13-The Superior

"Kumain kana ba master?" tanong ng bagong dating na si Summy.

Nakikita niya namang wala pang pag kain sa table diba? Mukang tama nga si Odeza na may pagka bobo itong mga members ko.

"Hindi pa ko kumakain kaya kung ano sayo umalis ka sa harap ko kung ayaw mong ikaw ang kainin ko," pag babanta ko.

Tumawa naman siya bago lumapit sakin. "Wow naman ang wild ni master HAHAHA.."

Inambahan ko siyang sasapakin kaya mabilis siya gumilid at hinayaan akong mag lakad papuntang counter para kumuha ng makakain.

"Isang cassava cake at mango juice yung hindi subrang tamis, pakisamahan nalang din ng Menudo with rice," order ko.

Pumila naman ako sa waiting area at hinintay na tawagin ang naging order ko. Hindi naman naging matagal dahil after a couple of minutes natawag narin ang para sakin.

"Isang cassava cake, mango juice, at isang Menudo with rice!"

Nag taas ako ng kamay bago lumapit at kukunin na sana ang order ko ng may isang lalaking matangkad ang naunang kumuha non.

Gulat naman ako dahil sa ginawa niya, hindi ko siya nakita sa waiting area kaya panong naging sa kanya ang order ko? Panong naging sa kanya iyon?!

"Pukingina naman," bulong ko bago habulin ang lalaki. "Hoy! Order ko yan kaya ibalik mo sakin yan!"

Hindi lang ang atensiyon ng lalaking may hawak ng order ang naagaw ko kundi halos lahat ng mga students sa loob ng canteen.

Tinuro niya naman ang muka niyang may iilang band aid pa, hindi ko alam kung totoo bang may sugat yun o design lang para mag mukang astig.

"Oo ikaw! Ibalik mo sakin iyang pag kain ko dahil nabayaran ko na yan kanina pa!" pag sisinungaling ko kahit ang totoo free ang pag kain dito basta ipakita lang ang ID.

Nakita kong gumawi ang tingin niya sa babae na nasa counter, yung nag bigay sa kanya ng pag kain ko.

"Order ko yun ate kasasabi ko lang non sayo kanina diba? Bakit diyan mo sa lalaking yan binigay?" turo ko sa lalaking nasa harap ko lang.

Lalakad na sana ulit siya ng pigilan ko sa pangalawang beses wala na kong pakialam kung pinag titinginan na kami basta ang importante makuha ko ang pag kain na para sana sakin.

"Who is she? And what is she doing?"

"Lagot mukang siya yung bagong salta, yung nang insulto sa laro ni Govannie?" pati ba naman yun hindi na nakalimutan?

"Walang sinasanto yang si Pres mukang may bagong saltang mapapahamak!"

Hindi ko alam kung bakit ganyan sila mag bulong-bulongan kung yun man ang tawag nila diyan sa ginagawa nila, what's the big deal? Hinihingi ko lang ang pag kain ko that's all!

"How dare you?" bigla niyang tanong.

Hindi ko alam pero may hindi ako normal na naramdaman hindi yung feelings na in love ha baka iyon ang iniisip niyo.

Parang may kung ano sa boses niya na kayang panginigin ang katawan ko. Fuck! Wait lang! Ibang nginig! Hindi yung sa sarap ha kundi dahil sa parang malamig niyang boses.

"Y-yung lunch ko!"

Gusto ko kutusan ang sarili dahil sa biglaang pag kautal at pag piyok, ni hindi ko nga kayang titigan ang walang buhay niyang mga mata. Ang muka niya, ang expression ng muka niya parang dala-dala niya ang mundo sa hindi malamang dahilan, para siyang pagud na wala sa tamang katinuan. Gets?

Pwede niya naman ibigay nalang yung lunch ko diba? Pwede naman siyang bumili o kumuha dahil libre naman, sayang yung oras na dapat mag m-mall ako ngayon pero ito nag iintay na ibalik niya ang pag kain ko.

"Your lunch?" parang bobo niyang tanong.

"Oo akin ang pag kain nayan kaya kung ako sayo, put that tray down at kumuha ka ng sayo."

Binaba niya naman ang tray kagaya ng sinabi ko pero kinuha niya ang cassava cake ko at mango juice.

"Eat up," utos niya.

What the fuck? Akin yun! Akin din ang pag kain na kinuha niya. Iyon ang balak kong una kainin bago ang rice with menudo ko pero kinuha at kinagatan niya na.

Mabilis kong inagaw ang cassava sa kamay niya pero hinihila niya pabalik, ano ba talaga ang trip ng totoy na to? Jusko naman.

Nahati sa dalawa ang cassava cake isa nasakin ang isa agad niyang sinubo at uminom ng mango juice.

"Eat your lunch," saad niya ulit.

Hindi na ko nakapag pigil pa mabilis kong hinila ang necktie niya bago ilapit ang muka niya sa muka ko.

"Putangina ka ba? Pag kain ko ang kinain mo! Akin yun at ako ang nag order non!"

Naramdaman ko ang kamay na pimipigil sakin at ang boses ni Summy kasama si Ethel.

"Shit ka master mapapahamak ka dahil diyan sa gagawin mo," mahinang saad ni Ethel.

"Sorry for her behavior President Chase, bago lang siya," Summy.

"You know her Ms. Summy?" formal nitong tanong.

Pilit naman akong kumakawala kay Ethel at hindi parin natatakot kahit alam ko na kung sino at ano ang kayang gawin ng lalaking nasa harap ko ngayon.

"Ito ba yung Liam ha? Tangina akala ko ba mayaman yan? Bakit na ngunguha ng pag kain ng iba?" walang pag dadalawang isip kong sunod sunod na tanong.

Kahit natakpan na ni Ethel ang bibig ko huli na dahil narinig na ng lahat ang sinabi ko.

Kita ko kung paano gumawi sakin ang madilim niyang tingin, bakit pikon na siya niyan? Anong kinakagalit niya? Tinawag ko siya sa second name niya o dahil minaliit ko ang pagiging mayaman niya.

"Anong tinawag mo sakin?"

"Mahaksbdsldbsbsnsm...."

Gusto kong mag salita pero tinatakpan parin ni Ethel hanggang ngayon ang bibig ko kaya kinailangan ko pa itong dilaan para lang mabitawan niya ko.

"Shit ang baboy mo!" reklamo nito bago ako bitawan.

Gumuhit ang ngisi sa labi ko bago lumapit kay Liam at bulongan siya.

"Liam, Liam, Liam," pag uulit ko.

Lalayo na sana ako ng kabigin nito bigla ang batok ko at mas ilapit pa sa pag mumuka niya, naka pikit ako dahil may namumuong takot sakin pag makita ko ang mga mata niya.

Naramdaman ko ang pag dila nito sa mga labi ko bago tumama ang mainit niyang hininga sa tinga ko.

"Be ready to scream that name," he pause a bit and lick my ear.

".... On bed."

He smirk and left me.

Hindi parin mag function sa utak ko ang mga sinabi niya.

Be ready to scream that name? On bed? Is that the last sentence i heard from the most dangerous, worthless, and merciless president?

This is bad, he is bad not just for me but for my heart beats too. Mukang mahihigh blood ata ako dahil sa lakas at bilis ng tibok nitong puso ko.