Epilogue
God! Ano bang ginagawa niya? Seriously? Can't she see that she's now a soul?
"Mommy... Daddy..." sabi niya habang pilit niyang niyayakap ang mga magulang niya pero tumatagos lang din naman siya.
Siya siguro ‘yung babaeng sinugod sa Emergency Room kanina na naaksidente raw.
I immediately approach her and explain what is happening to her right now. I saw a shock and disbelief in her eyes. Ilang minuto pa siyang hindi makapaniwala sa nangyayari sa kanya until she found out her body’s lying down in bed... Unconscious...
"Paano tayo makakabalik niyan sa katawan natin? Ayoko pang mamatay!" hysterical na sabi niya.
"You're basically half death now," walang buhay kong sabi.
Ayos lang kaya ‘tong babaeng ‘to? Tanong ko sa sarili ko. Nanahimik na lang ako at lihim na napangiti habang iiling iling.
Matalim niya akong tinitigan na siyang nagpatigil sa ‘kin sa pagsasalita. I slightly chuckled inside. She's cute.
"Araw-araw mo bang ginagawa 'to?" tanong niya.
"Ang alin?" sabi ko habang sinusundan namin si Joyce pauwi ng bahay nila.
"’Yan! Si Joyce... Lagi mo ba siyang sinusundan?"
I let out a sighed and nod. Saka ako napatingin sa kotseng mukhang kanina pa nakasunod kay Joyce. Pamilyar ang kotse kaya hindi ako masyadong naaalarma na baka may mangyaring masama kay Joyce.
Papasok na sana sa gate si Joyce nang biglang bumusina ang kotse at bumaba doon ang driver. Napalingon si Joyce sa kanya. I knew it. It was Mark. Anong ginagawa niya dito?
Bahagya pang umatras si Joyce kay Mark nang makalapit siya dito. I overheard all their conversation. Pilit siyang tinataboy ni Joyce ng dahil sa akin... Fvck...
Hindi ko na natiis at sinundan si Joyce sa loob ng bahay nang makaalis si Mark. I saw her lying in bed and crying. Fvck... She's crying again... Alam kong dahil sa akin 'yon. Alam ko ring si Mark pa rin hanggang ngayon.
Hinaplos ko ang buhok niya dahil nakataob pa rin ang mukha niya sa unan.
"I'm sorry..." bulong ko kahit hindi niya naririnig. "Promise, ibabalik na kita kay Mark pagkagising ko." bahagya akong napangiti habang nangingilid ang luha ko habang nakatingin kay Joyce.
Napangiti ako nang makitang kinakausap at sinusuklay niya ang buhok kong walang malay. I admire on how she stays with me even in my condition. Ilang buwan na akong in-coma pero nananatili pa rin siya sa tabi ko kahit na nandiyan na ulit si Mark sa tabi niya. I promise myself. Sa oras bumalik na ako, sa oras na magising ako, I'll lead you to your man.
"Alam mo ang suwerte ni Joyce sa 'yo." Krystal said while we're sitting on the bench just outside the hospital.
I look at her and ask. "Talaga? Paano mo naman nasabi?"
She smiled and look at me. Bahagya akong natigilan nang makita ang maganda niyang ngiti at nagniningning na mga mata. I suddenly felt my heart beat fast. Damn!
"Kasi kahit na hindi present katawan mo, nandiyan ka pa rin para sa kanya. Alam mo lahat ng nangyayari sa kanya. Binabantayan mo siya..." nagkibit balikat siya. "... kaya I think ang suwerte niya sa 'yo. Tignan mo naman ‘yung sa akin, di'ba?"
Pagak siyang natawa pagkatapos. I can sense bitterness in her voice. At the same time heartache.
She was referring to her 'fiancee' na nagloko raw. I feel so sorry for that guy, it's his lost for breaking this girl's heart. Nakikinita ko namang mabuting tao talaga si Krystal and I see her love for that boy. Stupid him.
"Hey, cheer up! That’s okay, at least nalaman mo di ba?"
"Ganoon ba 'yon? Mas mabuti bang nalaman ko para lang masaktan ako o mabuting malaman ko para hindi na ako maging tanga pa?"
I looked at her hopeful eyes. Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Ngumiti ako para sana pagaanin ang loob niya pero lalo lang tuluyang tumulo ang mga luha niya. Alanganin ko siyang inilapit sa akin at pinapatong ang ulo niya sa dibdib ko. Marahan kong tinapik tapik ang braso't likod niya para mapatahan siya sa pag iyak. I suddenly felt a pain in my chest, parang ako iyong nasasaktan para sa kanya.
The days went well. Krystal and I tried and tried to reach out for our body. Ginawa ko pa rin ang ginagawa ko noon tuwing dumadalaw si Joyce sa akin, sinusundan at binabantayan ko pa rin siya pauwi.
Nang gabing nahuli ko na namang umiiyak si Joyce dahil pinagtabuyan na naman niya si Mark nang dahil sa akin ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.
I burst out in anger atsaka ko pinagsusuntok ang katawan ko nang makarating sa ospital,
"Stupid! Stupid! Bakit hindi ka pa matuluyan?!" I said to my own body that lying in bed. That still fvcking lying in bed!
"Ano bang ginagawa mo, Gino?!" rinig kong sigaw ni Krystal sabay pinipigilan ako.
Natigilan lang ako nang bigla akong niyakap ni Krystal mula sa likod. I felt my heart beat fast, lalo pang nadagdagan ‘yon nang marinig ko ang mga sinabi niya. I was stunned on what she confess. Well, I am too, baby...
Ilang araw niya rin akong iniwasan. I've always want to talk and reach out for her pero pilit siyang umiiwas. Good thing sinundan ko siya hanggang sa makapag usap kami. I confess to her my feelings and I chuckled as I saw her reaction.
"A-Anong sabi mo?" tila hindi makapaniwalang sabi niya.
I plastered a smile ‘tsaka kumunot ang noo para kunwaring hindi ko alam ang sinasabi niya.
"Ang sabi ko... Ayos ka lang ba? Ayan ha! Tinagalog ko na." pagbibiro ko.
"H-Hindi... I-Iyong kanina? Anong sabi mo?"
Hindi ko na napigilan at bahagya akong napatawa. Pinigilan ko rin ang ngiti dahil nakita ko siyang hinawakan ang labi niya.
Nakita niya yata ang reaksiyon ko kaya lalo siyang nainis at pinaghahampas ako sa dibdib.
Napaupo na lang siya bigla at tumigil sa pagsuntok sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinagkan siya ng yakap. Narinig ko pang umiiyak siya kaya pinunasan ko ang luha niya. Hey baby... Stop crying now... Shh...
"Sorry na..."
"Paano si Joyce?" she suddenly asked.
I told her everything my plans after we get back to our body.
"Si daddy ba 'yon?" tanong niya.
Kunot noo akong lumingon sa tinitignan niya. Hinila na niya ako agad papuntang ospital. Dumeretso kami kaagad sa kuwarto kung saan siya naka confine. Natigilan ako bigla nang makitang maraming doktor at nurse ang nakapalibot sa mismong katawan ni Krystal at nire-revive na siya!
Tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang gulat at parang hindi pinapaniwalaan kung anong nangyayari ngayon.
"Krystal! Kailangan mo nang bumalik sa katawan mo!" sabi ko.
Tinignan niya ako pagkatapos ay wala sa sariling napailing.
"A-Ayokong b-bumalik..." mahinang sabi niya.
"W-What? Bakit hindi?" hindi ko napigilan at tumaas na ang boses ko. "Krys! Kailangan mo na! Nirerevive na ang heartbeat mo! Baka kapag hindi ka pa bumalik, matuluyang mawala ka na talaga!"
Ayokong mawala ka ng tuluyan sa akin!
"ANONG BANG PUMIPIGIL SA-"
"AYOKONG IWAN KA DITO!" she shout at me.
My heart broke at what she says. D-Dahil sa akin? B-Bakit? Mananatili siyang ganito dahil sa akin? Baby...
I convince her to go back to her body. Matagal bago ko siya napapayag dahil mas maraming mawawala sa kanya kung mananatili siya sa sitwasyon namin ngayon.
"Mahal kita..." she whispered...
I do too, baby...
"Don't worry, I'll guide your soul..." I whispered as I look at her soul back to her body.
Mapait at bahagya lang akong ngumiti habang hinihintay siyang makabalik sa katawan niya. It’s time…
"She's back." sabi ng doktor pahkatapos ay malalim na huminga.
Napangiti ako nang makitang bumalik na sa dati ang heartbeat niya sa monitor, hindi na katulad kanina na isang linya na lang. She's back. Thank you, God.
Tatlong araw bago siya nagising. Binantayan ko talaga siya hanggang sa magising siya. I smiled happily when I finally saw her eyes open. Masaya akong makitang masaya ang mga magulang niya na gising na siya. They definitely misses her.
Marahan kong hinaplos ang mukha ni Krystal nang makaalis ang mommy niya para tumawag ng doktor. Mapait lang akong napangiti nang makitang tumagos ang kamay ko sa kanya.
Bumalik ako sa kuwarto ko dahil alam kong ngayon ang dalaw ni Joyce sa akin. And I'm right, nandito nga siya pero may kasama siya.
"Bakit nandito ka, Mark?" tanong ni Joyce sa mahinahong boses pero ramdam ko ang kabado doon.
"Bibisitahin ko lang sana si Gino. Pwede ba?" aniya na nasa tapat pa rin ng pinto ng nagsisilbing kuwarto ko dito sa ospital.
Bahagyang ngumiti si Joyce pagkatapos ay tumabi para makita ako ni Mark. Nilapag niya ang prutas na dala niya sa bedside table ng hospital bed ko pagkatapos ay tumabi ng upo kay Joyce na nakaupo sa upuan sa gilid ng kama ko. Umupo naman ako sa tabi ng kama para pagmasdan sila.
Walang nagkikibuan sa kanila at diretso lang na nakatingin sa akin si Joyce habang hawak ang isa kong kamay. Panay naman ang titig ni Mark kay Joyce na iniiwasan lang niya.
"M-May kasama ka bang uuwi?" biglang tanong ni Mark.
Umiling lang si Joyce pagkatapos ay hinaplos ang buhok kong may benda pa rin. Nakita ko naman ang pagpait ng ngiti ni Mark nang ginawa 'yon ni Joyce sa akin. They still really love each other, marami lang hadlang, at alam kong isa ako doon.
"Gino? A-Anong nangyayari?"
Napabaling bigla ang atensiyon ko kay Joyce ng bigla siyang sumigaw. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko kung bakit siya sumigaw.
"What the fck is happening?!" sabi ko. "Anong nangyayari sa katawan ko?"
"Mark! Si Gino! Si Gino!" nagpapanic na ring sabi ni Joyce habang nag-uumpisang umiyak.
"Tatawag ako ng doktor," sabi ni Mark at dali daling umalis.
"Gino please hold on, please." sumamo ni Joyce sa katawan kong hindi ko alam ang nangyayari.
Shit! Hindi pa ako pwedeng mamatay! No! No! No! May kailangan pa akong sabihin kay Joyce. ‘Tsaka si Krystal... Hinihintay niya ko...
Dumating si Mark kasama ang mga doktor at nurse. They check up my body. Lalong naging mabilis ang paggalaw ng mga doktor nang mag isang linya ang heatbeat ko sa monitor. Fck. Naririnig ko na ang hagulgol ni Joyce sa gilid dahil pinatabi siya ng doktor kanina.
"Clear..."
Mabilis akong bumalik sa katawan ko nang makitang nirerevive na ako ng doktor.
Someone... Guide my soul...
"Gino?... Gino?..."
Nagising ako sa boses na tumawag sa akin. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nasalubong ko ang maamong mukha ni Joyce.
Ngumiti siya nang makita ako.
"Gino! Gising kana! Sandali lang tatawag ako ng Doktor." aniya at dali daling umalis ng kuwarto ko.
Bumalik siya na may kasama ng mga doktor. They check up on me and says that I'm fine. They just need some test to assure.
Masaya akong kinukuwentuhan ni Joyce sa nangyayari sa kumpanya habang in-coma ako. I smiled more on how brave she was for handling the whole company for me.
Nawala bigla ang tawa ko nang may makitang babae na nakatayo sa harap ng pintuan. Kumunot ang noo ko sa kanya na parang minumukhaan siya. Bahagya akong napangiwi nang biglang kumirot ang ulo ko, binawi ko kaagad iyon nang biglang napalingon sa akin si Joyce. Umayos ako ng pagkakaupo at tinanong kung anong kailangan ng babae.
She seems familiar to me. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Mukhang kilala rin siya ni Joyce. She seems lying when she said she's my grade school friend. I don't believe her. I was enrolled in a all boys school when I was in grade school, so paano ko siya naging kaibigan?
"H-Hindi mo ba ako naaalala?..."
She's been always asking me that. How the hell would I know? Kahit naman ako naguguluhan. I've been dreaming of her lately at night.
I ask her to go out that night nang bigla akong magising sa panaginip ko. I've dream of her again.
"You won’t believe it. Sinabi ko na sa ‘yo noon, nung nasa ospital pa tayo. You even said that I'm insane but I'm telling the truth."
"I'm sorry..."
"It's okay, I'll leave now."
Akmang tatayo at aalis na siya ng pigilan ko siya sa kamay. I want to know everything! Dammit!
"Stay. I want to know everything please! Promise, I won't react any reactions that will affect you." nagmamakaawang sabi ko.
Pinapakinggan ko lang lahat ng sinabi niya. Lahat ng ‘yon, lahat ‘yon, napaginipan ko na. At yung huli, yung kanina lang...
Unti-unting sumasakit ang ulo ko at napapangiwi ako pero pinilit kong pinigilan lahat dahil gusto kong marinig ang mga sasabihin ni Krystal.
Tatawagin ko sana si Krystal nang bigla akong napahawak sa ulo ko at nawalan ng balanse.
"Baby..." I whispered to myself as I looked at Krystal before I closed my eyes.
Gumising ako na puting kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pamilyar na boses ni Krystal sa cr at mukhang may kausap. Napangiti ako, my baby... She's here.
I heard my phone ring, sinundan ko kung saan nanggagaling 'yon at nakita kong nakapatong ‘yon sa paanan ko. Kinuha ko ang phone ko kahit na hirap na hirap ako dahil sa dextrose na nakalagay sa akin. Hindi ko na naabutan ang tawag. Nang tuluyan kong makuha ang cellphone ko, tinignan ko kung sinong tumawag. It’s an unregistered number, I check the message after the call.
From: unknown number
This is Mark. Where are you? Joyce needs help. Pinuntahan ka namin sa bahay mo pero wala ka doon. She's been crying all night. She needs you. Ayaw niyang magpasama sa akin at iniiwasan niya ko, I can't help it. Reply please. She badly needs you, she's broke. Alam kong ikaw lang ang kinakapitan niya ngayon.
I was stunned for a moment because Mark texted me for the first time. Alam kong ginagawa niya rin to para kay Joyce, then I remembered on what Mark texted. Joyce is broke? I guess I already know the reason. Tinignan ko ang cellphone kong may wallpaper namin ni Joyce, I bitterly smiled because I know behind her smile is her dark side, she's broken.
Lumabas si Krystal ng banyo at gulat pang napatingin sa akin. I slightly smiled at her ‘tsaka ko tinago ng mabilisan ang phone ko sa likod.
It breaks my heart when she asked me again if I already remembered her. I chose not to tell her the truth at ipagpatuloy na hindi ko pa rin siya naalala dahil marami pa akong kailangan gawin. Hindi ko pa basta basta maiwan si Joyce hanggat hindi ko pa siya naibabalik kay Mark at natutulungan. I know she badly needs me.
Lumabas si Krystal para daw tawagin si Joyce pero hindi na niya ako binalikan hanggang sa dumating na dito si Joyce at sinabing sinundo na raw si Krystal ng parents niya. Nakita ko kaagad ang namamagang mga mata ni Joyce pagkarating ng ospital. Hindi na ako nagtanong dahil mas gusto kong sa bahay na lang kami mag-usap.
"Are you okay?" I asked as soon as we arrive in my house.
Naguguluhang tumingin siya sa akin. "Oo? Ano ba naman ‘yang tanong mo. Ikaw nga dapat ang tinatanong ko, bakit ka pala na ospital? Kasama mo si Krystal?"
I nodded. "She's with me last night at 7/11 may pinag-usapan lang kami. Nahimatay ako bigla nang magkausap kami..."
"Ah, I see... Mabuti at nandoon siya. Nasugod ka niya agad sa ospital." she said.
I can't believe how she stays strong in front of me despite of what Mark told me.
"Joyce, umiyak ka ba?"
Gulat siyang napatingin sa ‘kin pagkatapos ay tipid na ngumiti.
"H-Hindi no!" sabi niya at tumalikod sa akin.
Sinundan ko siya nang maupo siya sa sofa.
"I know your seeing Mark."
Nag-iwas siya sa akin ng tingin kaya nagpatuloy ako.
"He texted me earlier. He said you have a problem. Is it about your family?"
Marahan siyang umiling pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Yumakap siya pabalik at tuluyang napahagulgol sa dibdib ko. Marahan kong hinagod hagod ang likod niya para mapatahan siya.
"Sabi niya sa akin iniiwasan mo raw siya. Bakit?" tanong ko. Hindi siya sumagot, isinubsob niya lang lalo ang mukha niya sa akin. "You still love him." nakumpirma ko na ang sagot niya ng maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa ‘kin.
Tumatango akong humiwalay ng yakap sa kanya. "Hey, its okay... Don't cry. I'll talk to Mark. I'll give you back to him now, Joyce." I said as I wipe her tears.
"G-Gino... Ayokong iwan ka na lang na mag-isa dito. Paano ka? Mag-isa ka na lang sa buhay. Ayo—"
"We can still be friends. Huwag kang masyadong mag-alala. Mas mapapanatag ako kung nakay Mark ka."
Ang malamlam na mukha niya ay sumalubong muli ng iyak. Ngumiti ako nang sugurin na naman niya ako ng yakap.
"I'm sorry... I'm sorry... Nandito pa rin ako sa tabi mo kahit anong mangyari, Gino. Dadalawin pa rin kita kahit wala na tayo." she said.
I smiled. "Same as me."
"Kailan mo kakausapin si Mark?" tanong ko nang mahimasmasan si Joyce.
Nagkibit siya ng balikat pagkatapos ay tipid na ngumiti. "Ewan. Parang ang hirap bumalik sa kanya ulit."
"Do it. Bago mahuli ang lahat." wala sa sariling sabi ko.
"Ang mabuti pa kaya magpahinga ka na? Kakagaling mo lang sa ospital di ba?"
Hindi na ako nagpaawat sa kanya at pumunta na ng kuwarto ko para magpahinga. It has been a long day for me. Kailangan ko pang kausapin si Krystal. But I guess not all the times you have all the chance. I've been texting her every time but she's not even replying!
"Oh, anong problema?" bungad ni Joyce sa akin nang puntahan niya ako sa opisina.
"Hey..." sabi ko at ibinaba ang telepono. "Wala 'yon. Hindi na naman kasi nagrereply."
"Oh, si Krystal ba? Want me to help you?"
Umiling ako. "Nope. Huwag na, its okay."
"Hmm... Okay. Ikaw bahala. Hindi kita tutulungan magkaroon ulit ng girlfriend." aniya sa nang-aasar na boses.
Napasimangot ako at nagtaas ng kilay. "Ni hindi pa nga kayo ni Mark." sagot ko pabalik.
Umikot naman ang mga mata niya sa akin. I slightly chuckle. "Dami pang hadlang..." aniya. "Anyway, may gagawin ka pa ba?"
"Wala naman, why?"
"Treat mo naman ako for dinner oh, please?"
Tumingin ako ulit sa cellphone ko baka sakaling nag reply na si Krystal. Dismayado ako nang makitang wala pa rin. I sighed. "Alright." sagot ko at tumayo.
Pagpasok na pagpasok pa lang sa loob ng restaurant na pinili ni Joyce ay agad kong nabungaran ang taong pamilyar na pamilyar sa akin. Hinihila ako ni Joyce papunta sa isang table pero hindi ako nagpahila dahil ayoko pang mawala ang titig ko sa kanya. Napansin yata ni Joyce ‘yon kaya tumingin siya sa tinitignan ko. Nagngising aso siya pagkabaling sa akin.
Nagtaas ako ng kilay. "What?" I mouthed.
Hindi siya sumagot pero nagtungo siya sa kinaroroonan nina Krystal! Shit! Don't tell me...
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay kinalma ang sarili ko. Sinundan ko si Joyce kahit na abot-abot na ang kaba ko dahil kinakausap na niya si Krystal! Pinigilan ko ang pagdidilim ng paningin ko nang makita na naman siya na kasama si Vince!
And as what I expected. We share the same table as Krys. Maganda rin 'yon para walang gawing kalokohan itong katabi ko.
Sinundan ko si Krystal nang magpaalam siya para mag restroom. She told me everything why she keep on avoiding me. Nadismaya ako nang malamang iniisip niya pa rin ang kapakanan ko sa relasyon namin ni Joyce, kung kailan naman handa na akong sabihin sakanya ang lahat saka naman siya pilit na umiiwas.
Hindi ko siya tinigilan hangga't hindi niya ako kinakausap. Lumaki lalo ang ngisi at ngiti ko nang magreply siya. Yes! Finally!
I bought her a bouquet of flowers as a sign of friendship to her. Ayos na 'to, kahit ganito muna. I remembered she told me last time na mahilig siya sa white roses kaya kahit gabing gabi na ay naghanap ako ng paraan para mapadalhan siya ng ganoon. Good things Joyce help me arranging those flowers na pinitas ko lang sa likod ng garden namin.
"Mabuti pa ikaw, super happy." said Joyce.
Napatingin naman ako saglit sa kanya pagkatapos ay sinarado ang laptop ko para maharap si Joyce na nakamukmok ngayon sa harap ng table ko.
"Why? It is your family again? O si Mark? Anong ginawa niya sa ‘yo?" tanong ko.
Umayos siya ng upo pagkatapos ay umiling iling.
"Wala, iniiwasan ko nga si Mark e,"
Kumunot lalo ang noo ko at magtatanong pa sana pero agad na siyang tumayo at parang wala sa sariling umalis ng opisina ko. Natatawa na lang akong napailing-iling habang nagtitipa ng mensahe kay Krystal.
I invite her to have dinner with me tonight, she refuse dahil mag o-over time daw siya. I can't wait to see her so I decided to wait up for her outside their company. Pinapapasok ako ng guard sa loob but I refuse. Mabilis ko siyang nilapitan nang magpapara na siya ng taxi. She didn't even notice me. Tsk!
Tulala ako at malalim ang iniisip sa buong dinner namin ni Krystal, shit! Mariin akong napapikit at hindi makapagsalita nang magtapat ang mga mata ko sa kanya. I can see confusion in her eyes na parang gusto niya ring magsalita at magtanong sa akin. I barely want to tell her the truth now kaya ko siya sinundo, pero saan ako mag uumpisa? I'm also worried na baka layuan at kamuhian niya ako kapag nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya. I can't lose her... For the nth time!
Sinabi kong manliligaw ako sa kanya pero namali siya ng akala sa akin. She thinks I'll be using her just to get over with Joyce. No! Of course not! I will not do that to her!
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa upuan ng kotse habang nagdadrive. Ngumiti ako para ipaalam na totoo lahat ng sinabi ko sa kanya kanina. Lalo pang napalawak ang ngiti ko at nangingilid ang mga luha sa mata ko dahil sa tuwa nang ngumiti siya pabalik sa akin. Oh how I really love to see her smile with me. Napapikit ako bigla nang may tumamang maliwanag na ilaw sa tapat namin. Sinubukan kong umiwas pero huli na ang lahat.
"Baby..." I whispered before everything went blank.
Minulat ko ang mga mata ko at pinilit na tumayo. I saw Krystal standing in front of me with her shocking face. Tulala siya at pawang may tinitignan. Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang pisngi niya.
"What's the matter?" I asked.
Lumipat ang mga mata niya sa akin pagkatapos ay biglang umalpas ang mga luha niya. Nanlaki ang mga mata ko and I immediately wipe her tears.
"Krystal... Baby, anong problema? B-Bakit ka umiiyak?"
"N-Naaalala mo na ko?" she asked.
I bit my power lip and slowly nod.
"Anong nangyari sa 'tin?"
Nagtaka ako at napalingon rin kung saan nakatutok ang mga mata niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang pareho kaming walang malay habang ginagamot at inaasikaso ng mga doktor at nurse.
Nanginginig akong napabaling ulit ng tingin kay Krystal.
"Does this mean—"
"We're now souls... Again..." pagpapatuloy niya. Saka lang nag sink in lahat sa akin ang nangyari. We had an accident!
"K-Krystal..." hinawakan ko ang kamay niya na siyang nagpatingin sa kanya sa akin. "Kailangan nating bumalik." sabi ko at hinila siya papunta ulit sa mga katawan namin pero naramdaman kong hindi siya nagpapahila sa akin.
Binalingan ko siya ng tingin and all I can see is amusement and fear in her eyes. Hinila ko ulit ang kamay niya pero ako ang hinila niya pabalik sa kanya saka siya umiling iling.
"A-Anong ibig sabihin ng i-iling mong ‘yan?" kinakabahan kong tanong.
Ayokong kumpirmahin ang iniisip ko.
"A-Ayoko nang b-bumalik." shit! Sinasabi ko na nga ba.
"W-Why?"
Tuluyang tumulo ang luha niya kaya ganoon rin ako. Ayokong nakikita siyang ganoon. Ang hirap... Nasasaktan rin ako.
"Kailangan nating bumalik, Krystal! Hindi pa naman huli ang lahat! Kapag hindi tayo nakabalik kaagad ngayon ay baka wala nang pagkakataon." paliwanag ko
Hindi siya sumagot at humagulgol lang kaya nagsalita muli ako.
Iling siya ng iling so I let out at frustrated sighed.
"KAILANGAN NATIN KRYSTAL!" hindi ko na napigilan at napataas na ang boses ko. "ANO BANG PUMIPIGIL SA'YO?! NANDITO NAMAN AKO E, HINDI NAMAN KITA IIWAN! BUM—"
"AYOKONG BUMALIK DAHIL BAKA HINDI MO NA NAMAN AKO MAALALA!" sigaw niya pabalik na nagpatigil sa akin. I was stunned for a moment by seeing her broken face. Ramdam na ramdam ko rin ang sakit na nararamdaman niya sa pag-iyak niya pa lang.
"Ayokong bumalik, Gino... Ayokong sa pagbalik natin ay hindi mo na naman ako maaalala... Ayokong paulit ulit ko na namang maramdaman ang sakit sa pangungulila sa 'yo! Mas... Mas lalo lang akong masasaktan... No... Ayoko... Kung ganito tayo na kaluluwa na lang at naalala mo ako ay ayos na ako dito... Kung babalik tayo sa katawan natin at mabubuhay pero ang kapalit naman ay makakalimutan mo ako ay mas gusto ko nang mamatay na lang at maging kaluluwa... Makasama ka lang..."
"Baby..." I whispered as I tried to reach her.
"I-I'm sorry..." tanging nasabi ko. "I lied..."
Napaangat siya ng tingin sa akin pagkatapos ay nalilitong napakunot ang noo.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Nagsinungaling ako... The day that I was in the hospital, nuong sinugod mo ko noon dahil hinimatay ako nung gabing nag-uusap tayo... N-Naalala na kita nang magising a-ako..." hirap na hirap akong sabihin ang nga huling salita.
Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata pagkatapos ay bigla siyang napahagulgol at pinagpapalo ang dibdib ko. Sinangga ko ang mga kamay niya pagkatapos ay niyakap siya. Wala siyang tigil sa paghagulgol kaya tumulo na naman ang luha ko.
"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry..." mahina kong bulong. "Sorry baby..."
"Bakit... Hindi mo pa sa akin sinabi ang totoo? Nilihim mo... Naghintay ako... Naghintay ako na maalala mo ko pero nilihim mo sa ‘kin. Nilihim mo! Bakit?... Bakit?..." halos pabulong niya na lang sinabi ang mga huling salita.
It broke my heart as I hear her voice. Ayokong umiiyak siya, pero alam kong ako ang nagiging dahilan para mangyari 'yon.
Humiwalay kami sa pagkakayakap. Pinaglapat ko ang mga noo namin. Nakapikit siya pero minulat niya rin ang mga mata niya at nakipag titigan sa akin.
"I'm sorry... I'm sorry... Bumalik na tayo please?... Babawi ako... Babawi ako kapag bumalik na tayo. Please? Please..." bulong ko.
Pinunasan ko ang mga luha niya at ang sa akin para makita ko siya ng maayos.
"H-Huwag na please?..." sabay iling niya. Tinitigan ako lalo sa mga mata. "Mas masaya ako kung ganito na lang tayo... Magkasama. Iyon ang mas importante sa ‘kin kesa ang buhay ko."
Nakita ko ang pagningning ng kanyang mga mata sa akin. Nakikita ko ang repleksiyon ko doon. Pagkaraan ay ngumiti ako at tumango.
"If that's what you want. Fine, I'll agree with you. Ikaw lang din ang gusto kong makasama. I'll be with you... No matter what... I'll still love you..."
Napangiti siya sa sinabi ko at tumango.
"Mahal din kita..." bulong niya.
I smiled with all my heart as I sealed her lips with mine. I know... Through this. We'll guide our souls... Together.