Chapter 45
Ellise's POV
"How do I look?" may tense na tanong nya kay Gavin. Nang pumasok sa silid ang asawa. Hindi kasi nya alam kung ano ang isusuot at paano mag-aayos ng sarili. Ito kasi ang unang beses na ihaharap sya ni Gavin sa mga magulang nito bilang asawa nito. Oo kahit peke lang ang pagsasama nila, kailangan nilang magpanggap na tunay ang pagsasama nila at tunay ang kasal nila sa harap ng kanilang mga magulang, lalo na sa mga magulang ni Gavin.
Paggising nya kanina sinabi ni Gavin mag di-dinner sila sa bahay ng mga magulang nito. Tatanggi sana sya pero hindi nalang nya ginawa. Tama lang naman yata na makilala na sya ng mga magulang ni Gavin, kahit na pekeng asawa lang sya.
"Beautiful" sagot nito, habang sinusuri ang suot nya. Isang lace dress na kulay dark blue na spaghetti strap ang pinili nyang isuot at tinernuan nya ng sandals na tama lang ang taas. Ang mga suot nya ay isa sa mga pinamili nila ni Gavin sa Saavedra Mall. Si Gavin pa mismo ang pumili sa dress, kaya naman ito ang napili nyang isuot sa unang beses na ihaharap sya ni Gavin sa pamilya nito.
"You look beautifu Ellise, kahit anong isuot mo bagay sa iyo" sabi nito at lumapit sa kanya. Agad syang niyakap nito sa bewang mula sa likuran nya. Napangiti sya at hinawakan ang kamay ni Gavin.
"Salamat Gavin" pasalamat nya. Naramdaman nya ang mga labi ni Gavin sa leeg nya. Napaungol sya.
"Gavin..." anas nya, habang nakapikit at nadadala nanaman sa ginagawang paghalik sa kanya ni Gavin sa leeg.
"Baka ma late tayo"
"Yeah.." sagot nito at tumigil sa paghalik sa leeg nya. Umagikgik naman sya at umikot paharap kay Gavin.
"We can do this later, after the dinner" bulong nya sa tenga ng asawa.
"We will" agad na sagot nito. At hinila na sya sa kamay. Sabay na silang naglakad palabas ng silid.
Sa loob ng kotse hindi sya mapakali. Kinakabahan sya, unang-una makilala nya ang mga magulang ni Gavin, pangalawa, naroon rin ang isang kapatid nito. At higit sa lahat ipakikilala sya ni Gavin sa mga Saavedra. Hindi biro ang mga Saavedra. Ang mga ito ang halos nagmamay-ari ng San Sebastian. Kaya paano sya kakampante? paano syang hindi mate-tense? makakaharap nya ang pinakamayamang pamilya sa San Sebastian.
"Relax" sabi ni Gavin. Nang mapansin ang kaba nya. Hinawakan sya nito sa kamay.
"Just relax and be yourself Ellise" dagdag nito. Liningon nya ito at alanganing ngumiti. Sa likuran ng kotse sila nakaupong mag-asawa. Nagpa drive kasi si Gavin sa driver nito. Panigurado daw kasi na yayayahin itong uminom ng kapatid, baka hindi sya makapag drive pauwi.
"Kinakabahan talaga ako Gavin" amin nya. Napansin nyang natatawa si Gavin sa kanya. Para na kasi syang maihihi sa kaba.
"Pamilya ko lang ang imi-meet mo Ellise, hindi ang presidente ng pilipinas" biro sa kanya ni Gavin.
"Gavin naman eh' parang batang simangot nya.
"Just be yourself Ellise. For sure magugustuhan ka nila"
"Hindi ba masungit ang Mama mo?" tanong nya. Ang mga ina kasi ang pinakamahirap pakisamahan.
"She's strict, and she loves natural beauty with simplicity" sagot nito. Niyuko nya ang suot na damit. Mahaba naman yon, halos abot na sa tuhod nya. Sexy ang dress pero wala namang nakikitang hindi dapat makita ng iba sa katawan nya. She is showing off some skin, but tama lang nothing more. So pasok sya sa natural beauty and simplicity. Plus virgin sya ng maangkin ni Gavin. At walang ibang lalake sa buhay nya kundi si Gavin. No other man touched her before, only Gavin Saavedra. Kung hindi lang nakakahiya sasabihin nya sa Mama ni Gavin ang pinaka pribadong bagay na pinagsaluhan nila ni Gavin, at tiyak na matutuwa ang Mama ni Gavin pag nalaman yon. Dahil maipagmamalaki talaga sya ni Gavin.
Humugot sya ng malalim na paghinga nang makapasok sa malawak na bakuran ng mga Saavedra ang sinasakyan nila. At huminto sa harapan ng malaking pintuan.
"Let's go" yaya ni Gavin sa kanya. Nang nakahinto na ang sasakyan. Nakaisang hugot pa sya ng malalim na paghinga bago tumango rito.
"Kaya ko to" alanganing sabi nya.
"Of course" sagot ni Gavin at nauna na sa pagbaba ng kotse. Pinagbuksan naman sya ng driver ng pintuan. At maya-maya lang nasa tabi na nya si Gavin. Agad na kinawit nya ang kamay sa makisig na braso ng asawa.
"Welcome Mrs. Saavedra" sabi ni Gavin. Napangiti sya. Ayaw nyang masanay sa ginagawa at pinaparamdam sa kanya ni Gavin. Pero nagsisimula na nyang magustuhan ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Gavin. Minsan natatakot sya, pero agad nyang sinasabi sa sarili na huwag na muna nyang isipin ang mga posibleng mangyari sa kanila ni Gavin, isipin nalang muna nya ngayon ay masaya silang pareho ni Gavin.
"Good evening Mama" bati ni Gavin sa magandang babaing sumalubong sa kanila sa may pintuan. Nakasuot ito ng pormal at mukhang mamahaling bestida, isama pa ang mga perlas sa leeg nito na halata mamahalin din.
"Good evening hijo" bati ng Mama ni Gavin rito. At hinalikan sa pisngi ang anak, bago nalipat sa kanya ang tingin ng Mama ni Gavin.
"Good.. evening po" medyo garalgal na bati nya sa magandang babae. Kahit na may edad na ito, maganda parin ito at masasabi nyang mukha itong Donya. Well Donya naman talaga ang Mama ni Gavin. Dahil isa itong Mrs. Saavedra.
"Good evening hija" magiliw na bati nito. Niyakap sya at hinalikan sa pisngi.
"You are a beautiful young lady" puri nito sa kanya ng kumalas ng pagkakayakap. Nahihiya syang ngumiti. At sinulyapan si Gavin. Tumango ito sa kanya at naramdaman ang kamay nito sa bewang nya. Tila pinalalakas ng simpleng yakap ni Gavin sa bewang nya ang loob nya.
"She's Ellise Ma, my wife" pakilala ni Gavin. Naramdaman nyang tumalon ang puso nya sa sinabi ni Gavin. Sino bang hindi tatalon ang puso, kung ipakilalang kang asawa ng isang Gavin Saavedra.
"Yan ang pag-uusapan natin sa dinner" taas kilay na sabi ng Mama ni Gavin.
"Tara na sa komedor, andoon na ang Papa mo at si Gab" sabi ng Mama ni Gavin. Habang naglalakad sa mala palasyong bahay ng mga Saavedra.
Sumunod naman sila ni Gavin sa Mama nito. Nanatiling nakayakap ang kamay nito sa bewang nya. Halos mapanganga sya sa ganda at laki ng bahay ng mga Saavedra. Hindi nya akalain na makakakita sya ng ganoong kalaking bahay sa personal, na halos sa telebisyon lang nya nakikita.
"Wow" anas nya. Liningon sya ni Gavin.
"Do you like the house?"
"Yeah, ang ganda" pag anga nya.
"My brother Gab design this. And sya din ang nag design sa bahay ko" may pagmamalaking sabi ni Gavin. Ngumiti sya rito. Wala naman yatang Saavedra'ng walang talent eh. Si Gavin kasi mahusay pagdating sa negosyo, marami na syang nabasang articles kung gaano ito kagaling magpatakbo ng negosyo. At marahil itong Gab na sinasabi ni Gavin ay isang Architect kaya magaling sa pag gawa ng unique na design ng bahay.
Pagdating sa komedor. Halos malula naman sya sa dami ng handang pagkain sa mesa. Ilan lang naman silang kakain, pero punong-puno ang mesa. At alam nyang hindi basta-basta ang mga nakahain. Isa pa paniguradong hindi rin basta-basta ang nagluto ng mga pagkain.
"Good evening Papa, Gab" bati ni Gavin.
"Good evening po" nahihiya namang bati nya, sinulyapan nya ang ama ni Gavin. Agad nyang nakita kung kanino nagmana ng kagwapuan si Gavin. Hawig ito ng ama. Pero wala syang nakitang ngiti sa mga labi ng ama ni Gavin. Seryoso ang mukha nito. Napalunok sya at kinabahan.
"Maupo na kayo" sabi ng Mama ni Gavin. Pinaghila pa sya ng upuan ni Gavin, at ng makaupo, sumunod itong naupo sa tabi nya. Pasimple nyang muling sinulyapan ang Papa ni Gavin. Ganoon parin ang mukha nito, walang ekspresyon. Lalo syang kinabahan. Nang bilang maramdaman nya ang kamay ni Gavin na pumisil sa kamay nya. Liningon nya ito at tumango sa kanya. Marahil napansin ang takot at kaba nya. Alanganin syang ngumiti at sumunod na nalipat ang mga mata sa lalaking nakaupo sa tapat ni Gavin. Marahil ito si Gab ang sumunod kay Gavin. Tatlong lalake ang mga Saavedra, at nasabi ni Gavin na nasa ibang bansa ang bunsong kapatid nito. Kaya marahil wala ito ngayon sa dinner.
"Hi," bati ng lalaking katapat ni Gavin. Gwapo din ito tulad ni Gavin, at malakas ang appeal tulad ni Gavin. Pero para sa kanya si Gavin Saavedra ang pinaka gwapo sa mga lalaking Saavedra.
"Hi" ganting bati nya sa lalake.
"You must be Ellise, nice to meet you" nakangiting bati ng gwapong lalake. At nakipag kamay pa sa kanya.
"Kumain na tayo" narinig nyang seryosong sabi ng ama ni Gavin. Natigilan sya bigla sa pakikipag kilala sa kapatid ni Gavin.