Chapter 38
Hindi ko sya nililingon bagkus ay pinipigilan kong humikbi dahil baka mapansin nyang umiiyak ako. Naiinis ako sa sarili kong hindi ko masabi sa kanyang masyado na akong nangungulila sa sa kanya na kung hindi ko pipigilan ang sarili ko ngayon ay yayakapin ko sya ng mahigpit.
Ang sakit sakit lang isipin na sa loob ng pitong buwan ay ngayon ko na lang muli narinig ang boses nya. Ang boses nyang kay sarap pakinggan.
"Akia, galit ka ba sakin?" hindi ko sya nilingon o pinansin. Nanatili lang ako sa pwesto habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"Umiiyak ka ba?" kagat labi akong umiling at nagtaklob ng kumot.
"Akia .." puno ng panunuyo ang boses ni Zian dahilan para lalo akong masaktan. Nagtakip ako ng bibig para hindi lumakas ang aking paghikbi.
"Akia, naman please. Kausapin mo naman ako. Seven months na tayong hindi nagpapansinan at ito na ang pagkakataon na nagkita tayong parehas gising pero ayaw mo naman akong pansinin, may nagawa ba akong mali?"
Alam kong nakaupo na sya sa kama at nakatingin nya sakin. Lalo lang akong humikbi at umiling iling.
"T-tama na. Z-zian, w-wala tayong problema" nanginginig kong saad. Ang hirap magsalita lalo na't pinipigilan mo ang sarili mong itago ang lahat ng sakit.
"Akia .." agad nyang tinanggal ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko dahilan para makita nya ang pag-iyak ko. Nakita ko ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit umupo ako mula sa aking pagkakahiga at niyakap ng mahigpit si Zian. Nilabas ko na rin ang pinipigilan kong hagulgol.
"Akia, shh! Wag ka ng umiyak nandito ako. Hindi kita iiwan."
Naramdaman kong niyakap nya rin ako. And from that moment pakiramdam ko ay safe na safe ako sa arms nya.
Sa loob ng isang buwan ay pakiramdam kong bumalik ang Zian na nawala sakin. Ang Zian na minahal ko na basta na lang inaagaw sakin ng trabaho nya.
Pero ang akala kong ang Zian na minahal ko at makakasama ko na palagi dito sa bahay ay muling inagaw sakin ng trabaho nya. Bumalik na lang si Zian sa dati. Ang dati kung saan hindi na naman kami nagkikita.
Akala ko gusto ako ni Zian. Akala ko mahal nya ako pero bakit ganito? Sabi nya hindi nya ako iiwan pero bakit pagkatapos lang ng isang buwan nag-iba ang ihip ng hangin at naagaw agad sya sakin.
Ilang araw na lang at manganganak na ako at hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang ginawa sakin ni Zian. Pinaasa nya ako at pinaniwala sa mga salita nyang hindi ko naman pala dapat panghawakan.
Nakatulala na ako sa kawalan ng marinig ko ang boses ng pamilyar na tao mula sa aking likuran.
"Nung hindi mo pa sya nakikilala, kahit kailan hindi ko nakikita sa mga mata mo na nasasaktan ka ng ganyan." nilingon ko ung nagsalita at nakita kong si DC pala.
Peke lang akong ngumiti sa sinabi nya. Sa bagay totoo naman ang sinabi nya diba, bata pa lang ako si DC na ang nakalakihan kong kaibigan at laging kalaro. May bata mang lalaki ang laging nakikipag-usap o nakikipaglaro sakin ay mas pinipili ko parin ang bestfriend ko.
"Masyado bang mahalata na nasasaktan ako?" tumango lang sya. Nabalot kami ng katahimikan habang umiihip ang sariwang hangin.
"Pasensya ka na ha. Siguro ay kasalanan ko rin kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Ang gulo ko rin noh. Pero alam mo, simula nung araw na hindi na ako nagpadala ng sulat para kay Zian nun nakapuno na ako ng isang box." natawa lang kami ni DC sa sinasabi ko. Pero pagktapos non ay muli kaming nabalot ng katahimikan.
"Akia, pinagsisisihan mo bang nakasal ka kay Zian?" sandali kong nilingon si DC at pagkatapos ay muli kong binalik ang paningin ko ng diretso.
"Siguro noon hindi pero ngayon ... hindi ko na alam sa sarili ko"