14-Who Hit The Window?

"Ano te? Buhay ka pa ba? Mukang hindi kana humihinga simula nong encounter niyo ni Pres," biglang epal ni Ethel.

"Ano ka ba hindi naman siya sinaktan ni Pres hindi mo ba nakita? Nag kiss sila! Kiniss ni Pres si Master!"

Gusto ko siyang batukan dahil sa pinag sasasabi niya. Ano ba ang gusto niyang maramdaman ko? Maging masaya dahil hindi ako nasaktan? Jusko mas gugustohin ko nalang makipag sapakan kisa halikan.

"Maybe kaya siya tulala kasi iniisip niya parin yung kiss nila ni Chase kanina," hirit pa nito.

Hindi ko naman mapigilan mamula dahil sa tinuran niya. Totoo naman na iniisip ko parin yung kanina pero wala namang kiss na naganap ah?

Wait? What the fucking freak? Bakit sounds nanhihinayang ako? What's wrong with me?! Totoo namang walang kiss pero hindi totoong nanhihinayang ako.

"Tigilan niyo kong dalawa kung ayaw niyong sirain ko din reputasiyon niyo?" pananakot ko.

Tinaas ko ang bag na hawak ko para makita sa salamin kung bagay ba siya sa kamay ko at sakin.

"Wag nang maraming arte lahat naman bagay sayo," nginitian ko naman si Ethel dahil sa sinabi niya.

"Pati nga rin si Pres bagay sayo," sabat pa ni Summy bago sabay silang tumawa at kumapit sa braso.

Mga siraulo, akala ko ba hindi sila okay? Mukang nag kakasundo sila lalo na pag parte na sakin, ang galing naman nilang mang-inis ang sasarap pag untugin.

"May napili na kong bag kaya kung ako sa inyo bilisan niya may gagawin pa tayo para makuha ang loob nong bestfriend mo," nguso ko kay Ethel.

Nauna akong mag lakad papuntang counter at iniwan ang dalawang hindi parin matukoy kung ano ang bibilhin.

"Pag ito hindi bumagay sakin talagang hindi kita tutulongan kay Kenneth," dinig kong pananakot ni Summy.

"Ulol, kahit isak-sak mo diyan sa bituka mo yang pinsan mo hindi na ko mag hahabol pa dahil hindi ako aso na kinakain ang pag kaing sinuka ko na."

"Tumigil nga kayo! Ang iingay niyo nakakahiya!"

Kanina lang nag tatawanan pa sila tapos ngayon daig ang aso't pusa kung mag sagutan, kulang nalang may makita silang kutsilyo dito sa mall at mag sak-sakan.

"Mauna muna ako sa inyo may dadaanan pa ko sa library pag katapos dito."

Kumaway lang sila sakin at hindi na nag abala pang sumagot.

Lumabas ako ng mall dala ang bagong bag na binili, ngayon ko lang naisip na ano naman ang pag gagamitan ko ng bag na to? Wala pa namang events dito sa school tapos sa gang fight hindi kailangan ng magagandang damit o bags dahil kamao ang puhunan don.

Speaking of events pwede na ngayon mag enroll para sa sports club na gusto ng students at kung hindi pa kayo inform dati akong varsity player ng volleyball.

Well, alam ko kung pano mag laro ng baseball at alam ko rin kung ano pa ang ibang pwede gamitan ng baseball bat.

Yung mas magandang laro, mas exciting at alam kong mas malilibang ako ng tudo.

May nakita akong mga students na nag lalaro para silang mga normal na studyante habang ginagawa ang mga bagay na nakakalibang para sa kanila.

"Miss yung baseball bat pakikuha naman na kay Kian! Iyang lalaki na natutulog!"

Tinuro ko ang lalaking natutulog habang may takip na sumbrero sa muka, kinuha ko ang baseball bat at itatapon na sana papuntang deriksiyon nong mga lalaking nanghihingi, ng maramdaman ko ang bola na papalapit samin, no sa lalaking natutulog.

Kung hindi ko patamaan ang bola gamit ang baseball bat na to matatamaan ang lalaking natutulog, kawawa siya.

Kung patamaan ko baka kung saan nag landing yung bola tapos maging kasalanan ko pa.

"Fuck si Kian matatamaan!"

"Shit do something!"

"Tangina!"

Naprepressure ako sa mga naririnig ko kaya bahala na kung saan mag lalanding ang bola basta hindi makatama ng tao.

Pinosisyon ko ang sarili bago antaying lumapit ang bola sa kinarurunonan namin at malakas na hinampas ito gamit ang baseball bat.

Sinigurado kong malakas ang pwersang gamit para malayo ang pag tilapon at wala ng iba pang matatamaan.

After ng pangyayari na iyon bumalik nalang ako sa dorm at nakalimutan na ang pag punta ng library.

I placed my new collection to the vacant space ng closet.

I missed my wide closet na nasa bahay hindi yun mapuno-puno dahil hindi naman ako masiyadong magastos dahil iniisip ko kung kanino galing ang perang nasa bank account ko.

Naalala ko ang usapan namin ni Odeza about kay Frank, kung makakausap ko si Frank ngayon pwede akong matulungan ni Odeza hindi lang sa pag nakaw ng information sa Office na hindi mabigay ni Summy. Kundi pati malaman kung sino ang nag papadala sakin ng pera.

Nasa kalagitnaan ako ng pag mumuni muni ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

Wow ha, ang speed naman ng dalawang yun hindi pa nga ako nag tatatlong oras nandito na agad sila?

I wonder kung may nabili silang pag kain, gutom na ko kanina pa i forgot to order dahil hanggang ngayon nahihiya parin ako sa mga pangyayari.

Pag bukas ko ng door imbis na ang dalawa ang bumungad sakin, si Govannie at Ethel lang.

Kung hindi ko lang alam na patay na patay itong si Ethel kay Kenneth iisipin kong bagay sila iship.

Tinaas ko ang kanan kong kilay at binigyan si Ethel ng What is he doing here? look pero nag kibit balikat lang siya sakin.

"Anong meron?"

Ngumiti sakin si Govannie kaya litaw na litaw ngayon ang malalim pero maganda niyang dimple.

"Chase is looking for you."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil sa sinabi niya, after nong encounter namin sa canteen don't tell me nafall siya agad sakin?

"Anong kailangan niya?" i ask sabay labas ng pinto.

I didn't bring anything dahil gusto lang naman daw akong makita hindi naman sinabi na may bibilhin o babayaran ako.

"Sumama ka nalang sis," inip na utos ni Ethel.

Nag tataka parin ako kung bakit siya ang kasama ni Govannie? Si Summy ang officer pero bakit si Ethel ang kasama niya? May something ba?

Sumunod ako sa kanila at hindi nalang nag tanong pa, baka miss na ko nong si Liam kaya pinatawag ako bigla.

Pati ako natatawa sa sariling kalukohan, ano ba naman kasing isip to? Mukang jinojoke time ko ang sarili ko ah.

Huminto kami sa isang pinto at unang pumasok si Govannie.

"Where is she?" dinig kong malamig na ani nito.

"Outside," sagot naman ni Govannie.

"Let her in. Lock the door after you go out," ani nito.

Sininyasan ako ni Govannie pumasok kaya pumasok nalang din ako, pero hindi ko inaasahang makikita kong basag at nag kakalat ang bubog sa sahig ang glass window.

"What happend?! H-how hit the window?" singhap ko.

Sarkastiko siyang tumawa bago lumapit sakin.

"Who hit the window? What a bullshit question! Don't ask me, ask youself if why did you do that?! Why did you hit my fucking window?!" labas ugat niyang sigaw.

S-so i did that? Nakita ko ang bola na sure akong pinalo ko kanina.

Iyan ba ang dahilan kung bakit basag na basag ang bintana?!

Naalerto ako ng bigla itong lumapit sakin, lumapit ng lumapit.

"W-wag ka ngang lumapit! Ano ba! Hindi lang salamin ang kaya kong basagin! Pati iyang itlog mo!"

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya bago unti unting humiwalay sakin.

Kinuha ko ang chance na iyon para umalis at iwan siya.

Hindi pa man ako nakakalayo ng maramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Ang sama nito, mukang kailangan ko ng mag paopera para sa ikabubuti ko."