Chapter 10 Set Up
Hindi ko maintindihan. Nagkulang ba ako sa kanya? Hindi ba sapat na pagmamahal, respeto at oras lang ang naibigay ko? Kung hindi ba ako nagkamali ng kuwartong pinasukan kagabi ay hindi mangyayari ‘to? Kasalanan ko ba ang lahat ng ‘to?
“Good morning, baby,” bati ni Zander kay Ella pagkagising na pagkagising niya.
Tahimik akong nagtago sa likuran ng makapal na kurtina. Kasalukuyang nakatalikod sa ‘kin si Zander habang yakap-yakap ang natutulog na si Ella.
“Good morning, baby,” tugon ni Ella.
Bahagya akong sumilip. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ngunit hindi ko magawang hindi manuod. Sinasaktan ko lang ang sarili ko sa pinaggagawa ko. Siguro nga ay masokista ako.
“Baby...” tawag ni Zander. Hinaplos niya ang mukha ni Ella at inangkin ang mga labi nito.
Baby.
Napapikit ako nang mariin sa mga ala-alang pumasok sa isipan ko. Noong tumawag ako nang mga nakaraang araw ay imbes na tawagin ako sa endearment namin ay baby ang katagang lumabas sa bibig niya. Minsang nagh*halikan kami ay nagawa niyang iungol ang salitang ‘yon. Minsan sa pagtulog niya ay naririnig ko siyang binangit ‘yon. Minsa’y narinig ko siyang may kausap sa telepono bukam-bibig niya ang katagang ‘yon. Lahat nang ‘yon binalewala ko dahil may tiwala ako sa kan’ya, dahil mahal ko siya.
“Another round?” mungkahi niya.
Napahagikgik naman si Ella sabay pabirong hinampas siya sa braso. “We did it buong gabi, buong magdamag. Aren’t you tired?”
“Pagdating sa ‘yo hinding hindi ako mapapagod,” aniya saka mabilis na pumaibabaw dito. Napatili naman ito at agad na sinunggaban ng h*lik ang fiance ko.
“I want you inside me, baby.” Lumayo nang bahagya si Ella at matamang tinitigan ang pagmamay-ari ko.
“And I want you around me, baby,” sagot niya saka umindayog sa ibabaw nito.
Napasandal ako sa bintana. Rumagasa ang mga luha ko pababa ng magkabilang pisnge ko. Tinakpan ko ang bibig para pigilang kumawala ang mga hikbi ko.
“Ahh... f*ck, Zander. More...” tila nababaliw na ungol ni Ella.
“You taste damn good around my dick , baby,” aniya.
“Ahh... F-faster! Ahh... Ohh!” ungol na naman ni Ella.
Ang mga ungol nila at mga tunog na nagagawa ng kalampag ng kanilang mga katawan ay nagmistulang mga kutsilyong walang habas na tumataga sa ‘kin. Nanghihina ang mga tuhod ko. Napadausdos ang likod ko pababa ng pader. Niyakap ko ang mga tuhod at pinatong ang nuo rito. Ang bigat ng pakiramdam ko, nanginginig ang buong katawan at sumasakit ang lalamunan habang tahimik na umiiyak.
Napasinghap ako nang may bukod-tangning hikbi ang nakatakas mula sa labi ko. Agad kong sinakop ang bibig gamit ang dalawang palad.
“Malapit na ako,” paungol na giit ni Ella.
“Sabay na tayo,” mungkahi ni Zander.
Sinandal ko ang ulo sa pader at napangiti nang mapakla. Hindi nila mapapansin ang presensya ko kahit humagulgol pa ako rito dahil sinakop na ng mga ungol nila ang buong kuwarto. Pinahid ko ang luha t tumayo. Sumilip ako nang bahagya at nakita silang magkatabing nakahiga at hingal na hingal.
“I’ll take a shower. I’m so malagkit,” maarteng wika ni Ella sabay pulupot ng tuwalya sa sarili.
“Nakita ko naman na lahat ng ‘yan. Huwag mo nang takpan.” Hinila ni Zander ang tuwalya na ikinalantad ng kahuboan ni Ella.
Umupo si Zander sa gilid ng kama nang walang ni ano mang saplot sa katawan. Itinukod niya ang kaliwang kamay habang nakatitig sa hubad na katawan ng kaharap niya at kahit nakatalikod siya sa kinaruruonan ko ay hindi lingid sa kaalaman kong nagsasarili siya. Gumapang naman ang palad ni Ella sa sariling katawan habang pinapanuod si Zander. Hindi nagtagal ay tumigil ang huli at inunat ang parehong kamay sa direksyon ni Ella na parang humihingi ng yakap. Kagat-labing lumapit sa kanya si Ella at umupo ito sa kandungan niya nang nakaharap sa kanya. Muli silang naghal*kan habang umaindayog. Tumayo si Zander kaya pinulupot ng higad ang mga binti sa bewang niya.
“Sabay na tayong maligo,” sabi ni Zander at buhat-buhat si Ella na pumasok ng banyo.
Mabigat ang mga paang tinungo ko ang pinto. Inabot ko ang doorknob na nanginginig pa rin ang kamay. Natigilan ako nang marinig ang mga ungol nila mula sa banyo. Nilingon ko ang mga damit nilang nagkalat sa sahig. Ginulo ko ang buong kuwarto nang hindi gumagawa ng ingay. Hinanap ko ang cellphone nila at pinatay ito bago ilibing sa foam ng couch. Kinuha ko ang malawak na kumot at tinali ang magkabilang dulo nito para makagawa ng isang malaking improvised bag. Ipinasok ko ang bedsheets, unan, tuwalya at mga damit nilang nagkalat sa sahig. Kinuha ko ang purse at maliit na maleta na pinaglagyan ko ng damit namin ni Zander. Sinukbit ko ang nakataling magkabilang dulo ng kumot sa balikat. Hinubad ko ang sapatos at binitbit na lamang ito kasabay ng purse ko habang hila-hila ko naman ang maleta. Pahirapan akong nakalabas ng kuwarto.
Para akong naglayas dahil sa ayos ko. Pinagtitinginan na ako ng mga taong nadadaanan ko sa pasilyo. Hindi ko sila pinansin at taas-nuo akong naglakad patungong lido deck. Masakit na ang sikat ng araw. Ramdam ko ang mga tingin ng mga taong nagsasaya sa pool area. Ipinagwalang bahala ko ito at tinungo ang dulo ng deck. Humawak ako sa railings at pinanuod ang walang hanggang karagatan.
Nang malaman kong hindi si Zander ang kasama kong nakipaglaro sa apoy kagabi ay natakot ako, nangamba at nakaramdam ng kahihiyan. Hindi mawala sa isip ko si Zander at kung ano ang maramdaman niya kapag natuklasan niya ang pagkakamali kong ‘yon. Naglaro ako sa kama kasama ang isang estrangherong akala ko ay siya. Ang nagawa ko kagabi ay hindi sinasadyang pagkakamali. Hindi man sinasadya ay isa pa ring pagkakamali.
Si Zander naman ay nagpainit ng katawan kasama ang ibang babae at sa dinami-rami ng kababaihan na naririto sa barkong ‘to ay ang kapatid ko pa, ang kakambal ko pa. Ang nagawa ni Zander at kasalukuyang patuloy na ginagawa ay hindi maaaring hindi sinasadya. Ginusto niya ‘yon. Ginusto niya akong pagtaksilan.
Tinapon ko ang kumot na pinaglagyan ko ng mga damit at gamit ng kuwartong ‘yon. Sandali itong nagpalutang-lutang sa dagat. Sumunod kong tinapon ay ang maleta. Humigpit ang hawak sa railings habang pinapanuod ang maleta sa paglubog. Sumulyap ako sa singsing na inalay sa ‘kin ni Zander. Hindi ito kamahalan sa merkado ngunit wala itong katumbas na presyo dahil sa kanya ito nanggaling. Pero ngayon ang halaga nito ay biglang naglaho.
Tinanggal ko ang singsing. Sandali ko itong tinitigan at mahigpit na kinuyom sa palad ko. Inangat ko ito patalikod at umaktong itatapon ngunit may isang lalaking huminto sa tabi ko. Nilingon ko siya. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang mapansin ang suot niya. He was wearing a black face mask, black unbuttoned trench coat over a black turtle neck, black jeans and black oxford shoes. His hair was brushed to the side. He has a good taste in fashion but he was wearing it in a wrong occasion. Napasulyap ako sa araw na tila naiinsulto sa suot niya.
Kusang umangat ang kaliwang kilay ko nang may iabot siyang isang piraso ng papel. Tiningnan ko lang siya pero nanatiling nakalahad ang kamay niya. Kinuha ko na lang ito.
“According to my boss, you did an impressive job,” aniya.
Tiningnan ko siya at nakatingin siya sa pinagtapunan ko ng mga gamit at maleta. Ibinalik ko ang tingin sa papel pero blangko ito. Kunot-noo kung inusisa ang papel. Binaliktad ko ito at nakitang may nakasulat.
“You’ve been set up.” Halos magdugtong ang mga kilay ko sa nabasa. Nilingon ko ang lalaki ngunit wala na ito sa tabi ko.
Muli kong binasa ang sulat. Napansin kong nakatupi ito. Binuklat ko ang papel at sa loob ay may nakasulat na naman. Numero at isang mensahe.
“If you need help call me.” Basa ko ulit.
Nilibot ko ang tingin at napansin ang mga serbedor na kanina pang nakatingin sa ‘kin. Nakapagtatakang hindi nila ako sinita pagkatapos kong itapon sa dagat ang iilan sa mga gamit ng barko. Ibinulsa ko ang papel at itinuon ang atensyon pabalik sa singsing. Kinuyom ko ulit ito nang mahigpit sa palad ko.
Hindi ko na ito itatapon. Ito ang magpapaalala sa ‘kin ng pagtataksil ni Zander at Ella. Ito ang magpapaalala sa ‘kin sa araw na ‘to. Sisiguraduhin kong magsisisi kayo. Simula pa lang ang ginawa ko.
Tumingin ako sa railings na pinanggalingan ko. “Revenge is a dish best serve petty.”