Chapter Fifteen

"Look at her beautiful eyes."

"Yes, she got it from you, hon." sagot ko sa kanya na may halong tuwa nang makita ko ang anim na buwan naming anak.

Kakauwi ko lamang galing sa trabaho ngunit ito na ang bumungad sa akin. Kaya wala sigurong dahilan para mas ma-stress ako ngayong araw.

"She's the prettiest girl I've ever met after you."

"Bolero." saad nito bago tumawa at ihiga sa crib ang anak namin. Tumayo siya at saka umupo sa sofa na nasa gilid ng kwarto.

Bakas sa kanyang mga mata ang pagod kaya minabuti kong yayain na siyang magpahinga. Walang anu-ano'y tumayo na rin siya para humiga sa kama nang may malakas na pagsabog ang nadinig sa labas ng kwarto.

"Hindi ka na makakatakas, Jan Monteliola!" sigaw ng isang babaeng nasa labas. Maingat akong naglakad habang inaalalayan ang asawa ko palapit sa anak namin.

Nang makalapit ay gising ito. Malamang ay dahil ng pagsabog na iyon. Pero hindi siya umiyak.

"My baby's brave." bulong ng asawa ko. Napansin ko ang namamasa niyang mata na nagbabadya nang umiyak.

Hinila ko siya ng bahagya papunta sa book shelf na katapat ng kama namin. Hinanap ko ang isang libro at hinila ito, bumukas naman ang isang hidden door. Pinapasok ko sila doon.

"Kailangan niyong makatakas."

"Paano ka?" naiiyak na tanong nito sa akin. Namamasa na rin ang mga mata ko kaya pinilit kong ngumiti sa mag-ina ko.

"I should do this. Take care of you and our Harley, okay? I will find you after handling this mess." sabi ko sa kanya bago iginiya papasok at isara ang pintuang iyon.

Pumunta ako sa may balcony. Akmang tatalon ako doon nang bumukas ang pinto ng kwarto namin at iniluwa ang isang babaeng may hawak na shotgun. Nakatitig ito sa akin, halata ang galit sa mga mata niya.

"Jan, wala ka nang mapupuntahan." banta nito sa akin. Napahawak ako sa pader nang itutok niya sa akin ang hawak niyang baril.

"You know you don't have to do this."

"Hah! I can't let you, and your family to ruin my success!" sigaw nito na parang nawawala sa katinuan.

Napaatras ako. Naramdaman ko ang butil ng pawis na tumulo mula sa aking noo. Papalapit na siya ng papalapit, nanatiling nakatutok ang mahabang baril na hawak niya.

Sooner or later, I will be dead, and I won't be able to see my wife and daughter again.

Pero hindi ako papayag na sa mga kamay niya magtatapos ang buhay ko. Kaya walang anu-ano'y tumalon ako mula sa balcony. Nakita ko pa ang gulat sa kanyang mukha. Napangiti naman ako ngunit ilang sandali ay may luha nang pumatak mula sa aking mata. Naalala ko ang sinabi ko sa aking mag-ina.

Kirot. Iyon ang naramdaman ko ng tumama ang likod ko sa konkretong sahig na binagsakan ko. Ramdam ko na ilang sandali na lang ay lilisanin ko na ang mundo. Ngunit may napansin akong isang tao sa likod ng isa sa mga column. Nakaitim ito kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Bumibigat na ang talukap ng aking mata. Pipikit na ito ilang segundo pa, napansin kong lumapit sa akin ang taong iyon. At nang makalapit siya'y hinila niya ako papunta sa isang madilim na parte ng bakuran namin.

Akmang pipikit na ang mata ko nang makarinig ako ng sigaw mula sa taas. Sigaw ng isang babae. Natakot ako. Ngunit wala akong kayang gawin sa panahong iyon upang masigurong hindi iyon ang asawa ko.

"Jan, Jan, you're too dumb to be the heir of the great bloodline. A hidden door behind the book shelf, really? Haha! I wish you could hear this but, sadly you took your own life jumping through the--" natigilan ito. Wari ko'y sinilip niya ang pinagbagsakan ko ngunit hindi ako nakita doon.

Pinipilit kong hindi pumikit dahil pakiramdam ko'y nauubusan na ako ng hininga. Hindi pa pwede, kailangan ko pang masigurong ligtas ang mag-ina ko.

"Oh, you're not there. It's okay, I have your wife, your beautiful wife." My wife. Yon ang sabi niya. Nilingon ko ang tao sa aking gilid. Nakatingin ito sa balcony ng kwarto namin.

"Tulungan mo sila." bulong ko sa nahihirapang tono. Kinakapos na ako sa hangin. Hindi ko na alam kung magtatagal pa ako.

Tumayo ito. Naglakad ng dahan-dahan patungo sa bintana malapit sa amin. Nakita kong nakapasok siya doon. Nakahinga ako ng maluwag nang masigurong may tutulong na sa asawa ko. Pero, nasaan ang anak ko?

Narinig ko pa ang lagabog na nanggaling sa taas, ang pagsigaw ng babae, ang pagputok ng baril, sigurado na ako.

Wala na siya.

Tumulo ang luha sa aking pisngi. Lalo akong nahirapan huminga. Nakita ko ang isang taong unti-unting lumalapit sa akin.

"Nakatakas siya. Pero, ang asawa mo, nabaril siya sa dibdib." sabi nito sa akin na lalong nagpabigat sa aking dibdib. Naiyak na ako ng tuluyan.

"Yung ba-bata?"

"Walang bata roon. Tanging ang asawa mo lang." pagkasabi niya niyon ay bahagya akong nakahinga ng maluwag. Nasiguro kong ligtas ang anak ko, sana nga.

Naramdaman kong binuhat ako ng taong iyon. Siya ang humila sa akin palayo kanina at itinago ako. Iyon lang ang huli kong naramdaman bago tuluyang nilamon ng kadiliman ang paningin ko.

※

~ Linda

Tahimik akong nagluluto sa kusina para sa akin at sa iba pang nasa bahay. Ilang araw na rin ang nakalipas nang magtungo na sa GU sina Ash. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya ganong alam ko naman na may magbabantay sa kanya roon.

"Tita Linda, may naghahanap po sa inyo. Kakilala niyo raw po kaya pinapasok namin. Nasa sala po siya." pagkasabi niyon ng isa sa mga katulong ay siyang pagpatay ko sa kalan. Umalis na ito ngunit pinigilan ko at sinabing kumain na siya at ang iba pa niya kasama.

Nagtungo ako sa sala kung nasaan ang sinasabi niyang bisita. Paglampas ko sa arko sa bukana ng kusina ay natanaw ko na ang likod ng isang matipunong lalaki.

"Oh, napadalaw ka." saad ko nang medyo malapit na ako sa kanya na siyang dahilan para humarap siya sa akin. Tama nga ako, siya nga.

"Kakamustahin sana kita, Linda." sagot naman nito na bakas ang tuwa sa mukha. Ilang taon na ang nakalipas ngunit parang hindi pa rin nagbabago ang itsura nito.

"Ayos lang naman ako, heto tumatanda na."

"Hindi lang naman kayo." saad nito bago nagsimulang tumawa.

"Kamusta naman si Ash?" tanong nito sa akin. Naging seryoso ang mukha nito, ganun din naman ako. Naupo kami sa sofa at sakto naman ang dating ng bagong timplang tsaa.

"Ilang araw na rin nang pumasok sila sa Grifhorst. Naging maayos naman, wala pa akong balita sa ngayon dahil nandoon din si Robie." kwento ko sa kanya na mariing nakikinig sa bawat salitang binabanggit ko.

"Mabuti naman kung ganon, wala pa bang nangyayari sa loob?" tanong nito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya kinuha ko ang takuring may lamang mainit na tsaa at sinalinan ang dalawang tasa.

"Wala pa." tanging nasabi ko. Bakas ang gulat sa kanyang mukha.

"Nagtaka rin ako." ang sabi ko pa bago humigop ng tsaa.

"Pero huwag kang mag-alala, Lance. Alam ni Robie ang dapat at kailangan niyang gawin kung may mangyari man sa loob."

Nang sabihin ko yon ay bakas sa kanyang mukha na nakahinga siya ng maluwag. Alam kong hindi makakabuti kung sasabihin kong nasunog ang katabing classroom nina Ash. Alam ko ring hindi niya magugustuhan kung sasabihin ko sa kanyang sa oras na yon, kasabay ng paghigop niya ng tsaa, ay siya ring pag-uumpisa ng lahat ng maaaring mangyaring masama sa loob ng Grifhorst. Lingid sa kanyang kaalaman, na sa mga sandaling yon, ay maaaring may nangyari na kina Robie.

"I know Robie can handle such things. I knew him since he learned to aim a knife." sabi nito bago inilapag ang isang suit case sa lamesa. Binuksan niya iyon at nakita ko ang walong makikinang na kutsilyo. Napansin ko ang hawakan ng mga iyon, kulay itim at may bungo sa ilalim.

"Give this to him when he come home. I know he will need these things inside that university." dagdag pa nito bago tumayo at inayos ang suot niyang long sleeves.

"Salamat, Linda."