Chapter 24
Cloude Thower
"Hindi ka man lang ba naaawa sa asawa mo? Anong oras na marahil ay hinihintay ka na nya!" malakas kong binaba dito sa may counter ang basong hawak ko dahilan para lingunin ako ng dalawang bartender na nandito.
"Can you just shut up! That voice of yours is irritating!" iritato kong saad kay Jess. Nakakainis ang isang to. At ano kayang ginagawa nya sa oras na ito dito sa bar? Sabagay, wala naman akong pakialam sa kanya at sa pamilya ko dahil niloloko lang nila ako. Kapag nakaharap ako ang bait bait nila un pala kapag nakatalikod na ako ang sama sama ko sa paningin nila.
They don't deserve to be called my family. Mabuti na lang talaga at sinabi Yamie sakin ang lahat.
Tinaliman nya ako ng tingin pero hindi pinansin yon at umorder pa ng isang glass ng alak na iniinom ko.
"Yan ba ang natutunan mo sa mundong ginagalawan mo? Yan ba ang natutunan mo sa kasikatan at karangyaang nararansan mo?" nainsulto ako sa sinabi sakin ng lalaking ito.
Malakas kong binitawan ang baso dito sa counter na halos mabasag na ito. Tinaliman ko ng tingin si Jess.
"Okay! Tell me, brother where this is going? Akala mo ba hindi ko alam na niloloko nyo lang ako? Lahat kayo!" malakas kong saad dahilab para tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napalingon sakin. Wala akong pakialam sa kanila.
Medyo masakit na ang ulo at nahihilo na rin ako. Marahil ay lasing na ako pero wala akong pakialam.
"Para kayong mga plastic. Mga manggagamit, at kapag tapos nyo ng gamitin ay itatapon nyo na lang basta basta." agad kong kinuha ang baso ko at malakas ko itong binato dahilan para mabasag ito. Natahimik ang lahat at may iba pang napatakip ng bibig at napasinghap.
"Pero wag kayong mag-alala, bago nyo ako magamit, uunahan ko na kayo" at tumalikod na ako at umalis. Hindi ko na rin hintay pang magreact si Jess. Sumakay na ako ng sasakyan ko at pinaharurot ang pagda-drive pauwing bahay.
Akala ko dati may pamilya , kapatid at kaibigan akong maasahan un pala wala. Niloloko lang nila ako. Kung ayaw nila sakin, ayaw ko rin sa kanila.
Nakarating ako ng bahay at lalapitan na sana ako ng babaeng yon ng pinagsalitaan ko sya at tinulak ng malakas.
Pagkatapos kong gawin yon ay malakas kong sinarado ang pinto ng kwarto ko at humiga sa kama. Madiin kong pinikit ang aking mga mata at sa hindi ko maintindihan ay napa-flash back sa isipan ko ung mukha ni Autumn kanina.
Nagtiim bagang ako. Hindi ko malaman kung bakit nakakaramdam ako ng awa para sa babaeng yon. Hindi ako dapat maramdam ng awa para sa kanya dahil ginamit lang naman nya ako.
At sya ang dahilan kung bakit nasakal ako sa kasal na ito.
----
"Have you gone mad?" iritable kong saad pagkababa ko ng sasakyan. Naiinis ako, katatapos ko pa nga lang ng shooting para sa ongoing drama sa telebisyon tapos nandito itong si Zian.
"Bro, pumayag ka na. Kahit isang linggo lang. Si Akia kasi nagyayang mag Korea, alam mo namang hindi ako makakatanggi dahil masyado kong mahal si Akia--" lalo na akong nainis. Sinamaan ko na sya ng tingin.
"Bro, pumayag ka na. Sadyang mahal ko lang talaga ang asawa ko kaya hindi ako makahindi sa kanya" puno ng pagmamakaawa ang mga mata ni Zian. Nagtiim bagang na ako. Napalingon din ako sa may likod at nakita ko ang sasakyan nya at kita kong nasa loob ng sasakyan si Akia habang buhat buhat ang baby nila.
"Tsk!"
"Zian, hindi mo ba pwedeng ihabilin na lang kay Ethan, Darren o kaya kay Jess?" bawat segundo ay kumulo ang dugo ko. Ayokong makipag-usap sa lalaking ito. Isa sya sa mga taong nandyan lang dahil ginagamit lang nila ako.
"Bro, gusto ko man kaso hindi pwede, alam mo naman may anak na sina Ethan at Chiara samantalang si Darren at Des naman may baby na rin tapos si Jess sa itsura pa lang ng kakambal mo bro mukhang hindi marunong mag-alaga ng 7 month old na baby"
"Eh, ano naman ito sakin?" bored ko syang tiningnan. Kung inaasar ka nga naman. Alas syete na ng gabi pero itong mag-asawang ito nandito.
"Thower, may asawa ka---" naputol ang sinasabi ni Zian ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Autumn. Natigilan ako sandali sa kanya dahil nakasuot sya ng oversized na tshirt na may nakasulat ng 'We Scare because We Care' at may logo pa ng monsters inc na nakalagay sa ibaba. At nakasuot din sya ng shorts na kulay pink.
Pagkatapos non ay nakaramdam na ako ng galit kay Autumn. Hindi man lang sya nahiya sa sarili nya, at nakasuot pa sya ng ganyan. Lalong nagtiim ang bagang ko dahil sa inis at galit.
"O, Autumn, nandyan ka pala. Kanina ko pa tinanong itong si Thower kung okay lang bang kayo muna ang mag-alaga kay Cassandra Acacia, ung 7th month old baby--"
"Autumn, kunin mo na ung bata" cold kong saad at pagkatapos ay basta na lang akong pumasok ng bahay. Bahala sila.
---
Autumn Monique
Buhat ko na si Cassandra Acacia ng basta ko namang narinig ang biglaang pagsara ng pinto. Sabay kaming napatingin duon.
"Ahh. Pasensya na kayo ha. Siguro pagod lang sa trabaho si Thower kaya ganyan." at pilit lang akong ngumiti. Ayokong ipakita sa kanilang nasasaktan ako. Ayokong ipakita sa kanila na sa araw araw na lang ng buhay ko ay ganyan si Thower.
"Pasensya ka na , Autumn, bigla kasi akong nag-aya kay Zian na magpunta kami ng Korea kaya pasensya ka na talaga ha"
"Okay lang yun" at ngumiti ako. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng konting pagpapalam, naiiyak na ring ibinigay ni Akia ang isang bag na puno ng gamit ni baby Cassandra. Pagkatapos non ay nagba-bye na ako at pumasok ng bahay. Sinarado ko na ang pinto ng may bigla akong naalala.
"Teka, isang liggong nandito si baby Cassandra diba? paano na yung trabaho ko?"