Chapter Thirteen
Nakalipas ang isa, dalawa, tatlo, apat na araw nang ganoon. Hindi pa rin nila kami hinahayaang pumasok sa ni isa sa mga classrooms. Siguro'y hanggang ngayo'y palaisipan pa rin sa kanila ang mga insidenteng nangyari noong nakaraan. If only they know how I miss studying, so overwhelming.
"Hey," awat ng isang lalaki sa aking pag-iisip isip. "Di ka pa nagugutom?"
Umiling lamang ako bilang sagot sa kaniyang tanong. Mag-aalas nuwebe na ng gabi pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom.
Muli kong itinuon ang atensyon ko sa mga patak ng ulang dumadaloy sa bintana. Kailan ba kami huling lumabas?
I sighed before getting up to see myself walking towards my room. Hindi ko ugaling magkulong sa kwarto pero wala ako sa mood para makipagdaldalan sa mga kasama ko sa bahay.
Isinara ko ang pinto bago sumalampak sa kama ko. Wala akong ginawa pero ramdam kong pagod na pagod ako. Pumikit ako para damhin ang malamig na presensya ng kwartong iyon nang maramdaman kong bumukas ang pinto. Tumayo ako para makita kung sino iyon.
"What?" tanong niya na ikinaikot ng mga mata ko.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo?" sabi ko sa kanya bago umupo ulit sa kama ko at kinuha ang unang malapit sa akin.
Pinagmamasdan ko lang siya habang naglalakad sa kwarto ko. Papalapit sa isang music box na nasa ibabaw ng mini table. Pinihit niya iyon ng ilang beses bago binitawan at mahinang nagsimula ang tugtog niyon. Cold weather, with this kind of music, with a dazzling man roaming around my room, almost gave me a shivering feeling down my spine when his eyes met mine.
"You know," panimula niya habang papalapit sa kinauupuan ko. "You're not just an ordinary girl." sabi nito nang makaupo siya hindi kalayuan sa akin, maybe a feet away.
Hindi gaya kanina, hindi na ako makatingin sa kanya. Ramdam kong pagsisihan ko iyon, kung sakali.
"Because," sabi niya na halos pabulong. "your presence could give me this kind of rage I can't explain."
When he said that, my curious eyes were ready to meet his gaze, but there, beside me, I can see nothing, and there's no sound except the tune coming from the music box and the rain pouring my window.
Did I just dreamt? But I'm sure Saige was here.
Nagising ako sa lakas ng ulan na nanggagaling sa labas. Nang imulat ko ang mata, kita kong madilim pa ang paligid. Dumako naman ang tingin ko sa side table kung nasaan ang orasan, it's just 3 in the morning. Muli ko na sanang ipipikit ang aking mata nang may kumaluskos sa loob ng kwarto.
Napabangon ako dahil doon. Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Wala akong nakitang kung ano o tao sa loob, wala ring hanging pumapasok galing sa bintana dahil nakasara iyon. Sinubukan kong tumayo para mas makita ang buong kwarto. Dahan-dahan akong naglalakad upang di makagawa ng tunog nang biglang may tumalon sa aking harapan.
"Ay palakang kalbo!" tanging naisigaw ko nang dahil doon. Kinuha ko ang phone ko na nasa side table upang ilawan sana ang bagay na iyon.
Ngunit hindi ko pa iyon naaabot nang kumislap ang mga mata niyon dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan.
Umupo akong muli sa aking kama, nakita ko naman ang pusang gumulat sakin kanina na lumapit at humiga sa may hita ko. Nang hawakan ko siya'y wala lang sa kanya, lalo pa nitong pinagsiksikan ang sarili sa katawan ko. Binuhat ko ito papunta sa may unan ko bago ako nahiga. Hindi naman siguro masamang pansamantala ko siyang patulugin dahil umuulan sa labas.
Tinititigan ko siya, sobrang itim ng balahibo niyon, sa sobrang itim ay parang kumikislap na ang balahibo niya. Hinawakan ko ulit siya, malambot ang balahibo niya. Iminulat nito ang bilugan at asul niyang mata na kanina'y nagreflect sa liwanag ng buwan. Hindi ito pumipikit. Di kalauna'y nakaramdam na ulit ako ng antok.
※
The morning sun softly kissing my cheeks, I opened my eyes and saw this shining black fur.
Para siyang isang bola ng bulak na nakapatong sa unan ko. Tahimik na natutulog, maingat akong umalis sa kama ko saka inayos ito. Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sa huling sulyap ko sa kanya bago ko isinara ang pinto ng kwarto ko.
Habang naglalakad ako papunta sa kusina ay unti-unti ko na namang naririnig ang bawat ingay na nanggagaling doon.
"Ako na sabi magluluto e! Kulit mo naman kasi!" dinig kong sigaw ng isa.
"E ta-try ko lang naman e," sagot naman ng isa na ani mo'y kinawawa.
"Edi magluto na lang kayo parehas." sabat naman ng isa sa isang malamig na tono.
Pumasok ako sa kusina para kumuha ng gatas, para sakin at para na din sa bisita kong masarap pang natutulog.
"Morning, Ash!" sabay-sabay na bati ng mga ugok sakin pagkasara ko ng ref. Nginitian ko lang sila ng bahagya bago nagtungo ulit sa kwarto ko.
Malapit na ako sa pinto ng kwarto ko ng makarinig ako ng mahinang kalabog na nanggagaling doon. Ah, malamang gising na yon. Pipihitin ko na sana ang door knob nang maunang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang malamig na hangin sa loob. Bahagya akong napapikit at nang imulat ko ang mga mata ko'y wala akong nakitang itim na pusa sa loob.
Sinubukan ko siyang hanapin sa makipot na hallway pero wala akong nakita, sarado ang mga bintana kung kaya't wala siyang ibang malalabasan, and that gave me chills.
"Attention all students of GU," isang boses ng babaeng nanggagaling sa mga speaker sa labas. "At exactly 10 in the morning, we will be having an assembly at the campus ground. You will all be wearing your house gears."
"House gears? Ano yon?" ang tanong ko sa sarili ko.
Isa namang malamig na bagay ang dumampi sa aking braso kaya napatingin agad ako sa likod ko.
"This is yours." it was Lux, handling me a black box.
Pumasok ako sa kwarto ko tsaka binuksan ang kahon na iyon. Bahagya akong namangha sa laman niyon.
Makislap ito't nakakasilaw kung itatapat sa araw. Matigas na animo'y walang bagay na makakasira rito. Mabigat na parang hindi kakayaning buhatin ng mga balikat ko.
Bahagya ko itong iniangat mula sa kahon, mabigat nga. Saka ko nasulyapan ang kulay maroon at itim na bagay sa ilalim niyon.
I can nearly see what myself would look like when I wear these, and suddenly a laugh came out to my mouth.
Bakit?
Mukha kaming mga gaganap sa isang theater play na ang role ay maging super hero o kaya naman ay vigilants. Siguro may magaganap na audition para sa play kaya may assembly, hmm.
Lumabas ako ng kwarto na suot ang laman ng box na iyon maliban sa mabigat na armour na kasama don. Fitted maroon leather top na may mga itim na tila maliit na belt sa may kanang braso ko, a black tight pants and a pair of black leather boots. Yep, pwede na ko maging part ng Charlie's Angels o Indiana Jones, that's why I braided my hair.
Bumungad naman sa akin ang walong nagga-gwapuhang mga lalaki na suot din ang kani-kanilang gears. Same colors pero magkakaiba kami ng styles ng damit. Naks may sense of fashion din naman pala ang GU.
Napadako ang tingin ko sa isang sulok ng sala, and there goes Robie, wearing a white plain shirt under his black leather jacket, black pants and shoes.
"You guys ready?" tanong nito sa isang nae-excite na tono. Tumikhim ako.
"And gal?" dagdag pa nito bago ngumisi, and I thought for a while that this is not the same man I met days ago.
Lumabas na kami sa hostel, nakita ko namang halos lahat ay lumabas na rin sa kani-kanilang mga hostels. Sabi ko nga kanina, kaparehong kulay lang din ang suot nila ngunit iba lang ng style ng mga damit o pambaba.
Yeh, maroon is our color.
Habang unti-unting lumalayo sa mga hostels, natatanaw ko na rin ang campus ground na hindi na katulad ng dati. Meron na ito ngayong matataas at malalaking torches sa gilid, napansin ko ring may mataas na barricade sa harapan ng main building ng GU. What. Is. Happening.
Nagpalinga-linga ako para makita ang iba pang mga estudyante, sa kaliwa, may mga naka-dilaw, meron ding naka-asul at sa ibang direksyon ay may mga naka-berde at naka-maroon. Hinanap ng mga mata ko si Robie ngunit hindi ko siya makita, tanging ang pitong lalaki lang ang nakikita ko, si Lux, Saige, Polo, Xander, Joaquin, Jin at si Vryll. Teka, may isa pang nawawala--
"Nasan si Nyx?" ang tanong ni Vryll. Isa-isa naman silang napalinga para hanapin si Nyx.
"Kasunod ko siya kanina e, baka bumalik."
"Baka nga. Susunod naman yun hindi naman siya maliligaw."
Pagtapos niyon ay naglakad na lamang kami papunta sa ground. Iginala ko ang aking mata para usisain ang mga pagbabagong nangyari roon hanggang sa mapatigil ang tingin ko sa isang building, nakita ko na naman ang itim na pigura na iyon.
Pasimpleng nilingon ko ang mga kasama ko, wala sa kanila ang nakatuon ang atensyon sa akin, at napansin ko ring kakaunti pa ang mga estudyanteng nasa ground. Nag-aatubli man ay unti-unti akong naglakad palayo sa kanila, patungo sa building kung nasaan ang pigura.
Nanatili sa kaniyang posisyon ang pigura hanggang sa kaunting hakbang na lang ay makakapasok na ako sa building na yon. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig at panginginig. Nasa tapat na ako ng arko at isang hakbang na lang ay nasa loob na ako, nanikip ang mga dibdib ko nang makitang wala sa dating posisyon ang itim na pigura na iyon. Iginala ko ang aking paningin para hanapin ito pero hindi ko makita. Maliwanag na maliwanag ang paligid ngunit hindi ko siya makita. Akmang hahakbang na ako pabalik nang makarinig ng isang mahinang tawa sa aking likod.