Chapter 0 Prologue

Gavin Saavedra 27 years old. Panganay sa tatlong magkakapatid na Saavedra sa bayan ng San Sebastian kung saan halos buong San Sebastian ay pagmamay-ari na ng mga Saavedra. Isang Business Man si Gavin at ito ang nagpapatakbo ng mga Real Estate Business ng mga Saavedra. Kahit busy sa pagpapatakbo ng mga negosyo ay may oras parin si Gavin sa babae. Kaya naman ng makita  si Ellise sa isang Mall na pagmamay-ari ng pamilya nito kaagad na nabighani kay Ellise at hinanap ito kung saan. Si Gavin kase ang tipo  ng lalaki na pag may gusto ay nakukuha nito kahit ano pa yan, bagay man o  negosyo at lalo na pagdating sa babae, walang tumatanggi babae kay Gavin dahil isa itong Saavedra, kilala ang mga Saavedra sa larangan ng negosyo at sa mga babae, dahil ang tatlong magkakapatid ay biniyayaan ng mga gwapong mukha at malakas na sex appeal na hindi kayang tanggian ng mga kababaihan.

Ellise Ignacio 21 years old. Isang freelance model. Matapos magkasakit ang ama ay ito na ang inaasahan sa pamilya, kaya naman pagka graduate sumabak  kaagad si Ellise sa pagmomodelo sa Maynila kahit malayo sa pamilya nito, titiisin nito lahat para sa mga magulang at dalawang kapatid, gagawin ni Ellise lahat para sa pamilya, para sa ikabubuti ng pamilya. kaya naman pati ang pagbebenta sa sarili ay gagawin ni Ellise maisalba lang ang pamilya lalong-lalo na ang Amang may malubhang sakit.

Isang malaking problema ang kinahaharap ni Ellise, may sakit kase ang Ama nya at malaki na ang nagagastos sa pagpapagamot sa ama,  naisangla narin lahat ng mga mga ari-arian na napundar ng Ama, pati ang bahay at lupa  nila  sa San Miguel ay nanganganib ng mawala sa kanila, kaya naman gagawin ni Ellise lahat para lang huwag mawala ang bahay at lupa nila at baka malagay pa sa panganib ang buhay ng ama. Pumayag sya sa halok ng handler na tumatayong Manager nya sa pagmomodelo, ipakikilala daw sya sa mga mayayaman sa industriyang ginagalawan nya na maaaring makatulog sa kanya sa pinasyal. Dahil na rin sa panggigipit sa kanila ng pinagkakautangan nila ay pumayag sya sa halok na trabaho ng kanyang Manager. Yun ay ang ibenta ang sarili sa mayamang matanda na nagka interes daw sa kanya si Mr. Pangilinan na isang matandang mayaman na halos iilan nalang ang buhok sa ulo at malaki pa ang tiyan, pero dahil nga sa pera ay hindi sya makaayaw.

Ngunit sa gabi ng pagkikita nila ni Mr. Pangilinan ay hindi ang inaasahan nyang Mr. Pangilinan ang andoon sa hotel. Kundi isang makisig na lalake, matangkad, gwapo, malakas ang dating, maganda ang pangangatawan, malayong-malayo sa Mr. Pangilinan na nakita nya sa larawan. Gavin Saavedra yan ang pakilala ng lalaki sa kanya. Nagtataka sya dahil sa gwapo at lakas ng sex appeal nito ay pinili nitong gumastos ng milyon makatalik lang ang isang tulad nya.