Chapter 33: R18+

Tumigil kami ni Bruno sa may resort. Ayaw ko pa sanang bumaba ng sasakyan pero binuksan na ni Bruno ang pinto. Pigil ang luhang bumaba ako at tiningnan ang malaking bahay sa harapan ko. May ilang mga staff na nakangiting lumapit sa akin.

“Hello, ma’am. Kayo po si Miss Jane Acosta?” tanong ng nakangiting babae sa akin. Nakasuot siya ng uniporme na pang hotel. Walang ganang tiningnan ko lang siya at tinanguan. “Napaka ganda niyo po. Doon na po tayo sa loob. Naghihintay na si Gov.”

Bahagyang umarko ang kilay ko noong marinig ko ang sinabi niya. Ibig sabihin ay kanina pa narito si Rodrigo?

Huminga ako nang malalim at tahimik na sinundan siya. Gusto ko nang tumakbo pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at sumunod lamang sa kaniya. Habang papalapit kami sa venue ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko habang naglalakad. Sabi ko ay mas gugustuhin kong mamatay kaysa sa matali kay Rodrigo. Pero paano?

Pumunta kami sa likod ng malaking bahay. Nakita ko agad ang red carpet sa sahig pagkabukas ng malaking pinto. May ilang mga upuan sa magkabilang gilid na wala namang mga nakaupo. Nagkalat ang mga talulot ng puting rosas at maganda rin ang desenyo ng buong paligid. Sa unahan ay nakita ko si Rodrigo na nakangiti habang nakatingin sa akin.

Hindi ko maitatanggi na napaka gwapo niya sa kaniyang suot ngayon. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang tuxedo. Maganda rin ang pagkakaayos ng buhok niyang halos mangintab na dahil sa gamit na gel. Siguro kung normal kaming magkasintahan. Kung talagang mahal namin ang isa’t isa ay mas lalong lalalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Ngunit hindi.

Agad na nanlambot ang mga tuhod ko. May nag-abot sa akin ng bulaklak. Hindi ko pa iyon agad nahawakan dahil nanginginig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko.

Hindi ko kaya!

Napakislot ako noong may humawak sa akin. Si Bruno iyon. Nasa likod ko siya at hawak-hawak niya ako sa may braso ko. Medyo nakatayo ako nang maayos dahil sa ginawa niya.

“Relax, Jane. Kailangan mong gawin ito,” bulong niya sa akin.

Napalunok ako at pilit na kinalma ang sarili. Pagtingin ko kay Rodrigo ay salubong na ang mga kilay niya. Nakita ko rin ang pagtatangis ng mga bagang niya kahit na may kalayuan siya sa akin. Mukhang hindi niya nagustuhan ang hitsura namin ni Bruno.

Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Sige. Kung ito ang gusto niya ay ibibigay ko sa kaniya. Pero hindi ko maipapangako na magiging maayos ang lahat.

Sa tulong ni Bruno ay nakapaglakad ako nang maayos. Bawat hakbang ko ay parang may nakakabit na semento sa mga binti ko. Ang bigat-bigat niyon sa pakiramdam ko. Ni wala manlang kaming mga bisita maliban sa mga tauhan at ilang staff ng resort na ito. Maganda sana ang paligid pero taliwas iyon sa nararamaman ko ngayon.

Agad akong hinatak ni Rodrigo noong makalapit na ako sa kaniya. Nasubsob pa ako sa dibdib niya dahil sa lakas niyon.

“Ano ba?” singhal ko sa kaniya pero humigpit lang ang hawak niya sa braso ko kaya napangiwi ako. Pagtingin ko sa kaniya ay masama ang mga titig niya kay Bruno. Tumungo lang si Bruno at naupo sa unang upuan.

“What do you think you're doing?”

“Hindi ko alam ang sinasabi mo.”

Hinatak ako ni Rodrigo na para bang niyayakap. Pero ang totoo ay mahigpit na ang hawak niya sa akin at parang kinukurot na. Gusto ko nang maiyak dahil sa hapdi pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Mamaya tayo mag-uusap.”

Binitawan niya ako at pinatayo sa tabi niya. Tiningnan ko lang siya nang masama. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya at wala akong balak alamin. Napatingin ako sa matandang nasa harapan namin. Agad itong nagsalita at kung ano-ano ang sinabi. Hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan dahil para akong lumulutang sa mga oras na iyon. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na ako. Ikakasal ako sa isang demonyo.

“Rodrigo Navarro, do you accept Jane Acosta as your wife?”

“I do.”

“Jane Acosta, do you accept Rodrigo Navarro as your husband?”

Napalunok ako noong marinig ko ang tanong sa akin ng judge. Humigpit ang hawak ko sa bulaklak at kumabog nang malakas ang dibdib. Ayaw ko. Hindi ko gustong ikasal ako sa kaniya. Ayaw kong matali sa kaniya!

“Miss Jane?”

Nangilid na ang mga luha ko. Umiling-iling ako at tiningnan ang judge. “H-Hindi ko po gusto. A-Ayaw kong makasal sa kaniya!” naiiyak na sabi ko. Gulat na tiningnan ako ng judge. Naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko.

“What are you saying?” galit na tanong ni Rodrigo.

Tiningnan ko siya sa mga mata. “Hindi ko gustong makasal sa ‘yo, Rodrigo! Patayin mo na lang ako!” sigaw ko at itinulak siya. Umiiyak na tumakbo ako papalayo sa kaniya pero hindi pa man ako nakalalapit sa pinto ay may humawak na sa baywang ko. Napahagulhol ako at pilit na nagpumiglas.

“Stop, Jane!” ani Rodrigo. Iniharap niya ako sa kaniya at nanlilisik ang mga matang tinitigan ako.

“Ayoko!”

“Magsilabas kayo!” galit na sabi ni Rodrigo at tiningnan ang mga staff ng resort. Naiwan kami sa loob ng venue at ang judge. Nakita ko rin si Bruno na nakatayo na mula sa kaniyang kinauupuan. Napasinghap ako noong bigla akong hinatak ni Rodrigo pabalik sa unahan.

“Bitawan mo ako! Ayaw kong makasal sa ‘yo!”

“Stop! I said stop!”

Bigla akong itinulak ni Rodrigo. Dahil sa lakas niyon ay dere-deretso akong napasadsad sa sahig. Lalo akong napaiyak dahil naramdaman kong kumirot ang balakang at hita ko. Napahiyaw ako noong may humila sa buhok ko. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang mga buhok ko dahil sa lakas ng pagkakahila nito.

“Ayaw mo?”

“Parang-awa mo na! Ayoko!” hagulhol ko. Nakita ko si Bruno na nag-aalalang tinitingnan ako. “Tulungan mo ako, Bruno!”

Tiningnan ito ni Rodrigo. Binitawan niya ako at lumapit kay Bruno. Napahiyaw na lang ako noong makita kong sinuntok niya ito sa mukha. Agad na bumagsak si Bruno sa mga upuan. Hindi pa nakontento si Rodrigo at muling sinuntok si Bruno.

“Matagal ko nang napapansin! Akala mo hindi ko alam?” gigil na sabi niya.

“Gov!”

“Bruno!”

Pinilit kong tumayo. Lumapit ako sa kanila at sinubukang hawakan sa braso si Rodrigo para pigilan siya. Ngunit iwinaksi niya lang ako kaya natumba ako ulit sa sahig.

“Tama na, Rodrigo! Mapapatay mo siya!” umiiyak na sabi ko.

Sa huling pagkakataon ay sinuntok nang malakas ni Rodrigo si Bruno. Lumabas na ang mga dugo nito sa bibig at halos mawalan na ng malay. Nanlaki ang mga mata ko noong makita kong bumunot siya ng baril at itinutok sa ulo ni Bruno. Agad akong gumapang sa tabi nila at lumuhod sa gilid ni Rodrigo.

“H’wag! Rodrigo, please!”

Nanlilisik ang mga matang tiningnan ako ni Rodrigo. “Akala mo ba hindi ko alam ang balak niyo, ha?” Tiningnan niya si Bruno. “Ano nga ang sabi mo? Maghintay lang si Jane? Sa tingin mo ba talagang makakatakas ka sa akin, Jane?”

Agad na nanginig ang laman ko. Ibig sabihin ay alam niya ang napag-usapan namin ni Bruno! Natatarantang hinawakan ko ang braso ni Rodrigo at umiiyak na umiling.

“Please! H-H’wag mong gawin ‘to, Rodrigo!”

“Hindi ba gusto mo nang mamatay?” tanong ni Rodrigo. Pakiramdam ko ay humiwalay ang kaluluwa ko noong itinutok ni Rodrigo sa akin ang baril. Sa hitsura niya ngayon ay sigurado akong maipuputok niya iyon sa akin. Pero ngumisi si Rodrigo. “Pero hindi, Jane. Hanggat nasa akin ka ay hindi ka pwedeng mamatay. Dahil akin ka lang,” aniya at biglang itinutok ulit ang baril kay Bruno.

Napapikit na lamang ako noong maramdaman ko ang pagtalsik sa akin ng mainit at malapot na likido. Napigil ang paghinga ko at para akong na estatwa dahil sa nangyari. Noong muli kong iminulat ang mga mata ko ay napanganga ako sa nakita ko. Sapo-sapo ni Bruno ang kaniyang dibdib na may umaagos na dugo.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanigas ang buong pagkatao ko dahil sa aking nakita. Gusto kong alisin ang tingin ko kay Bruno ngunit hindi ko magawa. Pinanood ko siya hanggang sa tuluyan siyang tumigil sa paghinga.

Doon lang ako napaiyak ulit. Gumapang ako palayo sa kanila at sumuka sa gilid. Kahit na wala akong mailabas ay pinilit ko pa ring sumuka sa hindi malamang dahilan. Ilang sandali ako sa ganoong posisyon hanggang sa may humila ulit sa braso ko patayo. Agad na nagtayuan ang balahibo ko noong makita ko ang nakangising mukha ni Rodrigo.

“Hayop ka!” sigaw ko at sinampal siya. Pero hindi manlang natinag si Rodrigo. Bagkus ay hinawakan niya pa ang baba ko at mariin iyong pinisil.

“Sino pa ba ang gusto mong mamatay para lang sumunod ka? Ang mama mo?”

Napahagulhol na ako. “Ang sama-sama mo! Isinusumpa kita, Rodrigo Navarro! Hayop ka!”