Chapter 50
Kinabukasan nagulat sya ng sabihan ni Gavin na maghanda sya ng damit na pang tatlong araw. Akala kasi nya makikipag kasal lang sila sa kaibigan nito, hindi naman nya alam na kailangan pala nilang mag stay sa Tagaytay. Naisip nga nyang huwag nalang sumama dahil alam nyang magkikita lang sila ni Sabrina roon. At baka kung ano pa ang magawa nya pag hindi nya napigilan ang sarili.
"Ready ka na?" tanong ni Gavin ng sumungaw ito sa pintuan.
"Oo tapos na" sagot nya at sinara na ang zipper ng maleta.
"Let's go" yaya ni Gavin at hinila ang maleta nya. Napaka fresh tignan ni Gavin sa suot nito Pants and gray plain shirt. At alam din naman nyang fresh ang itsura nya sa suot na white walking short at floral off shoulder. Well pinaghandaan din nya ang pagkikita nila ni Sabrina, alam nyang mas higit sya kay Sabrina.
Matapos ang halos dalawang oras na biyahe nakarating sila sa Tagaytay Island. Kung saan gaganapin ang kasal ng kaibigan ni Gavin. Sa parking lot palang nakita na nya si Sabrina pababa ng magarang kotse. Bumuntong hininga sya at sinulyapan si Gavin na nakatingin sa lalaking kasama ni Sabrina, marahil ito si Mike ang asawa ni Sabrina. Inis nyang tinaggal ang seat belt at binuksan ang pintuan ng kotse. Nauna syang bumaba kay Gavin sa kotse. Agad syang napansin ni Sabrina. Ngumiti ito sa kanya, ngiting demonyo syempre.
"Ellise" tawag ni Sabrina sa kanya, at lumakad palapit sa kinatatayuan nya. Sumunod rito ang kasama nitong lalake. Gwapo din naman pero hindi tulad ni Gavin.. Wala itong appeal para sa kanya. Parang normal lang, hindi tulad ni Gavin na mapapalingon ka pag nakasalubong mo ito. Naramdaman nya ang pagbaba ng sasakya ni Gavin bago pa tuluyang makalapit sa kanya si Sabrina at kasama nito.
"Gavin" tawag ng lalake kay Gavin.
"Hey, Mike" bati naman ni Gavin. So ito nga si Mike ang pinagpalit ni Sabrina kay Gavin at ama ng dinadala nito.
"Is she your girlfriend?" tanong ni Mike at sinulyapan sya. Hindi nya nagustuhan ang pag hagod nito ng tingin sa kanya, lalo na sa binti nya.
"She's Ellise, my wife" pakilala ni Gavin sa kanya at naramdamang nasa tabi na pala nya ito. Naramdaman nyang pumulupot ang kamay nito sa bewang nya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtalim ng mga mata ni Sabrina.
"Wow, you surprised me eh. She looks young and fresh" tila may malisya sa tono ni Mike at muli syang hinagod nito ng tingin. Nais nyang isiksik ang katawan kay Gavin at magtago sa likuran nito. Napalapit sya ng kaunti kay Gavin para kahit papano maramdamang secured sya.
"I know naman na hindi ka magpapakasal sa damage Saavedra" dagdag ni Mike. Nakita nyang tumigas ang panga ni Gavin, tila nainis ito sa sinabi ni Mike.
"Let's go Mike" inis na yaya ni Sabrina sa asawa nito.
"See you later pare, and Ellise right. Nice to meet you Ellise" sabi pa ni Mike bago sumunod kay Sabrina.
"Grabe" anas nya at tila nakahinga ng maluwag ng makalayo na ang mag-asawa.
"Kaibigan mo ba yon?" tanong nya kay Gavin habang isa-isang binababa ang mga gamit.
"Mukha syang maniyak" dugtug nya. Sinulyapan sya ni Gavin.
"Just stay away from him"
"Talaga, nakakatakot sya no. Kung tumingin para na kong hinuhubaran" sumbong nya. Napansin nya ang buntong hininga ni Gavin at sinulyapan sya.
"Kaya nga stay away from him. And stay with me all the time kung hindi ka kumportable kay Mike" bilin ni Gavin. Tumango sya at tinulungan na nya ang asawa sa pagpasok sa hotel kung saan sila mag iistay.
Bukas pa ang kasal pero may party daw kasi mamaya kaya pinapunta na sila, isa pa may naka reserved ng kwarto para sa mga bisita. Mukhang mag eenjoy naman sya dahil narito halos ang mga kaibigan ni Gavin at mga kasosyo. Makikilala na nya ang mga madalas makasama ng asawa.
Pag-akyat nila sa taas kung saan ang silid para sa kanila. Agad na bumungad sa pasilyo si Mike. Naninigarilyo pa ito habang nakatingin sa kanila. Muli nakaramdam sya ng takot kay Mike. Isama pang kung makatingin ito sa kanya at tila wala syang saplot.
"Magkatabi pa yata tayo ng kwarto" sabi nito na nakatingin sa kanya at nagbuga ng usok. Pinaikot lang nya ang mga mata at sinulyapan si Gavin. Kalmado ito pero napapansin nya ang kakahibang galaw ng panga nito.
"Hi, Ellise" bati ni Mike sa kanya. Ewan nya pero tila sinasadya ni Mike ang ginagawa nito para inisin si Gavin. Hindi nya ito pinansin at tinignan ang number ng susing hawak nya at nagpasalamat syang hindi sila magkatabi ng silid nito.
"Dito ang silid natin" sabi nya at mabilis na binuksan.
"Pumasok ka na Ellise" utos ni Gavin.
"Ah?" nagtaka sya at sinulyapan si Gavin na kay Mike nakatingin.
"Get inside Ellise" muling utos ni Gavin.
"Ah.. sige pumasok ka na rin agad" sagot nya at sinulyapan si Mike na sa kanya nakatingin at nagbuga ng usok. Mabilis syang pumasok sa loob ng kwarto. Iba kasi ang nararamdaman nya sa bawat tingin sa kanya ni Mike.
Pagpasok sa loob hindi sya mapakali, dahil baka kung ano ang gawin ni Gavin kay Mike. Alam nyang may mabigat na dahilan si Gavin kung bakit iba ang pakikitungo nito kay Mike, dahil yon kay Sabrina, dahil pinagpalit ito ni Sabrina kay Mike.
Makalipas ang ilang minuto bumukas ang pinto at pumasok si Gavin sa loob. Agad nyang nilapitan ito.
" Anong pinag-usapan nyo?"
"Nothing, sinabihan ko lang huwag kang lalapitan" sagot nito.
"Bakit ganoon sya?"
"What do you mean?"
"Parang... parang kasing...."
"Gusto ka nyang manyakin?" tuloy nito sa sasabihin sana nya. Napakagat labi sya at tumango.
"Well, to be honest ugali ni Mike ang makialam sa mga bagay na hindi nya dapat pakialaman"
"Like what happened between you and Sabrina?"
"Sabrina is not my real thing"
"Ah?" kunot noong tanong nya.
"Well, i gues you need to know more about me and Mike"
"Ano bang meron sa inyo ni Mike?" tanong nya. Dahil ramdam nyang may gusot sa dalawang lalake, maliban sa pag agaw ni Mike kay Sabrina.