ko tuloy naramdaman na wala naman talaga akong halaga para kay Thower.

Hindi ko na napansing nagsimula na namang magsibagsakan ang mga luha ko habang pinapalitan na ang damit ko ng mas pantulog kong damit. Pagkatapos kong magbihis ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Hindi nila nakikita na nasasaktan ka, Autumn, dahil ang tangi lang nilang nakikita ay kung gaano ka ka-swerte dahil napangasawa mo ang isang Cloude Thower Wolfe"

Pinunasan ko ang mga luha ko at babalik na sana sa higaan ng marinig kong may gumaraheng sasakyan sa may garahe kaya lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hadgan para silipin at tingnan kung sino yun.

Pero lalapit pa sana ako sa pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa nito si Thower na lasing na lasing at medyo paliko liko na ang lakad nito.

Lalapitan ko na sana sya para alalayan pero hinarang nya ang kamay ko at pinagsalitaan ako.

"Wag mo na wag mo akong lalapitan!" saad nya na syang pinagwalang bahala ko dahilan para lapitan ko sya at ang sumunod ko na lang na napagtanto ay malakas nya akong tinulak dahilan para bumagsak at mapaupo ako sa sahig.

Nanatili na lang akong nakaupo sa sahig habang ramdam na ramdam ko ang sakit sa may pwetan ko. Pinanood ko na lang si Thower na tingnan ako ng masama at pagkatapos ay paunti-unting akyat ng hakbang.

Lalo akong naawa sa sarili ko at napaluha. Ilang mga araw at mga taon ko pa kayang pagtiisan ang ugali nyang yan. Gusto ko mang nagprotesta at magreklamo kaso wala akong karapatan dahil alam ko sa sarili kong ako rin ang may kasalanan kung bakit nagpakasal kami ni Thower.

Hinintay kong tuluyan na syang makapasok ng kwarto nya tyaka pa ako muling pumasok ng kwarto ko at bumalik sa aking pagtulog.

----

HALOS isang oras lang ang naitulog ko dahil halos hindi ako makatulog dahil sa nangyari kagabi pero hindi ko ginawang hadlang ito para makagawa ko ng buo ang trabaho ko.

Ang dami kong papeles na inayos at ipinasa ngayon. Simula pa lang ng araw ko kanina ay busy na dahilan para konti lang ang kainin kong lunch. Nag-aalala na rin sakin si Starie pero sinabihan ko syang wag ng mag-alala.

"Sigurado ka? Para kasing namumutla ka? Girl, stress ka na nga hindi ka pa kumakain ng foods, di pwede yan girl" punong puno ng pag-aalala ang mga mata ni Starie.

"Ano ka ba naman, okay lang ako. Stress lang ito. Nothing to worry about"

"Sigurado ka? Girl, concern lang ako sa sayo. I care 'coz I'm a care bear" pagbibiro pa nya dahilan para magtawanan kami.

Pagkatapos ng lunch ay balik na ako da trabaho. After 1:30 pm ay natapos ko ang lahat ng pinapagawa ni Sir Calvin. Halos wala na akong gagawin pero pinilit ko paring may gawin para lang gawing busy ang sarili ko para lang hindi ko maisip si Thower at kung paano sya umasta kagabi.

Pagdaan ng alas singko ng hapon ay nagpa-over time pa ako ng 2 hours. Nabigla si Sir Calvin dahil sa biglaan pag-o-overtime ko pero pinayagan at hinayaan nya lang ako.

Sa loob ng dalawang oras ay ginugol ko ang sarili ko sa mga gagawin ko for the next week na alam kong iuutos sakin ni Sir Calvin. Ginawa ko na ang lahat at nagkaroon pa ako ng panahon para i-double check ito at pagkatapos ng dalawang oras ay umuwi na ako.

Pagkadating ko ng bahay ay buhay nga ang ilaw dito sa labas pero patay naman ang ilaw sa loob ng bahay, mukhang wala pa si Thower.

Pumasok na ako ng bahay at sandaling binuksan ang ilaw at diretsong kwarto at basta na lang humiga.