Epilogue
WHEN LIFE drags you down, keep up. Don't look at the thing dragging you, just focus on your goal and keep moving. If you're walking up a very high hill with a rope carrying a big stone at your back, don't mind the heavy stone and focus on the summit. You'll just find yourself resting at the peak of it and finally looking at everything, smiling at the struggle you've surpassed successfully.
It was just a dream for me back then, to be a member of the Kingdom Armed Force. And it was such a struggle for me to get there, the people's prejudices, judgments, comments and say on everything- about women being weak, about girls born to be a servant, about ladies not being able to do hard things are completely disheartening. It's completely discouraging, but I didn't mind them. Instead, I've had this goal of proving everyone wrong about their unhealthy thoughts about women.
We may not be as strong as men, but damn, from the very beginning it was women who overcomes the most painful battle in life- giving birth. And then there are these people who disgustingly disrespect women. Not all, of course but a few feels more than many when put together.
Everyone has limitations, both gender has limitations and this gender can't be a basis on how to treat people. And that was the thing I focused on, to implement equity in our Kingdom. It was really a stepping stone, a life has fallen, but then justice came out.
Beyond these circumstances, I reached my goal. Our Kingdom is finally working on equity, no special treatments, everyone are disciplined to respect and be respected at the same time. Girls aren't servants anymore, they are actually the one who's giving luminous colors to our dull Kingdom.
"Kornalina!" A familiar voice called, I immediately smiled when I realized it was Nethaniah, "Bibisita ka kay Isaiah?"
Masigla akong tumango at sumunod sa kaniya. Mabilis kaming tumungo sa puntod ni Isiah na nakalagay lamang sa hardin ng bahay nila. Marami nang natuyo at bagong bulaklak doon, naglagay pa kami ni Nethaniah ng bagong bulaklak.
"Alam mo bang ikaw ang bukambibig niyan lagi?"
Napangiti ako at tumitig sa puntod ni Isaiah, "Talaga ba?"
"He even struggled that time when he decided to follow you. By that I also realized, I can't be you in any ways."
I gasped and immediately looked at Nethaniah. Mabilis siyang umiling-iling at ngumiti.
"Don't worry, I was never mad at you. Tanggap ko naman na ikaw talaga ang gusto niya noon pa man, naghihintay na lamang akong maibaling niya ang atensyon niya sa akin. Wala akong balak istorbohin ang pagtingin niya sa'yo."
I frowned, "Dapat inistorbo mo. He'll be happier with you, Nethaniah."
Nethaniah shook her head, "He's the happiest, when he's with you. So, did he told you already?"
Nangunot ang noo ko, "Ang alin?"
Ganoon na lamang nasapo ni Nethaniah ang kaniyang noo atsaka lumingon sa puntod ni Isaiah, "Torpe mo talaga! Hindi mo parin nasabi?"
I chuckled, "Well, he told me he still don't have the courage to tell me about his feelings."
Nethaniah chuckled as well, "Yes, this man loves you very much. He couldn't tell you, takot ma-reject hanggang kamatayan."
Tinampal ko naman si Nethaniah, "Grabe ka! Ganoon ka rin eh!"
"Oo na, takot rin akong umamin. Pero hindi hanggang kamatayan, sisiguraduhin kong sasabihin ko sa kaniya bago ako mamatay 'no." Natatawang aniya, ngunit agad ring napawi ang ngiti niya at napalitan ng lungkot, "Too bad, I didn't had the chance to do so. He left without telling me, sana lang ay naririnig niya ako ngayon."
I smiled, "Of course, go tell him everything."
"Like, hoy, Isaiah! Mahal na mahal kita! Sana ako nalang minahal mo, aalagaan pa kita!" Naluluha niyang saad sa gitna ng kaniyang pagtawa.
At ganoon na lamang ako napahinto nang humangin ng napakalakas. Pagkatapos ay muli kaming nagkatinginan ni Nethaniah bago muling tumawa.
"He heard me."
I smiled, "Yes, always."
"By the way! Hindi ka pa ba pupunta doon? Ano'ng oras ba magsisimula?"
Tumango-tango ako, "Susunod ako! Mabilis lang."
"Kung ganoon ay magpapaalam na ako!" Aniya at lumingon sa puntod ni Isaiah, "Bye, Isaiah! See you again!"
We waved at each other before she went to the palace. Today is the grand day and everyone is invited.
It's been five months since the battle in Arena happened, and a lot of changes in our Kingdom was implemented. The incursion was removed, wala nang pilitang magaganap. Ngunit hindi kami nawalan ng lakas, dahil mas marami ang willing na sumama. Dahil nakarami ang mga babae, maraming babae ang gustong magsilbi sa Kaharian bilang parte ng sandatahang lakas. At ngayon ay malaya na silang nakasama.
Ang mga ayaw ay hindi pinilit, kaniya-kaniya naman silang gawa sa mga gusto nila. Hindi ko na rin alam kung saang parte ng palasyo inilibing ang Ministro, ngunit binigyan parin siya ng maayos na libing sa kabila ng kaniyang mga ginawa bilang isang tao at Ministro ng Palasyo.
Ang team Canidae at Felidae?
Sigurado akong naghahanda na ang mga iyon para sa kanilang araw. At ito ang araw na iyon.
Nangingiti akong tumingala sa kalangitan at ngumiti, "Nandyan ka ba? Nakikita mo ba ako? Eto na ako ngayon, Isaiah!"
Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang humangin ng napakalakas sa aking paligid.
"You are invited! Punta ka ha, panuorin mo ang kaibigan mo mamaya! Para sa'yo 'to!" Nakangiti ko pang sigaw atsaka kumaway sa langit.
Napakislot ako nang mayroong sumigaw sa likod ko.
"Hoy, sino bang kinakausap mo d'yan? Tara na, mahuhuli na tayo!"
Ganoon na lamang ako kabilis na napalingon kay Salathiel at ngumiti.
Muli ay lumingon ako sa puntod ni Isaiah at kumaway, "Sama ka sa'kin? O mamaya ka nalang? Sige ha, see you! I missed you, Isaiah! Panuorin mo 'ko mamaya!" Sigaw ko bago tuluyang tumakbo paalis.
Naramdaman ko pa ang muling pagyakap sa akin ng hangin bago ako tuluyang nakaalis. Kaya naman mas masigla akong lumapit kay Salathiel.
"May bago kang sasakyan?" Puna ko sa mamahaling sasakyan sa tabi niya, "Bigatin ka na ngayon. Ayaw mo nang napapagod."
Umirap siya, "Ikaw lang naman ang pumagod sa akin. Hindi ko 'yon makakalimutan, Karnolina. Ikaw lang ang pumagod sa akin ng ganoon."
Napahalakhak ako nang maalala ang paghabol namin sa tren. Bumagsak pa s'ya sa lupa noon dahil sa pagod. Tumakbo ba naman mula Heimdall patungo sa Mileage at habulin ang tren, sino'ng hindi babagsak?
"Eto na nga, sa'yo na nga kalahati ng kabuhayan ko diba!" Natatawa kong aniya.
"Don't give me that joke. Live a better life, that's enough for me." Aniya at binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan upang papasukin ako, "Sigurado ka bang hindi ka na magsusuot ng magarang damit?"
Ngumiti ako, "Pagdating na doon, nakahanda na ang susuotin ko. Sa ngayon, tara na!"
Ngumisi na lamang si Salathiel pagkatapos ay kumaway muna sa puntod ni Isaiah bago tuluyang umalis.
Tahimik lamang ako sa buong biyahe, hindi parin makapaniwala na ganito na ang nangyari sa Fatum. Hindi parin makapaniwalang nakaligtas ako, kahit na siya ay hindi.
I missed him so bad. Alam kong sobrang matutuwa siya kapag nakita niya ang naabot ko ngayon.
Tuluyan kaming nakarating sa palasyo, at nakakamanghang naroroon ang iba't-ibang Maharlika mula sa mga Kaharian. Naroroon ang mga Maharlika ng Eufrata, at Alemanya. Pati na rin ang mender sorcerers na hiningan ng tulong ng aming kaharian ay nandoon.
Ang mga mender sorcerer ng Eufrata at Alemanya kasama ang mga medics ng Fatum ang nagtulong-tulong upang mabilis kaming mapagaling. Nakakamangha dahil sa gitna ng mga natamo namin ay gumaling na kami ng tuluyan pagkatapos ng ilang buwan. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko alam kung mabubuhay pa ba kami. Kahit na hindi nila siya nailigtas, alam ko namang masaya na s'ya para sa akin ngayon.
Huminto ang sasakyan ni Salathiel sa garage ng palasyo kasama ang pinakamagagarang sasakyan sa Fatum. Nagpaalam na ako sa kaniyang pupunta na ako sa Hall na dapat kong puntahan at mabilis naman s'yang nakihalubilo sa mga naroroon.
Napangiti na lamang ako. Atleast, the thief I met already changed. Hindi na siya nangingialam sa gamit ng iba, hindi niya rin pinagtitripan sina Sypher at sa tingin ko'y nagkasundo na rin sila kahit papaano.
Salathiel changed, and I'm glad he chose to.
Magiliw akong sinalubong ng mga kapatid ko sa tapat ng hall na pagbibihisan ko. Dapat ay magsusuot ako ng uniporme, ngunit ang sabi ng mga maharlika ng Fatum ay magsuot nalang muna kami ng pormal na damit dahil ipapakilala kami sa lahat. Magpapalit nalang kami ng uniporme para sa parade na gaganapin mamayang hapon, sa ngayon ay ipapakilala muna kami sa mga tao.
Akma na sana akong papasok sa hall nang biglang may kumarga sa akin.
"H-Hunter!" Masigla kong bati at mabilis siyang niyakap nang ibaba niya ako habang humahalakhak, "Goodness, I missed you!"
Hunter chuckled, "I missed you more, Hybrid. I can't wait to see you wearing a- dress."
Napangiwi ako, "Tingin mo, 'di bagay?"
Ngumisi siya, "Isa lang naman ang bagay sa'yo."
Tinampal ko s'ya, "Ano?"
Umirap s'ya, "Hindi ano, sino!"
Napahalakhak na lamang ako, "Sino ba?"
"Ako." Aniya at kumindat, mas lalo tuloy na lumakas ang tawa ko.
Hindi na ako nahinto nang magsidatingan na ang iba pang Team Felidae na nakasuot ng pormal nilang kasuotan. Nakakamangha, grabe ang datingan nila. Ewan ko nalang kung walang bitbit na babae ang mga 'to paglabas nila sa palasyo mamaya. They are indeed gorgeous, from Hunter, Shawn, Seven, Zeen, and Kugo.
"Oh, hybrid! I'm glad to see you again!" Masiglang bati ni Kugo at niyakap ako. Niyakap ko naman sila pabalik.
Masigla ko naman silang lahat na niyakap, "Maghanda ka na, magsisimula na ang okasyon maya-maya." Ani Seven.
Tumango ako, "Oo, kaya babye na! Mag-aayos na ako!"
"Bilisan mo!" ani Kugo at kumindat, "Miss mo na 'no."
Biglang kumalabog ang puso ko, bigla na lamang akong napanguso at napayuko.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Zeen sa balikat ko, "Maghanda ka na, para sa kaniya 'to. 'Wag mo siyang bibiguin, magpaganda ka."
Mas lalo akong napayuko, "T-tara na nga, hihintayin ka namin ah!" Ani Shawn pinitik ang noo ko, "Kilos na. No spacing out, sabi niya diba?"
Tumango na lamang ako at ngumiti sa kanila bago sila tuluyang nawala sa paningin ko. Napailing-iling na lamang ako habang naaalala ang pinagdaanan namin sa Arena, ang dami palang nabago. Sobrang dami.
We formed a bond that'll never break whatever happens. We have faced a lot and harder struggles back at the arena, the struggles out and in of this palace will not break us anymore.
"Ate, tara na..." kalabit sa akin ng kapatid ko papasok sa hall.
Ngumiti na lamang ako at sumunod.
Nakita ko si Mama na naghihintay sa akin upang ayusan ako. Gusto kong umiyak at humiyaw sa naghalo-halong nararamdaman, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako pwedeng maging emosyonal ngayon, may okasyon.
"M-mama..."
Ngumiti si Mama sa akin, "Oras na, para ipakita sa mundo kung gaano kaganda, anak."
Ngumiti na lamang ako at ipinagkatiwala sa kaniya ang lahat.
NAUBOS ni Mama ang kalahating oras ng pag-aayos sa akin, at talaga namang mangiyak-ngiyak na siya habang tinititigan ako sa aking hitsura.
"Kornalina... anak." Emosyonal niyang saad at niyakap ako, "Anak..." aniya at hinaplos ang likod ko, "Proud na proud kami sa'yo, anak. Ang daming nabago sa Fatum dahil sa'yo, maraming salamat sa'yong katapangan."
Umiling-iling ako, pinipigilan ang sariling maiyak, "S-syempre po, matapang ang mga magulang ko diba?"
Bumitaw si Mama at iniharap ako sa bagong dating na si Papa. Maluha-luha naman itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ang ganda ganda talaga ng anak ko, tapos nagiging makisig sa Arena." Ani Papa na ikinatawa namin.
Napahalakhak naman ako, "Maraming salamat sa tiwala, 'Pa. Sa lahat-lahat, maraming salamat."
"Hindi anak, maraming salamat sa'yo dahil hindi ka nagpaapekto. Maraming salamat, nabigyan ko ng katarungan ang kaibigan ko."
My father and chevalier- Captain's father were was friends. Sinira lang talaga ng sakim na Ministrong iyon. Ipinagkatiwala ng Chevalier ang espada nito kay Papa na ipinagkatiwala naman ni Papa sa akin.
"We are so proud of you."
Pagbitaw ni Papa ay literal na nanlambot ang puso ko nang makita ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya na napigilan, kaya naman mabilis siyang lumabas at umalis. Napangiti na lamang ako at napalingon sa pamilya kong nagsisi-iyakan narin.
"Papanuorin ka namin." Nakangiting ani Mama at kumaway sa akin bago tuluyang lumabas.
Maluha-luha ko naman silang pinanuod bago pinagmasdan ang sarili sa salamin. Literal akong napanganga nang makita ang aking kaibahan, hindi parin ako makapaniwala sa hitsura ko.
"Ako ba 'to?" Bulong ko at matiim na tinitigan ang sariling repleksyon.
I'm wearing a Carolina Burgundy dress, revealing my curves. I'm also using a red pin heels. Nagpraktis pa ako sa paggamit ng heels, isang hakbang pa lang kasi ay natutumba na ako.
My hair was braided in a waterfall style.
"Ako ba talaga 'to?"
"Sino pa ba?"
Ganoon na lamang ako napakislot at literal na napalundag nang lumitaw mula sa repleksyon ng salamin ang isang pamilyar na tao-- ang nilalang na hindi ko inaasahang papasok ng basta-basta sa hall ko.
Namimilog ang mga mata akong lumingon sa kaniya at mabilis akong napanganga nang makita ang kabuuan niya.
Siya ba 'to?
"You are so damn beautiful, baby."
Hindi ba ako nananaginip? Siya ba talaga 'to?
Kunot-noo akong lumapit sa kaniya, at nang makalapit ako'y walang pasabi ko siyang sinundot-sundot sa dibdib. Mabilis akong napaatras nang mapagtantong siya nga iyon, nahawakan ko s'ya!
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Nakasimangot niyang tanong at nagsimulang humakbang palapit sa akin, ako naman tuloy ang napaatras ng bongga.
"I-ikaw ba yan?"
He furrowed, "Who else? May iba pa bang ako sa buhay mo?"
Ganoon na lamang kalakas na naghuramentado ang puso ko, hindi na ako mapakali sa sunod kong gagawin. Bigla ay gusto kong malusaw, ngunit gusto ko rin siyang takbuhin upang yakapin.
"I-Ikaw ba talaga yan?"
Tumalim ang titig niya sa akin, "May iba ka bang inaasahan?"
Mabilis akong umiling-iling, "W-wala!"
Huminto siya sa tapat ko, "So, you'll just stand there and stare at me?"
Mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata.
Damn, I missed those menacing brownish-red eyes. It's fascinating and astonishing in its own way. I'm totally flabbergasted once again, his sharp jaw looks impeccable perfectly fitting his full pinkish lips.
After a very long time, he's finally infront of me!
He sighed, "I'm disappointed, I guess I'm the only one who missed you."
Namilog ang mga mata ko at aligagang umiling-iling, "Y-you have no idea! I missed you so much to the point that you're always appearing in my dreams."
Ngumisi siya, "Damn, I missed you so much."
"Y-you still remember me."
Hindi mahinto sa pagkalabog ang dibdib ko. Matapos ang kaniya-kaniya naming pagpapagaling ay hindi na kami nagkita pa. Ang buong akala ko'y kinalimutan niya na ako, ang buong akala ko'y ako lang ang nag-iisip sa kaniya.
He started walking towards me again, "How could I forget those mesmerizing cat eyes of yours, Kornalina? Those thick eyebrows that has a perfect curve and line, those full lips that fucking got me the first time I saw it. Those healthy cheeks that makes you look sexy at the same time, your messy yet fragrant hair. Everything about you is stuck in my head, how could I forget you?"
Literal na akong napaluha at walang pasabing niyakap siya.
"I missed you, Captain. I thought I'm going to lose you too."
He caressed my back and hugged me back tighter, "I missed you more, and it's Sardonyx for you, hybrid. You'll be calling me commander from now on."
I chuckled and hugged him tighter. Damn, I couldn't forget his sacrifices for me. I'm living because of it, and I'll remember everything he did for me, always.
"Thank you." Bulong ko.
"Hm?"
I buried my face in his chest, "For everything."
"I'll do anything for you. I'm your commander."
Lumawak ang ngiti ko at kumawala sa kaniyang yakap. Pagkatapos ay mariin ko siyang tinitigan.
"Up for a new quest again, Kornalina?"
Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. He's calling me by my name, and damn, I love my name now.
"As long as I'm with you."
Napangiti si Sardonyx, "We should go, they're waiting for us."
Tumango-tango ako at sumabay sa kaniya palabas sa hall. Naglakad kami patungo sa harap ng palasyo, ang paggaganapan ng event ngayong araw.
Hindi naalis ang ngiti ko, hindi rin mahinto sa pagkalabog ang didbib ko. Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa habang kasama ang Kapitan ng buhay ko.
Yes, he's alive and kicking. He's very well, very fine and very okay. Hindi mapapatumba ng basta-basta ang isang 'to, higit pa yata sa siyam ang buhay ng Onyx na 'to. Hindi na gumagalaw, nang humagulgol kaming lahat ay bigla na lamang huminga.
Yes, that's Sardonyx y'all.
Oh, so who was I referring to earlier? It was my childhood friend, Isaiah. His stomach was devastated, the mender sorcerers was not able to heal him because he was already dead on arrival. I really missed Isaiah, and I know he's with me right now, or even watching me, or he's just going to watch me as I take the medal and trophy.
"I feel really sad for your friend."
Bigla akong napalingon kay Kap, "Don't worry, he's now happy guiding me."
"Happy watching us together?"
Napayuko ako, pakiramdam ko'y namula ako sa sinabi niyang iyon.
"He should be, I'll take care of you whatever happens." Aniya na muli kong ikinalingon, "I don't have a surname, can I take yours?"
Ganoon na lamang namilog ang mga mata ko sa gulat, naghuramentado ang puso ko at kapag hindi ako nakalayo sa kaniya ay bibigay talaga ako.
"W-what the hell are you talking about?"
He frowned, "I think it's better if I put my name after your name."
"H-huh?"
"I'm still working on that part. But I'll make sure you'll take my name no matter what."
Ganoon na lamang kumalabog ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Bigla ay nagningning siya sa harapan ko. Anong ginagawa ng Captain na 'to sa'kin?
Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang anunsyo sa labas. Saktong-sakto, pagdating namin sa harapan ay siya namang pagtawag sa amin.
Ngumiti na lamang ako kay Kap ay mabilis na sumunod nang tawagin ang pangalan ko.
"Kornalina Feline, a brave girl who stood up for women. Receiving and gold medal, token of appreciation and a trophy for her bravery, courage and dedication. Let's give a big round of applause."
Malawak ang ngiti ko nang lumabas ako sa entablado. Naroroon na ang lahat, at masigabong nagsisigawan at nagpalakpakan ang mga tao.
Naroroon na rin ang team Canidae na tumanggap ng trophy, silver medal at appreciation bilang Team Bravo. Ang team Felidae din ay naroon na suot ang kani-kanilang medalya.
Muli akong napaluha nang isinabit sa akin ng hari ang Medalya, ibinigay ang token at trophy. Napalingon ako sa pamilya ko na nagsisiiyakan.
Pangako, babalik ako ng buhay... at may nakasabit na medalya sa aking leeg na isinabit ng pinakamataas na nilalang sa Fatum.
I once promised, and now I'm here holding, raising my promise.
At sa wakas ay tinawag na ang pinakahihintay naming lahat.
"Team Captain Sardonyx of Felidae received another gold medal again. Congratulations for winning the cup, you are now the commander of Kingdom Fatum's armed forces. You'll be receiving a gold medal, token of appreciation, and a trophy. Everyone, let's give a round of applause to the team Alpha commander. Sardonyx!"
Masiglang nagsigawan ang mga tao roon, pumito pa ang mga kasama ko. Napangiti na lamang ako habang pinapanood ang hari na sabitan ng medalya si Kap, siya na ang commander namin ngayon. Ang commander ng buhay ko- wow.
Nagsitayuan ang lahat, mula sa Maharlika ng Fatum, Eufrata, at Alemanya, ang mga tao, ang lahat ng naroroon ay tumayo upang kilalanin kami. Ang bagong leader ng Kaharian, ang pangunahing protektor ng Fatum.
It's really an honor and my pleasure to be the first lady who bravely stood up for equity, the cup, the medal, token and trophies along with the justice after unraveling revelations.
Tumayo kami sa unahan, at muling kumalabog ang puso ko nang maramdaman ang paghawak ni Commander sa aking palad. Pakiramdam ko'y muli akong namula, ngunit masigla kong tinanggap ang paghawak niya sa aking kamay, at mas lalo pa akong napangiti nang iangat niya ito sa ere dahilan upang mas lalong maging masigabo ang palakpakan at sigawan ng mga tao.
"Yes, I'm up for another quest again. Thank you, Captain Onyx. Thank you for saving me. This is for you."
--THE END--