Chapter 53
Kinagabihan pinuntahan sila nina Jerry at Mia sa room nila, para yayahin sa Bridal shower para sa kanya at Bachelor Party naman kay Gavin. Nahihiya naman tumanggi si Gavin. Dahil sa nangyari kanina sa Balcony nawala na sa mood si Gavin. Gusto na nga nitong umuwi kanina, pinigilan lang nya, dahil nakakahiya sa mga kaibigan nito. Sinabihan nalang nya ang asawa na huwag nalang pansinin ang pang-aasar ni Mike. Pumayag naman itong mag stay pa sila basta iwasan daw nya si Mike. Kahit hindi naman sabihin ng asawa yon ay iiwasan talaga nya si Mike. Dahil nakakaramdam sya ng takot mula kay Mike, ayaw nya ang mga titig nito sa kanya, tila sya minamanyak nito kung titignan. Pero hindi na nya sinabi kay Gavin yon baka kung ano pa ang gawin ng asawa.
"A-aattend kame" sagot ni Gavin sa soon to be husband and wife, bago tuluyang lumabas ng room nila.
"I'll wait for you Ellise" nakangiting sabi ni Mia sa kanya. Tumango sya at kumaway sa magandang babae.
"Let's enjoy the party tonight" sabi ni Gavin sa kanya ng makaalis ang dalawa. Tumango sya sa asawa.
"Oo naman kailangan din natin mag enjoy pa minsan-minsan" sagot nya. Bibihira lang syang mag party kasama ang mga katrabaho dati, dahil sa dami ng problema nya sa pamilya nila.
Casual lang ang sinuot nya jeans and silk blouse showing her perfect curve na pang model talaga. Medyo reaveling silk blouse nya na spaghetti strap kaya pinatungan nya ng biege blazer. Habang si Gavin naman ay breathtaking din sa sa casual na kasuotan. Plain white shirt and jacket plus maong pants and chuck taylor shoes, still her husband is really breathtaking handsome man.
Magkatabing room lang ang party, kaya naman inihatid na muna sya ni Gavin sa bridal shower room bago ito pumunta sa bachelor party room.
"Ellise" tili ni Mia ng makita sya sa may pintuan. Nakasuot ito ng all white bridal gown at may viel na nakapatong sa ulo nito. Masasabi nyang maganda si Mia.
"Congrats" sabi nya ng makalapit sa kanya si Mia.
"Bukas mo na ko i congrats, mag party na muna tayo ngayon" sagot nito at hinila na sya sa loob. Kung saan nakaayos ang buong silid, ballons and conffeti, foods and drinks, alcohol of course. Bago sila lumabas kanina ni Gavin sa room nila sinabihan sya ng asawa na huwag uminom, dahil hindi daw nya kayang dalhin ang alak. Nangako naman syang hindi iinom. Natatakot din naman kasi sya, dahil madali syang malasing.
"Hi, Ellise" bati ni Jamie sa kanya ar humalik sa pisngi.
"Hi" ganting bati naman nya rito.
"Hi, Ellise" bati naman ni April na agad lumapit sa kanila ng makita sya. May hawak itong dalawang pulang cup. At alam nyang alak ang laman ng mga yon. Hinalok sya ni April.
"Drink" at iniabot sa kanya ang pulang cup. Ngumiti sya at tinaggap ang cup, para hindi mapahiya si April, pero hindi nya yon iinumin, gaya ng pangako nya kay Gavin.
Nasa room na rin si Sabrina na nakaupo sa malaking sofa at nakatingin lang sa kanila. Ito lang ang hindi bumati sa kanya. Masama ang tingin nito sa kanya. Bumuntong hininga lang sya at iniwasan ang mga masasamang tingin nito.
"Let's start the party" sabi ni April, kasunod ang masiglang tutugin. Wala syang idea kung ano ang ginagawa sa mga bridal shower, first time kasi nyang maka attend. May mga napapanood sya sa mga movie na may guest na lalake at isasayaw ang bride. Pero mukhang sa party ni Mia ay walang ibang bisita kung di sila lang. Mas ok na din yon na sila-sila lang.
Nag-sayawan lang naman sila at kumain ng kumain, habang binibiro at tinatakot si Mia sa bagong buhay na haharapin nito. Tinanong pa nga sya kung anong ma iaadvice nya. Wala syang masabi dahil pekeng asawa lang naman sya at hindi sya totoong Mrs. Saavedra.
"She can't give you an advice girls" narinig nyang sabi ni Sabrina. Nalipat ang atensyon nilang apat kay Sabrina na kanina pa tahimik na nakaupo at tila naghihintay lang ng tamang pagkakataon para matira sya, at i guess ito na ang pagkakatong hinihintay nito.
"Para namang hindi nyo alam, na pinakasalan lang sya ni Gavin to hurt me" nakangising sabi ni Sabrina.
"Sabrina!" may pagsaway sa tono ni Mia at sinulyapan sya.
"Don't tell me Mia hindi nagkukwento sa iyo si Jerry?" tanong ni Sabrina. Hindi kumibo si Mia.
"Alam nyo uminom nalang tayo" sabi ni April na halatang nais ibahin ang usapan.
"Mamaya na" matigas na saway ni Sabrina.
"Sabrina, kung ano man yang sasabihin mo about them, pwede sa ibang araw nalang, we are here to party" may inis na sabi ni Mia.
"Mia's right, ipagpaliban mo nalang yan girl'" sabat naman ni Jamie at sinulyapan syang nanatiling walang kibo at nakikinig. Hinihintay ang sasabihin ni Sabrina.
"Well, we all know naman na Gavin bought her to use her against me" napalunok sya. Alam nyang alam ni Sabrina at ginawang pagbili sa kanya ni Gavin, pero hindi sya makapaniwala na alam ng lahat ng mga kaibigan ni Gavin ang tungkol sa bagay na yon.
"Right Mrs. Saavedra?" taas kilay na tanong ni Sabrina sa kanya.
"What are you trying to say?" taas kilay din yang tanong rito.
"Well, I'm saying na, maybe your married is kind a fake too" deretsong sabi nito. Bumuntong hininga sya.
"How can you say that?"
"Gavin is not a marrying type of guy, he is a business man, he always wants power. At hindi ang isang tulad mo lang Ellise ang makakapagbigay ng power sa kanya" sabi nito. Alam nya ang bagay na yon, dahil yun din ang sinabi ng Papa ni Gavin sa kanya. But still may naibibigay sya kay Gavin na hindi kayang ibigay ng iba. Dahil ginagampanan nya ng mabuti ang papel ng tunay na asawa, kahit pa sabihin pekeng asawa lang sya.
"And you think, isang katulad mo kailangan nya?"
"I didn't say that. But kung ikukumpara sa iyo, I can give him power"
"Then why you cheated on him?" taas kilay na tanong nya. Nakita nyang nag-iba ang mukha ni Sabrina. Marahil hindi nito akalain na alam nya ang ginawang panloloko nito kay Gavin. Thank's to Aya.
"Hindi ba't niloko mo sya at nagpakasal ka kay Mike, and now buntis ka. I guess ang dapat mo'ng gawin pagtuunan mo ng pansin ang asawa mo, at huwag kami ni Gavin ang intindihin mo!" matapang na sabi nya. Ngumisi ito at sinuri sya ng puno ng pangmamaliit.
"I am his first love, and first love never dies"
"Did he tell you that he loves you?" taas kilay na tanong nya. Sa loob ng pagsasama nila ni Gavin ay ni minsan hindi pa nito narinig ang salitang I love you mula rito. Pero kanina inamin ng asawa na sya ang kahinaan nito at yon ang nagbibigay lakas sa kanya ngayon. Napansin nyang hindi makasagot si Sabrina, tila inaalala kung nagsabi na nga ba ng I love you si Gavin rito. Pansin din nyang nag-aabang ang mga kasamaan nila roon sa isasagot nito.
"Well, I guess you don't have to answer that" sabi nya at tumayo mula sa kinauupuan. Hindi na sya makakatagal pa sa loob ng silid kasama si Sabrina. Mabilis syang nagpaalam kay Mia at humingi ng pasensya, alam nyang hindi sila dapat magsama ni Sabrina sa iisang event. Hinayaan naman sya ni Mia na marahil naiintindihan nito ang sitwasyon nya. Nagpaalam na rin sya kina April at Jamie.
Paglabas ng silid nagbuga sya ng hangin. Naiiyak sya dahil alam nyang wala syang pinagkaiba kay Sabrina. Dahil ginagamit lang din sya ni Gavin. Nais lang ni Gavin na may babae sa tabi nito tulad ng ginawa nito kay Sabrina noo, kaya nga hindi man nasaktan si Gavin ng lokohin ito ni Sabrina. Kaya nga agad syang kinuha nito para may ipalit agad kay Sabrina.
"Love is not real" bulong nya at sinulyapan ang saradong pintuan sa tabing room kung saan ginaganap ang bachelor party at nasa loob si Gavin.
Ayaw muna nyang pumasok sa silid, baka kung ano lang ang maisip nya at magawa. Kaya naman naglakad sya pababa, mamasyal na muna sya sa hardin. Habang iniisip kung ano nga ba ang mangyayari sa kanya pag dumating na ang araw na hindi na sya kailangan ni Gavin?
"Look's who's here" tignig sa di kalayuan. Nang lingunin nya nakita si Mike sa likuran. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya at umiitit ng sigarilyo.