Chapter 18
For Once Choose Me Please!
Nagtalo kaming dalawa noong gabi na yun, mas pinili ko na huwag tumabi na matulog sa kanya. Hindi ko alam bakit biglang naging ganon ka violent si Damien.
Kahit nasa kabilang room lang ako ay sa gabi nararamdaman ko na pumapasok ng pasimple si Damien. Masama ang loob ko dahil sa inasta niya.
Tinotoo ng asawa ko na hindi na ako papasukin sa school. Nagulat pa ako noon na I enroll ako nito sa online. Akala ko pa naman, kapag medyo malaki na ang aking bump.
Nagpumilit lang ako na pumasok muli sa school, na mas lalong ikinagalit ni Damien sakin. Naging mahigpit ito sakin, kahit sa pag labas ko hindi ako pinayagan ni Damien.
Sa labas palang ng pinto may mga body guard na agad na dalawa. Pinapayagan lang ako nito lumabas, kapag gusto ko ako mag grocery, minsan naman ay pinagtatalunan namin na bakit kahit lalabas lang ako saglit bawal.
Mahigit isang buwan din naging bantay sarado ako kay Damien. Ni hindi ko na nga alam kung anong balita sa pag aaral niya. Kapag tinatanong ko naman ang mga kaibigan ko, parang mga ilag ito na sagutin ang tanong ko.
Sa sunod na linggo graduation na ni Damien, gusto ko sana pumunta, ang kaso ayaw niya dahil may makakakita daw sakin. Akala ko noon okay na kami, dahil sa napag usapan namin.
Pakiramdam ko may tinatagong kalokohan itong si Damien o di kaya nahihiya na malaman na ako ang napangasawa niya, Isang babaeng maagang nabuntis at di pa graduate.
Dahil doon nagkaroon ako ng insecure sa ibang babae, paano kapag may nakilala na bago si Damien, maganda, at graduate ito? Nag sisi ako na bakit ako maaga nabuntis.
Totoo ang kasabihan na nasa huli ang pag sisi, masarap magkaroon ng pamilya kapag handa kayo, at may future na maibibigay sa anak. Sa araw araw na pamamalagi ko ay nabagot ako dito.
Naisipan ko na tumakas, kahit na delikado ay pinilit ko. Nag message ako sa aking mga kaibigan na magkita kami sa place na aking sinabi. Akala ko di sila papayag na pumunta.
Pakiramdam ko din ay pinagbawalan ito ng aking asawa na sumama sakin. Dahil doon ay feeling guilty ako, ayoko na mapalayo sa mga kaibigan ko sila ang laging kasandal noon.
Agad ko na pinatay ang aking cellphone upang di ma reach ni Damien. Labis ang disappointment ko dito, dahil kahit sa mga pangako nito ay di na niya tinupad.
Siguro masiyadong busy lang ito kaya ganon. Pag dating ko agad sa place ay Nakita ko agad sila Annalise. Mga mukhang parang mga kabado ito.
"Hi, kamusta kayo?" Awkward na kaway ko sa mga ito. ngumiti naman sila sakin. Na fe-feel ko na takot na sila sakin. Sure pinagsabihan sila ni Damien.
"Bakit parang ilag na ata kayo sakin?" Nag tatakang tanong ko sa kanila. Hindi kasi sila ganto sakin dati.
"Wala, naman na busy lang kami dahil sa malapit na matapos ang school year. Congrats nga pala kay Damien mukhang Dean list nanaman ito." Saad ni Annalise sakin.
Wala pa silang idea kung paano nag hihigpit si Damien sakin. Ayoko pa na mag aalala sila dahil sakin.
"Thank you.." sagot ko dito.
"Ikaw, kamusta ng online mo?" Pag tatanong ni John sakin.
Nakakalungkot lang na hindi kasama si Jaxon dahil siguro sa nangyari noon na away. Simula non nawala muli si Jaxon, kahit message wala na akong natanggap kay Jaxon.
Hindi man lang ako nakahingi ng tawad kay Jaxon, marahil nabigla siguro ito sa nangyaring revelation. Diko naman sinasadya na masaktan ang feelings niya.
Siguro pakiramdam noon ni Jaxon ay pinagtaguan ko siya ng lihim, kahit naman siguro sino magagalit kung ganon, lalo na close friends kaming dalawa.
"Kung hinahanap mo si Jaxon, matagal na bumalik sa ibang bansa." Saad ni Eva sakin.
Nagulat naman ako na umalis na pala ito, akala ko ay iniiwasan lang ako ng lalaki.
"Kailan pa?" Naguguluhang tanong ko kay Eva.
"Noong, kinabukasan nung lumabas tayo kasama siya?" Sagot nito sa aking tanong.
So tama ako kinabukasan nung nangyaring away ay umalis na pala agad ito. Ni hindi man lang ako nakahingi ng sorry.
"By the way, mukhang pumayat ka?" Tanong ni Eva sakin. Hindi ko alam paano ako sasagot sa tanong niya. Dala na rin siguro sa pag kabagot sa bahay ay humina ako sa pagkain.
Alam kong masama yun, pero nawalan talaga ako ng gana.
"Nag paalam kaba sa asawa mo? Baka tumakas ka ah?" Pagtatanong ni Eva sakin. Ayan madaldal na muli si Eva, kanina kasi napaka ilag nila sakin.
"A-ah.. oo naman, nag paalam ako siyempre." Pag sisinungaling ko sa mga kaibigan ko, sigurado na isusumbong nila ako na tumakas ako kapag sinabi ko.
" Akala ko ba pag lumaki na ang tiyan mo, tsaka ka mag online class?" Takang tanong naman ni Annalise sakin.
Gusto ko man sabihin sa kanila na pinagbabawalan na ako ni Damien na lumabas ay, diko magawa dahil ayoko na madamay sila. Hindi ko gusto madamay sila sa problema ko.
Siguro tama nga noon ang sabi-sabi sakin ng mga student sakin. Kung hindi man ako malandi hindi ako mabubuntis ng maaga. Sana pinakinggan ko ang mga kaibigan ko noon.
Marami pa akong gusto gawin, sa sitwasyon ko ngayon hindi na pwede, Hindi na ako bata ngayon magiging Isang Ina na ako na dapat alagaan ang anak.
Sa aming pag uusap ay nagpaalam na ako. At aking sinabi na may sundo ako dahil ayoko na ihatid nila ako, ayoko na makita nila magalit sakin si Damien.
"Gusto mo ba na ihatid ka pa namin?" Tanong nila sakin.
"No, I'm fine andiyan naman ang sundo ko." Pag papalusot ko, kunwaring may sundo, kahit na wala naman.
"O sige, mag ingat ka buntis ah!!" Sigaw ni Eva ng umalis na ako.
Nag commute ako pa uwi. Naabutan ko na madilim ang bahay, siguro ay hindi pa nakauwi ang asawa.
Dahan dahan ako na pumasok sa likod ng pinto namin. Nang biglang bumakas ang ilaw ng bahay. Nagulat pa ako dahil doon. Nakitang ko na nasa switch naka tayo si Damien.
"How many times do I have to tell you that you can't go out?" Madilim na saad nito sakin.
Dahil doon ay natakot ako, ito nanaman ang tingin niya na parang sasaktan ako. Napapikit ako ng aking mga mata ng mabilis itong lumapit sakin. Kinaladkad ako nito paakyat sa aming kwarto.
Aking napansin na wala kaming kasama sa bahay, siguro pina-uwi muna ito ni Damien. Nakaraan pa kasi nag request ng day off ang kasama namin sa bahay.
"O-ouch.. ano ba Damien? Masakit na yang ginagawa mo!!" Sigaw ko dito. Halos mag kadapa-dapa ako sa pag kaladkad nito sakin. Nag laglagan naman ang aking mga luha.
He treated me like I'm not his wife. And masakit yun para sakin. Di naman ako nito sinasaktan ng physically dati. Ngayon iba ang Damien na nakikita ko.
Walang pakialam ang aking asawa, Basta agad ako nito pinasok sa kwarto. Tinulak ako nito pahiga sa bed.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo, huwag kang tatakas? Ano nakikipag landian kaba sa lalaki?" Pag bibintang nito sakin.
Umiling naman ako, habang hawak nito ang mukha ko. Mahigpit iyon kaya masakit. Umiiyak lang ako habang ginagawa niya iyon sakin.
"Please.. don't hurt me Damien." Pagmama-kaawa ko dito. Ngunit sarado ang pandinig ni Damien.
"Maniwala ka, Wala naman akong lalaki, mga friends ko lang ang pinuntahan ko. Kinukulong muna ako dito na parang preso mo. Ayoko ng ganto!!" Dahil sa aking sinabi ay sinampal ako nito.
Malakas iyon kaya napahawak ako sa aking cheeks. Nanginginig na ako sa takot. Na baka mapano ang baby namin. Napaka violent na ni Damien ngayon.
"Siguro nakipag kita ka kay Jaxon!!" Pag bibintang nito sakin.
Puro iling lang ang aking sagot dito. Feel ko sa ginawang sampal ni Damien sakin at pag kaladkad ay babakat ang sampal, and I'm sure pasa ang pag hawak niya sa braso ko.
"Subukan mo tumakas, masasaktan ka talaga sakin." Pag babanta nito sakin. Iniwan ako nito sa loob ng kwarto. Agad akong nagtago sa loob ng bathroom.
Nakaupo lang ako sa dulo at umiiyak, ito ba ang consequence ng mga diko pag sunod? Nakatingin ako sa aking braso, at tama nga namasa agad ang pag hawak ni Damien sakin.
Hindi ko ma-imagine na ganto ang sasapitin ko sa kamay ni Damien sakin. Hindi pa kami muli okay, pero ito panibagong away nanaman kami. Puro nalang ganto.
Gusto ko na umuwi kila mommy. Ayoko na dito natatakot na ako pakiramdam ko di ako safe dito.
Sa aking pag iyak ay malakas na pag katok naman ang aking narinig.
"Open the door Ana!!" Galit na sigaw nito sa labas.
Dahil doon ay muling humagulgol ako ng iyak. Takot na ko sa aking asawa, naging trauma ang ginawa niya sakin ngayon.
"A-ayokooo na Damien.. please don't hurt me!!" Umiiyak na sagot ko dito.
Ngunit bumukas ang pinto, at galit ang asawa ko. Pilit ako nito pinatayo, lalo itong nagalit sa iyak ko kaya hinawakan nito ang aking buhok. Masakit iyon na parang tanggalin na ang aking sculp.
Inihagis ako nito sa bed muli, takot na umatras ako sa dulo ng kama. Iyak lang ako ng iyak, dahil natatakot na ako. Galit na naglapag ng food si Damien.
"Kumain ka kung ayaw mo na masaktan muli." Walang emosiyon nitong saad sakin.
Baddie_Cutie8
____________