Chapter Sixteen

Nagising ako sa kalagitnaan ng isang sirena. Sirena na bumubulabog sa bawat taong nakaririnig niyon. Ngunit alam kong malayo iyon kung nasaan ako. Nilibot ko ang aking tingin. Nasa isang kwarto ako. Hindi akin. Hindi pamilyar. Napansin ko ang puting pader, pati ang kama'y kulay puti rin. Imposible namang nasa ospital ako di ba?

"Oh, gising ka na pala." dinig kong sabi ng nasa gilid ko. Hindi ko napansin na nakaupo ito sa upuan sa gilid ng kama.

"Nasaan tayo?" tanong ko. Hinanap ko ang iba naming kasama. Ngunit nabigo ako, tanging si Robie lang ang kasama ko sa kwartong iyon.

"We're in a place no one can locate, not even the council." sagot nito sa tanong ko. Nagtataka man, hindi ko na nagawang magtanong ulit dahil lumabas na ito. Naiwan akong mag-isa sa loob.

Walang nakakabit sa aking mga tubo o kung ano pa man, kaya masasabi kong hindi ito ospital, hindi rin mukhang clinic. Dahil mas mukha itong kwarto ng isang simpleng bahay. Susubukan ko na sanang umalis sa kama nang may pumasok sa kwarto, muli kong nakita ang kulay abo niyang buhok.

Our eyes met.

I can sense the coldness in his eyes.

Naupo siya sa isang mahabang sofa malapit sa bintanang may makapal na kurtina, saka kinuha ang isang libro na nakapatong sa maliit na lamesa sa sulok.

Nakarinig ako ng mga ingay na unti-unting lumalakas na para bang papalapit ang mga iyon sa akin. Para itong mga taong nag-uusap. At hindi naman ako nagkamali nang isa-isa kong nakita ang mukha ng pitong lalaking magkakasunod na pumasok.

Isa-isa silang bumati, tinanong kung ayos na ako. Tumango ako bilang sagot. Hindi ko alam kung anong nangyari matapos kong mawalan ng malay kanina. Ngunit pansin ko sa mga suot nilang hindi naging maganda iyon. Bakas ang dumi sa mga damit nila, maputik ang mga pantalon, at magugulo ang mga buhok ng mga iyon.

"Anong nangyari?" hindi ko na natiis na hindi magtanong. Napatingin naman sila sa akin, maging si Nyx na nagbabasa kanina ay napatunghay na rin.

"Mess." sagot ng isang lalaking kakapasok lang ulit. Hawak nito ang isang kahong kulay itim. Binuksan niya ito at tumambad ang makikinang na bagay. Hindi ko iyon lubos na makita sa kislap niyon.

"Robie." tawag sa kanya ng isa, si Polo iyon. Bakas ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakatingin ito sa hawak ni Robie.

"Guys," panimula niya. "You all know what's the purpose of your stay inside that university, right? And without this," putol niya.

Inilabas nito ang isang kutsilyo mula sa kahon. Iyon pala ang laman non.

"You won't survive a day. That mess earlier, is just the beginning. There's more that you must be prepared of." nang banggitin niya ang mga salitang yon ay bakas sa mukha ng mga lalaking nasa harap ko ang pangamba. Bukod sa isa. Saige?

"Physically and mentally." dagdag pa nito. Nanatili ang titig ko kay Saige. Tila malalim ang iniisip. Hindi alintana ang mga kutsilyong inaabot sa mga kasama niya.

"A skull?" tanong ni Xander na pumukaw sa atensyon ko. Nakita ko rin ang sinasabi nitong bungo na nasa dulo ng bawat kutsilyo.

Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin. Si Joaquin at Nyx na tamad lang ang tingin na ani mo'y walang pakialam, sina Xander, Polo, Vryll at Jin na may halong kaba ang itsura, si Saige na may bahid ng galit, at si Lux na nakatitig sa akin.

Halata sa kanyang mata ang pag-aalala. Akmang tatayo siya nang maglakad sa unahan niya si Robie. Natabunan ng matipunong likod nito ang isa. Hindi ko na ulit makita ang mukha niya.

"All of you, back on the hostel." utos ni Robie at tumayo naman silang lahat. Maliban kay Nyx, na nanatiling nakaupo sa sofa at nakatutok na muli sa kanyang binabasa.

"You, too." sabi ni Robie nang nasa tapat na siya ni Nyx. Non lang ito tumingala bago tumayo at sumunod na sa mga kasama. Naiwan kami ni Robie sa loob.

"I wish you're ready." sabi nito nang nakatitig deretso sa aking mata.

"Ready for what?"

"For what might happen. But for now," lumapit ito sa akin. "Please rest." dugtong nito bago hinalikan ang noo ko, at nilisan din ang kwarto. Ngayo'y naiwan na ulit akong mag-isa roon.

I felt safe knowing I have nine men who could protect me. Especially, now that the university have launched some sort of madness. From what I witnessed earlier, I can tell this university is not just an ordinary one. It can't be. It just can't be.

Why would they just shoot a girl in front of a crowd? Why would they?

Now, I also wish I am ready for what might happen next. I wish, I wish I will be brave enough to face what could possibly happen.

Nagbabadya nang manikip ang dibdib ko sa isiping may mas malala pang maaaring mangyari nang umihip ang malakas na hangin at dinadala nito ang kurtinang nakasabit sa may bintana. Nang hanginin muli ang kurtina'y napansin ko ang isang pamilyar na pigura. Naroon siya, nakatayo sa labas ng bintana ng kwarto kung nasaan ako. Sisigaw na sana ako para makuha ko ang atensyon ng mga kasama ko sa labas ng matakpan ng kurtina ang pigurang iyon. Sa sunod na paghangin ay wala na ito doon. Wala na ulit.

Saglit akong nakahinga ng maluwag ngunit binalot na naman ako ng kaba sa isiping alam niyang nandito kami. Ang akala ko'y walang makakaalam na nandito kami, bukod sa amin.

Nawala ang kaba saking dibdib nang pumasok sa loob si Lux.

"Akala ko--"

Naputol ang sasabihin ko nang yumakap siya sa akin. Mahigpit, ngunit hindi gaano para makahinga pa ako ng maayos. Nanatili siyang nakayakap sa halos sampung segundo bago siya kumawala at humarap sakin, hawak ang magkabilang pisngi ko.

Our eyes locked.

"Don't be afraid. I'm here." mas inilapit pa niya ang kanyang mukha sa akin. Ilang pulgada na lang ang layo nito sa akin.

"I will always be." huling sinabi nito bago hinaplos ang aking pisngi. Matamlay itong ngumiti bago dahan-dahang lumayo at umalis.

For a moment, I thought he would... oh, nevermind.

Bakit ba feeling ko ilang oras na lang ay mamamatay na ako? Bakit ganito sila? Bakit parang namamaalam na sila sakin? Nabagok ba ako kanina? At bigla akong nagkaroon ng tumor sa ulo? Tinaningan na ba ako ng doktor? Bakit?! Bakit?!

Sa gitna ng pagiging hysterical ko ay may tumalon sa aking itim na pusa. Parehong pusa na gumulat sa akin noong nakaraang gabi. Makislap pa rin ang balahibo nito. Ano kayang shampoo nito? Sunsilk kaya?

"Meow."

Natuwa ako nang sumiksik siya sa akin. Feeling ko tuloy lalo ilang saglit na lang mawawala na ko sa mundo. Namamaalam na rin ba siya sakin? Sad, kailan ko lang siya nakilala, hindi ko pa napakain.

Muli akong nahiga sa kama. Sumunod naman ito sa aking gilid kaya tumagilid ako, paharap sa kanya.

"Nase-sense mo bang mamamatay na ko?" walang anu-anong tanong ko sa kanya.

"Meow." tanging sagot niya. Hindi ko naman siya naintindihan. Pano ko malalaman kung mamamatay na nga ako?

Hinaplos ko siyang muli. Lalo pa nitong isiniksik ang sarili sa akin. Pakiramdam ko naman ay ligtas ako dahil may kasama ako. Di kalauna'y nakaramdam na ulit ako ng antok.

※

~ Robie

Natipon ang pitong lalaki sa harapan ko habang naiwang mag-isa si Ash sa loob ng kwarto. Narito kami ngayon sa isang cabin, kung saan malayo sa campus ground. Kung saan alam kong ligtas kami, sa ngayon.

Tinitigan ko ang mga lalaki sa harapan ko. Lahat sila'y tila alam na ang ibig kong iparating nang ibigay ko sa kanila ang mga kutsilyong iyon.

"You, the seven of you, might not know why the hell you are here." panimula ko. Alam kong hindi nila alam. Dahil simula palang ay hindi ko na sinabi.

Bakas ang pagtataka sa mga mukha nila. Ang akala siguro nila'y basta lang silang pinili para protektahan ang isang babae.

"We know she's not just an ordinary girl, and we won't give a damn if she is in the first place." ang sabi ni Vryll. Tama iyon. Malamang nga ay may kung anong meron kay Ash, at kung wala man, hindi sana kami natipon ngayon.

"You know Grim right?" tanong ko nang makaupo ako sa isang couch, sa unahan nila, sa gitna. Sinenyasan ko naman silang maupo sa sofa sa harapan ko. Ginawa naman nila iyon.

Bakas ang takot sa mga mata nila nang banggitin ko ang pangalan na iyon. Sino bang hindi? Miski akong nagsabi niyon ay nakaramdam ng panlalamig.

"He's the founder of this univeristy. He's the head of all these. The mess we're encountering right now. Oh, and not to mention that he also owns the popular Assassin For Hire page on the dark web." pagpapakilala ko sa kanya kahit alam kong kilala nila iyon, imposibleng hindi.

"What the fuck?!" bulong na mura ni Saige nang marinig ang mga sinabi ko. Isa siguro siya sa mga hindi nakakaalam ng bagay na iyon.

"But that doesn't mean we should be afraid of him." sabi ko na lalong nagpakunot sa kanilang mga noo. Napangisi ako saglit.

"Well, he's the one who gathered us here." nang sabihin ko yon ay nanlaki ang kanilang mga mata. Alam ko nang mangyayari ito. Alam kong hindi ko sila basta mapapaniwala sa sinasabi ko.

"That explains the skull on every knife, though." dinig kong sabi ni Lux.

Yes. The skull. The skull resembles Grim, himself. That is the symbol of death, which he really fetish.

"So death awaits for us in the end, eh?" sarkastikong sabi ni Joaquin na nagdulot ng isang halakhak sa akin. Natigilan naman sila at napatitig sa akin.

"No. Oh, no." sabi ko sa gitna ng aking pagtawa. Naguluhan sila lalo sa nangyayari. Okay, I must stop laughing now.

My eyes went serious, narrowed to each of them.

"Grim is to death as deadly is to sins." tanging sabi ko. And I know they went curious and confused again.

"The seven of you, each of you symbolizes one of the seven deadly sins." I added. Halata ang gulat sa kanilang mga mukha. Then, a smirk grew to my face and a small laugh came out from my mouth.

"How come?" tanong ni Xander. Wala talaga silang ideya.

"How come? Oh, let me tell you which is yours," putol ko saka tumayo at naglakad palapit sa kanya. "You symbolize Gluttony."

Nagulat ito sa sinabi ko. Ganun din ang iba niyang kasama. Sunod akong tumingin kay Jin.

"And you, you're supposed to represent Greed. As for you, Mr. Joaquin Herrera, Sloth is the word you possess. Polo, Pride. Vryll, Envy, not so obvious huh?" ang sabi ko habang diretsong naglalakad sa harapan nila.

Napatigil ako sa pagitan ni Lux at Saige. I know that they know which of the seven symbolize them.

"Luxan Salazar." tawag ko sa kanyang pangalan. Naging seryoso ang mukha nito. Hindi bakas ang kaba. Malamang nga ay alam na niya kung alin siya doon.

"Lust." sabat ng nasa likod ko. Nilingon ko ito at nakita si Nyx na nakaupo na sa couch na inuupuan ko.

I drifted my gaze back to Lux, and yeah, he has this kind of grin every woman would fall for. Yes, that's him. Not to mention the way he looks at Ash, and what things he did to her. He even tried to kiss her. In the middle of the night. If it wasn't for me to interrupt that lustful scene. But he knows what he'll face if he accomplished.

"Enough." putol ko sa kanyang pagngisi. Dumiretso ito ng upo.

"I know. I won't dare." sagot nito.

Alam kong may mga imahe nang namumuo sa kanyang isipan kanina, and I know what are those. Tsh, this maniac brat.

Nalipat ang atensyon ko kay Saige na nakayuko lang at nakakuyom ang kamao.

"Saige," pukaw ko sa kanyang atensyon. "You know what you represent." I said with a slight grin on my face. Alam niya iyon, dahil harap-harapan ko siyang niyaya para maging parte nito. I even gave him his symbol written in a black paper when I was in his office.

Madilim ang mukha nitong tumingin sa akin. Hindi ako natakot. Hindi kailan man. He will never attack me, even if I triggered his tragic memory many times. He wouldn't dare. Because I have something to calm him. No, someone.

"Wrath." bulong nito, tama lang para marinig ng iba pang nasa sala. Hindi na ako nagulat nang makitang may bahid ng takot ang gumuhit sa kanilang mga mata. Hindi ko sila masisisi.

A man who is capable of killing without him knowing. If rage overpowered himself, he will be strong and brave enough to kill all the students inside the university, even the council. He can. I know he can. That's why he is the most precious thing in this room, but also the worst. He can kill anybody, I said, even Ash.

Nanatiling tahimik ang buong sala. Kung hindi pa tumayo si Xander ay hindi sila matatauhan na kailangan pa nilang bumalik sa hostel dahil baka makahalata ang council na wala sila roon.

Nakatingin ako sa kanila habang lumalabas. Nang si Saige na ang nasa dulo'y hinila ko ang braso niya. Madilim pa rin ang kanyang mukha.

"Control yourself, you might lose it." sabi ko bago iniabot ang isang kahon sa kanya. Mahina itong tumawa.

"You know the purpose of that gun and that single bullet." sabi ko habang deretsong nakatitig sa mata niya.

Makaraan ang ilang segundo ay binitawan ko ang braso niya. Tumango siya bago tuluyang lumabas at humabol sa mga kasama. Ngayon ay ako na lang ang nandito, kami ni Ash.

Pumasok ako sa kwarto kung nasaan siya. Natigilan ako nang makitang bukas ang bintana. Hindi ko iyon binuksan kanina. Isinara ko na lamang ulit iyon saka nagtungo ulit sa upuan sa gilid ng kama. Kita ko ang mahimbing na natutulog niyang mukha. So peaceful.

I hope I can stay with you till the end of this war.

Pero alam kong imposible yon. Dahil maraming pwedeng mangyari.

"They should be happy knowing they died saving you. I will too, if the same fate happened to me." bulong ko habang inaayos ang kanyang buhok na tumakip sa kanyang mukha.