Chapter 35: Rod

“Are you fucking serious?! You married her?!” galit na galit na sigaw ni Clarixto. Kanina, habang siya ay nasa meeting. Ibinalita sa kaniya ng tauhan nila na may nangyari daw’ng gulo sa kanilang mansyon. Doon ay nalaman niya na may mga representative galing DSWD na nagpunta sa kanila. Ngayon lamang niya nalaman na nagpakasal pala ang kaniyang pamangkin. “What are you doing, Rodrigo Navarro?!”

Huminga nang malalim si Rodrigo at nakakunot ang noo na tiningnan ang tiyuhin. “Uncle, can you relax? Walang masama kung nagpakasal ako. I’m sorry kung hindi kita na invite. You are busy.”

“Hindi mo sinabi sa akin dahil alam mong tututol ako! Are you out of your mind? Alam mo kung sino ang babaeng ‘yon. Alam mo na isa siyang testigo!” Hinampas ni Clarixto ang lamesa. “Baka nga siya ang nagtatago ng gold mo!”

Muling huminga nang malalim si Rodrigo. Bumibigat na ang kaniyang paghinga at bumibilis ang pagtibok ng puso. Malamig ang silid nila ngunit bigla ay nakararamdam na siya ng init. Hindi na niya nagugustuhan ang pag-uusap nilang dalawa.

“Mas lalong mababantayan ko si Jane kung nakatali siya sa akin, Uncle. Kaya pwede ba? Tama na. She’s married to me and it’s done.”

“Paano ang mama niya? She already brought DSWD here. Ano pa ang sunod? Sino?”

“Parang hindi naman natin kayang pigilan ‘yon, Uncle.” Tumayo na si Rodrigo. “Kaya pwede ba? Ayaw ko nang pag-usapan pa ito.”

“That woman is poisoning your mind! Dapat matagal ko nang pinapatay ‘yan!”

“Don’t you dare lay a finger on her!” galit na galit na sigaw ni Rodrigo. Bigla pa niyang hinarap si Clarixto. Nanlilisik ang mga mata niya na tinitigan ang tiyuhin. “I swear, Clarixto! Kakalimutan kong kadugo kita kapag pinakialaman mo si Jane!”

Napaupo naman bigla si Clarixto. Palagi niyang nakikitang halos mag-asal hayop na ang kaniyang pamangkin. Ngunit ngayon ang unang beses na makita niya na para bang pati siya ay magagawa nitong saktan. Nag-iwas na lamang si Clarixto ng tingin at hindi sinagot ang pamangkin niya. Sa hitsura nito ay alam niyang isang maling salita lang ay mayayari na siya.

Noong makita ni Rodrigo na hindi na nasagot pa ang tiyuhin ay nagpakawala siya nang malalim na paghinga. “You know… Uncle. You don't have to worry. Hindi mawawala sa 'yo ang posisyon at pera na nakukuha mo dahil sa akin. As long as I am the most powerful person in this place, everything is fine,

” aniya at nginisihan ang tiyuhin.

Pasimpleng naikuyom ni Clarixto ang kaniyang mga palad. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng pamangkit ngunit tama ito. Hanggat baliw ka pa. Sa akin ang lahat, Rodrigo. Sa akin!

“Now. Can't you just be happy because the construction of the resort is finally happening? Aren't you glad na napaalis na natin sila sa wakas?”

Inayos ni Clarixto ang sarili at tiningnan ang pamangkin. “Of course, I am. Salamat sa ginawa mo sa babaeng 'yon at napagtanto nila na hindi nila dapat tayo kinakalaban. But aren't you worried? Ikaw ang tinuturo nilang may kasalanan.”

Napailing-iling si Rodrigo. “Ayan ka na naman, Uncle. You are worried again. You know? Why don't you go on a vacation? Para naman ma-relax ka kahit papano.”

“How can I relax, Rodrigo? Kung masyado ka nang nababaliw sa babaeng 'yon?” Bumuntonghininga ni Clarixto. “But anyway. Ikaw na nagsabi na ikaw ang bahala. Fine! Just make sure na hindi magiging sakit ng ulo ‘yan. Alam mong maraming mga matang nakatingin sa atin.”

Tumawa si Rodrigo. Umayos siya ng tayo at nakangiting tiningnan ang tiyuhin. “Of course, Uncle. I will. So, I have to bid goodbye for now. I have to see my wife.”

Naglakad na palabas si Rodrigo. Naiwan si Clarixto na pailing-iling. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa nitong pagpapakasal. Sa tinagal-tagal na nitong baliw ay ngayon lamang nito naisipang magpakasal sa isang babae.

Wala akong pakealam kung lahat ng babae ay pakasalan mo, Rodrigo. Pero siguraduhin mo lang na hindi magbabago ang lahat!

Umakyat papunta sa kanilang kwarto si Rodrigo. Hindi niya pa ulit nakakausap si Jane mula noong umalis ang nanay nito dahil may kinailangan siyang puntahang meeting. Tapos noong umuwi siya ay sakto namang naghihintay na pala sa kaniya ang tiyuhin. Hindi siya nagkamali na tututulan nito ang ginawa niyang pagmamakasal kay Jane ngunit wala siyang pakealam. Ang importante ngayon ay hindi na maiisipan pa ng nanay ni Jane na kuhain ito sa kaniya dahil mag-asawa na sila.

“Jane?” tawag ni Rodrigo sa dalaga pagkapasok niya sa silid. Nangunot pa ang noo niya dahil hindi niya ito nakita sa loob. Wala si Jane sa higaan at maging sa terrace. “Jane? Where are you?” tawag niya ulit. Pumasok si Rodrigo sa banyo at doon niya nakita ang dalaga. Napahinga pa siya nang malalim noong makita niya si Jane na tulalang nakalublob sa bathtub. Tanging ang balikat at ulo lamang nito ang nakalitaw. “Jane.”

Agad na lumingon si Jane sa binata. Nanlaki ang mga mata niya noong makita si Rodrigo na nakatayo at titig na titig sa kaniya. Agad niyang nayakap ang sarili.

“R-Rodrigo? Kanina ka pa riyan?”

Nagkibit ng balikat si Rodrigo. Hinubad na niya ang suot na vest at nag-umpisang humakbang palapit kay Jane. “Hindi naman.”

Agad na nataranta si Jane noong makita ang ginagawa ng binata. Mabilis niyang kinuha ang tuwalya na malapit sa kaniya. Tumayo siya at agad na tinapis sa katawan ang tela. Hindi pa rin siya bumaba sa bathtub.

“A-Ano'ng ginagawa mo?”

Tumigil sa paghakbang si Rodrigo. Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng kaniyang polo.

“Why? You're my wife now. I can do anything with you.”

“Asawa mo lang ako sa papel pero hindi ko kailangang gampanan 'yon!”

Ngumisi si Rodrigo. “Talaga ba, Jane? Kailangan bang paulit-ulit tayo?” makahulugang tanong niya at tuluyang hinubad ang polo. Sunod niyang ginawa ay tinanggal ang sinturon.

Napalunok si Jane at nag-iwas ng tingin kay Rodrigo. Agad na nangilid ang kaniyang mga luha. Kasal na sila ni Rodrigo. Hindi na siya makatatanggi pa rito. Kagaya noong kahit gusto niyang sumama sa kaniyang ina ay hindi niya magawa. Dahil ngayong kasal na sila ni Rodrigo ay ito na ang may karapatan sa kaniya. Napakislot si Jane noong marinig niyang umingay ang tubig. Nakalapit na pala sa kaniya ang binata at umakyat na sa bathtub. Nanlaki ang mga mata niya noong makita niyang wala na rin itong saplot at lantad sa kaniya ang kahubaran nito. Nanginginig na tumingin sa gilid si Jane.

“Alam mo, Jane. Dapat masanay ka na.”

Hinawakan nang mahigpit ni Jane ang tumawalyang nakatakip sa kaniya noong hinawakan ito ni Rodrigo. Ngunit kahit na anong gawin niya ay mas malakas ito sa kaniya kaya tuluyan nitong natanggal ang nag-iisang tulang tumatakip sa kaniyang kahubaran. Tumulo ang luha ni Jane noong maramdaman niyang nanlamig ang buong katawan niya dahil wala nang nakatakip sa kaniya.

“You are my wife now, Jane.” Hinaplos ni Rodrigo ang pisngi ni Jane. Pinunasan niya ang mga luha nito at biglang hinawakan ito sa baba para magkatitigan. “I will do anything I want to you now. I will fuck you whenever or wherever I want. Okay?”

Hindi nakapagsalita si Jane. Sunod-sunod na lamang na tumulo ang kaniyang mga luha habang nakatitig sa mga mata ni Rodrigo. Hindi man niya gustuhin ang mga ginagawa nito sa kaniya ay wala siyang magagawa. Mas maigi na rin ito dahil sa ganitong paraan ay hindi nito maiisipang manakit pa nang dahil sa kaniya.

“Now do your job as my lovely wife,” utos ni Rodrigo at binitawan si Jane. Muntik pang matumba ang dalaga pero napakapit ito sa dingding. Naupo siya at nilublob ang katawan sa maligamgam na tubig.

Hindi kumilos si Jane sa kaniyang kinatatayuan. Tiningnan niya si Rodrigo na na seryosong nakatitig sa kaniya na para bang hinihintay siya. Kinasusuklaman niya ang taong ito! Nakuyom ang kaniyang mga palad at tinitigan si Rodrigo.

“What are you waiting for? Pagod ako, Jane. Wala akong oras makipagtitigan sa ‘yo.”

Napapikit nang mariin si Jane. Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang magtiis. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na matatakasan niya ang impyernong buhay na ito! Muling bumuga ng hangin si Jane. Unti-unti siyang naupo at nilublob ang katawan sa tubig.

“Come here.”

Nag-aalangan man ay lumalit si Jane may Rodrigo. Naupo siya sa kandungan nito at mahigpit na humawak sa bathtub. Ayaw niyang hawakan si Rodrigo. Nandidiri siya rito!

Nakagat ni Jane ang likod ng kaniya labi noong maramdaman niya ang pagkalalake nito. Napakislot siya noong maramdaman niya ang mga haplos ni Rodrigo sa kaniyang katawan. Sa kaniyang hita. Sa likod. Sa balakang. Para bang inaalam nito ang bawat sulok ng kaniyang katawan. Napasinghap siya noong hawakan na nito ang kaniyang dibdib at bahagyang minasahe.

“Kiss me.”

Naluluhang tinitigan lang ni Jane si Rodrigo. Hindi niya magawang dumikit pa rito dahil sa labis na pandidiri. Napalunok siya noong makita niyang naging seryoso ang mukha ni Rodrigo. “Ahh!” Napakapit si Jane sa braso ni Rodrigo noong bigla nitong hawakan ang likod ng kaniyang ulo.

“I said, kiss me!” sigaw ng binata.

Napaiyak na si Jane at mabilis na tumango. Ngumiti naman si Rodrigo.

“Good.”

Unti-unting binitawan ni Rodrigo ang pagkakakapit sa buhok ni Jane. Huminga naman nang malalim si Jane at humawak sa balikat ng binata. Tuloy-tuloy pa rin ang pagluha niya habang unti-unting nilalapit ang mukha rito. Nandidiri siya sa binata kahit na sabihing malinis ito at maayos ang hitsura. Malinis sa panlabas na anyo ngunit sa loob naman ay napaka itim ng budhi. Halos manindig ang balahibo ni Jane noong maramdaman niya ang mainit na paghinga ni Rodrigo. Gahibla na lamang ang layo ng kanilang mga labi.

Para sa kaligtasan ng kaniyang mga mahal sa buhay. Para patuloy silang maging ligtas. Kahit siya na lang ang magdusa ay gagawin niya.

Ipinikit ni Jane ang kaniyang mga mata at tuluyang hinalikan sa labi si Rodrigo.