Chapter 2 Follow
"My girlfriend..." sagot niya.
Lumapit siya sa babae pagkatapos ay tumabi sa kanya. Tumigil na ngayon sa pag-iyak ang babae at nakatingin na lang ngayon sa mukha ni Gino.
"Love... Kailan ka ba gigising diyan?" sabi ng babae sa nakapikit na si Gino.
"Kinakausap ka niya kahit di mo naman siya naririnig dahil wala kang malay." ani ko nang wala sa sarili at nakatingin lang sa babae na hinahaplos ngayon ang mukha ni Gino.
I heard him chuckled pero halatang may sakit doon sa pagtawa niya.
"Hindi niya alam na naririnig ko siya ngayon. Kahit na hindi pa ako gumigising."
Napatingin pa rin ako sa babae na panay ang kausap kay Gino kahit na wala namang malay ang katawan niya.
"Anong pangalan niya?" I ask.
"Joyce Madrigal."
"Girlfriend mo lang?" kuryoso kong tanong.
He giggled. "I actually want to propose to her. I'm preparing for my proposal. Bumili na nga ako ng singsing e, pauwi na sana ako noon then a heavy truck hit my motor. Ayun, tumilapon ako at nabagok ata ang ulo sa isang malaking bato sa daan. Good thing I survived but still unconscious until now."
Parang may humaplos sa puso ko nang sinubukan niyang patuyuin ang luha ni Joyce pero tumagos lamang siya dito.
"Gino, I'm sorry, ang hirap rin pala ng pinagdadaanan mo tapos napagsalitaan pa kita kanina."
Hindi ko napigilan at may tumulo na ring luha sa mga mata ko dahil sa nasasaksihan.
"Hey, hey, hey, I said it's okay now. Alam ko naman ang nararamdaman mo." pang-aamo niya sa akin.
Akma akong magsasalita muli nang makita ko si Joyce na tumayo.
"Uuwi na ako love ha? Pa gabi na kasi e. Bibisitahin na lang kita ulit sa susunod na araw ha? Magpagaling ka. Sana sa pagdalaw ko magising ka na. I love you..." ani ni Joyce at pinatakan ng marahan na halik si Gino sa labi at sa noo.
It warmed my heart to see her really in love with him. Nakita ko rin ‘yon sa mga mata ni Gino. Mukhang mahal na mahal nga talaga nila ang isa't isa.
Kinuha ni Joyce ang bag niya pagkatapos ay lumabas na sa kuwarto.
"Come on, let's follow her. Ihatid natin siya." paanyaya niya sa ‘kin.
Nagtaka ako bigla sa tinuran niya. "Paano mo siya ihahatid?"
Bahagya siyang natawa. "Susundan ko lang siya hanggang sa makarating siya ng ligtas sa bahay pauwi. At least doon, nakasisiguro ako na walang masamang mangyayari sa kanya kahit na nakasunod lang ako."
I smiled. "You really love her that much hmm?"
Makahulugan niya lang akong ningitian. "Ano? Sasama ka ba?" tanong niya.
"Oo naman 'no!" I said at nagpatiuna na sa paglalakad.
Sa labas na ng ospital namin naabutan si Joyce na naglalakad. Nakasunod lang kami sa likod niya hanggang sa makarating siya sa isang condominum di kalayuan sa ospital.
"Dito ba siya nakatira?" tanong ko.
Pumasok kami sa loob ng condo kahit hindi imbitado. Hindi naman kami nakikita e.
"Yup, sarili na niya 'to. Dito rin ako madalas magpunta noon before the accident." paliwanag ni Gino.
Nakita kong nagpunta sa isang kuwarto si Joyce kaya napagpasyahan namin ni Gino na hanggang dito na lang sa sala.
"Bumalik na tayo sa ospital?"
Bumaling ako kay Gino nang magsalita siya. Nagtitingin tingin kasi ako ng mga picture nila dito sa sala.
"Okay..." maikling sabi ko lang.
Sinamahan ako ni Gino hanggang sa bagong kuwarto ko.
"Nalipat ka na rin pala ng kuwarto." aniya.
Tumango ako. "Kani kanina lang."
Nakatayo ako ngayon sa harapan ng katawan ko. Pinakatitigan ang mukha kong walang malay.
"Paano ba tayo makakabalik sa katawan natin ulit?" frustrated kong tanong.
Nakita sa gilid ng mga mata ko ang pagkibit balikat niya.
"Don't know. Matagal ko na nga rin ‘yang itinatanong sa sarili ko. Subukan mong humiga sa katawan mo. Baka sakaling makabalik ka," suhesiyon niya.
Tinignan ko muna siya ng matagal pagkatapos ay sinunod ko ang sinabi niya. Wala namang masama na mag baka sakali di ba? Pumatong ako sa katawan ko pagkatapos ay tumagos lang doon. Sinubukan kong bumangon pero ganoon pa rin. Nakahiwalay pa rin ang katawan ko sa kaluluwa ko.
"Focus. Subukan mo munang mag focus. Huwag ka munang mag-isip ng ibang bagay." ani Gino na nakatitig lang sa akin.
Tumango ako at humiga muli sa katawan ko. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Sinunod ko ang sinabi niya na mag focus muna at ‘wag intindihin ang ibang bagay.
Minulat ko muli ang mga mata ko at sinubukan bumangon.
"I'm sorry..." biglang sabi ng kung sino.
Hinanap ko ang nagsalita at nakita si Gino na malungkot na nakatingin sa akin at bahagyang umiling iling. Isa lang ang ibig sabihin noon. Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makita ang nakapikit ko pa ring mga mata at katawan doon na nakahilata sa kama.
"Huwag mo nang isipin 'yon. Subukan na lang ulit natin sa susunod na araw," pagpapagaan ni Gino sa loob ko.
Bumuntong hininga ako at tumango. Nakatambay kami ngayon sa bench sa labas ng ospital.
"Bumalik na tayo sa kuwarto ko. Nandoon ngayon si Vince. Dinalaw niya 'ko." sabi ko.
Tumango siya at sinamahan ako, pero hindi pa man kami nakakalapit sa papunta sa kuwarto nang mamataan ko na si Vince na may kausap na babae. Eksaktong nasa tapat lang sila ng kuwarto ko. Wala sina Mommy ngayon at si Vince lang ang bantay ko.
"What are you doing here?!" mariing tanong niya sa babaeng nakaharap sa kanya ngayon.
Nakatalikod sa ‘kin ang babae kaya hindi ko siya makita o makilala man lang.
"Oh, come on Vince. Gusto ko lang naman na bisitahin siya. Bawal ba?" sagot ng babae.
Kumunot noo ako at lumapit sa kanila para tignan kung sino ang kausap ni Vince. She seems familiar.
"Stop it Sheena!" mariing sabi ni Vince sa kausap.
Oh! Si Sheena naman pala ang nandito e, bakit siya pinapaalis ni Vince? Nagtatakang tanong ko sa sarili.
"Titignan ko lang siya saglit." pagpilit niya.
Papasok na sana siya sa kuwarto ng bigla siyang mariing hinila ni Vince. Bahagya siyang napasubsob sa pader.
"Stop it! Umuwi na tayo!"
Nawala ang inis sa mukha ni Sheena nang bigla ‘yong sinabi ni Vince. Lumiwanag ang mukha niya at matamis siya ulit na ningitian. Kumunot ang noo ko doon.
"Uuwi? Sure! Basta ba sa bahay ko ulit ka matutulog e, why not?" masayang sabi ni Sheena.
Lumalim lalo ang kunot ng noo ko sa kanila. Bahay niya? Matutulog? Ulit? Bakit pupunta doon si Vince?
"Lets leave please." sabi ni Vince.
Tumango si Sheena at pinatakan pa ng halik sa labi si Vince na ikinalaki ng mga mata ko nakita ko rin na umangkla ang braso niya sa braso rin ni Vince. Lumusot lang sila sa kaluluwa ko nang dumaan sila sa harapan ko.
"Kilala mo ba 'yon?" tanong ni Gino.
Tumango ako. Naguguluhan kung anong nangyayari.
"Teka! Ayos ka lang ba? Krys?" bumaling ako kay Gino dahil sa tanong niya.
Umiling muli ako at tumingin sa dinaanan nila Vince ulit at ni Sheena. Hinila ko ang laylayan ng t-shirt ni Gino.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Let's follow them. May kailangan lang akong malaman." sabi ko at hinila na siya nang hindi naririnig ang sagot niya.