Chapter Twenty-nine

Wretched

Matapos tanggapin ng doktor ang pakikipagkamay niya, naupo si Tan sa silyang iminuwestra nito. Base sa reaksiyon nito kanina pagkakita sa kanya, mas naniniwala siya na kilala na siya nito hindi pa man siya nagpapakilala. Ang katotohanang iyon ang higit na nagpapakaba sa kanya.

Hindi napigilan ni Tan ang sarili kahit gusto niyang pagbigyan ang hiling ni Elaine na layuan muna ito at iwang mag-isa. Sinundan pa rin niya ito. Pinapatay siya ng pag-aalala, lalo at nakita niyang nangangatal pa rin ito nang talikuran siya kanina.

Habang nakabuntot sa kotse nito, he saw with his own eyes how she recklessly drove her car na parang wala nang bukas.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan nang maupo sa swivel chair ang doktor. Marami siyang tanong pero hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang uunahin. May pakiramdam siya na kahit alin ang mapili, masakit pa rin ang isasagot nito.

Bukod sa anxiety, may iba pa bang sakit ang asawa na hindi niya alam? Kung wala, pagkatapos ng atake, bakit sa isang psychiatric hospital ito tumakbo? Ano ang koneksiyon nito sa isang professional psychiatrist na kagaya ni Dra. Sandra Jimeno?

“I know why you’re here,” anas ng doktora na hindi sigurado si Tan kung ang sarili nito o siya ang tinatantiya.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan. “Did my wife suffer that much at hindi ko man lang nahalata?”

Huminga nang malalim si Sandra. Alam nitong against sa code ethics pero parang anak na rin ang turing nito kay Elaine. Perhaps telling Tan the truth would help her move on and cope up. Tama na rin siguro ang ilang taong pagharap ni Elaine nang mag-isa sa sakit ng nakaraan.

“Elaine had a persistent depressive disorder, Mr. De Marco. She was diagnosed three years ago.”

Tan flinched. He tried to clear his throat a couple of times pero pakiramdam niya, hindi mawala-wala ang bigat sa dibdib at bikig sa kanyang lalamunan.

September 7, 2017

Literal yatang lumukso ang puso ni Tan pagkarinig sa ugong ng parating na sasakyan. Halos isang linggong hindi umuwi sa mansiyon si Elaine. Nang bumalik siya galing sa medical mission sa Mindanao, hindi na niya naabutan sa bahay ang asawa.

Nakapatay ang cell phone nito sa loob ng limang araw. Kinakailangan pa niyang tumawag sa cell phone ni Drew para makumusta ito. Ilang beses siyang tumatawag sa loob ng buong araw pero ni isang beses, kahit sandali lang, hindi siya nito kinausap.

Naisip niya, nagtatampo ang asawa. Ilang linggo rin siyang nawala at hindi pa niya nakuhang umuwi nang maaga nang araw na iyon dahil sa sunod-sunod na emergency surgery sa ospital. There was a road accident that killed and injured at least thirty people at sa AMM dinala ang karamihan.

Niluwangan niya ang ngiti nang bumungad si Elaine sa living room. Sinalubong niya ito, akmang hahalik pero mabilis na umiwas ang asawa. Nakita niyang umilap ang mga mata nito.

“How’s the trip with Drew?” tanong niya.

Hindi ito sumagot. Naglalambing na aakbayan sana niya ang asawa pero umatras ito at dumistansiya sa kanya.

Napakamot si Tan sa batok. Nag-isip kung anong approach ang effective para mapalambot ang puso nito.“Nagtatampo ka pa rin ba?” malambing ang boses na tanong niya. “Sorry, babe. Maraming pasyente sa ospital, hindi ko naiwan…”

Natigilan siya nang tumalim ang tingin ni Elaine. “Bakit umuwi ka pa? Hindi kita kailangan dito. Sa ospital ka na lang sana tumira tutal mukhang doon ka mas may kuwenta.”

That left him open-mouthed. Hindi niya inaasahan ang narinig mula sa bibig ni Elaine. She had always been straightforward and plain-spoken but never had he heard her say anything foul against anybody. Lalo na sa kanya.

Nananalim ang titig nito sa kanya. Naghagilap siya ng sasabihin pero mabilis nang tumalikod si Elaine.

Sinundan ni Tan ng tingin ang walang lingon-lingod nitong pag-akyat sa hagdan. A minute later, narinig na niya ang malakas na pagbagsak ng pinto ng master bedroom.

Mainit pa ang ulo ng asawa. Alam niyang kailangan niyang pagbayaran ang mga naging pagkukulang nitong mga nakaraang linggo. Consistent naman siya, patient at diligent. Gagawin niya ang lahat para mapalambot ang puso ni Elaine.

He groaned nang makaramdam ng pagkalam ng sikmura.

“Sir, nakahanda na po kanina pa ang hapag. Naupos na rin po ang huling kandila sa cake. Magsisindi pa ba ako uli?” tanong ng kasambahay na bumungad sa living room.

That was the sixth candle. Naupos na ang lahat ng kandila sa paghihintay niya kay Elaine na dumating. Pero kumpara sa mga buwan na tiniis nito para sa kanya, walang-wala iyon kahit isandaang kandila pa ang sindihan at maubos niya.

Sa loob ng kuwarto, sumandal si Elaine sa malaking pinto. Mahigpit niyang kuyom ang mga kamay. Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit. Ang mga bagang niya, nagtatagis. Gusto niyang sumigaw, manakit, manumbat, saktan ang sarili.

Pakiramdam niya, nakakulong siya sa isang maliit at masikip na hawla at hindi niya mahahagilap kailanman ang susi para tuluyang makalaya.

The thought angered her more. Lumipad ang tingin niya sa kama. Ilang saglit na natutok doon ang kanyang mga mata. Eyes were full of hate and, clenching her teeth and her fists, pagalit na inilang hakbang niya ang king-size bed.

Malakas na hinablot niya ang bagong palit na comforter, ang linens, at walang habas na inihagis iyon sa carpeted na sahig. Kung mayroon lang siyang hawak na patalim o gunting, gusto niya iyong pagsasaksakin, gutay-gutayin.

Hindi pa nakontento, binalikan ni Elaine ang dalawang pirasong unan at magkasabay iyong ibinalibag sa dingding. Pagkatapos, buong lakas na itinaob ang babasaging mesita na nakapuwesto sa gitna ng silid. Walang pakialam kahit ramdam niyang may bumaong bubog sa kanyang paa.

To hell with pain, she thought angrily. Ang bubog na nakabaon sa talampakan, wala pa sa kalingkingan ngsakit na dinaramdam ng buong pagkatao niya.

She wanted toscream pero walang boses na gustong lumabas ng lalamunan niya. She wanted to force herself to cry pero bakit kahit luha na lang, nagdadamot pa sa kanya? If she could cry, baka mabawasan ang pakiramdam na miserable siya. Baka mabawasan ang sakit, ang galit, ang muhi. Ang guilt.

She wished to flee pero naroon ang pakiramdam na tila trapped siya sa isang isolated na lugar at walang lugar o taong tatanggap sa kanya oras na makalaya siya. Saan siya pupunta?

Gusto ni Elaine na ubusin ang lahat ng lakas na mayroon siya. Gusto niyang mapagod, mamanhind, pakawalan ang galit at sama ng loob kahit alam niyang hindi iyon mabubura ano man ang gawin. 

Dinampot niya ang lampshade, inihagis iyon sa malaking built-in TV screen. Bumagsak ang una pero nanatiling buo ang TV. Iyon ang inabutan ni Tan na halos liparin ang dalawang palapag ng bahay nang marinig ang ingay ng mga nabasag na kung ano mula sa silid nila.

Saglit itong itinulos sa kinatatayuan sa inabutan. Nang akmang dadamputin niya ang wedding frame nila, mabilis itong lumapit sa kanya. Pinigil ang kamay niya na magbasag pa. 

“Lumayo ka sa ‘kin!” singhal niya. Itinulak si Tan pero hindi ito natinag.

Sa isang iglap, nagawa siya nitong buhatin. Nagkukumawala siya. Nanununtok. Nangangalmot. Ilang mura ang lumabas ng bibig niya. Puno pa rin siya ng galit na hindi alam ni Tan kung saan niya kinukuha o kung ito ba ang may gawa.

Mas hinigpitan ni Tan ang pagkakayakap sa asawa. He was confused and perplexed pero mas hindi nito masukat ang pag-aalala para kay Elaine.

He saw it in her eyes, beneath her actions, there lies hatred for something he might have done to her. Nanikip ang dibdib niya. Masakit para sa kanyang makitang ganoon si Elaine.

“Bitawan mo ‘ko, hayup ka! Hayup ka!”

“You’re bleeding, babe. Please. Babaon ang bubog kung hindi ka titigil.”

Kahit tumataas-baba pa rin ang dibdib ni Elaine, kalmado na ito nang pakawalan ni Tan. Lumuhod siya matapos paupuin si Elaine sa kama. Marami-rami ang bakas ng dugo sa sahig kaya alam niyang malaking bubog ang naapakan nito. He checked her left foot. 

He sighed. It felt like it was him who did it to her.

“Does it hurt?”

Hindi sumagot ang asawa. Ang mga mata nito, sa kabilang bahagi ng silid nakatutok.

“Don’t move yet. I’ll get the medicine kit.” Tumayo siya sa kinauupuan. Napalingon siya nang sa peripheral vision, nakita niyang kumilos si Elaine. Iniangat nito ang kaliwang paa sa kandungan. Walang anumang binunot ang malaking bubog na nakabaon sa talampakan. Tumagas ang dugo, kahit paunti-unti iyon.

Napabalik siya.“Elaine, what is wrong with you?”

Nang akmang lalapit siya uli para paampatin ang nagdurugong sugat, tumayo si Elaine. Inihagis nito ang bubog sa sahig, saka sa flat na tono ay nagsalita.

“Huli na ang concern, Tan. Hindi ko na kailangan.” Pagkatapos, walang anumang naglakad ito papunta sa banyo. Ni hindi iniwasan ang mga bubog na madaraanan.

Pumasok si Elaine sa bathroom, nag-lock. Sumandal siya sa pinto ng banyo. May saplot pa, binuksan niya ang dutsa at itinapat doon ang sarili. Walang pakialam kahit halos mabanlian ang balat niya sa init ng tubig na inilalabas ng shower.

Ang dating naniningkit at matapang na tingin, mabilis na lumambot. Kasabay ng panginginig ng mga labi at katawan ay ang pagtulo ng mga luhang ilang araw din niyang pinipilit pakawalan.

August 30, 2017

Sapilitan pero dahan-dahang dumilat si Elaine. Hinahatak pa siya ng hindi maipaliwanag na antok pero gusto niyang gumising. Ilang linggo na siyang hindi umiinom ng alak pero bakit pakiramdam niya, para siyang lasing? Blurred ang paligid. Wala halos siyang maaninag maliban sa puting kisame at sa malaking monitor na naka-hang sa dingding na sigurado siyang TV.

Nanunuyo ang lalamunan niya, parang walang lakas at mabigat ang kanyang katawan. Disoriented, umungol siya. Nasaan siya? Ang huling natatandaan niya, binisita niya si Bettina sa ospital kung saan ito naka-confine.

Hanggang sa…

Gumapang ang takot sa dibdib ni Elaine. She was kidnapped. Naalala niya ang mga lalaking bumaba ng kotse at sapilitan siyang isinakay.

Kidnapped. Pero bakit? Wala naman siyang kaaway. At si Tan, mabuti itong tao, walang magtatangkang manakit dito.

Kidnap for ransom? Mayaman ang pamilya ni Tan.

No.

Nag-panic siya. Sumagi sa alaala niya ang nangyari kanina. Pagkatapos takpan ng isa sa mga abductor ang bibig at ilong niya, nag-blackout siya.

Sino ang lalaking iyon? Was she drugged? Natakot siya sa kaalamang iyon. Bukod sa tila magaan na ulo, hindi niya magawang pagalawin ang iba pang parte ng katawan. Utak na lang niya ang gumagana—nagpa-panic sa kaalamang may mga masamang tao sa paligid.

Dumoble ang kaba sa dibdib ni Elaine nang makita ang paglitaw ng isang matangkad na lalaki mula sa kaliwang parte ng kuwarto. Gusto niya itong sinuhin pero nanatiling blurry ang kanyang paningin.

May kausap ito sa cell phone, nakatalikod sa kanya. Sa tunog ng boses nito, sigurado siyang hindi nalalayo ang edad nito kay Tan.

Who was this man? Ano ang kailangan nito sa kanya? Bakit nito iyon ginagawa?

“I got what I wanted, Silverio. Hindi ko alam na may itinatago kang ganito kagandang anak. Consider yourself paid sa lahat ng pagkakautang mo at kung kailangan mo pa ng pera pang-casino, let my men know.”

Hindi niya magawang suminghap. Mali ba siya ngdinig? O binanggit talaga ng lalaking ito ang pangalan ng kanyang ama?

Casino. Bukod sa droga, lulong din ba ang ama sa sugal? Hindi lingid sa kanya ang droga. She lived for many years with a pusher mother, alam niya ang hitsura at kilos ng drug user.

Ilang beses niyang sinubukang kausapin tungkol sa bisyo nito si Silver pero tuwing nagtatangka siya, umiiwas ito at nagiging mainitin ang ulo.

Elaine tried to hide those things to her mother. Dahil ayaw niyang papangitin pa ang tingin ni Bettina kay Silver.

Pero ano ang ibig sabihin ng lalaking ito? Did Silver sell her own daughter para may pantustos sa bisyo? The thought brought panic and fear to her chest.

Natapos ang tawag. Dinampot ng lalaki ang basong may lamang alak sa mesita. Nang lumakad ito palapit sa kanya, the anxiety and fear totally kicked in her stomach.

The man surveyed her. She trembled in fear. She prayed very hard for someone to come and rescue her but she knew no one would come.

Fight him, Elaine. Don’t ever let him touch you. Pero hindi niya magawang utusan ang katawan na kumilos.

Malabo pa rin angmukha ng lalaki sa kanyang paningin. Ang malinaw lang sa kanya, nakasuot ito ng puting roba at unti-unting tinanggal ang pagkakabuhol niyon habang walang puknat ang pagtitig sa kanya.