Chapter 44

Gavin's POV

Pagdating sa bahay ng mga magulang. Agad syang pumasok sa loob at sinalubong sya ng kasambahay nila. Sinabing hinihintay sya ng mga magulang sa library.

Hindi nya napilit na sumama si Ellise sa kanya. Nahihiya pa daw ito at hindi pa handa. Ayaw naman nyang biglain ang asawa. Kaya naman hindi na nya ito pinilit. Mag se-set nalang sya ng tamang araw para ipakilala ang asawa sa mga magulang at kapatid.

Bago sya umalis ng bahay at bago iniwan si Ellise, ay pinagsawa muna nya ang sarili sa asawa. Hindi rin nya maintindihan ang sarili kung bakit tila wala syang kapaguran sa asawa, nais nyang laging itong maangkin ng paulit-ulit. Hindi pa nya naramdaman ang ganoon sa ibang babae. Kahit kay Sabrina pa, never nyang naramdaman ang ganitong excitement sa make love nila ng asawa. Make love? tama ba ang tinuring nya sa ginagawa nila ni Ellise? hindi ba't sex ang tawag nya sa ganoong bagay? at bakit pagdating kay Ellise make love ang tawag nya? magkaiba ang sex sa make love. Alam nya yon. Sex is sex nothing more nothing less. And Make love is make by love. Yon ba ang nararamdaman nya sa ginagawa nila ni Ellise?

"Gavin" tawag ng Papa nya sa kanya pagpasok sa loob ng library. Kung saan naghihintay ang mga magulang.

"Good evening Pa, Ma" bati nya at tuluyang pumasok sa loob ng library. Nakita nya ang masamang tingin sa kanya ng ama. At tila inanakit naman ang sa ina. Alam nyang marahil nagtatampo ang Mama nya sa ginagawa nyang pagpapakasal nang hindi alam ng mga magulang. At alam nyang galit ang Papa nya sa desisyon nya. Nais kasi ng Papa nya na kung mag-aasawa sya ay sa babaing kaya pang iangat ang negosyo nila at hindi kung sino-sino lang. Nais ng Papa nya na ang pagbibigyan ng pangalang Saavedra ay makakatulong sa negosyo nila. Tulad ng ginagawa ng mga magulang sa bunsong kapatid nyang si Gael. Matagal nang naipagkasundo ang kapatid sa nag-iisang anak na babae ng mga Santillan. Ang mga Santillan kasi ang kasosyo ng Papa nya sa Saavedra Santillan Hospital, ito ang pinaka malaking ospital sa San Sebastian. Hanggang ngayon yan parin ang problema ng kapatid na si Gael. Wala nga ito sa San Sebastian nasa ibang bansa, umiiwas sa gustong mangyari nga mga magulang nila, lalo na ng Papa nila.

"Anong kalokohan ito Gavin?!" galit na bungad ng kanyang Papa. Napatayo pa ito mula sa kinatatayuang malaking sofa. Galit na galit nitong inihagis ang news paper sa kanya. Tumama yon sa diddib nya bago bumagsak sa sahig. Nakita nyang sya ang nasa front page ng Business news. Sya at si Ellise. Pababa silang dalawa sa private helicopter nya. Napabuntong hininga sya. Yon ang araw na nagbalik sila ni Ellise galing sa Isla nya. Hindi nya namalayan na may mga reporters na naroon sa paglapag ng sinasakyan nila.

"She's Ellise and-"

"Model? seriously Gavin? pinakasalan mo ang isang pipityuging modelo?!" galit na tanong ng kanyang Ama. Nasaktan sya sa tinuring ng ama kay Ellise.

"Honey, uminahon ka nga, hayaan mo munang magpaliwanag ang anak mo" pigil ng Mama nya sa Papa nya.

Sinulyapan nya ang ina. Kita ang lungot sa mga mata nito. Noon pa man ang Papa nya ang laging nasusunod sa bahay nila. Kaya naman kahit binata pa sya ay hindi na sya umuuwi sa bahay ng mga magulang. Mula nang mapunta sa kanya ang pagpapatakbo ng Saavedra Real Estates ay minabuti na nyang bumukod sa mga magulang. Kilalang tuso  pagdating sa negosyo ang kanyang amang si Gabriel Saavedra. Tuso at talaga naman mabangis ang ama pagdating sa negosyo, kaya naman nabibilang ang ama sa mga naglalakihang pangalan sa larangan ng pagnenegosyo. At sya man ay nabibilang na din, dahil sa tagumpay ng Saavedra Real Estates sa buong Pilipinas. Maraming nagsasabi na sya ang susunod sa yapak ng kanyang Ama.

"Paano mo nagawang magpakasal sa isang ordinaryong modelo lang ah Gavin?!" sigaw ng ama. Nanatili syang walang kibo at nakikinig sa sermon ng ama, sa mga masasakit na salitang binibitiwan ng ama kay Ellise na ngayon ay asawa na nya.

"Papa" simula nya. Nais nyang ipagtanggol si Ellise sa ama.

"I know, hindi ko kayo nasabihan sa plano ko, I'm sorry" hingi nya ng tawad sa mga magulang.

"Wala akong pakialam kung ikasal kang wala kami Gavin! basta sa babaing karapat dapat lang!"

"Honey, tumigil ka nga muna at pakinggan mo ang anak mo" saway ng Mama nya.

" Sige Gavin magpaliwanag ka at bakit mo pinakasalan ang babaing yon?!" sigaw ng ama.

Humugot sya ng malalim na paghinga at humakbang palapit sa mga magulang. Paano ba nya ipapaliwanag? alam ba nyang ipaliwanag? ano nga bang dahilan nya at niyaya nyang pakasalan si Ellise? dahil ba virgin ito? at nais nyang pakasalan muna ito bago may mangyari sa kanila? yon kasi ang prinsipyo nya. Mataas ang paggalang nya sa mga babaing tulad ni Ellise. Sya ang unang lalaki sa buhay ni Ellise. At sya din ang magiging huling lalaki sa buhay nito. Sya lang ang magiging lalaki sa buhay ni Ellise.

"I love her" amin nya sa mga magulang. At pinaglipat-lipat ang tingin sa mga magulang. Nakita nyang lumambot ang mukha ng ina, samantalang lalo naman nagalit at tumigas ang mukha ng ama.

"That's bullshit!' sigaw ng ama.

"Naiibang kana ba Gavin? alam mo ba kung sino ka? isa kang Saavedra! anak kita! ikaw ang susunod sa yapak ko sa larangan ng pagnenegosyo" Galit litanya ng ama na halos maglabasan na ang mga ugat nito sa leeg. At naupo ito sa sofa, nang marahil napagod dahil sa galit.

"At sa tingin mo ba hindi katawa-tawa yang dahilan mo sa pagpapakasal sa babaing yon?!" Galit na patuloy ng ama.

Wala syang mahanap na pwedeng idahilan sa mga magulang, kaya nya sinabing mahal nya si Ellise. Well ewan nya pero kusang lumabas sa bibig nya ang salitang yon. At tila yon nga ang nararamdaman nya para kay Ellise. Mahal na nya si Ellise? teka alam ba nya kung ano ang pagmamahal? tanong nya sa sarili. Tila lalong nagulo ang isip nya sa sariling sagot sa ama.

"Bakit hindi mo kami sinabihan na magpapakasal kana pala hijo?" malumanay na tanong ng ina.

"Soryy po Ma"

"Hindi ko kayo maintindihan ni Gael, sya man pilit gumagawa ng gulo! imbes na pumayag sa kasal nila ni Julia, mas pinili pang magtago sa ibang bansa!" may himig inanakit sa tono ng ama.

"Hindi ko naman po hahayaan ang trabaho ko, hindi naman po porket may asawa na ko mawawala na ko sa focus ko sa negosyo" Sagot nya sa ama.

"I will be the next you Papa. Maybe Ellise wasn't from rich family, but still she is smart too. Isa pa maipagmamalaki ko sya sa ibang bagay, kahit hindi dahil sa pagiging anak mayaman nya" Sagot nya sa ama. Nakita nyang bumuntong hininga ang ama.

"Hindi ko maintindihan yang napakawala mong kwentang rason Gavin! kailangan kapa naging mahina at pumayag kang matali sa isang pipityuging babae?!"

"Papa" may himig na galit sa tono nya. Oo nagagalit sya sa tila napakababang tingin ng ama nya kay Ellise. Pero wala syang karapatang sumagot sa ama. Ama parin nya ito at hindi sya dapat mawalan ng pag galang sa ama.

"Gabriel, bigyan mo naman ng pagkakataon ang anak mo" sabat ng Mama nya.

"Dalhin mo rito ang babaing yan at nang makilala namin ng Mama mo. Kung totoong mahal mo ang babaing yan, iharap mo sya sa amin at nang makita ko kung bakit ka naiibang ng ganyan sa isang babae lang!" galit na litanya ng ama. Marahas itong tumayo mula sa kinauupuan at umismid sa kanya.

"Papa" tawag nya, sa ama. Pero nagtuloy ito sa paglabas ng library iniwan sila ng Mama nya sa loob.

"Hayaan mo na muna ang Papa mo Gavin. Parang hindi mo sya kilala. Nagkakaganyan yan sa tuwing hindi nakukuha ang gusto" sabi ng Mama nya.

"Dalhin mo dito si Ellise hijo, gusto ko syang makilala" dagdag ng ina at hinawakan ang kamay nya.

"Kasal kayo matatanggap din ng ama mo ang tungkol sa inyo, at isa pa gaya ng sabi mo. Mahal mo si Ellise kaya mo sya pinakasalan" Napalunok sya sa sinabi ng ina. Bakit nga ba nya nasabi ang bagay na yon? yon ba talaga ang dahilan nya? Love?

Wala syang maisagot sa ina. Tumango nalang sya rito. At bago nagpaalam nagsabi syang bukas ng gabi dadalhin nya si Ellise sa bahay, para maipakilala sa mga ito.

"Mag se-set ako ng dinner para sa atin, sasabihan ko rin ang kapatid mo'ng si Gab" sabi ng ina. Nang ihatid sya sa labas ng pinto. Ngumiti lang sya at nagpaalam na sa ina.

Pag-uwi nya ng bahay agad nyang nabungaran si Ellise sa may sala. Nakahiga ito sa sofa. Mukhang nakatulog sa paghihintay sa kanya. Nakasuot na ito ng silk na pantulog na halos saktong natatakpan lang ang magandang katawan ng asawa. Napalunok sya habang palapit sa mahimbing na natutulog na asawa.

Isa ito sa nagugustuhan nyang ginagawa ni Ellise sa kanya. Maliban sa pag aasikaso nito sa kanya araw-araw ay matiyaga itong naghihintay sa kanya tuwing uuwi sya ng late. Pero ito ang unang beses na nakatulog ang asawa sa kahihintay sa kanya. Sinilip nya ang relo sa palapulsuan. Mag aalas-onse na pala ng gabi, kaya marahil nakatulog sa kahihintay sa kanya ang asawa. Natagalan kasi ang pag-alis nya sa bahay ng mga magulang. Matapos kasi ang pag-uusap nila ng ama ay ang Mama naman nya ang nagtanong patunggol kay Ellise. At natutuwa syang sa mga kwento palang nya kay Ellise sa ina ay nagustuhan na ng ina si Ellise.

"Ellise" he whispered. At kinuha ang asawang mahimbing na natutulog sa malaking sofa ng sala. Binuhat nya ito. Naramdaman nyang nagising ito.

"Ga.. vin" tila nanaginip na tawag nito sa kanya.

"I'm here Ellise" sagot nya at hinalikan sa noo ang asawa.

Binuhat nya ang walang kabigat-bigat na asawa paakyat sa silid nila. Matapos silang ikasal ni Ellise nagsama na sila sa iisang silid, tulad ng gawain ng tunay na mag-asawa. Kung titignan naman ang sitwasyon nila ni Ellise ay masasabing tunay na mag-asawa nga sila. Maliban lang sa pekeng kasal na alam ng asawa.