Chapter 31

“Hindi ko girlfriend si Kimberly,” pahayag ni Leandro.

Natigil sa pagpiglas ang babae.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Hindi tulad ng inaakala mo. You’re just so wrong, Estelle. You drew conclusions without even speaking to me. Okay, I’m sorry. I may have done the same thing. But listen, si Kimberly ang doktor ko no’ng araw na huli tayong nagkita sa opisina. She just made sure I was able to come home fine. She took care of me and everything. Umalis din siya kaagad pagkatapos no’n. Nothing happened between us, just so you know. I’m not being defensive. I’m not lying. I’m just telling you what transpired that day, Estelle.”

Itinulak siya nito. Napabitiw na lang siya sa babae. Ayaw niya itong puwersahin.

“Nakita mo ‘ko sa araw na ‘yon?” Nagtaas-baba ang dibdib ng babae. Parang magha-hyperventilate ito anumang sandali.

“Of course! Kahit dulo lang ng buhok mo, makikilala kita kahit saan ka man.” Kumibit ang binata.

Napamaang ito. He really loved the way her emotions played on her pretty face.

“I waited for you, to confront me or something. But you did not come,” ang wika niya pa.

Napalunok ang babae. “Akala ko naman kasi… girlfriend mo siya at may ginawa kayo sa loob. Hindi ko naman akalaing totoo ka palang nagkasakit kaya ‘yon…” Napalabi at napaingos ito.

Napailing siya rito. “That night when I said I love you, I meant it. And… I still love you, Estelle. Walang puwedeng makapagpabago nito.”

Para itong himatayin kaya sinalo niya ito at pinaupo sa kama. Nakaluhod siya sa harap ng dalaga. Ibinalanggo niya sa dalawang kamay ang mukha nito.

“You said you never committed—”

Pinutol niya ang nais sabihin nito. “Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magpatuloy because of your damn ex-boyfriend! Gusto kong sabihin sa ‘yo noon na hindi ako nag-commit sa kahit kanino pero handa akong makipag-commit sa ‘yo. I did figure out that you felt something for me. Pero nang nakipagtagpo ka sa ex mo, I thought I was wrong. I was so mad! I was so jealous. I didn’t know he was gay. I was so furious watching the two of you go shopping and eating at some restaurant… and laughing together! Hindi mo lang alam kung gaano ako nagseselos na para na akong sasabog noon.”

Namangha ito sa sinabi niya. “Ano? Sinundan mo kami?”

Napabuntong-hininga siya. “I just love you so much, Estelle! You drove me crazy. Hindi mo ba alam ‘yon? That’s why I did it.”

Napalunok ito. Marahang nag-angat ang isang kamay ng babae at hinaplos ang kaniyang pisngi. Napangiti ito nang mabini. Ang mga mata ay puno ng pagmamahal.

“Mahal din kita, Leandro. I… just thought the worst of you… or the worst scenario. I’m sorry. But I missed you, too! Salamat sa ‘yo, sa pag-resign mo, napunta nga sa ‘kin ang posisyon mo pero hindi mo lang alam na para akong isang baliw dahil sa kaiisip ko sa ‘yo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kalungkot no’n. Hindi ako masaya kahit na-promote na ako. Wala ka naman na sa tabi ko. Naisip ko pa nga, ‘di baleng hindi ako ang showroom manager, basta abot-tanaw kita. Sa totoo lang, natatakot din naman akong maunang kumontak sa ‘yo dahil bukod sa naniwala akong may girlfriend ka nang iba, mukhang hindi ako gusto ng daddy mo. Kaya gano’n na lang ‘yon. Hindi ko na naisip na maghabol pa sa ‘yo.”

Napatawa siya sa narinig. “And where did you get that notion? My dad even admires you.”

“Huh? Talaga? Hindi halata.” Hindi ito makapaniwala.

Lumuwag ang ngiti niya. “Gusto ka niya. Wala nga lang akong maisagot sa kaniya sa tuwing itinatanong ka niya sa ‘kin.”

Ginawaran siya nito ng halik sa labi at tinugon niya iyon.

“Ngayon. Meron na ba?” susog nito.

Napatawa siya nang marahan. Inihiga niya ang dalaga at ipinagpatuloy ang kanilang halikan.

“If you’re referring to this, I don’t kiss and tell,” turan niya na ikinangiti nang maluwag ng dalaga.

Inilingkis nito ang mga braso sa kaniyang leeg. Tinitigan siya nang husto.

“I don’t want us to be apart, again, Estelle. So, if I asked you right now to commit yourself fully to me, will you marry me?”

Umawang ang mga labi nito. “Sigurado ka ba?”

“I’ve never been so sure about anything but my feelings for you, Estelle.” Seryoso siyang nakatitig sa mga mata nito habang nakatukod ang mga siko sa kama upang hindi ito madaganan sa bigat niya.

Ramdam niya ang pagyakap ng mga binti nito sa kaniyang baywang at kinagat ang ibabang labi nang nang-aakit sa kaniya.

“Kung gano’n, magpakasal tayo agad kung gusto mo pero dapat na hingin mo pa rin ang kamay ko sa mga magulang ko,” anang babae.

“I’ve already planned it in my head. My dad would surely be happy about the news.” Kinintalan niya ng halik sa labi ang dalagang nakangiti sa kaniya nang masaya. “What about this weekend? Will all your family members be there?”

Ngumiti sa kaniya ang babaeng nagniningning ang mga mata sa saya. “Malamang excited ang mga iyon kapag sinabi kong mamanhikan ka na.”

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. “Hindi ba nila iisipin na sobrang bilis natin?” tudyo niya.

“Hindi na iisipin ng mga iyon ‘yon. Botong-boto kaya sila sa ‘yo, kung alam mo lang.”

“Gano’n ba? That’s good then.”

“Oo kaya halikan mo na ako, dali!”

Napatawa siya sa babae at tumalima sa nais nito. Sinakop ng mga labi niya ang malalambot na labi nito at kay sarap sa pakiramdam na nasa mga bisig na naman niya ito.