Special Chapter
"Will you marry me Ellise" bulong ni Gavin sa kanya, habang nakahiga sila sa sofa at parehong hubod't hubad. Kakatapos lang nila marating ang langit. Marahas syang napalingon sa sinabi ng asawa.
"Anong sinabi mo?" gulat na tanong nya sa asawa.
"I want to marry you again Ellise. And this time. I will give you the wedding you deserve" sagot nito. Hindi sya makapagsalita, nanatili syang nakamata sa asawa. Kasal na sila ni Gavin, legal na syang Mrs. Saavedra. Pero tila nais pa yata ng asawa na pakasalan sya sa lahat ng simbahan.
"I don't want anything Gavin, ikaw lang kailangan ko, at sa akin ka na. Wala na kong mahihiling pa" sagot nya at hinaplos ang gwapong mukha ng asawa.
"Just let me give everything you deserve Ellise. Hayaan mong ibigay ko sa iyo ang engrandeng kasal" sagot nito at hinalikan sya sa mga labi. Napapikit sya at naramdaman ang pagpatak ng mga luha.
"Why?" nag-aalalang tanong ng asawa ng maghiwalay ang mga labi nila.
"Bakit ka umiiyak?" tanong nito at pinunasan ang mga luha nya.
"Masaya lang ako" umiiyak na sagot nya. At niyakap ang asawa ng mahigpit. Wala na syang mahihiling pa. Nakuha na nya lahat ng gusto nya, lahat ng pinapangarap nya nasa kanya na ang lahat. Bonus nalang ang engrandeng kasal na nais ibigay sa kanya ng asawa. Kahit walang engrande kasal ay ok lang ang mahalaga nagmamahalan sila ng asawa.
Makalipas ang isang linggo na ayos na lahat ang kakailanganin para sa engrandeng kasal nila ni Gavin. Sa Isla ni Gavin gaganapin ang kasalan. Kaya dalawang araw bago ang kasal ay nasa Isla na sila kasama ang mga magulang nya at mga kapatid. Nakita nya kung gaano kasigla ang ama ng marating nila ang malawak na Isla na pagmamay-ari ng asawa. Nakita din nya kung gaano kasaya ang buong pamilya nya para sa kanya. Nag sakripisyo sya para sa kapanakanan ng pamilya nya. Pikit mata nyang tinaya ang sarili, pero tignan mo naman ang kinalabasan. Daig pa nya ang nanalo sa lotto dahil isang Gavin Saavedra ang nakilala nya sa pinaka malakas na hagupit ng buhay nya.
Kung minsan akala natin wala na tayong pag-asa sa buhay dahil sa mga problemang kinahaharap natin. Pero sa bawat sakit at hirap asahan mong may kapalit na kaligayaan ang lahat. Napatunayan nya yon. Minsan naramdaman na nyang sumuko, pero lumaban sya para sa pamilya nya. At hindi sya kailan man pinabayaan ng diyos.
"Happy?" Tanong ni Gavin na hindi nya namalayang nasa tabi na pala nya. Naramdaman nya ang pagpalupot ng mga kamay nito sa bewang nya. Umikot sya paharap sa asawa at kinawit ang mga kamay sa batok nito.
"Thank you so much Gavin" naiiyak na pasalamat nya sa asawa.
"And thank you too, Ellise cause you came to my life" sagot nito at niyakap sya ng mahigpit.
Maya-maya lang ikakasal na silang mag-asawa at sa ikalawang pagkakataon mababasbasan muli ang kanilang pagsasama.
Nakaayos ang buong paligid ng Isla at lahat ng guest ay ihahatid at susunduin sa yate ni Gavin. Wala syang masasabi sa yaman ng asawa, dahil hindi yon ang importante. Ang importante ay mahal nila ang isat-isa.
Dumating sa kasal nila ang mga kapatid ni Gavin. Si Gab at sa kauna-unahang pagkakataon nakita at nakilala nya ang bunsong kapatid ni Gavin na si Gael. Wala syang masasabi sa mga lalaking Saavedra dahil lahat ay gwapo at malalakas ang dating.
Ang pangarap nyang makarampa ng wedding gown noon ay nangyari na. Isang mamahaling wedding gown ang isinuot nya at wala na talaga syang mahihiling pa. Sya na ang pinaka masayang babae sa buong mundo at salamat lahat yon kay Gavin.
"I love you Ellise" Bulong ni Gavin habang nakatanaw silang mag-asawa sa malawak na Isla.
"I love you too Gavin" sagot nya sa asawa hinalikan ito sa mga labi.
"May regalo pala ako sa iyo" sabi nya at iniabot sa asawa ang brown envelope.
"Ano to?" nagtatakang tanong ng asawa.
"Open it"
"I see" tanging sagot nito. At binuksan ang envelope. Nakita nyang nanlaki ang mga mata ng asawa habang nakatitig sa laman ng envelope.
"Is this true?" he asked. Tumango sya at hindi maiwasan ang maiyak.
"Daddy na ko" hindi makapaniwalang bulalas ni Gavin. Tumango sya sa asawa.
"Yes! Yes!" sigaw ng asawa at mabilis na tumayo sa kinauupuan at binuhat sya.
"Mabubuo na tayo Ellise. Magiging Daddy na ko. Magiging Mommy ka na" bulalas nito habang buhat buhat sya.
"Yes, Gavin. Yes" umiiyak na sagot nya.
"You don't know how happy I am Ellise"
"I know Gavin" sagot nya at hinalikan ang asawa sa mga labi.
"I love you"
"I love you too"