Chapter 1

"Ellise! ano ba ikaw na!" Sigaw ng event organizer sa kanyan nang halos di pa sya naglalakad palabas ng stage.

"Sorry, sorry" paumanhin  nya at humugot muna ng malalim na paghinga bago naglakad palabas ng stage, sa kilalang Mall sa Maynila.

Isa syang Freelance Model, kung ano- ano ang minimodel nya, pero madalas kinukuha sya ng mga ilang sikat na clothing brand sa pilipinas. She's 21 years old kaka graduate lang nya ng Tourism pero dahil wala pa naman syang permanenteng trabaho sumabak muna sya sa pag momodelo, tutal malaki-laki na rin naman ang kita. Taga San Miguel sya at sa San Miguel University sya naka graduate, pero nakarating sya ng Maynila dahil sa paghahanap ng trabaho, 6 months na rin sya sa pag momodelo at tila nakakasanayan na nya at aaminin nyang nag eenjoy na sya sa trabaho, dahil marami syang nakikilala at mga nagiging kaibigan na mga artista at modelo ding tulad nya. Hindi naman nya pinangarap maging modelo pero na inspired sya sa kwento ni Anya Tragora na dating sikat na modelo bago ito ikinasal kay Joshua Tragora sa San Miguel. kaya nang may mag halok sa kanya ng pagmomodelo agad nyang tinanggap at eto na sya halos ito na yata ang magiging carrer nya.

"Ellise may problema ka ba?" Tanong ni  Lenny ang tumatayong Manager nila.

"Wala naman po" sagot nya habang inaayos ang mga gamit sa bag. katatapos lang ng event at nag-aayos na sila para makauwi na.

"Iba ang lakad at aura mo kanina Ellise, alam kong may problema ka, halatang may gumugulo sa isip mo" Sabi nito at hinawakan ang kamay nya.

"Bakit di mo sabihin sa akin baka makatulong ako" Patuloy nito. sinulyapan nya ito. Alam nyang matutulungan sya ni Ate Lenny pag sinabi nya rito ang problema nya, pero baka mapasama naman ang lahat.

"Pagod lang po ako Ate Lenny" tanging sagot nya lang.

"Ok sige, basta pag may problema ka, sabihin mo agad sa akin ah. lalo na pagdating sa pera, alam mo naman na marami tayong solusyon dyan" Paalala nito bago tuluyang lumabas ng dressing room.

Napaupo sya at tinitigan ang sarili sa salamin. She's beautiful, and she got the perfect body at alam nya yon, dahil pagdating palang nya ng Maynila kung sino-sino na ang lumapit sa kanya at nagpakilala at nagtangkang ligawan sya, pero di nya pinansin ang mga yon, pumunta sya ng Maynila para magtrabaho at magkapera, para matapos na ang problema nila sa San Miguel. nagkibit balikat sya habang nanatiling nakatingin sa salamin.

"Huwag mong gawin Ellise, may isang buwan kapa, kapit lang" bulong nya sa sarili.

Isang buwan nalang kase ang natitirang palugit ni Mr. Crisostomo sa kanila sa bahay at lupa nila sa San Miguel. at kung hindi pa daw sila makabayad ng buo sa loob ng isang buwan palalayasin na daw sila roon. Bagay na hindi pwedeng mangyari dahil yon lang ang naipundar ng Ama. ang bahay at lupa na yon ang tanging naipundar ng Daddy nya sa pagtatrabaho sa ibang bansa bago ito magkasakit at dahil nagkasakit ang Ama nag desisyon sila ng Mommy at mga kapatid nya na isangla ang bahay at lupa na hindi alam ng Daddy nila para lang maipagamot ito. pero dahil sadyang mahal ang gamutan sa sakit na kanser halos malugmok sila sa utang, muntik pa nga syang di maka graduate pero buti nalang tinulungan sya ni Donya Feliza ang may-ari ng Unibersidad. At ngayon malapit na ang isang buwan palugit ni Mr. Crisostomo sa kanila, baka tuluyan ng mawala sa kanila ang bahay isama pa na baka humina ulit ang Ama pag nalaman ang tungkol sa bahay nila. nakakabawi na rin naman ang Ama hindi na nga lang tulad ng dati pero kahit papano sumigla-sigla na ang katawan nito. Ang kinikita nya sa pagmomodelo ay syang ginagamit ng dalawa pa nyang kapatid sa pag-aaral ng mga ito, kaya di nila magawang makabawas man lang ng utang kay Mr. Crisostomo.

Naglalakad sya palabas sa Mall na malalim parin ang iniisip kaya naman nang may mabunggo sya ay muntik na syang bumagsak sa sahig.

"Ouch!" Tili nya at naramdaman ang braso sa bewang nya at dahil na rin sa takot na bumagsak napakapit sya sa braso ng kaharap.

"Are you ok?" Tanong ng kaharap at nag angat sya ng ulo. At tila sya napatulala ng makita kung gaano kagwapo ang ang kaharap. Makapal ang kilay na nakasalubong, magagandang mata na nakatitig sa kanya, matangos na ilong, mga labing mamula-mula at ang amoy nito na napakalakas ng dating, nakasuot  ito ng business suit na halatang mamahalin.

"Are you ok?" tanong ulit nito sa kanya nang halos di parin sya gumagalaw at nananatiling nakamata rito at wala naman itong kangiti-ngiti sa mga labi o kahit anong ekspresyon sa mukha.

"Ah... yeah...." Tila natauhan na sagot nya at mabilis na inalis ang kamay sa matipunong braso ng kaharap. naramdaman din nya ang dahang-dahang pag alis ng kamay nito sa bewang nya na ewan nya kung bakit tila may kuryente syang naramdaman doon.

"Sorry..." Nahihiyang sabi nya at inayos ang bag sa balikat.

"Yeah... just take care yourself" Sabi lang nito at natuloy na sa paglalakad. liningon nya ang lalaki at napansin nyang may kasunod itong dalawang pang lalaki na naka puting polo na tila ba mga bodyguard nito.

"Bodyguard? sino kaya sya?" Tanong nya sa sarili habang nakasunod parin ng tingin sa lalaki.

"Baka anak ng pulitiko, Gwapo pero mukha masungit" Bulong nya at nagtuloy na sa paglalakad papunta sa parking area.

May condo at kotse sya. Nung una ayaw nyang kumuha dahil kailangan nya ng pera, pero mahihirapan naman sya kung wala syang sasakyan papunta sa mga event. Ang condo naman sinubukan nyang makisama sa ibang mga katrabaho pero dahil di naman sya sanay sa buhay maynila ay di nya natiis kaya kumuha sya ng sariling Condo sa di masyadong sikat na building pero maganda naman at may seguridad sya.

Pagdating nya sa Condo kaagad nyang tinawagan ang Mommy nya para kumustahin ang mga ito.

"Anak si Mr. Crisostomo masyado na tayong minamadali, hindi ko na nga mapakiusapan eh. nahihirapan na ko baka marinig ng Daddy mo" Sabi ng Mommy nya sa kabilang linya.

"Don't worry Ma, titignan ko po kung makakapag loan ako para kahit 1/4 muna maibigay na natin kay Mr. Crisostomo"

"Elise hindi kita minamadali, sadyang naiipit na tayo, ang Daddy mo baka humina ang katawan pag nalaman nya ang tungkol sa bahay" May hagulgol na sabi nito.

"Sige po, kakausapin ko na po ang handler ko para matulungan ako mag loan" Sagot nya sa ina at agad ng nagpaalam dahil naiiyak na rin sya.

Kailangan na nyang gumawa ng paraan bago pa makahalata ang Daddy nya. hindi na maaaring humina pa ang katawan ng Daddy nya dahil baka hindi na ito makarecover pa. Nang biglang tumunog ang telepono nya.

Luke

Bumuntong hininga sya ng mabasang si Luke ang tumatawag. sikat na artista si Luke sa isang TV station nakasama na nya ito ng ilang beses sa event at lagi sya nito pinapansin hanggang sa makuha nito ang number nya kay Ate Lenny. minsan na syang sumamang kumain sa labas kay Luke utos na rin ni Ate Lenny nya para daw sa trabaho naman, alam nyang may girlfriend ito na non-showbiz kaya ayaw nyang pansinin isa pa wala pa syang balak pumasok sa ano mang relasyon, marami pa syang problemang dapat ayusin bago ang sariling kaligayaan.

Hinayaan nalang nyang mag ring ang cellphone alam nyang magsasawa din ito sa pangungulit sa kanya. Matapos nyang magbihis kaagad nyang tinawagan si Ate Lenny nya alam nyang ito ang makakatulong sa kanya ngayon.

"Sige magkita tayo mamayang 7pm sa Taguig. Don ko sasabihin ang gagawin mo para matapos na ang problema mo" Sagot nito ng sabihin nyang kailangan nya ng pera at kung makakautang sya rito.