Chapter 31: Chapter Thirty

Grief

August 30, 2017

The next thing Elaine knew ay ang marahas na paghablot ng lalaki sa suot niyang blusa. Dinig niya ang ingay ng tumalsik na mga butones sa sahig. Marahas niyang nahigit ang hininga. Gusto niyang manlaban, manapak, manulak, pero hanggang sa mga sandaling iyon, nananatiling walang kuwenta ang pilit niyang inaamot na lakas. Ni hindi matinag ang lalaking kumubabaw na sa kanya sa ginagawa niyang pagtulak.

At nang tuluyang nairita sa ginagawa niyang pag-iyak at pagpiglas, lumanding ang nakakuyom nitong kamay sa kanyang sikmura. Pakiramdam niya ay saglit siyang naputulan ng hininga.

“Stop resisting, bitch! This is what you get for turning your back on your father!” singhal nito. Gigil na hinablot ang buhok niya mula sa likod.

Ang nananakit na anit, hindi na ininda ni Elaine. Mas iniinda niya ang sakit na gawa ng suntok nito at ang katotohanang binanggit nito.

The betrayal, fear, and terror were suffocating her. Totoo ang sinabi nito, malalaking halaga ang hinihinging pilit ni Silver sa kanya. Pero hindi niya alam na may pinagkakautangan ito nang ganoon kalaking halaga. Kung alam lang sana niya na aabot sa ganito, nilunok niya ang hiya at humingi na lang ng tulong pinansiyal kay Tan.

Elaine opened her mouth to beg for mercy pero ni walang boses na lumabas sa kanyang bibig.

Ang awa na gusto niyang hingin, hindi para sa sarili kundi para sa batang dinadala sa kanyang sinapupunan. She could feel that sudden sharp pain in her stomach because of the blow. Natatakot siya sa puwedeng mangyari sa kanyang anak.

Kumawala ang iyak ng protesta sa bibig ni Elaine nang mag-umpisang sibasibin ng lalaki ng halik ang kanyang leeg, mukha, mga balikat. Bawat dantay ng palad nito sa katawan niya, pakiramdam niya ay hinahatak at inililibing siya sa mahaba at tuloy-tuloy na bangungot na walang gisingan.

Pinanginginigan siya ng laman, pinaninindigan ng mga balahibo sa katawan. Gusto niyang magsusumigaw, humingi ng tulong, kumawala, umalpas. But all she could muster was to tightly close her eyes. Hindi niya gustong ipahamak ang anak. Hindi niya kakayanin kung may masamang mangyayari dito.

Ni hindi pa niya ito naipapakilala sa tatay nito. She’d still give birth to her, magkasama at magkaagapay pa nila itong palalakihin ni Tan.

Elaine’s life flashed before her eyes. Her almost perfect relationship with Tan, ang paminsan-minsan nilang tampuhan na mauuwi agad sa lambingan.

Tan, please come. Save us please. Save our child.

That was the miracle she kept praying quietly sa gitna ng pagbuhos ng kanyang mga luha. Alam niyang hindi darating ang asawa. Nasa operating room ito, giving his everything to save lives. Habang siya at ang anak nila, unti-unting inaagawan ng karapatang mabuhay.

Just as Elaine thought it was impossible for someone to come and rescue her, may malalakas na katok silang narinig sa pinto. Naramdaman niyang umalis sa ibabaw niya ang lalaki. Pagalit na pinagbuksan ang kung sino mang nasa pinto.

“Mga pulis, Boss! Nasa elevator na sila!”

Napamura ang lalaki. Narinig niya ang malakas na pagsara ng pinto. Ang mga nagmamadaling pagtakbo palayo. Saglit lang, ang mga hikbi at daing na lang ni Elaine ang maririnig sa loob ng malamig na silid na iyon.

A few minutes later, some tall men stormed the room. Both were holding guns, ready to fire anytime. Noon naman nag-umpisang sumigid ang sakit sa ibabang puson niya. The pain was sharper and worsening. At unti-unti, umiikot ang paningin niya. Isa sa dalawang lalaki ang lumapit sa kinaroroonan niya. Kaagad nitong hinubad ang suot na jacket at itinakip sa hubad niyang katawan bago maingat siyang binuhat.

Nag-unahan ang luha sa mga mata ni Elaine. Her eyes still blurry pero umaasa siyang si Tan ang dumating. It was impossible but did he really come to rescue her?

“A-ang anak natin…” she managed to say na saglit na ikinagitla ng lalaking may karga sa kanya.

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanya. Bumibigat ang hininga nito na parang nagpipigil na ibaba muna siya para habulin ang lalaking may gawa niyon sa kanya.

His mouth opened to say something. But before she could hear his reply, she passed out.

Bumalikwas si Elaine. Humihingal na nagsumiksik siya sa headboard ng kama. Blurred images from her nightmares were returning and it was scaring the hell out of her again.

Iniikot niya ang tingin sa loob ng kinaroroonaan. Nasa isang ospital siya kung pagbabasehan ang kama at ang gamit na gamit na puting pintura sa dingding ng silid.

Bumukas ang pinto ng hospital suite. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na tantiya niya ay nasa late forties ang edad. Umilap ang tingin niya. Niyakap niya ang sarili nang bumangon bigla ang hindi niya maipaliwanag na kaba at takot sa dibdib dahil sa presensiya nito.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” banayad na tanong nito.

Hindi siya sumagot. Nanatiling nakayuko.

“Pulis ako, huwag kang matakot. Ralph ang pangalan ko. Ako at ang pamangkin ko ang nagligtas sa ‘yo noong isang gabi.”

Natigilan si Elaine. May kung anong dumaklot sa kanyang dibdib.

“Nasa area kami nang makatanggap ang pamangkin ko ng tip galing sa isang concerned citizen,” patuloy nito. “Wala kaming nakuhang gamit o bag mo kaya hindi namin makontak ang mga kamag-anak mo. Puwede mo silang tawagan mamaya para abisuhan.”

Pinigil niya ang pag-iling. How could she?

Tumikhim uli ang pulis. May inilabas na booklet mula sa bulsa sa likod ng suot na pantalon.“Alam kong hindi ito ang tamang oras, hija, at nagluluksa ka pa. Pero parte ng trabaho ko bilang pulis na kunin ang statement mo tungkol sa nangyari. Ang lalaking may gawa nito sa ‘yo, nakilala mo ba?”

Nag-angat ng mukha si Elaine. Naguguluhan siya. Sa lahat ng sinabi ng pulis, isang salita lang ang tumimo nang husto sa isip niya. Nagluluksa.

Natigilan si Ralph nang mapatitig sa kanya at makitang unti-unting tinatakasan ng kulay ang kanyang mukha.

Hindi. Hindi ang anak niya.

Elaine was already bleedingnang dalhin siya ng mga lalaking nagligtas sa kanya sa ospital. She slept for two days straight para lang magising sa isa pang bangungot na hindi niya inaasahan.

Her baby was gone. Ang sabi ng doctor, dahil siguro sa stress kaya tuluyan nang bumitaw ang mahinang pagkakakapit nito.

She couldn’t get a hold of herself. Noong isang araw lang, matiyaga pa niyang iniinom ang vitamins na inireseta ng ob-gyne. Binasahan pa niya ng tatlong bedtime stories ang anak habang masuyong hinahaplos ang pipis na tiyan.

Hindi makuhang umiyak ni Elaine kahit ang bigat-bigat ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya, namamanhid siya sa sakit. Sa loob ng banyo, she tried hurting herself hoping that would lessen the pain and guilt.

Death would have felt better. The emotional damage was now irreparable. Gusto na lang niyang matulog nang walang gisingan para matapos na ang lahat.

There was no point of living anymore. Bakit pa siya gigising sa umaga kung pagdilat niya, isa pa ring bangungot ang sasalubong sa kanya?

The doctor sedated Elaine to prevent her from harming herself more. May malalim na sugat na siya sa bandang dibdib dahil sa kalmot sa sarili. Odd, ni hindi niya maramdaman ang hapdi.

She must have started to embrace the pain para protektahan ang sarili sa katotohanang mas masakit pa sa masakit.

Losing her child was like losing her life and everything. She felt hopeless as if life wasn’t worth living anymore. It was as if someone robbed her heart and soul and she would never be compensated forever.

She could not face the unspeakable horror of sexual assault or how bad the trauma left her. She felt awfully sick and disgusted with herself. She kept believing she was damaged from inside and out.

Buong buhay niya, naniwala siyang malakas siya at kayang ipagtanggol ang sarili. Kagaya ng pagtatanggol na nagawa niya noon para sa mga kaibigang inaapi.

But why couldn’t she do it for herself? Bakit para siyang tangang hindi man lang nagawang ipagtanggol ang sarili—ang sariling anak? Kasalanan niya kung bakit ni hindi man lang nahawakan at naalagaan ang batang bunga sana ng pagmamahalan nila ni Tan.

The next day, Elaine was surprisingly quieter and calmer. As much as her heart could take, she buried the excruciating flow of agony deep in her heart.

Tinawagan niya si Drew para magpasundo sa ospital. Hindi siya puwedeng magtagal doon. Babalikan siya ng imbestigador para kunan ng statement tungkol sa nangyari oras na maging okay ang pakiramdam niya. It had been four days at hindi pa siya nagbibigay ng statement at nagpa-file ng blotter at reklamo.

Elaine decided to keep the secret with her forever. Kahit pangalan, ipinagdamot niya sa mga pulis. Hindi puwedeng makaladkad ang malinis at inirerespetong apelyido ng mga De Marco sa kahihiyan dahil sa kanya. Baka hindi siya matanggap ni Tan. Napakalaki na ng kasinungalingan at kasalanan niya rito.

Higit sa lahat, natatakot siya sa magiging reaksiyon ng asawa oras na malaman nito kung ano ang totoo. Sapat na ang nararamdaman niyang awa sa sarili. Hindi na niya kailangan ang awa galing sa lalaki.

September 2, 2017

Parañaque City

Kumunot ang noo ni Bettina pagkakita sa kanya. Bitbit ni Elaine sa kanang kamay ang duffle bag. Sa mga dala niya agad lumanding ang mga mata ng ina nang mapagbuksan siya ng pinto ng bahay.

Humakbang siya papasok sa kabahayan, hindi sinagot ang obvious na tanong na nakaguhit sa mga mata nito. Mula sa ospital, sa bahay ng ina siya nagpahatid kay Drew na nagpaalam din agad dahil naghihintay ang taxi na sinakyan nila.

Sinundan siya ni Bettina nang dumeretso siya sa kuwartong inookupa dati. Maliit lang iyon kumpara sa maluwang at komportable na silid nila ni Tan.

Iniikot ni Elaine ang paningin. She was not a bit surprised nang ma-realize na walang kahit ano siyang na-miss sa loob ng munting silid. Hindi kagaya ng kuwarto nila ni Tan sa mansiyon. Bawat sulok, hinahanap-hanap niya. Kahit ang mahinang ingay na gawa ng buga ng air-conditioner at ang mahinang ingit ng pinto ng built-in cabinet.

She loved the smell of their room. Humahalo roon ang amoy ng mamahaling cologne, ang aftershave, at ang natural na amoy ni Tan.

Pero ngayon, isipin pa lang, nagdadala na iyon sa kanya ng takot. After the assault, she was having a hard time trusting anyone. Kahit siguro sa asawa niyang walang ibang ibinigay sa kanya kundi respeto at pagmamahal.

Now she hated the thought of being close to men. Ang masuyong yakap ni Tan mula sa kanyang likuran. Ang magaan at maingat nitong halik sa noo at tuktok ng ulo niya. Pakiramdam niya, masusunog siya kung madadantayan ng kamay nito ang kanyang balat.

Isipin pa lang, pinaninindigan na siya ng mga balahibo sa katawan. Sinasalakay siya ng hindi niya maipaliwanag na takot at pandidiri—sa sarili higit kanino man.

“Bakit nandito ka? Gabing-gabi na. Ano’ng ibig sabihin ng dala mong bag?”

Ibinaba ni Elaine ang duffel bag sa sahig. Nahahapong naupo siya sa gilid ng kama.

“Dito muna ako, ‘Nay. Para nababantayan din kita.”

Tumuwid sa kinatatayuan si Bettina. Parang hindi naniniwala sa rason niya.

“Nag-away ba kayo ng asawa mo at paglalayas ang pinili mong solusyon? Pamilyadong tao ka na. Hindi ka na bata para tumakbo sa saya ng nanay mo tuwing mag-aaway kayo. Umuwi ka sa inyo at mag-usap kayong dalawa.”

Malalim ang hiningang hinugot niya.“Makikipaghiwalay na ‘ko sa kanya,” mahina niyang sabi.

Manghang nahigit ni Bettina ang hininga. “Anong kalokohan iyan? Ni wala pa kayong isang taong kasal? Nambababae ba ang asawa mo? Sinasaktan ka? Ngayon pang buntis ka?!”

Mariing ipinikit ni Elaine ang mga mata. Tumimo sa isip niya ang huling apat na salita. Pinaglapat niya ang mga labi. Nakakaramdam siya ng pagbaligtad ng sikmura. Ikinuyom nang mahigpit ang mga kamay na nasa magkabilang gilid para patigilin ang nagbabantang pag-apaw ng emosyon sa kanyang dibdib pagkaalala sa anak.

Lumapit si Bettina sa kanya. Kinuha ang bag, saka siya hinawakan sa kamay at hinila patayo sa kinauupuan.

“Mamamatay na lang ako, bibigyan mo pa ako ng problema! Maganda na ang buhay mo doon, hindi ba? Ayusin mo ang sarili mo. Umuwi ka sa bahay n’yo at pag-usapan n’yo ang gusot n’yo!”

Mariin, ipinikit ni Elaine ang mga mata. Pumiksi siya sa hawak ni Bettina pero hinuli pa rin nito ang kamay niya at halos kaladkarin siya palabas ng bahay.

“Muntik na akong ma-rape, ‘Nay! Ginawa akong pambayad utang ng Tatay. Wala na ang baby namin ni Tan! Hindi ko siya nagawang ingatan! Napakawalang silbi kong ina! Ang dumi-dumi ko! Wala akong kuwenta!”

Sa unang pagkakataon, sa harap ng ina na pinaniwalaan niyang wala ni katiting na pagmamahal para sa kanya, mas pinili niyang pakawalan ang lahat ng sama ng loob at sakit na ilang linggo na niyang mag-isang tinitiis.

Itinulos si Bettina sa kinatatayuan. Nagsalit-salitan ang iba’t ibang emosyon sa mukha nito, saka wala sa loob na pinakawalan ang kamay niyang hawak nito.