Chapter 59

"What's that?" tanong ni Gavin ng linggong puntahan sya ng asawa sa kusina. Nagluluto kasi sya ng masarapa beff steak, balak nyang ihatid sa bahay ng mga magulang ni Gavin. Ilang araw na rin kasi mula ng pumasyal sila sa bahay ng mga Saavedra, at ramdam parin nya ang malamig na pakikitungo ng ama ni Gavin sa kanya. At nais nyang mapalapit rito, kaya naman pinagluto nya ito. Nasabi kasi ng Mama ni Gavin na mahilig da beff steak ang ama ni Gavin. Kaya naman sinubukan nyang gawin ang recipe ng Mommy nya.

"Beff steak para sa Papa mo" nakangiting sabi nya sa asawa, habang sinasalin ang nalutong pagkain.

"Kay Papa?" tanong nito at lumapit sa kanya. Agad nyang naramdama ang kamay ng asawa na pumulupot sa bewang nya, at pinatong ang baba nito sa balikat nya. Tila itong batang naglalambing.

"I love you so much Ellise" bulong nito at hinalikan sya sa leeg.

"I love you too, Mr. Saavedra" sagot nya.

"Pero mamaya na ang lambing, tapusin ko na muna ito para maihatid sa Papa mo"

"Sige sasamahan kita sa paghahatid nyan"

"Talaga? sige mag-aayos na muna ko para maihatid nanatid" exicted na sabi nya. Matapos maiayos ang dadalhing ulam. Inalis ang kamay ng asawang nakapulupot sa bewang nya.

"Aakyat na muna ako para maligo at makapag-ayos.

"Samahan na muna kita sa itaas" sabi ni Gavin at hinila sya muli sa bewang.

"Sabay na tayo mag shower" sabi nito. She giggled and nooded. Hindi naman sya makatanggi sa asawa at lalo nyanh hindi tatanggian ang asawa.

"Let's go then" pangaakit nya at kinawit ang mga kamay sa batok ng asawa. Agad naman syang binuhat ni Gavin. Napatilis pa sya at mabilis na natuptop ang sariling bibig, baka kase marinig sila ng mga kasambahay. Buhat sya ni Gavin mula kusina hanggang sa makaakyat sila sa itaas. Sana araw-araw ganito sila ng asawa, masaya at walang problema.

Pagdating sa bahay ng mga Saavedra. Nasa library ang ama ni Gavin, kaya ang Mama ni Gavin ang sumalubong sa kanila. Tuwang-tuwa ang Mama ni Gavin dahil medyo napapadalas ang pagdalaw nila sa bahay ng mga Saavedra. Sabi nga ng Mama ni Gavin kung wala daw okasyon sa bahay ay hindi pupunta ng bahay si Gavin, kaya nagpapasalamat ang Mama nito sa kanya, dahil ngayon lagi silang dumadalaw sa bahay ng mga ito.

"Oh Gavin" narinig nya ang boses ng Papa ni Gavin.

"Papa"

"Napadalaw yata kayo?" tanong ng Papa ni Gavin.

"Pinagluto ka ni Ellise ng beff steak" sabi ng Mama ni Gavin at tinaas pa ang dala nilang ulam.

"Ganoon ba? sige mamaya kakain ako" sabi ng ama ni Gavin at sinulyapan sya. Nahihiya syang bumati rito.

"Anyway my party sa kompanya sa wednesday. Gusto ko kayong pumunta kayo" sabi nito.

"What Party Papa?" tanong ni Gavin.

"Anniversarry party ng kompanya"

"Ah. yeah muntik ko ng makalimutan" sabi ni Gavin.

"Isama mo si Ellise" nagulat sya sa sinabi ng Papa ni Gavin

"Ako po?" gulat na tanong nya.

"Oo asawa ka ni Gavin kailangan kasama ka nya sa mga pagdiriwang ng kompanyang pang mamay-ari nya" sagot ng ama ni Gavin at sinulyapan sya. Lihim syang napangiti sa sinagot ng ama ni Gavin. Ibig bang sabihin nito tanggap na sya ng ama ni Gavin bilang asawa ni Gavin?

"Ipapakilala ka na rin ni Gavin sa mga kasosyo nya at mga katrabaho, right Gavin?" dagdag ng ama ni Gavin na lalo nyang kinagulat sa tuwa. Ngumiti sya at sinulyapan si Gavin.

"Of course Papa, ipapakilala ko na si Ellise sa mga board member ng kompanya, para makilala na nila ang aking Mrs. Saavedra" may sigla at pagmamalaki sa tono ni Gavin at hinapit sya sa bewang. Mabilis nyang inalis ang kamay nito sa bewang nya. Nahihiya kasi sya sa mga magulang nito.

"That's great, tara sa gazebo para makapag meryenda tayo" sabi ng Mama ni Gavin na nasa tono din ang sigla. Marahil dahil sa wakas tanggap na rin sya ni Mr. Saavedra, hindi naman sya ipapasama nito kay Gavin sa party kung hindi sya nito tanggap. Isa pa nais na ng ama ni Gavin na ipakilala sya ni Gavin biglang asawa nito sa mga kasosyo nito at mga katrabaho. Kailangan paghandaan nya ang gabi ng party, dahil ihaharap na sya ni Gavin sa mga katulad nitong mayaman at negosyante. Bagong mundo nanaman ang haharapin nya matapos syang ipakilala na asawa ni Gavin.. Isa pa paniguradong lalabas na rin sya sa mga business magazine once na makilala na sya bilang Mrs. Gavin Saavedra.

"I can't believe it Gavin, pinasasama ako ng Papa mo sa party" masiglang sabi nya nang pauwi na sila ng asawa.

"Kahit hindi ka ipasama ni Papa isasama kita Ellise, asawa kita" sagot nito. Alam nya yon pero iba parin dahil nanggaling mismo sa Papa ni Gavin ng imbitasyon, tila sya nakaramdam ng pagmamalaki sa sarili.

"Sina Mike at Sabrina ba a-attend din?" tanong nya ng maalala ang mag-asawang tila may malaking galit sa kanila ni Gavin.

"I guess, pupunta si Mike, dahil isa ang Papa ni Mike sa mga investor ng kompanya, at baka isama nya si Sabrina" kaswal na sagot nito. Hindi sya makakibo, ewan nya pero bigla syang na disappoint. Baka kase gumawa ng eksena si Sabrina sa party at ipahiya sya, andoon pa naman ang Papa ni Gavin, ayaw nyang mapahiya, lalo na't unti-unti na syang natatanggap ng ama ni Gavin.

"Nag wo-worry ka ba?" tanong ni Gavin sa kanya at liningon sya.

"Hindi naman, naiisip ko lang na baka maulit ang nangyari sa Tagaytay"

"Hindi mangyayari yon, hindi gagawa ng gulo si Mike sa teretoryo ko. And about Sabrina, I know you can handle her. She's just a spoiled brat" sagot nito at kinuha ang kamay nya.

"Masyado kang nag wo-worry sa dalawang yon, don't mind them, ang paghandaan mo ang isusuot mo sa party, cause you are about to steal the night Mrs. Saavedra. Ipapakilala kita sa buong board of member" masiglang sabi ni Gavin sa kanya at hinalikan ang kamay nya. Napangiti sya sa asawa. Nakaramdam sya ng excitement dahil ihaharap na sya ni Gavin sa mga tao biglang asawa nito, bilang Mrs. Gavin Saavedra. Wala na nga yata syang mahihiling pa, dahil unti-unti na nyang nakukuha ang lahat. Nagiging ok na sila ng Papa ni Gavin kahit papano, at ngayon naman ihaharap na sya ni Gavin sa mga tao bilang asawa nito. Sya na nga ang pinaka masayang babae sa buong mundo.

"I love you" sabi nya sa asawa.

"I know but, you have to prove that to me tonight how much you love me" panunukso ng asawa. Kumunot ang noo nya.

"What do you mean?"

"You know exactly what I mean Ellise" sagot nito at naramdaman ang kamay nito na gumapang papasok sa suot nyang bestida. Natilian sya.

"What are you doing Gavin?" tila kinikiliting tanong nya, habang taas baba ang mainit na kamay ng asawa sa binti nya.

"I can't wait any longer" sagot nito at naramdaman ang daliri nito sa undies nya. Nagulat sya pero nagustuhan nya ang ginagawa ng asawa sa kanya, sa loob ng kotse habang nagmamaneho ito.

"Malapit na tayo and I promise I will satisfied you Gavin" malambing na sabi nya sa asawa at malangkit na tingin ang pinukol nya rito.

"I love that"