Chapter 55
Mahigpit ang hawak sa kanya ni Gavin habang naglalakad papunta sa silid nila. Ramdam nya ang galit sa uri ng paghinga nito.
"Gavin" tawag nya rito. Pero nagtuloy lang ito sa paghila sa kanya hanggang sa makarating sila sa kwarto.
"Gavin!" inis na tawag nya sabay bawi sa braso nyang hawak nito.
"What?!" galit na tanong nito at liningon sya.
"Anong ibig sabihin non ah? anong ibig sabihin ng mga sinabi mo kay Mike?" lakas loob na tanong nya. Nais nyang malaman ang totoo, may karapatan syang malaman ang totoo. Involve sya sa sinabi ni Gavin.
"Anong ginagawa mo sa labas Ellise? at bakit wala ka sa silid ni Mia?" galit na tanong nito, halatang nais iwasan ang mga tanong nya.
"Sagutin mo muna ang tanong ko!" inis na tanong nya at tinulak ito sa dibdib. Hindi man ito natinag.
"Answer my damn questions first Ellise?!" sigaw nito. Napapitlag sya at wala sa loob na napa atras. Napalunok sya at nag-iba naman ang aura ni Gavin ng makita ang gulat at takot sa kanya.
"Lumabas ako sa dahil, dahil... Hindi ko gusto ang pang iinsulto sa akin ni Sabrina" sagot nya. Yon naman ang totoo. Dahil alam ni Sabrina ang tungkol sa totoong sitwasyon nila ni Gavin at kung bakit alam nito yon ay marahil sinabi ni Gavin?
"I see" tanging sagot nito.
"Bakit ka hinahabol ni Mike?" nagtitimpi sa galit na tanong nito.
"Anong ginawa nya sa iyo?" tanong muli nito at hinawakan sya sa magkabilang braso. Hindi sya makasagot, natakot kasi talaga sya kay Mike kanina, at pinagpasalamat nyang nakita nya si Gavin kanina, at ayaw na nyang isipin pa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya kung wala si Gavin kanina.
"Tell me Ellise did he touched you?" mabilis nyang iniling ang ulo.
"No, nakatakbo ako" sagot nya at tumulo ang mga luha.
"Damn" mura ni Gavin at kinabig sya payakap. Niyakap sya nito ng mahigpit. Napahagulgol naman sya sa iyak. Tila noon lang nakaramdam ng seguridad at kaligtasan. Napakayap sya ng mahigpit kay Gavin.
"I'm sorry, kasalanan ko lahat. Mike tried to harm you because of me" sabi ni Gavin at hinalikan sya sa buhok.
"You are safe now, he won't go near you Ellise" dagdag nito at kumalas ng pagkakayakap sa kanya.
"Gavin" anas nya at pinunasan ang mga luha sa pisngi. Nag-angat sya ng mukha at deretso sa mga mata ni Gavin.
"Can you tell me the truth? anong ibig sabihin ng sinabi mo kanina kay Mike?" tanong nya. Umiwas si Gavin, binitiwan ang pagkakahawak sa braso nya at naglakad palayo sa kanya. Hindi na sya makapaghintay na malaman ang totoong dahilan nito kung bakit sya pinakasalan.
"Gavin? about our marriage, please tell me the truth? totoo ba ang kasal natin?" tanong nya. At sinundan ito. Napansin nyang kinuha nito ang bag nila at isa-isang nilululan ang mga gamit nila. Hindi nito pinapansin ang mga tanong nya.
"Gavin" tawag nya. Pero patuloy lang ito sa pagliligpit ng mga gamit.
"Gavin ano ba?!" inis na tawag nya rito at hinila ang braso para maiharap sa kanya.
"Sabihin mo sa akin totoo ba ang sinabi mo kay Mike? Totoo ba ang kasal natin? totoo ba ang pagiging Mrs. Saavedra ko?" makapigil hiningang tanong nya.
"Yes totoong kasal tayo" sagot nito.
"Ano?" kunot noong tanong nya.
"Pero paanong naging totoo? hindi ba't ang usapan-
"Listen Ellise. Sa tingin mo ba may tatanggap pa sa iyo matapos ng mga nangayari sa atin?" putol nito sa sasabihin pa sana nya.
"You were a virgin Ellise. And I took that from you. Pero kasal na tayo ng kinuha ko ang napakahalagang bagay sa iyo" patuloy nito.
"Yan lang ba ang dahilan mo?" naguguluhang tanong nya. Hindi ba pwedeng may damdamin ito sa kanya kaya sya nito pinakasalan? hindi ba pwedeng mahal sya nito kaya sya pinakasalan? anong pakialam nya sa virginty nya? ang gusto nya mahalin din sya ni Gavin tulad ng nararamdaman nya para rito. Mahal nya si Gavin, mahal na mahal. Pero kaya ba syang mahalin nito? kaya ba nitong tumbasan ang damdamin nya?
"That's my reason Ellise" sagot nito.
"Yon lang?" nagtatakang tanong nya.
"Aalis na tayo, ayusin mo na ang mga gamit mo, I can't stay any longer here with that bastard!" utos nito sa kanya, na hindi man pinansin ang tanong nya.
"I don't care about my virginity Gavin!" lakas loob na sabi nya.
"I'm willing to give it to you, kahit hindi mo ko pakasalan" patuloy nya at sinulyapan si Gavin.
"I won't marry you Ellise, if you were not a virgin" mabilis na sagot ni Gavin.
"Fix your things, we'are leaving" utos nito. Napaluha sya. Yon lang ba ang dahilan ni Gavin? her damn virginity? bakit sya nalang ba ang natitirang birhen sa buong mundo? tanong nya sa sarili at walang kibong inayos ang mga gamit. Pagbibigyan nya ang napaka lame excuses ni Gavin ngayon about thier marriage, but once na maka uwi sila hindi nya ito titigilan until hindi nito aminin ang totoong dahilan nito kung bakit sya pinakasalan nito. Alam nyang walang taong hindi marunong magmahal, lahat ng tao marunong umibig. At naniniwala syang marunong umibig si Gavin pilit lang nitong tinatago.
"Sorry about what happened" Paumanhin ni Gavin kina Jerry at Mia nang magpaalam na sila sa mga ito. Nasabi na rin ni Gavin na hindi na sila makaka attend ng kasal ng mga ito bukas.
"Sorry rin sa nangyari pare" sabi ni Jerry at tinapik sa balikat si Gavin.
"I'll call you Ellise" sabi ni Mia at niyakap sya. At nagpaalam na sa mga ito.
Sa loob ng sasakyan wala silang kibuan ni Gavin. Tahimik lang itong nagmamaneho at sya naman pasulyap-sulyap kay Gavin paminsan-minsan.
"Are you ok?" he asked.
"Why I should not be?" taas kilay na balik tanong nya.
"Ellise"
"Gavin, still I can't understand eh. Pinakasalan mo ko dahil lang sa virgin ako?" hindi nya nagawang pigilan ang sarili.
"Tama bang dahilan yan? ah Gavin? what if Hindi ako virgin?"
"Hindi kita bibilhin Ellise" agad na sagot nito.
"This is bullshit Gavin! did you ever know the word love?" she asked. Liningon sya ni Gavin.
"What the hell Ellise?"
"Love kasi ang dahilan kung bakit nagpapakasal ang mga tao Gavin at hindi dahil sa virginity ng isang babae!" inis na sagot nya.
"Can we talk about this sa bahay nalang Ellise!" inis na sagot nito.
"Umiiwas ka lang!" inis na sagot nya at binagsak sa sandalan ang likod, at tumingin sa labas ng bintana. Kung inaakala ni Gavin na titigil sya sa kakausisa, pwes nagkakamali ito. Hindi sya titigil hangga sa malaman nya ang totoong dahilan nito. Of course hindi sya naniniwala sa lame na dahilan nito na pinakasalan lang sya dahil sa virgin sya? what the f*ck was that? tinignan nya ng masama si Gavin.
"Stop staring at me na tila ba gusto mo ko kainin ng buhay Ellise" saway nito sa kanya.
"I hate you and your lame reason!" inis na sagot nya.