Chapter 49: We meet again
Thalia's POV
Nalipat na rin ako muli rito sa Manila at tulad nang dati, kumuha na naman ako ng apartment ngunit hindi naman kalayuan sa shop ko kaya medyo naging komportable naman ako sa bagong set-up nang pamumuhay ko ngayon. Magdadalawang linggo na rin ako rito sa Manila. Ngunit kahit isa sa mga bestfriends ko hindi man lang ako naisipang dalawin kaya medyo nagtatampo na rin ako sa kanila.
Habang abala ako sa pag-guhit nang mga bagong designs for modern events. May biglang nagbukas nang pinto mula sa labas at pumasok kaya tinigil ko muna ang pag-guhit at nag-angat nang tingin sa costumer na pumasok. Kaagad naman nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko.
'Val?' Mahinang sambit ko.
He sly smiled at tinanggal ang sun glasses nito saka tinitigan ako. Halos nanlamig ako sa kinauupuan ko at parang nanunuyo ang lalamunan ko. 'sh*t! Bakit ganito pa rin ang effect niya sa 'kin? Para akong nanunuod nang horror movies dahil sa mga balahibo kong nagsisitayuan ngayon.
"Hi my Thali,"
He gently say. Napalunok naman ako ng at napatikhim. Gusto ko siyang bugawin pero baka isipin nito ang rude naman nang ugali ko. So i need to act professionally dahil tungkulin ko ang maging pleasant sa mga costumers ko.
"Ehmp! Anong kailangan mo sir?"
I seriously asked kahit tumitibok na parang tambol ang puso ko.
"Fvck!" Mura agad nito. Napamulatan ko naman agad siya ng mata at talagang napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Ano!?" Naiinis ko ng tanong sa kanya.
"Ah, sorry! I mean, gusto ko sanang kunin kayo as decorator sa isang birthday party."
Ani 'to habang kusang umupo sa visitors chair at ako naman itong nakatayo lang sa harap niya. While his gazed traveled on my body and skirt. Kaya madali akong umupo dahil alam ko na kung ano ang tumatakbo sa utak nito ngayon.
"O-okay, anong klaseng theme ng birthday party ang gusto mo sir?" Tanong ko rito habang binubuklat ang designer book sa mesa at pinakita sa kanya.
"Ehmp! Birthday party para sa isang 3 year old son, mayroon kayo?"
Napatigil naman ako at para akong sinaksak nang kutsilyo sa puso dahil sa narinig ko.' so confirm may anak nga talaga siya sa babaeng 'yon,' turan nang maliit na tinig sa utak ko.
"Sa anak niyo po sir?" Sinadya kong tanong. Para mas ma-confirm ang hinala ko.
"Yes," Maikling sagot nito.
Hindi ko alam pero biglang uminit ang ulo ko at pakiramdam ko umuusok ang ilong ko sa inis dahil sa narinig ko. Kaya ang nangyari napahampas ang mga kamay ko sa mesa at sinara ang designer book and heavily breath. Bakas naman ang pagkagulat sa kanyang mukha, kaya kunot-noo niya akong tiningnan.
"Makakaalis kana!" Walang ano't nasabi ko. Mas kumunot lalo ang noo nito sa narinig at kaagad na napatayo.
"Ano!? Bakit!?" Bakas ang kalituhan sa kanyang reaksyon.
"Hindi ka welcome rito! Kaya OUT!"
Nagngi-ngit kong sabi rito habang matatalim siyang tinitigan. Ngunit lumalaban rin ito ng pagtitig sa 'kin.
"Ano!--" Napapameywang pa ito at halata rin ang inis sa hitsura nito.
"So hindi mo tinatanggap ang offer ko na magset-up para sa birthday party nang anak ko? Ano pala ang purpose ng negosyo mong 'to? Kung hindi mo lang din naman pala tatanggapin nang maayos ang costumer mo." Ani 'to na napapamasahe pa sa kanyang sentido at napapapikit na pa na akala mo siya 'yong stress na stress.
"Anong pakialam mo? Basta ayoko!"
Naiinis kong giit rito.
Nang muling may nagbukas nang pinto dahilan para sabay kaming mapatingin ni Val sa pinto.
"Seren,"
Madaling sambit ko habang pumalapit sa kanya at yumakap. Niyakap rin ako nito at nginitian nang nabaling naman agad ang atensyon nito kay Val.
"Oh' hi Valkyrie! May kailangan ka?"
Kumalas ito sa pagkakayakap sa 'kin saka ako nito hinapit sa beywang at sabay kaming humakbang papunta sa mesa. Nagkibit-balikat naman agad si Valkyrie habang nakatitig lang sa amin.
"Yeah, may kailangan sana ako kaso ayaw tanggapin nang kaibigan mo ang alok ko."
Antipatiko nitong sumbong kay Seren. Kaya napatingin sa 'kin si Seren at halatang alam na nito ang dahilan kung bakit hindi ko ito tinanggap.
"Pagpasensyahan mo na siya Val, baka dinatnan lang kaya ganyan, pero sige papayag kami total dagdag income 'yan sa'min. At baka kapag nagustuhan mo mapili mo pa kaming personal decorator mo sa mga gagawin mong events sa kompanya niyo."
Nakangiting sabi ni Seren sa kanya. Gusto kong magprotesta pero hindi ko nagawa dahil ayokong magalit at mainis sa 'kin si Seren. Dahil sa totoo lang dapat naman talaga ilayo ko ang personal issues namin sa trabaho. Ngunit hindi ko magawa at talagang umiral ang galit ko para kay Val.
"So tatanggapin niyo na ang inaalok ko?"
Tanong muli ni Val kay Seren habang ang mata nito sa'kin nakatingin.
"Yes!" Maikling sagot ni Seren.
"Anong theme?" Seren asked.
"Kahit ano basta nababagay sa anak kong lalaki na si Zion," kaswal nitong sagot.
Tumango-tango naman si Seren habang ako napako ang tingin sa labas nang maliit na bintana, at talagang iniiwasan ko ang mapatitig kay Val.
"Pakisulat mo rito ang name ng anak mo, at ilang taon na siya tapos gusto mo ba kami na rin magprint nang invitation card? O gusto mo nang birthday bundle?"
Paliwanag ni Seren kay Val.
"Kahit ano! Basta, kayo na ang bahala."
Ani 'to na parang walang pakialam.
"Okay-okay! Ano pala gusto mong ilagay ko sa cake?" Tanong muli ni Seren habang sinusulat lahat nang detalye tungkol sa birthday nang anak ni Val, habang ako naman nakikinig lang sa kanila.
"Happy birthday Zion, from papa." Simpleng sagot nito.
"Okay, okay, wala ka na bang idadagdag?" Seren patiently asked Val. Tiningnan naman ako nito bago magsalita.
"Pipi ba 'yang kaibigan mo!?"
He sarcastically say. Matalim na titig ang pinukol ko sa kanya saka nagsalita.
"Sira!" Maikling sabi ko.
Napatawa naman siya na pagka-sarkastiko saka pa binaling ang tingin kay Seren.
"By the way, imbitado kayo ni Kent sa birthday nang anak ko, at 'yang kaibigan mo, sana dumalo kayo aasahan ko kayo ro'n," Wika nito kay Seren, ngumiti naman si Seren sa kanya saka ako tinapik sa balikat.
"Yap, pupunta kami at itong kaibigan ko."
Malumanay na sagot ni Seren.
"Magkano?" Tanong ni Val.
"Full payment ba agad gusto mo?"
"Yes,"
"30 thousand lahat," turan ni Seren.
"Okay,"
Mabilis itong naglabas nang cheque at nagsulat, saka inabot kay Seren. Tinanggap naman agad ito ni Seren at nilagay sa kaha namin saka nginitian si Val.
"Salamat." Seren said, habang nagkibit-balikat lang si Val, at bago umalis may pahuling sulyap pa itong ginawa sa 'kin bago lumabas nang shop.
Halos pabagsak akong napaupo sa swivel chair at napabuntong hininga sa halo-halong emosyon na naramdaman ko kanina. Nilingon naman agad ako ni Seren na nakataas ang isang kilay pa.
"Ano 'yong nangyari kanina?"
May pagka-antipatika nitong tanong sa 'kin.
"Ugh' hindi ko alam sissy! Bigla nalang uminit ang ulo ko ng banggitin niya ang tungkol sa kanyang anak-- anak nila ni Kelly!"
Paliwanag ko habang naka-pangalumbaba sa mesa. Napahalukipkip naman si Seren habang ang pwet nito nakasandal sa mesa.
"Masanay kana sissy, dahil nariyan na 'yan at hindi mo na mababago ang katotohanan."
Seryosong ani sa 'kin ni Seren habang napapaisip at napatahimik. Marahan nalang akong nginitian nito saka nito tinungo ang kanyang laptop at umupo sa visitors chair.
------------
Shoot out sa solid readers nang stories ko :) sobrang saya ko lang talaga at gusto ko lang naman din talaga ang magsulat, kaya sinusubukan kong maging magaling sa pagsusulat kahit wala akong masyadong kaalaman rito.