Chapter 43: Doubt
Thalia's POV
Dalawang araw na hindi umuwi si Valkyrie sa bahay. At sa loob ng dalawang araw na 'yon natanggal ako sa trabaho dahil sa skandalong ginawa nito, at dahil sa sobrang pag-iisip ko sa nawala kong trabaho. Hindi ako makakain nang maayos at dumagdag pa ang alalahanin ko sa hindi pag-uwi nito sa bahay, ni hindi man lang nga ito tumawag at nagtext kung nasaan.
Kaya sa loob ng dalawang araw, nagkasinat agad ako at wala man lang kasama. Dahil hindi ko mahagilap kung nasaan ang asawa ko.
Nagising ako ng may maramdaman akong tao na nakamasid sa 'kin, kaya pagmulat ko nakita ko agad ang bulto ni Val sa gilid ng kama namin dahilan para madali akong bumangon.
Miss na miss ko na ito, at talagang plano ko na ang humingi ng sorry sa kanya. Ngunit hindi pa ata ito handa na pakinggan ang paliwanag ko kaya minabuti ko nalang na magpahinga at mapangalagaan niya. I really missed his tender loving care on me.
Ilang araw pa ang lumipas at gumaling na ako mula sa sinat na nagpalubog sa 'kin nang ilang araw. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mga kinikilos ni Valkyrie. I know there's something wrong about him, para itong palaging balisa at mas naging tahimik siya ngayon. Although kinakausap naman niya ako pero hindi na nito pinipilit sa 'kin ang baby thing conversation which is nakakapanibago lalo.
"My wife, alis na muna ako."
Paalam nito sa 'kin habang tiningnan ang kanyang phone.
"Saan ka pupunta?" Kaswal kong tanong.
"May kikitain lang," Sagot nito.
"Sino?" Kyuryos kong tanong.
"It's a job babe, don't worry." Sabay kindat nito sa 'kin.
"Oh _okay."
Maikli kong sagot, nilapitan naman ako nito at dinampian nang halik sa labi saka mabilis na umalis.
Madali naman akong tumayo at sumilip sa bintana. ‘is he keeping something on me?' Tanong ko sa sarili. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Stella.
"Hello Stella," Ani 'ko.
"Oi, hi sissy, ba't napatawag ka?"
"May itatanong sana ako sa'yo." Sabi ko.
"Ano?"
"Paano mo malalaman kung may tinatago sa'yo ang nobyo mo o jowa mo?" I bluntly asked. Ilang minuto itong natahimik bago makapagsalita.
"Kapag biglang nagbago ang pakikitungo niya sa'yo,"
"Paano kung walang nagbago?" I asked.
"Kung ano sa instinct mo may iba siya, kabahan kana dahil sa 100% niyan 90% ang totoo."
Para akong nabuhusan nang malamig na tubig sa kinatatayuan ko. 'is he really cheating on me? Dahil 'yon talaga ang unang pumasok sa utak ko.
"Hey Thali, nandiyan kapa ba?"
"Ah_ oo nandito pa,'san ka?" Unti-unti nang nanunubig ang aking mga mata sa pagkakataong ito.
"Nasa bahay, want some shoulder to cry on?" She offered.
Pinunasan ko naman agad ang luha na pumapatak na ngayon sa pisngi ko at inayos ang tono ng boses ko.
"No, im fine Stella, sige thank you."
Hindi ko na ito inantay na makasagot at pinatay ko na ang tawag. At kahit anong pilit ko na magpakatatag at hindi mapaiyak, hindi ko pa rin nagawa at talagang nanlambot ako.
Hindi ko lubusang naisip na makakaya akong lokohin ni Valkyrie. ‘bigla niya akong pinakasalan tapos ganito niya rin ako biglang lolokohin? Nasaan na 'yong sinasabi niyang pagmamahal? Tuluyan na nga akong bumigay at napahagulgol sa sala.
Ilang minuto rin ako humagulgol nang iyak nang makita ko ang laptop ni Val sa mesa. Ayoko sanang galawin ito but because out of my curiosity binuksan ko ito at nagulat ako sa mga nakita kong files sa loob ng laptop nito.
'He's working on Seren's fiancee? Cyber security? So IT expert pala siya!? Halos napaawang ang labi ko sa gulat. Hindi ko pa nga talaga lubusang kilala ang asawa ko. At may mga hidden files din ito na hindi ko mabuksan dahil may password. At mas nagpagulat sa 'kin ang naka record sa bank account niya. ‘how can he earn this lot of money in just a day?
Ang tanga ko pala talaga! Wala akong kaalam-alam na mas marami palang tinatagong sekreto sa akin si Valkyrie tapos ako heto? Halos kamuhian niya no'ng nilihim ko ang pagpa-family planning ko! Eh' mas dapat naman pala siya ang magpaliwanag sa 'kin.
Mas napahagulgol ako ng iyak sa mga bagong nalaman ko tungkol sa pagkatao ng asawa ko. Gusto ko siyang komprontahin pero mas minabuti kong tawagan nalang muna si Seren at kumpirmahin kung talaga bang nagtatrabaho si Val sa fiancee nitong si Kent.
"Hello Seren," Bati ko rito.
"Oh' hello Thali, napatawag ka? Is there something wrong?"
"Ah _itatanong ko sana kung nagtatrabaho ba talaga si Valkyrie sa fiancee mo?" Nagdadalawang isip ko pang tanong.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nakasagot si Seren.
"Yes Thali, gusto mo bang kausapin si Kent?" Bakas ang guilt at pag-aalala sa tono niya sa kabilang linya.
"Hindi na sissy, alam ko may dahilan si Val kung bakit hindi niya ito sinabi sa 'kin." Nanghihinang ani ko.
"Sige Thali, kung ano man tumawag ka lang sa 'kin, okay?"
"Salamat Seren," Pasalamat ko sa kanya.
Nagpaalam naman na ito at sabay naming binaba ang tawag.
Hindi pwedeng mag jump into conclusion ako, kailangan ko nang sapat na ebidensya para mapatunayan ang hinala ko. Kaya inayos ko ang sarili ko at ginawa ang trabaho ko bilang isang asawa, total wala naman rin akong trabaho dahil sa palaging panggugulo ni Val.
Dumating na si Val at amoy alak na naman ito. Kaya kaagad akong napasimangot rito.
"Are you drunk?" I asked.
"Slight my wife," Sagot nito saka hinalikan ako sa leeg.
"Umiinom kana habang walang kain? Gusto mo ata'ng pumanaw nang maaga baby." Pabiro ang tono ko, pero seryoso ako sa mga sinasabi ko.
"Oh! C'mon my wife, kaunti lang 'yon at saka bakit ikaw ang nagluto? Sana inantay mo ako, baka mabinat ka niyan."
Ani 'to habang panay pa rin halik sa leeg ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin sa mga sinabi nito o mas mainis.
"Baby! Listen, im serious! Please, kapag gusto mong humaba pa ang buhay mo, iwasan mo ang palaging pag-inom nang alak nang wala pang kain."
Nag-aalala kong paalala rito, kahit naghihinala na ako sa kanya hindi pa rin talaga mawala sa 'kin ang mag-alala rito lalo na pagdating sa kalusugan nito.
"Im fine babe, stopped worrying about me okay? I just want you to stay at home with me."
Anito sabay buhat sa 'kin, kaya napatawa nalang rin ako ng marahan at kahit ayaw kong kiligin hindi ko maiwasan dahil ito ang nadarama ko ngayon.
"I love you my wife," Biglang sambit nito. Napakagat-labi nalang din ako at nginitian ito.
"I _ i love you too my hubbie," Sinserong sagot ko rito.
Unti-unti niya akong binaba at hinalikan nang marahan sa labi. I can smell liquor on his breath at kahit gano'n, ang sarap-sarap pa rin nang makasalanang labi at dila nito.
"Make love with me my wife,"
Bulong nito sa 'kin, habang napapakagat sa labi ko. ‘gusto kong magprotesta pero, sh*t! Hindi ko kaya, missed ko na rin ang mga labi at haplos nito. Kaya pinagpatuloy namin ang kahalayan na ito sa kwarto namin.
We made love passionately.
------------
Paano ko ito gagawin? Hahaha