Chapter Twelve
"Don't be so bothered about this thing. Ni hindi mo nga alam kung anong nangyari." dinig kong sabi ng babae mula sa likod ng pintong kinasasandalan ko.
"You never really listened to me, Hazy. I know what happened. Alam mong marami akong matang nakasubaybay sa bawat galaw ninyo." sagot naman ng lalaking kausap niya. Sa tingin ko'y dito na talaga magtatapos ang lahat.
"This family will never be the same." ang sabi naman ng lalaki na parang nawawala na sa sarili.
"Yes, I know. And that is because of you and that stupid brain of yours!" sigaw ng babae bago ko narinig ang isang malakas na putok ng baril.
Napangiti ako ng bahagya nang mapagtantong dumating na ang pinakahihintay kong araw. Ang araw na mawawala ang taong lubos na nagpahirap sa amin ng aking ina.
My grandfather was once a General. He's one of the members of the troop who faught in the World War II.
Nang natapos ang gyera ay bigla na lamang itong nagbago. Madalas na itong sumigaw at magalit ng walang dahilan. Kaya halos lahat ng katulong at iba pang kasama namin sa bahay ay umalis na. Hanggang sa kami na lang ni Mommy ang natira.
I'm just 13. But rage runs through my veins. Maybe because of this scenarios, or maybe it's just who I am.
Binuksan ko ang pintong sinasandalan ko kanina. Nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang lolo ko nang sumilip ako. Napansin ng aking ina na naroon ako at nakatingin sa nangyari. Matamis siyang ngumiti sa akin bago itinapat ang baril sa kanyang sintido. Papalapit palang ako'y umalingawngaw na sa buong bahay ang malakas na putok ng baril na nagtapos sa buhay niya.
7 years have passed, pero malinaw pa rin sa aking isipan ang mga nangyari noon. Ang putok ng baril. Ang nagkalat na dugo sa sahig. Ang malamig nilang bangkay. Nakatatak pa rin saking isipan.
Ngayong ulila na ako at tanging ang kompanyang naiwan ni Mommy na lang ang tumutulong sa akin para makausad sa buhay, wala akong maaaring gawin kundi pagbutihin ang pamamalakad niyon.
I was sitting on my swivel chair when the secretary knocks and told me there's someone who wanted to talk to me. When I nodded, a man in a black suit came in. I think he's in his 20's. He looks professional and... intimidating.
"Mr. Jimenez." tawag nito sa aking apelido. Apelidong nagpapaalala sa mahigpit kong lolo.
Nang magtama ang aming mata'y nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan. Hindi ko alam pero parang nangilabot din ako sa awra niya. Same as my grandfather's.
Lumakad ito papalapit sa aking desk at inilapag ang isang itim na envelope sa ibabaw. Nag-aalangang kinuha ko ito at binuksan. Nang makita kung ano ang nasa loob, agad akong napatingin sa kanya.
"This is bullshit." saad ko. Hindi ako fan ng mga action movie kaya hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari.
Hindi ito umimik at humakbang na papalayo sa akin. Palabas ng opisina ko.
Huminto ito nang nasa may pintuan na bago muling humarap sa akin.
"Let me know your decision in 3 days." sabi nito bago lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong nakatunganga.
Muli kong binasa ang laman ng envelope. Isa iyong enrollment form ng isang kilalang university rito at mayroong kasamang note na may nakasulat na "Wrath."
Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse sa drawer ko.
"What does this mean?" tanong ko sa sarili ko habang pababa ng hagdan at nakatingin sa note na nakasama sa itim na envelope.
Tinatahak ko ang daan papunta sa parking lot nang mapansin ang isang itim na pigura malapit sa exit. Nang tignan ko ang paligid kung may ibang tao at muling tignan ang kinatatayuan nito'y nawala na lang itong bigla. Now, what else could be weirder?
Pinagpasa-walang bahala ko na lang iyon at dumeretso sa kotse, umalis at tahimik na nagmaneho pauwi.
About a mile from the company when my phone rang and the screen says it's Tanya. That slut is bothering me again.
"What?" sabi ko nang masagot ang tawag na yon.
"Hey, I miss you so bad. Could you come?" sagot naman nito sa nagpapacute na boses. Ugh, how irritating.
"Miss me? Or miss making love with me?"
"You do really know me, S. Please co--" walang anu-ano'y pinatay ko na ang telepono. Nakakairitang pakinggan ang boses niyang nang-aakit.
Tanya's just one of my girls. Though they're just "my girls" when I need their comfort. In bed, yes. Don't judge me, I'm a man and I need it.
Hindi kalauna'y nakarating ako sa bahay. Tahimik, tanging mga kasambahay lang ang naroon. Sa bawat pagpasok ko sa bahay na iyon ay bumabalik ako sa alaalang iyon. Agh, this head really needs medication.
Dire-diretso akong naglakad papunta sa kwarto ko at makitang nagkalat ang pulang likido roon. Sa pader, sa sahig, sa kisame at maging sa mga bagay na nasa loob. Nakuha ng isang kahon ang atensyon ko.
Nang buksan ko ito'y isang uniporme ang nandon kasama ang isang baril at isang bala. Hmm... what does he wants me to do with this single bullet?
Habang inuusisa ang laman niyon ay may natanaw akong isang litrato. Litrato ng isang batang lalaki. Nakangiti ito ngunit bakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. I wonder who it is and why he looks like someone I know.
Sinara ko ang kahon at inilagay sa loob ng drawer at tinawag ang isang kasambahay para linisin ang kalat doon.
You think you could trigger me with that mess? Well, congratulations, you did.
Unti-unting nanakit ang ulo ko sa mga pangyayaring paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko.
Mommy! Mommy! You can't just leave me here! I still need you!
No. Kaya mo na ang sarili mo, anak. I love you.
"Maaaaa!"
"Oh? Anyare sayo?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Saka ko lang napagtantong napanaginipan ko na naman iyon.
"Same nightmare?" tanong ng isa pang kakapasok lang sa kwartong may bitbit na food tray.
"Stress lang yan, pre." sabat pa ng isa.
Those memories still haunt me these days. Kahit anong pilit ko na kalimutan ang mga pangyayaring yon, hindi ko magawa. Simula noong pumasok ako sa GU ay lalong lumalala ang mga panaginip ko. It gets more vivid every night.
"Hoy mga monggo, kakain na!"
Harley Ash Monteliola. Since day one I can tell that I've seen you before.
※
Matapos naming kumain ay balik na ulit kami sa kanya-kanyang gawain. Si Polo na tutok lang sa phone na naka-headset, si Joaquin na walang ginawa kundi humiga, si Xander na kumakain na naman, si Jin na tutok sa tv at walang balak ipalipat ang channel na nasa Cartoon Network, si Lux na titig na titig na naman kay Ash, si Vryll na masama ang tingin kay Lux at si Nyx na as usual, eerie pa rin sa isang tabi habang nagbabasa ng libro. How enjoyable this day is?
Dumeretso na lamang ako sa kwarto. Kukunin ko na sana ang laptop ko na nasa desk nang maalala ko ang panaginip ko. That gun and that single bullet.
Sumilip ako sa labas upang siguraduhing walang papasok sa kwarto. Nang makasiguro'y itinaas ko ang matress at kinuha ang isang box sa ilalim niyon. Maingat ko itong binuksan upang hindi gumawa ng ingay na alam ko namang hindi rin mapapakinggan sa labas.
Nang makita ang laman, may kaunting ngiti ang gumuhit sa aking mukha, hindi ko alam kung bakit pero ramdam kong nawawala ako sa katinuan kaya naman isinara ko na iyon at itinago sa dating kinalalagyan. Saka ko naramdaman ang pananakit ng ulo ko. Maya-maya pa'y nagsimula nang umikot ang aking paningin. Napaluhod ako sa sobrang sakit na ikinatumba ko na siya namang nagdulot ng malakas na dagundong sa sahig. Sa unti-unting pagdilim ng paningin ko'y kita kong isa-isang nagsipasukan ang mga kasama ko sa bahay. Hindi malinaw ang nakikita ko ngunit may napansin ako sa di kalayuan, sa salas kung hindi ako nagkakamali, isang itim na pigura ang naroon. May kung anong bagay na kumikinang ang hawak niyon. Upang masigurong hindi ako namamalikmata'y nagawa ko pang kusutin ang aking mata, ngunit wala na ang itim na pigura sa dati nitong kinatatayuan. Doon ko lang napagtanto na nilamon na ako ng kadiliman.
※
"Saige! Saige, gising!" dinig kong sigaw ng isang babae sa aking tabi. Inaalog niya ako nang mapagtanto kung sino ito.
"M-ma? Ikaw ba yan?" garalgal ang boses kong sinisiguradong siya nga ang babaeng ngayo'y nasa harap ko.
"Ayos ka lang ba?" saad nito na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Hindi gumuhit ang lungkot rito.
"H-hindi--"
Hindi maaaring nandito siya. Paano? Malinaw na nasa harapan ko siya ngayon. Pero paano?
Muling nanakit ang ulo ko sa isiping yoon. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumampi sa aking kamay. Inalis nito ang mariin kong hawak roon bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Sandaling nawala ang sakit na kanina lang ay pumapatay sa akin. Bahagya pa ring umiikot ang paningin ko, ngunit unti-unti nang lumilinaw ang nakikita ko. Dahil don, nanlumo ako.
Nanlumo ako nang makitang hindi si Mommy ang nasa harapan ko kundi si Ash. Dinadampian niya ng maligamgam na tuwalya ang aking noo ng oras na iyon. Naaalala ko pa ng una kong imulat ang mata ko kanina. Si Mommy ang nakita ko, hindi siya.
"Okay ka na ba?" tanong nito sa akin habang patuloy pa rin sa ginagawa niya. Siya namang pagpasok ng ilang lalaki sa silid.
Isa-isa ko silang tinignan, sinisiyasat kung anong mga reaksyon nila. Pitong lalaki ang nasa likod niya ngayon, pero wala doon ang nakita ko kanina. Wala sa kanila ang naka-itim.
Nang maalala ang huli kong nakita bago ako kinain ng kadilima'y napaisip na naman ako. Kinabahan at nanlamig. Kung sino man iyon, hindi siya isa sa amin.
"Magpahinga ka muna para umayos ang lagay mo." ang sabi niya bago siya tumayo at lumabas, sumunod naman sa kanya ang ilang mga lalaking pumasok kanina. Tanging isa lamang ang natira at lumapit sa akin.
"Kanina, nung bigla ka na lang hinimatay--" saad nito habang papalapit sa akin. "Napansin ko 'to."
Tsaka ko lang napansin ang kahong hawak niya. "Hindi ko binuksan. Tinago ko kasi baka kung sila ang nakakita malamang pinagkaguluhan na nila." dagdag pa ni Nyx na nagpagaan ng kalooban ko.
Sinabi ko sa kanyang ilagay na lamang sa drawer ng side table ko ang kahon na yon bago siya umalis, at yun naman ang ginawa niya.
Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Kasabay ng pag-alis nila ang pagdating ng mga alaalang pinilit ko nang kalimutan. Muli ko na lamang pinikit ang aking mata at muling nagpalamon sa kadiliman.