Chapter 56

Pagdating sa bahay, padabog syang bumaba ng sasakyan at nagtuloy pagpasok sa loob ng bahay.

"Ellise" tawag sa kanya ni Gavin. Pero nagtuloy sya sa pagpasok sa bahay at umakyat sa mataas na hagdan. Magmamatigas sya hangga't hindi umaamin sa damdamin nya si Gavin. Ipapakita nya rito kung gaano katigas ang ulo nya kung hindi ito aamin na may damdamin din ito sa kanya. Hindi sya tanga o manhid para hindi maramdaman na kahit papano may damdamin sa kanya si Gavin. Marahil ang mga kaibigan nito ang tingin kay Gavin ay walang puso dahil ang mahalaga rito ay ang negosyo nito, kung paano ito magiging katulad ng ama nito pagdating sa negosyo. Pero para sa kanya iba at kung mali man ang iniisip nya handa syang masaktan. Handa nyang tanggapin ang katotohanan.

"Ellise!" tawag ni Gavin sa kanya ng makapasok na ito sa silid nila.

"What?!" inis na hiyaw nya at masamang tingin ang pinukol nya rito.

"Will you stop acting like a child!"

"Acting like a child? sa tingin mo sino sa atin ang asal bata?" hamon nya rito.

"What do you want anyway? bakit ka nagkakaganyan?"

"I want the truth Gavin. Can you please be honest to me. Sagutin mo lang naman ang isang tanong ko" sagot nya at humakbang palapit kay Gavin. Nagtama ang mga mata nila.

"Why did you marry me? Gavin bakit mo pinaniwala sa aking peke ang kasal natin?" tanong nya habang hindi inaalis ang mga mata sa mga mata ni Gavin.

"Hindi kita pinaniwala na peke ang kasal natin Ellise, ikaw ang nag assumed na peke ang kasal natin" sagot nito. Kumunot ang noo nya.

"Pinakasalan kita Ellise dahil gusto ko, and dahil I want to bed you" patuloy nito.

"You don't have to marry me just to bed me Gavin" sagot nya. Yon naman ang totoo ilang beses bang sya na nga ang gumagawa ng paraan para may mangyari sa kanila ni Gavin, pero si Gavin naman ang laging tumatanggi sa kanya.

"I told you Ellise you are different!" mariing sagot nito at lumakad palayo sa kanya.

"What different Gavin? dahil ba virgin ako?"

"Yes, Ellise" mabilis na sagot nito.

"That bullshit Gavin!" hiyaw nya. Liningon sya ni Gavin at masamang tingin ang pinukol nya sa kanya. Kung nakamamatay nga lang ang uri ng pagtingin nito sa kanya baka kanina pa sya natumba.

"Watch your language Ellise, asawa kita" may pagbabanta sa tono nito. Bumuntong hininga sya.

"Wala na bang ibang mahalaga sa iyo kundi ang pagiging birhen ng isang babae ah Gavin?"

"Kung hindi mo pinaaalagaan ang bagay na yon Ellise, well you were not I thought you are"

"What do you mean?"

"I thought you were different. Dahil you never had sex before, you never let any man to use your body for pleassure"

"Pero binenta ko ang sarili ko sa iyo" sagot nya.

"Yes, at binili kita dahil virgin ka Ellise, at pinakasalan kita para maikama ko" sagot nito. Ngumiti sya pilit na ngiti. Tila wala syang mapipiga kay Gavin. Tila yon at yon din ang isasagot sa kanya nito. Baka nga yon lang ang dahilan ng lahat. Baka nga walang pagtingin o ano mang damdamin sa kanya si Gavin. Baka nga hanggang doon lang ang lahat at nangangarap lang sya.

"Ok, I understand" tanging sagot nya, at naglakad palapit sa kama.

"I'm tired, magpapahinga na ko" sabi nya at nahiga sa malaking kama. Naramdaman nya ang pagbuga ng hangin ni Gavin. Maya maya pa narinig nya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid.

"I don't understand" bulong nya at naiyak. Umiyak sya ng umiyak. Dahil hindi nya maintindihan kung ano nga ba ang plano sa kanya ni Gavin. Kasal sila ni Gavin isa syang Mrs. Saavedra, kung hanggang kailan ay hindi nya alam. Pero nararamdaman nyang may pagtingin sa kanya si Gavin, may damdamin din ito sa kanya. Pero bakit ayaw nitong sabihin? anong dahilan nito? Bakit ayaw nitong aminin ang damdamin nito sa kanya? bakit ayaw nitong bigyan ng laya ang nararamdaman nito.

Kinabukasan paggising nya wala sa bahay si Gavin. Hindi nga sya sigurado kung tumabi ito sa kanya kagabi, dahil nakatulog sya agad dahil sa pagod.

"Manang si Gavin po?" Tanong nya sa kasambahay ng pumasok sa komedor.

"Umalis po si Sir kagabi Ma'am hindi nyo po ba alam?" sagot ng kasambahay. Hindi sya nakakibo.

"Ah... akala ko nakabalik na sya" pagsisinungaling nya.

"Hindi pa po Ma'am. Ipaghahanda ko na po ba kayo ng almusal?"

"Huwag na busog pa ko" sagot nya at naglakad palabas ng komedor.

"Saan sya nagpunta kagabi? saan sya natulog?" tanong nya at mabilis na umakyat ng hagdan.

Bumalik sya sa silid, agad na kinuha ang cellphone tinawagan nya si Gavin. Pero hindi ito sumasagot.

"Asaan ka ba?" inis na tanong nya at hinihagis ang cellphone. At nagpalakad-lakad sa silid nila. Kung ano-ano na ang iniisip nya kay Gavin. Baka nakipagkita kay Sabrina. Nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Agad nyang liningon yon at nakita si Gavin.

"Saan ka galing?!" galit na tanong nya rito. Nang mapansin ang pasuray-suray na lakad ng asawa. Lasing ba ito?

"Lasing ka ba?" tanong nya.

"Oh, Hi there Ellise my beautiful wife" bati nito. Lasing nga ito.

"Bakit ka naglasing?" tanong nya at nilapitan ito, para tulungan sa paglalakad. Agad na inakbay nito ang kamay sa balikat nya.

"Saan ka ba uminom?" tanong nya at inamoy ang asawa. Amoy alak ito, mukhang nakarami ng inom. Tinulungan nya itong makarating hanggang sa kama. Pagdating sa kama sabay silang bumagsak ng asawa sa malambot na kama. Pumailalim sya sa asawa. Lasing ito kaya nasasalo nya ang bigat ng katawan nito sa ibabaw nya.

"Gavin, tumayo ka nga" sabi nya habang pilit tinutulak ito, dahil nabibigatan sya sa asawa.

"You know what Ellise" sabi nito at hinaplos ang mukha nya. Hinayaan lang nya ang asawa sa ginagawa. Isa pa namimiss nya ang mga haplos ng asawa.

"You are so beautiful Ellise, unang kita ko palang sa iyo, you caught me"

"Unang kita? you mean kilala mo ko?" tanong nya. Alam nyang lasing ang asawa, pero sabi nga nila nagsasabi ng totoo ang mga tao pag lasing ang mga ito. At sasamntalain nya ang pagkakataon.

"Yeah,... I saw you back then.. and I've never forget your young beautiful face Ellise" pupungay-pungay matang sagot nito.

"Then sinabi ko you will be mine Ellise. And I am lucky, dahil tila ka nahulog nalang biglang sa mga kamay ko, and now you are mine Ellise" sagot nito at niyuko ang mga labi nya. Hinalikan sya nito sa mga labi, hindi sya umiwas, hindi rin sya tumanggi. Sinalubong nya ang mga halik ng asawa sa kanyang mga labi.

"You are mine forever Ellise" sabi nito nang magkalayo ang mga labi nila.

"Do you love me Gavin?" She asked. Nilagay nya sa batok ng asawa ang mga kamay nya. At tumingin sa mga mata ng asawa na halatang wala pang tulog dahil nangingitim ang mga yon sa ibaba.

"May damdamin ka rin ba sa akin Gavin?" tanong nya ulit.

"Damdamin rin ba?" Ulit nito sa tanong nya. Tila nawala ang kalasingan nito, kumunot kasi ang noo nito at tumungin ng deretso sa mga mata nya.

"What that supposed to be mean?" he asked.

"Cause I'm falling in love with you Gavin. And I think I already love you" Amin nya. Wala syang pakialam kung tanggian sya ni Gavin. Ang mahalaga na amin nya ang totoong damdamin nya sa asawa at umaasang paring may damdamin ito sa kanta.