Chapter 60 The End

G. Saavedra Company Anniversary

"You look amazing Ellise" puri ng asawa sa kanya habang papasok sa building ng mga Saavedra. Dito pala ang opisina ng asawa. Hindi pa kasi sya nasama ni Gavin aa kompanya at ngayon nakita na nya lalo syang namangha at lalong humanga kay Gavin. Dahil nabasa nya aa business magazine na si Gavin ang nasa likod ng matagumpay na G. Saavedra Company. Kung saan mga real estate ang main focus ng negosyo.

"I know" confident na sagot nya asawa. Pinagawan pa sya ng evening dress ni Gavin, na lalo nyang ikinatuwa dahil napakaganda ng evening dress, bagay na bagay sa kanya amg kulay kremang spaghetti long dress na nagpapakita ng maganda nyang katawan. Habang hindi rin maitatanggi ang kagwapuhan no Gavin sa suot nitong gray tuxedo.

"You more handsome now" puri nya sa asawa.

"I have to, ayoko yatang mapag-iwanan ng Misis ko" sagot nito at hinalikan sya sa pisngi.

"Gavin Pare' tawag ni Mike sa may lobby ng building. Agad syang napakapit kay Gavin.

"What do you want Mike?" iritang tanong ni Gavin kay Mike.

"Hi, Ellise" bati nito sa kanya. Wala itong ka ngiti-ngiti sa mga labi at tila malungkot ang mukha. Iba sa dating Mike na kung tignan sya ay laging may malisya. Ngayon naman tila nahihiya itong tumingin sa kanya.

"I just dropping by" sabi nito. Hindi kumibo si Gavin hinintay lang nito ang susunod na sasabihin ni Mike.

"I just want to apologize sa mga nangyari Gavin" seryosong sabi nito at sinulyapan sya. May nakita naman syang senseridad sa mga mata nito.

"I know I'm an asshole, niloko kita, I've tried to ruin you. Nadamay pa si Sabrina"

"Forget it, hindi na rin naman ako interesado" magaspang na sagot ni Gavin. Hindi naman nya ito masisisi dahil, niloko at sinubukang ni Mike na pabagsakin si Gavin.

"Wala na kami ni Sabrina" nagulat sya sa sinabi nito. Liningon nya si Gavin na hindi man makitaan ng pagkagulat. Marahil alam na nitong mangyayari yon sa dalawa.

"Niloko din nya ko, hindi sya buntis. Nagsinungaling sya para pakasalan ko. And now nalaman ko na ang lahat, nag file na ko ng annulment" paliwanag ni Mike.

"Sabrina is sick, may depression sya at nervous break down dahil sa mga nangyari sa amin at sa mga pinaggagagawa nya. Kinuha na sya ng mga magulang nya at dadalhin sa states para mapagamot" paliwanag ni Mike. Nakaramdam sya ng lungkot para kay Sabrina. Alam nyang may kasamahan si Sabrina sa kanya at niloko nito si Gavin, pero hindi parin nya kayang humiling ng masama para rito. At sana'y maka recover pa ito.

"I'm so sorry Mike" hindi nya mapigilang sabihin.

"No, Ellise I deserve this, I'm a jerk" malungkot na sagot nito.

"I'm sorry Ellise sa nagawa ko sa iyo"

"Wala yon naintindihan kita" sagot nya at ngumiti. Liningon si Gavin na nanatiling walang kibo. Siniko nya ito.

"I can't forgive you that easily Mike. Ellise is my wife pero nagawa mo syang bastusin" mariing sabi ni Gavin. Napakagat labi sya at nagyuko ng ulo, hindi makasulyap kay Mike.

"I know, still I'm really sorry Pare. Kaya ako nagpunta dito para humingi ng sorry sa inyo ni Ellise. Isama pang galit na galit sa akin ang barkada dahil sa ginawa ko, hindi mo nasaksihan ang kasal nina Jerry at Mia" litanya nito.

"Yeah" tanging sagot ni Gavin at akmang tutuloy na sila sa paglakad ng muling magsalita si Mike.

"Aalis na ko ng bansa bukas. Kaya kita pinuntahan dito pare, gusto ko sanang magkaayos muna tayo bago ako umalis" huminto si Gavin sa paglalakad.

"Talk to him. I'll wait you" sabi nya sa asawa. Nais kasi nyang magkaayos muna ang dalawa. Tumango si Gavin at liningon si Mike.

"Come on let's talk about it" narinig nyang sabi ni Gavin. Lumakad sya palayo ng kaunti para mabigyan ng privacy ang dalawang magkaibigan. At least magkakaayos na ang mga ito, at kahit ayaw nyang sabihin pero natutuwa sya sa desisyon ni Mike na iwan si Sabrina. Manloloko si Sabrina kaya dapat lang na iwanan ito ni Mike.

Tumagal ng halos limang minuto lang ang pag-uusap ng mga ito at naglakad na palapit sa kanya si Gavin. Kumaway naman si Mike sa kanya. Kumaway din sya rito.

"Ok na kayo?" tanong nya at agad na pinulupot ang kamay sa braso ng asawa.

'Yeah, we'are ok now" sagot nito ay hinalikan sya sa noo.

"Let's get inside. Naghihintaya na sila sa atin" sabi nito at tumango sya.

Namangha sya ng pumasok sa malaking silid kung saan gaganapin ang party. Lahat mga kilalang tao ang naroon at karamihan mga nakikita nya sa business magazine. Natutuwa sya dahil lahat lumalapit para batihin si Gavin at pinakikilala syang Mrs. Saavedra. At wala naman syang ibang marinig kundi mga papuri mula sa mga ito. Na napakaganda daw ni Mrs. Saavedra. Nasa party din ang kapatid ni Gavin na si Gab, wala daw ang bunsong si Gael at nasa ibang bansa, ayaw daw umuwi nito dahil nagrerebelde sa ama. Naroon rin syempre ang mga magulang ni Gavin. Agad syang lumapit sa mga ito habang nakikipag-usap pa si Gavin kay Gab. Binati nya ang mga ito at sa kauna-unahang pagkakataon ngumiti sa kanya ang ama ni Gavin.

"Ipapakilala ka na ni Gavin mamaya hija, give your best smile sa mga kasosyo at mga kaibigan ng asawa mo" bilin ng Papa ni Gavin na lalo nyang kinatuwa.

"Makakaasa po kayo Papa" magiliw na sagot nya at sinulyapan ang Mama ni Gavin na nakangiti sa kanya at sumenyas pa ng thumbs up.

"Having fun?" tanong ni Gavin ng makalapit sa kanila at agad syang niyakap sa bewang.

"Ipakilala mo na si Ellise hijo" utos ng Papa nito. Tumango si Gavin.

"Are you ready Mrs. Saavedra?" he asked.

"I'm nervous Gavin" amin nya sa asawa.

"Just hold my hand" sabi nito at hinawakan ang kamay nya. Naglakad palapit sa gitna ng silid at napapalibutan sila ng mga bisita.

"Good evening everyone" sabi ni Gavin at halos sabay-sabay na lumingon sa kanila ang mga naroon.

"I would like you to meet my wife" sabi ni Gavin at agad na nagbulungan ang mga naroon karamihan kase hindi pa alam ang tungkol sa pag-aasawa ni Gavin.

"Meet Ellise Saavedra my wife" pakilala ni Gavin at nagpalakpakan ang mga naroon. Ngumiti sya at nahihiyang bumati sa mga bisitang naroon.

"Double party pala ito Gavin. Anniversary ng success mo at ngayon mo pa pinakilala sa publiko ang asawa mo" sabi ng lalaking medyo may edad na. Ngumiti si Gavin at tumango rito. Sunod-sunod na kislap ng kamera ang nakita nya. At siguradong nasa front page sya ng business magazine bukas. Ngayon ibang magazine na mailalagay ang mukha nya kung dati sa mga magazine ng damit, o di kaya mga pang teenager na magazine nalalagay ang mukha nya, ngayon naman sa mga class na magazine na sa business magazine. Wala na nga syang mahihiling pa, nasa kanya na ang na ang lahat, tanging baby nalang nila ni Gavin ang kulang at gagawan nya ng paraan yan mamaya.

"Can I see your office?" hiling nya sa asawa nang malapit ng matapos ang party, may mga nagsi uwian na ring mga bisita.

"Sure, sure" agad na sagot ng asawa sa kanya.

Nasa 6'th floor ang opisina ng asawa kaya sumakay pa sila ng elevator para marating yon. Pagsara ng elevator agad nyang hinila ang asawa at hinalikan sa mga labi. Wala syang pakialam kung agresibo na syang tignan basta namimiss nya ang asawa.

"Ellise" anas nito ng pakawalan nya ang mga labi nito.

"May CCTV dito" nakangiting sabi nito

Natuptop nya ang mga kamay sa bibig at nakita at bilog na umiilaw na pula.

"Aaaw" simangot na sabi nya.

"Don't worry sa opisina ko wala" sabi ng asawa sa kanya. Ngumiti sya at maya-maya pa bumukas na ang elevator at para silang mga batang magkahawak kamay na tumakbo papunta sa opisina ni Gavin, kung saan nila gagawin ang baby nila. Kung saan nila bubuuin ang pamilya nila.

Wala na talaga syang mahihiling pa, lahat nakuha na nya. Mahal sya ni Gavin mahal na mahal at tanggap na sya ng Papa nito. Naipakilala na rin sya ni Gavin sa publiko. Maayos na rin ang gusot ng asawa at ni Mike. Wala na ring Sabrina'ng pwedeng manggulo sa kanila. Magsasama na sila ng asawa pang habang buhay na puno ng pagmamahalan. Gagawin ang lahat para kay Gavin at alam nyang ganoon rin sa kanya si Gavin.

"I love you so much Gavin"

"I love you too Ellise"