CHAPTER 15

Darius' POV

"Nag sisisi kana ba?" tanong ni Philomena.

"Wala akong dapat pag sisihan, kung hahayaan ko pa siya dito baka mas lalo lang madagdagan ang mga kamalian ko." sabi ko.

"Hindi ka magaling mag sinungaling Darius, oo nakalimot ang lahat ng nilalang dito pero gaya nga ng sabi ni Ma Buksa, hindi madaling makalimot ang puso. Tingnan mo yang kambal na bato, magaan padin loob nila kay Ezra."

Nakatingin lamang ako sa kawalan, parang nagiging sariwa nanaman ang trahedyang iyon.

"Edi mas lalo kana, alam ko namiss mo siya." imik ni Philomena. "Hindi ko agad nakilala na siya pala si Ezra, ang daming nag bago sakaniya, nadismaya kaba na hindi kana niya maalala?"

"Bakit parang concern ka sakaniya? Eh hindi nga kayo sobrang close noong mga bata pa tayo." seryoso kong sabi.

Nag kibit balikat siya at tumabi saakin, "You were too harshed on her, sa pag papaalis mo, pero mas nag aalala ako sayo Darius, hindi mo kasalanan 'yong trahedya. Aksidente 'yon."

Ano kayang magiging reaksyon at mararamdaman niya?

Pag nalaman niya na ako din ang dahilan ng pag kamatay ng Ina niya.

• flashback

"Buti naman pinayagan ka nina Ina at Ama mo." sabi ni Ezra.

"Alam naman nila na babalik din ako agad doon, atsaka kasama ko naman sila kambal!" sabi ko habang nag bubuo ng mga laruan na dala dala niya.

Pati sina istong at batong ay nag lalaro din.

"Look Da!" tinaas niya ang isa niyang laruan na si Superman. "Ikaw 'to, kasi you always save my day!" nakangiti niyang sabi.

Napangiti naman ako ng malawak, hinawakan ko ang isang laruan niya na bulaklak at nilagay ito sa may tenga niya. "Hindi ka kasi pwede sa tunay na bulaklak, kaya ayan nalang muna. Tutal, singganda mo din yan."

Namula bigla ang kaniyang pisngi kaya tinawanan ko siya and she pouted.

"When I grow up Da, iingitin kita sa mga flowers na ibibigay ng mga magiging boyfriends ko!" pag tataray niya.

"Sus, edi hindi sila karapat dapat na maging boyfriends mo." sabi ko naman.

"Huh? Bakit?"

"Bakit ka naman nila bibigyan ng mga bagay na makakasakit sayo? Kung mahal ka nila, hindi nila hahayaan na mapahamak o masaktan ka."

Kumunot ang noo niya.

"Kaya mo ba ito binigay sakin? Ayaw moko masaktan?" tanong niya.

Tumango ako, "We don't want our friends to get hurt!"

We both laughed at nag patuloy na sa pag lalaro.

May bigla naman akong naalala.

"Uhmm.. Ezra?"

"Hmm?" tugon niya.

"Pag lumaki na tayo, babalik ka padin ba sa lugar namin?" tanong ko.

"Oo naman! Araw araw pading akong babalik! Hinding hindi ko kayo malilimutan!"

"Totoo ba yan?" pag sisigurado ko.

Sunod sunod siyang tumango, "How about sumama ka sakin minsan, we can go to school together!" masaya niyang sabi.

Pero tumungo ako, "Why? Ayaw mo ba? Pwede ka naman lumabas anytime you want Da."

"Baka hindi ako payagan nila Ama." sabi ko.

"Ganun ba? Pero don't worry! Babalik ak--

"Ezra?? Anak??"

Napatayo kami mula sa pag kakaupo nang biglang may tumawag sakaniya.

"Mama? Papa?"

Nako lagot.

Nag ibang anyo ang kambal at naging normal na bato.

"Diyos ko anak, kanina kapa namin hinahanap ng Papa mo." bumaba sila para makalebel si Ezra.

"Dumating ang mga pinsan mo galing sa probinsya, play with them." sabi ng Papa niya.

"And who's this little boy?" tanong ng Mama niya.

"He's Darius, my friend." sagot naman ni Ezra.

"Really? How did you two meet?" tanong ng Papa niya.

"I just saw him po."

"Iho, saan ka nakatira? Bakit naman dito pa kayo nag lalaro sa gubatan?" tanong ng Papa niya.

Anong isasagot ko??

"Uhhhmm--

"Ouccchh!! My tummy hurtsss..." biglang daing ni Ezra.

"What? Nako ikaw kasi anak eh kung saan saan ka nag sususuot. Halika na umuwi na tayo." agad siyang binuhat ng Papa niya.

"Iho, you should go home na din ha." sabi ng Mama niya saakin at tumango naman ako.

Palihim na tumingin saakin si Ezra at kumindat.

She mouthed something, at agad ko itong naintindihan.

"Ang lugar na limlim ay mananatiling lihim, sa pagitan nating dalawa, ikaw at ako ay mananatiling mag kasama."

She waved goodbye at nag laho na ako.

Hindi ko maipag kakaila na nakaramdam ako ng kaba nang makita ko ang mga magulang niya. Mukha silang mababait pero mga Mortal padin sila, at iyon ang kinakatakot ko.

Nang makauwi ako saamin ay agad akong sinalubong ni Ama at Ina.

"Nag laro kayo ni Ezra?"

Sunod sunod akong tumango.

"Himala yata at maaga kayong natapos sa pag lalaro." sabi ni Ama.

"Uhmm.. Papayagan niyo po ba kong pumasok sa school kasama si Ezra?" bigla kong tanong.

Nag katinginan naman silang dalawa.

Lumuhod si Ina para mapantayan ako, "Anak, bakit bigla mo naman yang naisip? Niyaya kaba ni Ezra?"

"Opo."

Hindi sila agad umimik at parang nagulat sila sa sinabi ko.

"Anak, ang mundo sa itaas ay magulo. Madami kang makakasalamuha doon na hindi mo alam ang pag uugali." sabi ni Ama.

"Nakita po kami ng mga magulang ni Ezra kanina." pag amin ko.

"Ha?? Anong sabi nila? Hindi ba sila nag taka?" sunod sunod na tanong ni Ina.

Umiling ako.

"Darius, pumasok kana muna sa kwarto mo." utos ni Ama kaya tumango nalang ako at lakad.

Ngunit hindi ako pumunta saakin kwarto, nag tago ako sa likudan ng pinto.

"Sa tingin ko, dapat na nating putulin ang ugnayan ni Darius at Ezra."

"Malulungkot ang anak mo." sabi ni Ina.

"Alam ko, pero ito ang dapat, hindi na ako natutuwa sa mga nangyayare. Baka mapahamak si Darius, at ang lugar natin."

"Buo na ang desisyon ko, kailangan na nilang kalimutan ang isa't-isa." desididong sabi ni Ama.

"Paano mo gagawin iyon? Mahina ang kapangyarihan natin sa labas. Hindi kagaya ni Darius na kahit anong oras niyang gugustuhin walang mababago."

Sa takot ko na pag layuin kami ni Ezra, umisip ako ng paraan para hindi ito matuloy.

At iyon ay ang pag lalayas ko.

Noong gabi ding iyon ay nag alsabalutan ako, sinigurado ko muna na lahat ay nag papahinga na sa kani-kanilang tahanan.

Bitbit ko ang aking ilang mga gamit at akmang tatakas na nang biglang makasalubong ko si Ma Buska.

"Saan ang punta ng aming Unico ijo?"

Napalunok ako.

"M-Mag lalaro po Ma Buska.." sabi ko.

Tumawa siya, "Parang gabi na ata ang pag lalaro mo, pupuntahan mo ba si Ezra?"

Dahan dahan akong tumango. Kailangan ko nang makaalis baka isumbong niya ako.

Pumikit ako ng mariin at saka lumabas ng lagusan.

- End of flashback

"Darius??" napabalik ako saaking sarili nang umimik si Philomena.

Tumayo ako atsaka tumalikod. "Mag papahinga na muna ako Philomena, iwan mo na muna ako." sabi ko saka sinarado ang pinto.

---