Chapter 22

Pumunta muna sila sa courier upang maipadala niya ang produktong in-order ng kustomer. Kinunan niya ng larawan ang resibo at ipinadala sa kustomer para malaman nitong naipadala na niya. Tumuloy na sila sa kanilang pagmo-malling pagkatapos.

Tinuruan siya ng binata na mag-ice skating. Matagal na niyang gustong gawin iyon pero wala kasing makapagturo sa kaniya at natatakot siya nang mag-isang matuto. At ngayon, may libre na siyang instructor. Natutuwa naman siya dahil sa kakaibang karanasang ito.

Nagtungo na sila sa isang restoran sa may Baywalk bago lumubog ang araw. Gusto ni Leandro na makita iyon. Napatingin siya sa mukha ng binata habang nanonood itong lumulubog ang araw. Naisipan niyang mag-selfie kasama ang binatang nakatingin doon at napalingon ito sa kaniya nang nakangiti.

“What was that?” tanong nitong medyo pinakunot ang noo.

“Huh? Wala lang.” Agad niyang itinago ang cell phone.

Nanunukso itong nakatitig sa kaniya. Hindi na ito nakapagsalita nang dumating ang kanilang in-order na pagkain. Naghintay muna itong sumubo siya ng pagkain bago ito sumunod na kumain. Nagkuwentuhan pa sila tungkol sa pagkain at ibang mga bagay. Dahil dito ay mas nakilala nila ang isa’t isa.

“I’m sorry,” sabi niya sa binata nang nasa loob na sila ng kotse nito.

“Huh? Para saan?” Pumihit ito para humarap sa kaniya. Magkahinang ang kanilang mga mata.

“I called you a jerk at… sinampal pa kita,” sagot niyang napababa ng tingin.

Bigla siya nitong kinabig para yakapin. Naramdaman niya ang paghalik nito sa buhok niya. Napayakap na rin siya sa binata.

“It’s okay. You had a bad day, and I had a bad day. That was it. I’m sorry, too, Estelle.” Kumalas itong bahagya upang titigan siya sa mga mata.

Para siya nitong minamagneto. Hindi siya makaiwas ng paningin kahit gustuhin man niya. Napasinghap na lang siya nang inilapit nito ang mukha sa kaniya at dumampi ang mga labi nito sa kaniyang mga labi. Sinusuyo siya nito nang banayad. Dahan-dahan siyang napapikit ng mga mata at marahang ibinuka ang kaniyang mga labi upang tanggapin ang halik nito.

‘Ang tamis,’ ang tanging naisip niya nang malasahan ang halik nito, katulad ng dati. Hindi siya makapanlaban sa kaniyang nararamdaman ngayon. At ayaw niyang lumaban.

Ilang saglit pa ang lumipas ay magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Lumalim ang banayad na halik ng binata. Ngayon ay nag-aalab na ito.

Hindi na niya matandaan kung paano sila dumating sa condo ng binata. Pagkapasok lang nila ay agad nitong isinara ang pinto at kapwa sila naghubad ng kanilang kasuotan. Wala silang pakialam kung saan bumagsak o naiwan ang bawat saplot ng kanilang katawan.

Narating lang nila ang silid ng binata nang kapwa hubo’t hubad na saka inihiga siya ng binata sa malambot nitong kama na may kubreng asul.

Bahagya itong nakadagan sa kaniya habang nakatukod ang mga siko sa kama. Napatitig ito sa kaniyang mukha at hinaplos nito nang buong suyo ang kaniyang pisngi.

“Estelle…” Nilandas ng hinlalaki nito ang kaniyang labi bago nito muling inangkin iyon.

Hinaplos niya ang malapad nitong dibdib na hindi mabalahibo. Makinis at mainit ang balat nito na parang satin. Naglakbay ang mga kamay niya sa maskulado at matigas nitong tiyan at narinig niya ang mahina nitong pag-ungol. Nagkaroon ng masarap na dulot sa pandinig niya ang ginawa nitong pag-ungol. Ewan niya pero nananabik pa siya sa mga susunod na mangyayari.

Paulit-ulit nitong sinambit ang pangalan niya habang lalong lumalalim ang paghalik nito. Naramdaman niya ang isang kamay nitong naglakbay mula sa kaniyang braso patungo sa kaniyang tiyan at balakang. Bumaba pa iyon sa kaniyang hita. Marahan nitong pinaghiwalay ang dalawang hita niya upang pumaitaas sa tatsulok na bahagi.

Napadaing siya nang marahan nang sinaid nito ang talulot na naghihintay ng atensyon mula sa binata. Hindi niya mawari ay inaasam-asam at pinanabikan niya pala ito. Maingat na hinaplos at pinisil ng mga daliri nito ang bawat pisngi ng kaniyang talulot. Naramdaman niya ang panginginig ng kaniyang katawan dahil sa pananabik. Marahan siyang napaarko ng katawan habang nakakapit sa balikat ng binata. Napasambit siya sa pangalan ni Leandro.

Dumako sa dibdib niya ang maiinit na halik nito. Sinisimsim ang bawat dunggot. Para siyang mababaliw sa sensasyong hatid nito kaya napaliyad siya. Patuloy ang palipat-lipat na pagsupsop nito sa nanigas niyang mga tuktok.

Hindi siya mapakali sa kama at hindi niya mapigilan ang huwag mapadaing nang paulit-ulit. Naramdaman na lang niya ang hamog ng kaniyang talulot na alay sa binata.

Halos tumirik ang kaniyang mga mata nang sumisid ang lalaki sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napasinghap siya nang maramdaman ang mga labi nito sa pinakasentro niya at hinigop ito. Napasabunot siya sa maikling buhok ng binata at lalo siyang hindi makahinga nang normal. Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib at patuloy ito sa paghalik, pagdila, at pagsimsim sa kaniyang kaselanan.

“Ahh… Leandro!” daing niya pa.

Patuloy sa pagdila at pagsupsop sa kaniya ang binata. Maya’t maya ay narinig niya ang mahina nitong ungol na nasasarapan sa kaniyang nektar. Paulit-ulit na nilalaro ng panlasa nito ang sensitibong parte ng kaniyang pagkababae kaya naman ay impit siyang napasigaw nang marating niya ang rurok ng kasiyahan. Sinupsop nito ang bukana ng kaniyang lagusan na parang ikababaliw niya at nanginig ang kaniyang katawan.

Ilang sandali pa ay naramdaman na lang niya ang pag-iba nito ng posisyon. Kasunod niyon ay ang marahan na pagpasok ng isang malaki at matigas na bagay na noon pa niya nararamdaman. Dama niya ang pagpigil ng kanilang hininga. Maingat ito hanggang sa tuluyan na itong nakapasok sa loob at kailaliman niya. Kapwa sila napabitiw ng kanilang hininga at habol-habol ito.

Napaigik siya at muling napasambit sa pangalan ng binata. Gayon din ito sa kaniya. Napadilat siya ng mga mata nang marahan at nakita niyang nakatingin ito sa kaniya nang mataman. Napansin niya ang pawis sa noo nito.

Banayad niyang hinaplos ang mukha ng binata. Pagkatapos ay hinalikan siya nitong muli sa labi. Mapusok iyon habang umuulos ito sa ibabaw niya.

Mahapdi kaya napapaungol siya. Tiniis naman niya hanggang sa nasanay na siya at napalitan iyon ng kakaibang kiliti at sarap sa kaniyang pagkababae at buong katauhan.

Hindi niya maiwasang huwag mapadaing maya’t maya nang dahil sa paglabas-masok nito sa kaniyang masikip na katawan. Nagpakawala siya ng isang serye ng halinghing at patuloy ito sa pagbayo nang tila walang kapaguran, hanggang sa kapwa nila naabot ang pinakamataas na ulap at sabay na napahaluyhoy. Ramdam niya ang pagdiin nito sa kailaliman niya.

He cuddled her sweetly a couple minutes later. Nasa pagitan ng kaniyang pisngi at balikat ang mga labi nito. Ipinikit niya ang mga mata habang dama pa rin ang pagiging maingat nito sa kaniya at ang pagiging sobrang sweet.

“I love you, Estelle.”

Narinig na lang niyang turan nito.

Napadilat ang mga mata niya pero hindi siya gumalaw. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Hindi niya inasahan ang paglalahad nito ng damdamin pagkatapos ng nangyari sa pagitan nilang dalawa pero ramdam niya ang tila pagpipista sa kaibuturan ng puso niya. At ramdam niya ring tila nasa alapaap pa rin siya nang mga sandaling iyon.

Ipinikit na lang niyang muli ang mga mata. Naramdaman niyang sinilip nito ang mukha niya at binigyan siya ng masuyong halik sa pisngi nang maisip nitong nakatulog na siya.