Chapter 37
Napaisip ako sa sinabi ni Ethan, siguro nga dahil sa pagkakaalam ko ay ginawa namin ang bagay na yon pero baka naman hindi dahil sadyang gusto lang talagang kumain ni Akia.
"At saka bro--" hindi na natapos ni Ethan ang sasabihin nya dahil nagring ang phone ko dahilan para magpaalam ako sa kanila at lumayo sandali para sagutin ang tawag.
"Hello .."
"Good afternoon Sir, gusto ko lang po sanang i-remind yung schedule nyo po ngayong araw, meron po kayong meeting to Mr. Yokasai regarding sa shipments at 3 pm ung meeting nyo po with the investor at 6pm sir. At okay na rin po pala ung pinagawa nyo po sakin, nasa table nyo na po at pipirmahan nyo na lang" napamasahe ako sa aking sentido. Muntik ko ng malimutan na may schedule pala ako ngayon araw. Kung hindi pa sana ipinaalala ng sekretarya ko.
"Sige. Pupunta na ako dyan" at pagkatapos non ay binaba ko na ang tawag at napaalam na kina Ethan na aalis pa ako dahil may aasikasuhin pa ako sa opisina. Naintindihan naman nila kaya nung sumakay na ako ng sasakyan ko ay nagmaneho na ako papunta sa opisina.
Next time ko na lang siguro pagtutuunan ng pansin yung kay Akia.
---
Akia Megumi's Pov
Siguro kasalanan ko rin ang lahat dahil halos pitong buwan na syang ganyan. Aalis ng maaga habang tulog pa ako o di kaya ay uuwi ng tulog na ako sa gabi, which in other words hindi na namin halos nakikita ang isa't isa.
Tatlong taon na kaming kasal pero parang wala namang pinagbago ang lahat samin ni Zian. Nung hindi pa sya naging CEO ng kompanya nila ay may oras pa sya na dito sa bahay na maaari ko syang makasama pero ngayon ..
Limang bagong branches na ng restaurants ang naipatayo namin ni DC at sa loob ng ilang buwan na lumipas ay marami ng happy customers ang nakausap at nakakwentuhan namin.
Sa loob din ng ilang buwan na nagdaan pinilit kong ipa-realize kay Finn na hanggang kaibigan lang ang kaya kong maibigay. Matagal tagal din bago nya natanggap ang lahat.
Alam kong nasaktan ko sya pero hindi nya ito pinahalata sakin bagkus ay pinakita nya pang masaya sya at pagkatapos ay umalis na sya.
At sa loob din ng ilang buwan na lumipas ay naging si Des na ang laging kasama ko. Siya na ang laging kakwentuhan ko, lagi kong iniiyakan at halos kasama na rin sa bahay. Nagagalit na nga minsan si Darren dahil kasal na sila ni Des pero gabi na umuuwi si Des sa bahay nila dahil sakin.
Nakaka-konsensya man pero kagat labing tinanggap ko ang lahat. Tinanggap ko kahit na alam kong nakakaperwisyo na ako ng iba kaya minsan pagkatapos kong umattend ng gawain tuwing linggo ay bumibisita ako sa bahay nila Mama o di kaya kina Mommy para makipagkwentuhan katulad na lang ngayon ...
"Akia, ija, hindi ka na dapat masyadong naglalabas ng bahay. Pwede mo namang sabihan kami na pumunta na lang sa bahay nyo. Maiintindihan namin, ija" nangiti na lang ako sa sinabi ni Mommy.
"Okay lang po yon at isa pa. Masaya rin po ako sa ginagawa ko at saka diba po okay rin na dito po tayo kumain sa restaurant na pinagawa namin ni DC?" nakangiti kong saad.
Nagkatawanan kami. Gusto kong sandaling makalimutan ang pananabik na muling makita si Zian. Na kahit sandali man lang maramdaman kong hindi ako si Akia na umaasa na mapapansin muli ni Zian.
Natapos ang kwentuhan namin at pagkatapos ay umuwi na ako sa bahay. Dahil na rin sa hindi ko kayang maglinis na ng bahay dahil sa malaki na ang tyan ko at ilang buwan na lang ay manganganak na ako ay naisipan kong kumuha na ng maglilinis ng bahay.
Sya na rin ang maglilinis, magwawalis at maglalaba. Hindi na rin kasi ako dapat kilos ng kilos dahil nahihirapan na rin akong maggagalaw.
Dahan dahan akong umakyat ng kwarto at pagktapos ay humiga na ako at ipinikit ang aking mga mata. It's been 7 months since this baby inside me is consive. At kahit babalikan ko ang lahat ng nangyari samin ni Zian ay parang wala ng kasiguraduhang magkaanak pa kami but God gave us this joy inside my womb.
Nakangiti kong hinimas ang aking maumbok na tyan. Sana dumating man lang ung pagkakataon na umuwi si Zian isang araw at yakapin ako ng mahigpit at sabihing ...
"I' m sorry for everything, Akia. Let us start a new with our coming baby"
Nangiti ako sa naisip ko pero agad ding nawala ang ngiti kong yon ng ma-realize ko ang katotohanan.
Wala naman talaga kaming dapat i-start a new diba? Kasi diba .. parang wala na ako para sa kanya dahil sa loob ng pitong buwan ay hindi man nya ako tinext man lang o tawagan. Pagkatapos ng araw na yon, parang bigla na lang nawala ang Zian na minahal ko.
Lumipas ang tanghali at gabi ay umakyat na ako sa kwarto at papasok na sana ako ng kwarto ng marinig ko ang pagkabukas at pagsara ng pinto sa may ibaba. Sandali ko itong nilingon pero pagkatapos non ay hindi ko na lang pinansin at pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto at humiga na, kinuha ko na ang kumot at magkukumot na sana ng bumukas ang pinto at niluwa nito si Zian.
Sandali ko syang tiningnan at pagkatapos ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkukumot ko. Hindi ko na lang sya pinansin. At umayos na ako ng higa.
Hindi ko na rin pinansin ang paglalakad nya. Sandali nyang binuksan ang pinto ng banyo at sinara ito. Siguro ay magbihis sya. Pagkatapos ng ilang segundo ay naramdaman kong lumundoy ang kama. Alam kong humiga na sya kaya umiba na ako ng pwesto opposite sa pwesto nya.
As much as gusto kong mapansin ako ni Zian ay pakiramdam kong naiilang na ako sa kanya ngayon maaga syang umuwi. Pakiramdam ko rin ay parang hindi na ako sanay sa presensya nyang nandyan sya. Parang nakakailang na.
"Akia ..."
Hindi ko sya pinansin at nanatili lang ako sa pwesto kong opposite sa pwesto nya.
"Akia, may problema ba tayo?"
Dinama ko nag boses nya at hindi ko napigilan sa sariling maluha. Oh! How I miss his voice.