Chapter 3 Misyon
Sinundan namin sila Vince at Sheena.
Sumakay kami sa loob ng sasakyan ni Vince. Doon kami sa likod habang nasa front seat si Sheena katabi ng driver ng sasakyan na si Vince. Napakuyom ako ng kamao nang makitang hinawakan pa ni Vince ang isang kamay ni Sheena. Niloloko ba nila ako? At si Sheena pa talaga?
"Bumaba na tayo." sabi ko kay Gino nang tumigil ang kotse sa tapat ng bahay ni Sheena.
Nauna kaming bumaba ni Gino pagkatapos na pinark pa nila ang kotse sa garahe. Bakit? Magtatagal ba dito si Vince? ‘Tsaka anong ginagawa niya dito?
Sumunod din ako sa loob nang makita kong pumasok sila sa loob ng bahay. Nagtanggal ng polo niya si Vince nang makarating sa sala. Dumeretso naman sa kusina si Sheena.
"Bakit mo dinisplay ang mga pictures natin dito?" tanong ni Vince kay Sheena nang makabalik sa sala.
Tinignan ko ang mga 'yon. Mostly mga travel pictures 'yon na magkasama sila. May isa pa doon na nagpagimbal sa ‘kin, may isa silang kuha doon na magkahalikan! Nanginig ang kaluluwa ko sa nakita at napakuyom ang kamao.
"Hayaan mo na! Wala naman si Krystal dito! Hindi niya makikita 'yan. Matagal pa siyang mamalagi doon sa ospital ano!"
Hindi ko napigilan ang galit ko kaya wala sa sarili kong tinabig ang litrato nilang nakapatong doon sa divider sa tabi ng tv. Nagulat ako nang makitang natamaan ko nga ‘yon at tumilapon sa sahig! Maging ang dalawang naglalandian ay napatigil sa ginagawa at napatingin doon sa nabasag na litrato nila.
"Nako! Anong nangyari dito?" tanong ni Sheena pagkatapos ay agad na dumalo sa frame na nabasag. Kinuha niya ang litrato doon.
"Kukuha ako ng walis," rinig kong sabi ni Vince.
Masama ang loob ko siyang tinignan. "Walanghiya ka, Vince! Walanghiya ka! Bakit mo nagawa sa akin 'to? At sa bestfriend ko pa?!" sabi ko kahit hindi man lang niya ako naririnig.
Napayakap sa sarili niya si Sheena nang biglang humangin sa loob, pagkabalik na pagkabalik ni Vince ay agad siyang yumakap dito.
"What's wrong?" tanong ni Vince.
Umiling si Sheena habang nakapatong ang ulo sa dibdib ni Vince.
"Nothing, parang bigla lang kasing lumamig." sabi ni Sheena.
"Pumunta ka na doon sa kuwarto. Ako na lang maglilinis dito." ani Vince.
Tumango si Sheena pagkatapos ay pinatakan pa siya ng halik ni Vince sa labi. Hindi ko na natiis kaya lumabas na ako ng bahay.
Nanlalabo ang paningin ko habang naglalakad kung saan-saan sa daan. Bakit? Paano nila nagawa ‘to?
Umupo ako sa tabi ng kalsada pagkatapos ay isinubsob ang mukha ko sa magkadikit kong tuhod atsaka ako nagpakawala ng iyak doon.
"Tahan na... At least ngayon nalaman mo na niloloko ka lang pala ng boyfriend mo."
Napaangat ako ng tingin ng may biglang humahalpos sa likod ko. Nakita ko si Gino na nakaupo na sa tabi ko at inaalo ako. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang magkabila niyang hinlalaki. It somehow warm my heart. Parang kahit papaano ay nawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Tahan na..." aniya at idinikit pa ang mukha ko sa dibdib niya. "Sige na... Iiyak mo lang yan." pag-aalo niya sa ‘kin.
Napahigpit ang hawak ko sa polo niya tsaka doon umiyak. Naramdaman kong tinapik tapik niya ang likod ko, lalo ko lamang isiniksik ang mukha ko sa kanya at humagulgol.
"Ang kapal ng mukha niya! Matagal na pala sila. Pinagmukha at pinagmumukha lang nila akong tanga, Gino." sabi ko habang naglalandas ang luha sa aking mga mata.
"Pabayaan mo na sila. At least nakatulong pala kahit papaano ang pagiging kaluluwa mo." he then chuckled a bit.
Bahagya akong natawa sa tinuran niya. Tama nga siya. Nakatulong itong kalagayan ko ngayon para malaman ang mga dapat na malaman.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya.
"Ano pa kayang malalaman ko ano? Dapat pala magkaroon ako ng misyon bago bumalik sa katawan ko." biro ko.
"Anong klaseng misyon naman?" kunot noo niyang tanong.
Nagkibit balikat ako. "Mga dapat malaman sa buhay ko. Baka mamaya, may nagtatangka na pala sa buhay ko di ba? Edi sa ganoon kapag nalaman ko, mapipigilan ko."
Natatawa siyang napailing-iling sa sinabi ko.
"Ano bang ma—"
"Krystal!" biglang sabi niya tsaka ako biglang niyakap paalis sa daan.
"Ba—"
Napatigil ako sa pagtatanong nang biglang sumulpot sa harapan namin ang bus. Napapikit ako ng mariin at niyakap pabalik si Gino. Hindi huminto ang bus at dire-diretso lang sa pagtakbo sa puwesto namin hanggang sa maramdaman ko na tinagusan lang kami nung bus.
Umihip ang malakas na hangin kaya napayakap ako ng husto kay Gino. Iminulat ko ang mga mata ko at humiwalay sa yakap niya.
"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" tanong niyang nag-aalala.
Wala ako sa sariling umiling iling then a realization hit me.
"Di'ba kaluluwa pa rin t-tayo?" marahan kong tanong.
He was stunned. As if I'm right, and I'm really right. We're still souls. Kaya sagasaan man kami ng kahit na sino o kahit ano ay hindi kami tatablan at tatagos lang kami sa kanila.
"Funny, how I forgot about that? Pasensya kana ah? Nang makita ko kasi yung bus na dire diretso lang sa atin ay akala ko masasagasaan na tayo." aniya pagkatapos ay bahagya pang natawa.
"Ayos lang, ganoon nga rin ang akala ko nang makita ko yung bus habang yakap mo ko." bumaba ang boses ko sa huling sinabi.
Pagkaraan ay tumingin ako sa kanya habang hawak niya pa rin hanggang ngayon ang isa kong kamay.
"K-Kaya ba bigla mo na lang akong niyakap kanina?" mahina kong tanong. Kinakabahan sa isasagot niya.
Tikom ang bibig niyang tumango. "Akala ko kasi masasagasaan na tayo, hindi ka pa tumitingin sa daan..."
"S-Sorry... 'yan nga din siguro ang naging dahilan kaya nagka aksidente ako." mahina kong saad.
"Forget about that. Bumalik na lang tayo sa ospital."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, saka ko lang napansin ang nakalahad niyang kamay sa harapan ko.
"Can I? We're friends naman di ba? Atsaka para makaiwas na rin tayo sa mga sasakyan. Nasa highway pa naman tayo. Mahaba habang paglalakad ang gagawin natin dahil walang magpaparang mga sasakyan para lang makisabit ang dalawang ligaw na kaluluwa." he said.
I chuckled. His right. Walang magsasakay sa dalawang ligaw na kaluluwa.
Tinanggap ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad sa gilid ng kalsada.