Chapter 58: His reason
Val's POV
Umuwi ako ng apartment para makausap siya ngunit hindi ko siya makita. Kaya bumalik ako sa bar kung saan hindi ako kilala ng mga nag-iinuman roon. Pagdating ko rito talagang naglasing ako at wala na akong pakialam sa mga tao na nasa paligid ko, hangang sa tuluyan na nga akong nilamon ng ala. At habang papalabas na ako ng bar may nabundol akong isang lalaki kung saan nagsimula ang malaking gulo. And f*ck! Talagang lumaban ako kahit mag-isa lang ako, pagkakataon ko na rin 'to para mailabas ang mga sakit na nadarama ko ngayon and a punishment too for being a jerk with my wife. 'Cause I've really cause her a lot of pain and sorrow. And im f*cking hurt for being a f*ckin walking disaster on her life.
Halos duguan na akong nakahandusay sa sahig nang may mga lalaking tumulong sa 'kin, at kahit hindi ko na masyadong maaninag ang mukha ng mga lalaking tumulong sa 'kin ang alam ko isa 'ron si Clark. Hilong-hilo na ako at halos hindi na makatayo hangang sa boses nalang ang naririnig ko at ilang minuto pa ay narinig ko na ang wang-wang nang mga pulis habang ako ay akay-akay naman ng dalawang lalaki, and f*ck! Who the f*cking hell they are. Halos nabibingi na rin ako at talagang ayaw na magbukas ng mata ko.
Ang huling naalala ko nalang nakarating kami nang presinto at may isang pamilyar na boses ang tumatawag sa telepono ngunit di 'ko na pinansin dahil halos gusto ng mag-collapse ng katawan ko. Naririnig ko nalang tinanong ako ng mga de-unipormeng lalaki at tanging naisasagot ko nalang ay daing.
---
Thalia's POV
"Bakit ako ang naisipan mong tawagan Kent? Bakit hindi si Kelly?"
Tanong ko kay Kent habang nakasakay kami sa cadillac nito. Alam ko may alam ito tungkol kay Kelly, kaya sinadya kong itanong 'yon.
Nasa harapan naman kami nito na nakaupo habang si Val nakatulog na sa sobrang kalasingan at duguan. Hindi pa rin nagagamot ang mga sugat nito at nalinisan dahil sa presinto agad ang bagsak nilang lahat na mga nasangkot sa gulo.
"Asa!"
Sarkastikong sagot nito sa 'kin, halos napasalubong naman ang kilay ko sa kanya. ‘ang weird naman nitong asawa ni Seren.
"I mean, hindi naman kasi siya ang asawa ni Val! your his wife kaya ikaw ang tinawagan ko." Mabilis nitong sagot. Alam kong masungit ito pero kahit gano'n may sense of humor rin naman pala siya.
"Ahh! Okay,"
Tanging sagot ko, habang napapasulyap sa natutulog na pigura ni Val na nasa mga hita ko. ‘parang sira! Naglalasing tapos sasali sa gulo, ang ending matutulog lang din pala. Ang sarap kutusan ng lalaking 'to.
"Alam ko iniisip mo ngayon na siya ang nanggugulo, but unfortunately he's not! Nabundol lang niya ang leader nang isang gang kaya napaaway siya but isn't his fault, lumaban lang siya."
Biglang pagtatanggol ni Kent kay Val, nagtataka ko rin naman siyang tinititigan. Bakit naman niya didipensahan si Val? Kilala niya ba talaga ito.
"I know what your thinking lady, matalik kong kaibigan si Val so unfortunately kilala ko siya mula pagka-bata hangang sa ngayon." Sarkastikong wika nito. Talaga namang napapantastikuhan na ako lalo tuloy sa kanya.
"Huh!? O-okay! So magkakilala talaga kayo? As in bestfriends din kayo?"
Kunot-noo kong tanong.
"I hate to say this but yes! Kaya alam ko kung gaano ka ka-importante sa buhay niya, alam ko rin kung gaano ka niya kamahal." Turan nito na wala man lang bakas nang ngiti sa pigura nito. 'is he really stating the fact for Valkyrie?' Sumeryoso din ako at nabaling muli ang tingin kay Val.
"Kung mahal niya ako bakit niya ako niloko at hindi lang basta niloko, talagang nagkaanak pa sila ng first love niya, im sure kilala mo din talaga si Kelly." May paghihinala kong ani.
"Yeah i know her,"
Pag-amin nito. ‘so magkakilala nga talaga sila ni Kent at malalim nga marahil ang pinagsamahan nila. Hindi ko alam ang mga bagay na'to dahil hindi naman detalyado si Val kung mag-kwento sa 'kin, at saka bihira lang din ito magkwento sa 'kin dati kasi mas interesado ito sa buhay na mayron ako noon.
"See, so she really loved Kelly right? Hindi lang basta tukso ang dahilan kung bakit naki-affair siya kay Kelly, 'cause definitely she still has feelings for her."
Seryosong wika ko habang nakakadama ng kalungkutan at inis sa tuwing nasasabi at naririnig ko mismo sa bibig ko ang mga katagang 'to.
"Maybe he misses Kelly and didn't think what consequences aheads of it. Pero alam niya na mali 'yon at pinagsi-sisihan niya 'yon nang husto kaya nga halos pagbayaran niya ang lahat ng kasalanan niya 'don sa rehabilitation facility eh."
Nagulat naman ako sa mga pagbubunyag ni Kent.
"Rehab!? Si Valkyrie na rehab? Paano? At bakit?" Tanong ko. He suddenly breath and stared at me.
"Because of drugs and alcohol. Nalulong si Val sa drugs at alcohol kaya siya napunta sa rehab at halos isang taon siya 'don dahil sa sobrang kalulungan niya. Ako mismo ang gumawa ng paraan para mapapayag siyang pumasok sa rehab."
Sagot ni Kent saka binaling ang tingin kay Val, habang ako naman ay napaawang nalang ang labi sa gulat.
"Bakit? _ahh _i mean paano siya nahantong sa gano'n?"
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kaya kahit sa pagtatanong ko naguguluhan na rin ako.
"It's his choice, kaya siya naging adik. Hindi ka rin naman kasi pwedeng sisihin do'n dahil siya mismo ang may gusto na magpakalulong sa dr*gs at alcohol. Alam niya kasing sobrang laki ng kasalanan niya and he think that was the best way to repent."
Ani 'to saka binaling ang tingin sa labas ng bintana nito.
"Repent?" Gulong-gulo pa rin ako sa sinabi nito.
"Yeah," Ani 'to. Napabuntong hininga naman ako at napangiwi na lamang.
"Hindi naging masaya ang buhay ni Valkyrie no'ng umalis ka Thalia, kahit si Kelly nakaranas ng karahasan sa kamay ni Val,"
Dugtong muli ni Kent. muli ko naman siyang tiningnan. ‘karahasan? Naging marahas si Val kay Kelly?
"What do you mean?" Puno nang pagtataka kong tanong.
"After you left, ilang buwan hindi nagpakita si Val kay Kelly kaya napilitan akong tawagan ang magulang ni Val dahil sa mga panahon na 'yon lulong at halos hindi ko na siya makausap ng maayos no'n. Kinuha siya ng kanyang mga magulang at pinauwi sa Spain, sumunod naman si Kelly dahil tinawagan siya ng magulang ni Val, ngunit nang sinubukan silang ipagsama halos araw-araw palagi silang nag-aaway at laging nagwawala si Val sa bahay nila sa Spain, hangang sa dumating na sa point na nasasaktan na niya si Kelly. As in naging physically abusive na si Val kay Kelly at sa panahon na 'yon malaki na ang tiyan ni Kelly,"
Mahabang salaysay ni Kent sa 'kin, halos manlaki ang mata ko sa gulat na pagbubunyag sa 'kin ni Kent. ‘he never did that to me.
"At dahil galit rin si Val sa magulang niya kaya 'yon din marahil ang paraan niya para inisin ang magulang niya, and it's really crazy right? Sa tingin niya kasi no'n tama ang ginagawa niya. Ang saktan si Kelly para mas mainis ang magulang niya.'f*ck! That was a very f*cking insanely idea he has got! Kaya ako na rin ang naghanap ng paraan para maalis siya sa gano'ng sitwasyon, and thank god! Nakinig din siya sa 'kin kahit kaunti nalang talaga mababaliw na siya."
Halos maiyak naman ako sa mga sinabi ni Kent sa 'kin. Hindi ko alam na mas malala pala ang naging karanasan ni Kelly at Val kesa sa 'kin. Val became addict and abusive, habang si Kelly na buntis ang naging tagasalo ng galit niya.
"B_bakit hindi 'to sinabi sa 'kin ni Val? Kent." Tanging tanong ko. Bumuntong hininga na muna ito bago sumagot saka tumingin sa labas ng bintana ng kotse nito.
"That's what he is Thali, dapat masanay kana sa kanyang pagiging malihim. He like keeping things on his own, marahil ayaw niyang makasakit nang damdamin o ayaw niya ng gulo. I don't know what was his reason, but one thing is for sure Thalia." Pagputol ng sasabihin nito saka ako muling tinignan.
"Hahayaan niya ang sarili niyang masaktan ng paulit-ulit basta't maproktektahan at maalagaan niya ang taong mahal niya, magalit ka man sa kanya, sasaluhin niya 'yon basta't huwag mo lang siyang iiwan."
Masinsinang turan sa 'kin ni Kent. Napayuko naman ako at napahaplos sa buhok ni Val.'bakit hindi mo kayang mag-open up sa 'kin baby? Alam mo naman kung gaano ako ka understanding sayo diba. Sana naman naging sapat na 'yon para pagkatiwalaan mo ako, na kaya kong panghawakan ang mga sasabihin mo. Sana hindi tayo dumating sa ganitong sitwasyon, sana hindi ka nahirapan nang gano'n nang dahil sa pag-iwan ko sa'yo.'
Bulong ko sa sarili habang hinahaplos ang buhok ni Val. nakatanaw lang din si Kent sa labas ng bintana ng kotse nito na tahimik.